Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 10

"Angel's Grace, (Part 1)

Abala sina Cristine at Sanjo sakanilang pagsasanay nang biglang dumating sina  Sister Stella at Ricky,  dala dala ang isang libro.

"Hindi ko inaasahan na magagamit kung muli ang librong ito." Sabi ni Sister Stella habang nakatitig sa libro. Tahimik lang sina Cristine at Zanjo na lumapit sa Madre.  Unang nagsalita si Ricky at nagtanong ito tungkol sa anak ni Lilith.

"Nagka anak ba talaga si Lilith sister Stella? Base sa Research ko about these things, they described Lilith as the succubus."

"Hindi ko alam pero, sa pagkaalala ko. Ayun sa librong nabasa namin ni Sister Maricar, si Lilith daw ang unang babae sa garden na ginawa ng panginoon. Ayun pa sa librong nabasa ko, umalis sa paraiso si Lilith dahil Hindi sila magkasundo ni Adan. Nang umalis si Lilith sa paraiso, sinubukan syang pigilan ng tatlong archangel, ngunit naging matigas si Lilith. Hindi ko na maalala kung anong ginawa ni Lilith, pero nangako sya sa tatlong archangel na kapag may sanggol na lalaki ang ipapangalan sa tatlong archangel, ay hindi nya ito gagambalain. " Salaysay ni Sister Stella.

"May narinig na din akong kwento tungkol Dyan Sister, ikinuwento ni Sister Maricar ang tungkol dyan. Sa pagkaalala ko, noong tinanggalan ng pakpak si Lucifer at binagsak sa lupa, nagkita ang dalawa at ayun." Dagdag na Sabi ni Cristine.

"Hindi pa din natin nahahanap ang mga magulang mo Cristine, sila lang ang nakakaalam sa tatlong Sandata na iniwan ng tatlong archangel dito sa lupa." Sabi ni Sister Stella.

"Sandali may naisulat si Papa sa journal nya tungkol sa tatlong banal na Sandata. Sandali Kukunin ko lang!" Sabi ni Cristine, ngunit dumating na si Rizah at Dala ang journal na sinasabi ni Cristine.

"Dala ko na ate." Sabay abot Kay Cristine. Mabilis na hinanap ni Cristine ang pahina kung saan nakasulat ang tungkol sa tatlong banal na Sandata. At ipinakita nya ito Kay sister Stella.

"Ito nga, ang Espada na bigay ni Archangel Michael, na nagsisimbolo sa Apoy. Pangalawa, Ang pamaypay na bigay ni Archangel Gabriel, na nagsisimbolo sa elemento ng hangin at Ang panghuli ang banal na panulat kung saan, nagsisimbolo sa elemento ng lupa. Mula Kay archangel David."  Sabi ni Sister Stella habang binabasa ang nakasulat sa journal.

"Bakit may pamaypay at panulat? Ang astig na nang espada sister. Bat may ganun?" Sambit ni Zanjo.

"Hindi ako si Lord Ijo, Hindi ko alam bakit? Tanging Ang tatlong archangel lang ang nakakaalam. Pero seryuso na. Kelangan nating muling mahanap ang tatlong sandatang iyon. Bago pa Tayo maunahan ng mga nilalang ng kadiliman. " Sabi ni Sister Stella.

Napatitig si Zanjo sa mga numbero na nakasulat sa paligid ng pahina journal.

"May mga numbers..." Sabi ni Zanjo sabay turo sa mga nakasulat na Numero.

"Maaring coordinates yan Kuya Zee." Sabi ni Rizah.

"Coordinates nang ano?" Naguguluhang Sabi ni Cristine. 

"Coordinates kung saan nakatago ang mga Sandata." Sabi ni Ricky. 

"Tama, naalala ko magaling ang inyong Ina sa mga ganyang bagay. " Sabi ni Sister Stella.
Si Cristine naman ay kumuha na nang ballpen at papel upang isulat ang mga Numero.

"Uno dos siete? So 1,2 and 7.. " Sabi ni Cristine.

"So ? " Sambit ni Zanjo.

"So meaning, 127 kilometer start sa Angels Cemetery. Nakita ninyo itong drawing na anghel. Panget nga lang pagka drawing. Sorry pa! Pero, alam ko ang sementeryong ito." Sabi ni Cristine.

"Kung ganun oras na para maghanap." Sabi ni Zanjo.

"Sasama ako ate" Sabi ni Rizah.

"Riz? Baka mapano kapa!" Sabi ni Cristine.

"Ate, Hindi na ako bata. Isa pa Bellator nako since 5 years old. Besides 23 nako. Kaya ko nang makipaglaban ano?" Sabi ni Rizah.

"Pero?" Mahinang sagot ni Cristine.

"Tama sya Cristine. Kelangan ninyo ang kakayahan ni Rizah. Makakatulog din si Ricky sainyo." Sabi ni Sister Stella.

"Po? Bat ako kadali?" Gulat na Sabi ni Ricky.

"Ricky, sasama ka. Kelangan ni Cristine nang gabay mo. Hindi kakayanin ni Zanjo kapag sila lang ni Rizah." Sabi ni Sister Stella.

"Sige I'm in!" Sambit ni Ricky.  At kinindatan sya ni Sister Stella.

Kinabukasan umalis silang apat at nagtungo sa nasabing lugar.
Habang nasa daan sila nag uusap sina Cristine at Rizah tungkol sa kanilang mga magulang.

"Kamusta na kaya sila? Sana ay maayus lang sila.." sabi ni Cristine habang nakasandal ang Ulo nito sa balikat ni Rizah.

"Sana lang nasa maayus sila, o hindi sila sinasaktan ng mga killer. " Sabi ni Rizah.

"Ate, tanong ko lang? Wag ka sanang magagalit?" Dagdag na Sabi ni Rizah sakanya.

"Sure ano ba yun?" Sagot nya.

"Ate what if may kapangyarihan kang galing sa masama, will you use it on good or bad? " Tanong nya.

Sasagot na sana si Cristine nang biglang sumagot si Zanjo sakanilang usapan.

"Sguro gagamitin ko sa mabuti and sometimes sa masama pero pagkailangan na."  Natatawang Sabi ni Zanjo.

"Happy? Happy?" Sabi ni Cristine at nakataas ang kilay.

"Ang sunget nang ate mo." Wika ni Zanjo. Habang si Ricky ay nakapikit lang Ang mga mata dahil nakakaramdam sya nang pagkahilo.

"Rick tulong naman..." Sabi ni Zanjo.

"Bahala kayo Dyan.." wika ni Ricky.

Ilang oras pa ay narating na nila ang sementeryo na sinasabi Nila.

" Dito ba Tayo magsisimulang mag hanap hanggang sa umabot ng finish line?" Tanong ni Ricky.

"Saan at papano tayu magsisimula? Magtatanong Tayo sa mga patay?" Sabi ni Zanjo.

"Alam mo Jo, antalino mo magtatanong Tayo.!" Sabi ni Cristine.

"Seryuso magtatanong Tayo sa mga patay?" Gulat na Sabi ni  Ricky.

"Hindi ano ba kayo, may matandang naglilinis , so doon Tayo mag tatanong.." sabi ni Cristine T mabilis itong nag tungo sa matandang naglilinis ng isang puntod.

"Magandang araw ho?" Bati ni Cristine. Lumingon lang ang matanda sakanya at nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa.

"Manong excuse me?" Tawag nya sa matanda, ngunit hindi ito lumingon sakanila.

"Manong naman! Binge ka ba?" Sabi ni Cristine, lumingon ang matanda at saka nag salita.

"Hindi ka dapat nag tungo dito.. may paparating na Trahedya. Mag-iingat kayo." Sabi ng matanda at si Rizah naman ay biglang nahilo at mabuti nalang ay masalo ito ni Ricky.  Agad lumapit sina Cristine.

"Ayus ka lang ba rizah?" Tanong ni Cristine.

"Tama si Manong paparating na sya!" Sabi ni Cristine..

Abangan ang part 2...
To be  continue...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro