Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPISODE 08

"Light Baptism and Witches"

Nagkagulo ang mga studyante sa isang paaralan nang makita nila ang isang studyante na nakatayo sa mataas na bahagi ng paaralan. At tila wala ito sakanyang sarili.

Habang tinitingnan sya nang kanyang kapwa kamag-aral sa ibaba. May isang babaeng studyante ang nakatingin sakanya ng deretchu at di kumukurap ang mga mata. Ilang sandali pa ay dumating ang kanilang punong guro upang pakiusapan ang studyante na bumaba.

"Anak bumaba ka dyan utang na loob, wag mong sayangin ang buhay mo." Sabi ng punong guro na tinawag ng mga studyante na si Mrs. Dante. Nang Makita nang studyante ang punong guro mula sa ibaba. Nagsalita ito bago ito tumalon..

"Ayukong magpasakop sainyo!" At nang bumagsak sa semento ang studyante kumalat ang pulang likido sa semento na nagmumula sa studyante.

Samantala, sawakas ay narating na namin ang Bahay ni Sister Stella. Doon ipinaliwanag ni Ricky at Sister Stella ang lahat tungkol saaking mga magulang at sa mga Bellator.

"Bukas na bukas pagsikat ng araw gagawin na natin ang banal na binyag sayo Cristine." Sabi ni Sister Stella habang hawak ang kanyang tasa na may mainit na kape.

"Sister Stella, tungkol sa sinasabi ni Ricky na si Lilith? Anong klase syang nilalang at bakit nya kinuha ang aking ama at Ina?" Tanong ko Kay Sister Stella.

Bumuntong hininga si Sister Stella bago nag salita.

"Sa ngayon hindi mo pa maiintindihan, pero alam kung mananatili ka sa liwanag at magiging kakampi ka nang liwanag." Sabi ng Madre at saka ito tumayo inakay naman sya nang pamangkin nito paakyat ng hagdanan.

"Aakyat na din ako Tin, matulog kana alam kung napagod kayo sainyung byahe." Sabi ni Ricky at sumunod na din ito.

Lumapit si Zanjo saakin at tinitigan ako sa aking mata.

"Cristine, kilala ko ang mga magulang mo. Alam nilang mahahanap mo sila. Sa ngayon tama sila sister at Ricky. Magpahinga kana. Ako na ang bahala na magbantay dito okay?" Ngiting Sabi ni Zanjo at lumabas ang dalawang biloy sakanyang magkabilang mukha.

Tumango lang ako at umakyat na saaking kwarto na ibinigay ni Sister Stella.

Balik sa skwelahan kung saan nangyari ang kagimbal gimbal na pagpapakamatay ng isang studyante.

"Good morning Rizah, kamusta?" Bati ng isang studyante na nakatayo sa harapan ng gate.

Ngumiti si Rizah nang Makita kung sino ang bumati sakanya.

"Sandy, nagbalik ka? Akala ko ba tutuloy na kayo sa Hawaii ng mga parents mo?" Tanong nya sakaibigan.

"Unfortunately, Hindi na natuloy kaya dito nako sa pinas magpapatuloy ng pag-aaral ko." Sagot ni Sandy nang madaanan nila ang skwelahan.

"Sandali, diba ito yung nasa news kagabi?" Sabi ni Sandy.

"Huh? Bakit anong nangyari sa School nato?" Tanong nya.

"Kahapon kasi may tumalon sa building na yan, isang studyante na nasa Grade 8 ata? Sabi nila stress yung bata. Kasi nga binubully nang mga kaklase, Kasi yung principal dyan. Hindi pinakilala as anak yung studyante." Paliwanag ni Sandy.

"Talaga ba?" Sabi ni Rizah habang nakatingin sa gate nang paaralan kung saan nakita nya ang kaluluwa nang Batang namatay. Kagimbal-gimbal ang itsura nito. Naliligo ang bata sa kanyang sariling dugo.

"Rizah? Ayus ka lang ba? Hoi!!" Alog ni Sandy sa kaibigan. Nagbalik naman sa fucos ni Rizah.

"Ay oo I'm okay, Tara na baka mahuli pa Tayo!" Sabi ni Rizah at nagmamadali itong naglakad papunta sa katabing building kung saan siya nag aaral at pumapasok.

Kinaumagahan...

Nakaharap si Sister Stella kay Cristine at may hawak itong Crucifix at holy water.

"Handa kana ba?" Tanong ni Sister Stella sakanya.

"Oo Sister." Sagot nya.

"Binabasbasan at binibinyagan Kita, ngalan nang ating panginoon." Wika ni Sister Stella at ipinasuot kay Cristine ang Crucifix.

Sumunod naman nyang ibinuhos sa Ulo ni Cristine ang holy water at dinasalan nya ito.
Pagkatapos nyang dasalan si Cristine. Nag sign of the cross ito sa hangin.

"Tumayo ka Cristine, Ikaw ay nabinyagan na nang liwanag. Ikaw ay ganap nang Bellator." Ngiting Sabi ni Sister Stella.

"Salamat Sister Stella, alam kung magiging masaya si Sister Maricar saakin. Kapag nakita nya akong Isa na akong ganap na Bellator." Napaluhang Sabi ni Cristine.

"Sigurado ako." Sambit ni Sister Stella at niyakap nya si Cristine.

Ngunit humahangos na nag tungo si Ricky sakanila Dala Dala ang dyaryo.

"Bakit Ricky?" Tanong nya.

"Mukhang kelangan nila nang tulong ng isang Bellator sa paaralan nato." Sabi ni Ricky at ipinakita nya sakanila ang nakasulat sa Headline.

Samantala balik kay Rizah.
Nagtungo si Rizah sa girls room upang makapag ayos.  Nang biglang nagpatay sindi ang ilaw.

"Hindi mo ako matatakot kung sino kamang espirito ka." Sabi nya. Nang magbalik ang ilaw nakita nya ang isang babaeng napakadumi at kitang Kita nya ito sa salamin sabay wika nang.

"Tulong, tulungan Moko!" Sabi ng babaeng multo at agad itong naglaho. At may bumagsak sa sahig ng Cr. Isa itong...

"Hair Clip?"

Dahan dahan nya itong pinulot at nang mahawakan nya ito. May nakita syang mga pangitain.

"Sir! Tama na po." Sabi ng studyanteng babae na kamukha nang babaeng multong nakita nya kanina.

Isa namang matandang lalaki ang pilit gumawa nang kahalayan sa dalaga. Hanggang sa Tadyakan ng babae ang sikmura nang matandang guro. At dahil dito nagdilim ang paningin ng matanda at iniuntog nang matanda ang nya sa Lababo. Dito kitang kita ni Rizah ang pulang likido na umagos sa Ulo nito pababa sa mukha nang babae.

"Waaaggggg!" Sigaw ni Rizah nang tingnan sya nang matandang guro. At dahil dito nagising si Rizah na nakatulog sya sa loob ng cubicle. Ngunit laking gulat nyang hawak nya sakanyang kaliwang kamay ang hairclip.

"Hindi! Hindi Ito maari. I can't uses this ability. This is evil." Sabi ni Rizah at agad syang tumayo at nagmamadali itong lumabas nang banyo.

Abangan ang karugtong....
Tobe continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro