EPISODE 04
"PAG LAYA SA SUMPA AT PAMAMAALAM"
ANG NAKARAAN...
Tinulungan namin ni Sister Maricar ang isang bayan na nasa isang sumpa at iyon ay sumpa sa pagiging aswang. Sa una ay hindi sumang-ayon si Sister Maricar, sa kadahilanan na upang mas mapabilis naming mapuntahan si Sister Stella na isa ding Bellator. At habang nasa kalagitnaan kami ng pag-gawa ng ritual, bigla nalang nakaramdam ng panganib si Sister Maricar.
"Ihanda mo ang sarili mo Cristine!"
Sa pag papatuloy...
Mabilis na nag tungo si Nanay Gloria saakin at nagbigay ng isang babala.
"Kelangan ninyong mag tago o gumawa ng paraan upang Hindi kayo Makita ng supremo. Lalo na sa mga kabaryo naming tao na. Hindi na sila ligtas dito." Sabi nya habang hinahabol ang kanyang hininga.
"Nanay Gloria, naamoy ko sila. Wag kayong mag aalala, poprotektahan ko kayo." Sambit ni Sister Maricar at agad niyang hinubad ang kanyang suot na rosaryo.
Lumapit naman saamin ang iilan sa mga kabaryo ni Nanay Gloria na Hindi pa naging tao.
"Sisters, wag kayong mag aalala. Lalaban kami" Sabi ng Isa sa mga kabaryo ni Nanay Gloria.
"Kung ganun, oras na para Harapin ang mga hayup na pumaslang saaking magulang." Ngiting Sabi ni Sister Maricar.
"Sister? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya.
"Isang angkan ng mga aswang ang pumatay saaking mga magulang na Bellator at ito ang angkan na sumumpa sa bayan ni Nanay Gloria. Oras na para magharap kami ng kanilang supremo." Sabi ni Sister Maricar.
"Sister anong laban mo sakanila Wala kang sandata. Heto gamitin mo!" Sabi ko sakanya at iniabot ko ang mahiwagang punyal na pagmamay-ari ng aking ama't Ina. Ngunit hindi ito tinanggap ni Sister Maricar bagkus ay pinutol nya ang kanyang rosaryo at Isa-isa nyang ipinalibot sa kanyang kinatatayuan.
"Cristine, tandaan mo palagi mong gamitin ang hangin upang bigyan ka ng matalas na pang-amoy at pakiramdam. Katulad ng mga hayup." Sambit ni Sister Maricar at gumuhit sya sa hangin ng kakaibang simbolo.
Ilang sandali pa ay dumating na ang sinasabi nilang supremo.
At hawak nila si Nanay Gloria at nasa anyo ito nang isang aswang.
Agad namang nag bago ng anyo ang iilan sa kabaryo ni Nanay na Hindi pa sumailalim sa ritual.
"Lola Gloria!" Sigaw ng apo ni Nanay Gloria habang hawak ng isang babae na kakalaya lamang sa sumpa ng pagiging aswang.
"Totoo ngang tao ang bata." Sabi ko saaking sarili.
Tinitigan ng supremo si Sister Maricar at saka nag salita.
"Kilala ko ang iyong amoy babae." Sambit ng supremo.
"Hulaan mo?" Matapang na sambit ni Sister Maricar.
"Maricar Nuevas? Anak ni Mario Nuevas at Karla Nuevas Isa sa mga Bellator na pinatay namin. Kay tagal na. Hindi ko alam na magiging Bellator ka. Hindi na sana Kita binuhay pa.." Ngiting Sabi ng supremo.
Ngumiti ulit si Sister Maricar at saka nag salita.
"Magaling, pero ikamamatay mo ang ginawa mong panghuhula.! At isang malaking pagkakamali ang iyong ginawang pagbuhay pa saakin." Sabi ni Sister Maricar itinaas nya ang kanyang kamay at sakanyang likuran lumabas ang isang pakpak na ubod ng puti at nababalutan ito ng liwanag.
"Bitawan mo si Nanay Gloria, ako ang Harapin mo!" Sigaw ni Sister Maricar.
"Edi yun Pala gusto mo edi bibitawan na!" Sabi ng supremo at binitiwan si Nanay Gloria.
Inutusan naman ng supremo na sumugod ang kanyang mga tauhang aswang laban sa mga kabaryo ni Nanay Gloria.
"Cristine wag Kang manood Dyan. Hindi to sine! Protektahan mo ang mga tao." Utos ni Sister Maricar na biglang nagbago ang kanyang boses.
"Opo.." sambit ko at gumawa ako ng spiritual na harang sa mga tao.
"Lumapit kayo saakin." Utos ka sakanila na agad naman silang lumapit.
Wala akong inaksayang oras at inusal na ang mahiwagang salita sabay kumpas ng aking kamay. Isa din ito sa mga itinuro ni Sister Maricar saakin noong nasa kumbento pa ako.
Liwanag aking inuutusang, bigyang kalasag kaming lahat.
Isang aswang ang tangkang umatake saamin ngunit tumalbog lang ito palayo saamin.
Naging mabilis ang mga pangyayari.
Hindi maabutan ng aking paningin sina Sister Maricar at Ang supremo.
"Bakit hindi ko sila Makita?" Sambit ko saaking sarili.
Lumapit saakin ang apo ni Nanay Gloria at nag salita.
"Ate, nakikita ko sila. Malubha ang kalagayan ng kasama mo." Sabi ng bata. At ilang sandali pa ay biglang bumagsak si Sister Maricar saaking harapan na dahilan upang mapasigaw kami sa gulat.
Kahit nanghihina, masama ang pagkakatitig ni Sister Maricar saakin. Ikinumpas nya ang kanyang kamay, Mula sa lupa, lumabas ang napakaraming beads at animoy isang bala ng baril na tumama sa supremo maging sa iilan sa mga alagad ng supremo.
"Cristine! Ikaw na ang bahala at magsabi kay Sister Stella." Sabi ni Sister Maricar. At sabay silang natumba ng supremo.
"Sister Maricar!" Sigaw ko. Samantala ang supremo ay naging abo pagkatapos tamaan ng mga mahiwagang beads ni sister Maricar.
"Sister anong nangyayari? Please wag kang oa!" Umiiyak na Sabi ko sakanya.
"Cristine, Hindi na ako magtatagal. Mag-iingat ka sa iyong paghahanap sa mga magulang mo. Humingi ka ng tulong kay Ricky." Sabi nya habang naghihingalo.
"Sister, wag Kang magsasalita ng ganyang. Sabay tayong mag tutungo Kay sister Stella." Sabi ko habang unti-unting tumutulo ang aking mga luha.
"Loka Loka ka, Hindi ko na kaya. Marami akong sugat, Isa pa nakita ko na handa kana. Pero Masaya ako dahil napaghiganti ko ang aking mga parents." Sabi nya ilang sandali pa ay ipinikit na nya ang kanyang mga mata.
"Hindi! Hindiiiii! Sister Maricar please wag mo naman akong bibiruin ng ganyan." Sabi ko habang inaalog-alog ko sya. Nilapitan ako ni Nanay Gloria at pinulsuhan si Sister Maricar.
"Wala na syang pulso Ija. Ikinalulungkot ko Ang nangyari saiyong kaibigan." Sabi ni nanay Gloria.
"Ate thank you, dahil tao na ulit kami dito." Sabi ng bata at apo ni Nanay Gloria.
"Hindi sayang ang kanyang pagbubuwis ng buhay. Dahil namatay na si Supremo. Ay magiging Malaya na kami. Ligtas na Ang bayan namin. " Sabi ng babae.
Lumuhod silang lahat saakin at saka nag wika.
"Isang arkanghel ang gabay diwa ng iyong kaibigan. Nanarapat na biguan respeto natin sya."
Hinawakan ako sa balikat ni Nanay Gloria sabay wika ng..
"Malaya na kami. Maraming salamat sainyo mga Bellator." Sabi ni Nanay Gloria at sabay luhod.
Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Parang nawalan ako ng isang kaibigan at kakampi.
Naalala ko pa noong nasa kumbento pa ako. Si sister Maricar lang ang nagbibigay saakin ng mahabang oras upang maka ligtas sa mga parusa. Palagi nya akong ipinagtatangol. .
"Sister Maricar, mag iingat ka saiyong paglalakbay." Huling Sabi ko sakanya.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro