Tulala
#100words
"Andyan na siya," ani Rosie sa kanya. Ang tinutukoy nito ay ang ultimate crush niyang si Kiefer na papalapit sa pwesto nila sa canteen .
"Pwedeng maki-upo?" ani Kiefer.
Nang tumango siya at umupo ito sa tabi niya, nag-umpisa na naman siyang matulala.
"Si Kharel taga-Pampanga," pukaw ni Rosie sa kanya maya-maya, pinanlakihan pa siya ng mata.
"I must say, magaganda talaga mga taga-Pampanga," sabi ni Kiefer, nakangiti.
Pagkakataon na sana niyang magpa-cute nang kaunti gaya ng mga tinuro ni Rosie. Kaso, napatampal sa noo nito si Rosie nang ang lumabas sa tulalang bibig niya ay, "Mabaho akong umutot. "
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro