Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SULAT

#100words

"Wala pa po manong," sagot ko kay Mg Pilo, isa sa mga bilanggo sa kulungan na binabantayan ko. Katatanong lang niya kung may sulat na dumating para sa kanya.

Sixty-three na si Mg Pilo at dalawang dekada na rin sa loob. At mula nang makulong ito, ni minsan wala pa akong nakitang dumalaw na kamag-anak niya.

"Sige, boss. Baka bukas meron na," aniya bago siya bumalik sa kanyang kama, nagbasa ng bibliya at nagdasal.

Bumigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na namatay sa sunog ang buong pamilya niya labing-walong taon na ang nakararaan. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro