Silang Mga Hindi Karapat-dapat
Disclaimer: May sensitibong mga salita at tema.
"Kape nga, Minds," humihikab na sabi ni Alora bago patamad na hinila ang isang upuan na nakapwesto sa hapag. Madali siyang naglabas ng yosi mula sa handbag niya at mabilis iyong sinindihan. Pikit siyang tumingala at nagbuga ng usok pagkatapos.
"Ito oh, Madam," sarkastikong pukaw sa kanya ni Minda. "Singkwenta."
"Anong singkwenta?" lukot ang mukhang tanong niya sa kaibigan.
"Bayad sa kape."
"Sampung piso na lang ang bayad ng 3-in-1 ngayon!" reklamo niya.
Namaywang ang kaibigan. "Ah gusto mo talaga ng accounting, ha. Sige. Sampung piso, bayad ng 3-in-1. Mineral water, ten pesos. Renta ng mug, 5 pesos. At gas na ginamit ko sa pagpapakulo ng tubig. Tandaan mo wala ka pang ambag ngayong buwan sa gasul, ako ang nagbayad. Limang minuto rin 'yon saktong 10 pesos 'yon."
Sandali siyang napaisip. "Eh, bakit kulang ng kinse 'yang expenses mo?"
Ngumisi si Minda. "Tax."
"Anong tax? Budburan ko ng tamtax yang mukha mong oportunista ka, eh." Kunsomido siyang napahigop mula sa mahal na baso ng kape.
"Natural may tax! Nasa Pilipinas kaya tayo. Lahat kaya ngayon may tax na. Hinihintay ko ngang patawan na rin ng tax ang mga pukelya natin nang makadelihensya naman tayo ng malaki-laki gabi-gabi."
Nahirinan siya sa sinabi nito. "Ang bastos ng bibig mo!"
"Sus! Dalagang Pilina? Eh bakit totoo naman ah. Lahat na nagmahal, itong mga pukelya na lang natin ang hindi."
Natawa siya sa sinabi ng kaibigan.
"Jusko, ang ingay niyo!" si Claire na nasa bungad pa lang ng pinto ng kasera nila. "Dinig hanggang sunod na kanto 'yang mga bunganga niyo," reklamo pa nito bago walang sabi-sabing inagaw ang kapeng pinagtatalunan nila ni Minda ang bayad.
"Oh ayan ha, siya na singilin mo ng singkwenta," aniya.
"Anong singkwenta?" takang tanong naman ni Claire.
"Bayad ng kape."
Walang imik na naglabas ng isandaang-piso ang bagong dating at inilapag iyon sa mesa. "Oh ayan, keep the change."
Nangingiting sinunggaban ni Minda ang salapi. "Clara, galante natin ngayon ah!"
"Eh kasi tinake-home ng 'Kano kagabi. 'Wag ka blue-eyes ang min at ang bango-bango," aniya.
Humagikgik si Claire, may halong kilig.
"Nagpahalik ka sa lips?" si Minda.
"Naman! At saka feeling ko virgin pa rin ako kagabi. Napakagentleman niya."
"Sinisid ka?" si Minda ulit.
"True! Bumukaka ako to the max!"
Naghiyawan silang tatlo bago nag-apir. Bibihira lang ang mga pagkakataong ganito. Malimit na costumer kasi nila, kung hindi DOM, mga cheapanggang lalaki na wala namang galing sa romansa.
Ilang sandali pa. Inilabas ni Minda ang isang garapon. Iyon ang garapon ni Didith, ang anak ng isa pa nilang kasamahan sa trabaho, si Malou. May sakit kasi sa atay ang bata. At napagkasunduan nilang tatlo na tulungan ang kaibigan sa pag-iipon upang ma-operahan si Didith.
Nag-ambag sila ni Minda ng tig-dalawang daan. Habang si Claire naman, isang libo.
Sandali silang natahimik. Batid niya, gaya niya, lihim ding nagdarasal ang mga kaibigan niya para kay Didith. Kung makakarating sa langit ang mga dasal nila, hindi siya sigurado. Pero kahit na. Magpagpatawad naman daw ang Diyos eh, kaya nagbabakasali pa rin silang maring Niya ang mga panalangin nila para kay Didith.
Ilang sandali pa, dumating na rin Malou. Sa bungad pa lang, nahalata na nila ang mugtong mga mata nito. Nang lapitan nila ito ay wala sa sarili nitong ibinulong ang, "Wala na si Didith. Wala na ang anak ko."
Nanlumo si Alora. Ngayon tiyak na niya, hindi sila karapat-dapat na magdasal pa. Dahil bingi na ang Diyos sa mga panalangin nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro