Selebrasyon
#100words
"Mama, ispageti po sa 'kin, prays at ays krim," anang anak ni Melissa na si Kristel.
"Ako rin po Mama, gano'n din," anang bunso niyang si Eunice.
Ngumiti siya bago inutusan ang mga anak na humanap na ng mauupuan. Inilabas niya ang dalawan-daang pisong kinita niya sa paglalaba nang nakaraang araw.
" 'Yon lang po?" anang crew nang masabi niya ang mga order ng mga anak. Tumango siya.
Kaarawan ngayon ni Kristel at nangako siya na kakain sila sa labas bilang selebrasyon. At gaya ng nakasanayan, hindi na baleng wala sa kanya basta ang mahalaga mayroon ang mga anak niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro