Sakripisyo
#100words
"Limang libo," napapakurap na sabi ni Anna sa kausap na lalaki. Matangkad ito, 'di gaanong kagwapuhan ngunit maayos manamit.
Hindi ito ang tipo niyang lalaki. Ang mga tipo niya, ay katulad ng nobyo niyang si Randy-- katamtaman ang tangkad, ngumingiti ang mga mata tuwing kausap siya at higit sa lahat nirerespeto siya.
Tumikhim ang kausap niya, hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kinabahan siya nang ibalik nito ang tingin sa mukha niya. Gusto na niyang humindi, umatras, umayaw, ngunit naisip niya si Randy na nag-aagaw buhay sa ospital.
"Sige, limang-libo," anito, bago siya igiya sa loob ng motel.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro