Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Sa Pagsubok


Kung ang buhay mo'y biglang mag-iba ng daan,

At tahakin ang dilim na tila walang hanggan.

Sikaping magpatuloy, paglalakbay 'wag tigilan,

Dahil ang ating hiram na buhay ay sadyang ganyan.


'Wag manimdim kung pagsubok ang 'yong kakaharapin.

Pasasaan ba't paghihirap ay matatapos din.

Sa Maykapal lamang panatilihin ang 'yong tingin.

'Pagkat nangako siyang panalangin mo'y kanyang diringgin.


Itinatago niya sa kanyang kuyom ang bawat butil ng 'yong luha.

Maging ang kanyang puso'y puno-punong ng awa.

Ang mga mata niya'y nakatuon sa kanyang mga nilikha.

At sisiguruhin niyang sa pagdatal ng dilim, hindi ka mawawala.


Ang bawat hinagpis ng 'yong kasalukuyan,

Ay kalakip ang pangako niyang regalo sa kinabukasan.

Hindi ka mananatili sa pighati't kahirapan.

Manalig ka sa Kanya, 'di ka niya pababayaan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro