Sa Ating Tagpuan
#100words
Pitong taon na ang nakalilipas mula nang una tayong magkakilala. Dito, sa ilalim ng punong mangga, bumuo tayo ng maraming mga alaala. Hanggang sa sinabi mong mahal mo 'ko at inamin ko ring mahal kita.
Tatlong taon na ang nakalilipas, nang ayain mo ulit ako dito sa lilim ng punong mangga. Tangan ang isang singsing, inaya mo akong humarap sa dambana.
At ngayon, muli, sa ilalim ng punong mangga, mag-isa akong naririto,. Tinatanaw ko ang langit sa abot nang makikita ko. Habang binubulong ko sa hangin ang, "Mahal ko, nandito na 'ko. Kumusta ka sa langit? Ako ba'y naririnig mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro