Payo
#100words
"Ang pag-aasawa hindi minamadali. Pinaninindigan 'yan. Pero ano pa nga bang magagawa ko, nariyan na. Hindi na ako pwedeng tumanggi. Sige na magsama na kayo," anang Mama ni Almira sa labas ng kwarto niya.
"Salamat po sa support," aniya, matapos buksan ang pinto.
"Anong support?"
"Sabi niyo pwede na akong mag-asawa."
"Ambisyosa! Wala ka ngang boyfriend. Itong si Muning, nag-uwi ng kalandian niya!"
Ngumiyaw ang dalawang pusa bago nagkiskisan ng leeg. Nang-iinggit! Paano sa edad niyang 26, NBSB pa rin siya.
"Gayahin mo na si Muning, lumandi ka rin," sabi ng nanay niya.
Ngumiyaw din siya. Batok ang inabot niya
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro