Naririnig Mo Ba?
Makinig: talasan ang iyong tenga.
May nanaghoy na 'di nakikita.
Humihikbi ng palihim.
Nagbabanta ng ganting nakaririmarim.
Matagal na siyang nakikiusap.
H'wag mong durungisan ang kanyang orisonte't ulap.
Ang tubig niya'y panatilihin mong malinis ang kilapsaw.
At sa luntian niyang damit itutok ang iyong tanaw.
Subalit ang salapi'y kasama kang inalipin.
Idagdag pa ang mga batas na wala ring ngipin.
Tuluyan nang nilulunod ng dumi at grasa ang kanyang pakiusap.
'Di malaon, ang ganti niya, tiyak, iyo nang malalasap.
Makinig: talasan ang iyong tenga.
May humihikbi, naninikluhod, nagmamakaawa.
Isinasabit sa iyong balikat ang kanyang kaligtasan at pag-asa.
Kaibigan, ang kalikasa'y nangungusap, naririnig mo ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro