Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Limos

#100words

Nagmamadaling lumabas ng restaurant si Amelen dala ang tinake-out niyang pagkain.

"Ate, palimos po," anang batang gusgusin na lumapit sa kanya. Sa tantya niya, wala pang sampu ang batang nakasuot ng maruming damit at walang sapin sa paa.

"Wag mong bigyan. Nagdudurog 'yan," anang guard ng restaurant sa kanya.

Imbes na makinig, inabutan niya ang bata ng bente pesos pati ang pagkain na bitbit niya, ibinigay din niya. Sa pagkagulat niya,mabilis na itinapon ng bata ang bigay niyang pagkain bago ito tumakbo sa 'di niya malamang direksyon. Pagbalik nito, panay na ang singhot nito sa bitbit nitong supot ng rugby.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro