Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Lihim

#100words

May gusto akong sabihin sa 'yo. Hindi ko lang alam kung pa'no. Hindi rin sigurado kung sa pag-amin ko, mayro'n pang mababago. Kaya ngayon, tanging ang pagbulong na lang sa hangin ang siyang gagawin ko.

Minahal kita noon, sa katunayan maging hanggang ngayon. Naghintay lang ako ng pagkakataon pero ang tadhana, sadyang ipinagkait sa akin 'yon. Dahil habang naghihintay pala ako sa tamang panahon, ang puso mo tanging sa kanya lang nakatuon.

At ngayon nga, ilang sandali na lang, ikakasal ka na. Tutuparin na ng tadhana ang pagmamahalan ninyong sadyang itinakda. At ang aking "mahal kita" 'di mo na maririnig pa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro