Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kulungan

#100words

Kanina pa niya inaayos ang buhok at damit niya sa salamin. Importante kasi ang araw na ito sa kanya. Dahil ngayong araw ang nakatakdang paglaya niya.

Maya-maya pa, binuhat niya ang bag niya. Kasabay niyon ang pamamaalam niya sa kanyang mga kasama. Mga kasama niyang binansagang salot sa lipunan. Mga taong nakasama niya ng tatlumpong taon sa loob ng seldang kinakalawang

Ako mismo ang naghatid sa kanya sa labasan ng kulungan.

"Congrats Tay, laya ka na," sabi ko sa kanya.

Malungkot niya akong nilingon. "Mali ka Chief, hindi pa ako malaya. Dahil ang mundo, isa lamang mas malawak na selda."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro