Huling Regalo
#100words
Tahimik na pinagmamasadan ni Gigi ang anak niyang si Mimi habang nilalaro nito ang manyika na binili nila kahapon sa bayan. Kahit na nanginginig ang mga kalamnan niya at nanghihina na ang mga tuhod niya dahil sa malala na niyang sakit sa dugo, tiniis niya ang sakit, mabilihan lang niya si Mimi ng laruan.
"Nay, ang ganda niya po, ano?" masayang pahayag ni Mimi. Nagkakapira-piraso man ang kanyang puso, pinilit niyang ngumiti. Gusto niya, maalala siya ni Mimi na masaya at walang sakit.
Ilang sandali pa, dumating na ang hinihintay niya. Si Ma'am Ester, ang matandang dalagang aampon sa anak niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro