Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fireworks


Inalalayan ko si Papa sa pagtayo sa wheelchair bago ko iniabot sa kanya ang tungkod niya. Maya-maya pa, mabagal niyang nilakad ang catwalk patungo sa 'di kalayuang front gate ng ospital na kinaroroonan namin ngayon. Iyon ang exercise niya sa nakalipas na dalawang linggo.

Pitong taon na mula nang ma-stroke si Papa at mula noon, hindi na nanumbalik pa ang dating lakas niya. At ngayon, kasalukuyan kaming nasa ospital dahil mayroon na siyang lumalalang sakit sa bato.

"Leila, may fireworks daw mamaya sa SM North sabi ng guard," masayang balita niya nang pabalik na siya mula sa pinag-iwanan niya sa akin. Alam ko pinipilit niya akong pasayahin sa sinabi niya.

Noong Christmas, sa ospital kami nag-Noche Buena. Walang hamon, keso o softdrinks. Kape at wheat bread lang ang kinain namin bago kami nagdasal na dalawa. Malungkot. Hindi kagaya ng mga nakasanayan kong handa nang mga nagdaang Pasko. Kaya ngayon sanang New Year, gusto kong salubungin ang bagong taon sa bahay. Kahit sana simpleng handa lang basta wala kami sa ospital. Kaya lang, hindi pinayagan ng dokor ang request ni Papa na pansamantalang makauwi kahit dalawang araw lang.

Sinabihan ako ni Papa na umuwi na lang dahil kaya naman niyang mag-isa kahit isang gabi lang upang makasama ko ang mga pinsan ko sa bahay namin sa Bagong Taon. Kaso, hindi kaya ng kunsensya ko. Wala na si Mama at ako na lang ang inaasahan ni Papa na mag-aalaga sa kanya. Kaya, hindi ko na ipinilit pa ang umuwi. At mamaya, sa unang pagkakataon, sasalubungin namin ni Papa ang New Year sa ospital.

Nang bumalik kami sa hospital room niya, masigla siyang nag-kwento tungkol sa iba't ibang mga bagay. Alam ko, paraan niya 'yon upang i-distract ako sa mga iniisip ko. Bago mag-alas dose ng gabi, may nagbigay ng pagkain sa mga pasyente sa buong ward mula sa isang sikat na fast food chain.

"At least may chicken at pansit tayo, 'Nak" biro pa niya sa akin habang nakadungaw kaming dalawa sa bintana at inaabangan ang fireworks display.

Eksakto, pagpatak ng alas dose ng gabi, kasabay nang pag-iingay ng paligid, sumabog sa madilim na langit ang makukulay na fireworks. Ilang sandali kaming natahimik na mag-ama. Magkasabay kaming natuwa at namangha.

At habang abala kami sa panonood bigla niyang sinabi ang, "Nak, 'pag wala na 'ko, tuloy lang ang buhay, ha."

Nang balingan ko si Papa, nakatutok pa rin ang mga mata niya sa langit. Wala akong nakitang kahit na anupamang lungkot o takot sa mga mata niya dahil nakasalamin doon ang makukulay na fireworks na patuloy na nagpapakitang-gilas sa kalangitan. Pinigil ko ang maiyak, ayokong umpisahan ang taon na lumuluha.

"Pa, gagaling ka pa po. Makikita niyo pa akong magmartsa sa graduation ko," sagot ko, pigil na pigil ang paggaralgal ng tinig ko.

Bumaling siya sa akin at nginitian ako. "Dasal ka pa, 'Nak. Baka sakaling pumayag Siya."

Hindi na 'ko sumagot. Bagkus, niyakap ko lang siya habang tahimik na nananalangin ang puso ko na sana kahit kaunti, kahit gaano kaiksi, madugtungan pa ang buhay ni Papa pero...

Matapos ang tatlong buwan, habang abala ako sa eskwela, binawian na ng buhay si Papa. Hindi na niya nakita ang diploma ko at maraming okasyon pa sa buhay ko ang dumaan na wala siya. Ngunit tama ang sabi nila, may rason ang bawat pagkakataon sa mundo. At masaya ako dahil pinili kong manatili sa tabi niya habang sinasalubong niya ang huling Bagong Taon niya sa mundo.

Tuwing nakakikita ako ng fireworks, naalala ko siya. Dahil gaya ng hiling niya, ipinagpatuloy ko ang buhay ko kahit wala na 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro