Dalamhati Ng Isang Ina
#100words
Unang beses ko pa lang siyang masilayan,
Batid ko, buong buhay ko, sa kanya'y ilalaan.
Nang ikulong niya ang aking daliri sa kanyang munting kamay,
Nagkaroon ng kulay yaring buhay na matamlay.
Siya ang sagot sa aking mga dasal,
Sa kabila ng aking kasalana'y may biyaya pa ring dumaratal.
Siya ay isang milagro.
Regalo na habambuhay tangan ng aking puso.
Ngunit...
Hindi siya nagtagal sa aking mga bisig.
Sa kanyang pagdating, agad siyang binawi.
Isinama Niya ang aking supling sa kanyang pag-uwi
Kaya ang puso ko ngayo'y nagdadalamhati, nadudurog, humihikbi.
Maari, 'di na babalik sa aking mga labi ang ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro