Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ang Huling Alaala Niya

#100words

Malamig pa rin ang hangin gaya n'ong magkakilala tayo,mahal, " nanghihinang sabi ni Chantal bago hinawakan ang kamay ko. Nasa Tagaytay kami, nakaupo sa damuhan, hinihintay ang bukang-liwayway.

"Mukhang maganda ulit manatiling buhay ngayong araw," sabi niya bago pinisil ang kamay ko.

Ngumiti ako at pinaglakbay ang isip ko sa nakaraan. Noong malakas pa siya at wala pang sakit. Mga alaalang hindi ko kailan man malilimutan.

Maya-maya pa, binati na kami ng araw.

Bumaling ako kay Chantal at kinintalan siya ng halik sa noo. "Goodmorning, mahal," ani ko, pero 'di na siya sumagot.

'Yon ang huling alaala ko sa kanya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro