Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5 of 5

━━━━━━━━━━━━━━━━━

iniwan ba?

naiwan yata.

baka naman hindi sinasadya

. . . o baka planado na sa simula?

ano ba ang sagot;

ako na naman ba ang gagawa ng sagot?

o baka matagal nang kumakaway ang watawat,

ayaw ko lang tignan.

teka. . .

tumingin ba ako?

tinitignan ko ba?

ang layo yata ng mata,

ang sagot ay takot mabasa.

oo, siya ang pangarap

pero tinanong ba siya

kung ako ang hinahanap?

bakit nakatingin pa rin siya

sa kaniyang pinanggalingan?

nilampasan ako

nilalampasan ako palagi

hindi ba nahalata?

o hindi lang pinapahalatang

halata na una pa lang?

- alisin ang pulang salamin
para makita ang pulang watawat

━━━━━━━━━━━━━━━━━

Parehas kaming nakadapa ni Gab, nakaharap sa magkaibang laptop. Ako, nagtatype para sa thesis, siya ay naglalaro ng CSGO. "Blue, napanood mo na ba 'yung Jujutsu Kaisen?"

Napangiti ako. Nakatutok man ako sa screen ng aking laptop, hindi pa rin nawawala ang atensyon ko sa kaniya. "Oo, Crush ko nga si Gojo eh."

Natahimik siya sandali. Mukhang nagseseryoso sa pag-aim. "Oh? Parehas kayo ni Morrie."

Ako naman ang natahimik. Si Morrie, 'yung ex niya.

━━━━━━━

"Blue gusto mo sa'yo nalang 'yung balat?" Nagulat ako sa alok niya. Buong balat ng fried chicken niya ay ibibigay niya sa akin.

Kuminang ang mata ko at sunod-sunod na tumango. "Oo naman, favorite ko 'yan eh!"

"Parehas kayo ni Morrie," tumatawa siyang umiling. Tumawa nalang din ako at sabay naming ninamnam ang oras na kami'y magkasama.

━━━━━━━

"Anong sabi mo, Blue?" Halos lumuwa ang mata niya sa laki ng pagkakadilat nito. "Tayo na?"

Buong puso akong tumango - para akong lumulutang sa ulap sa sobrang saya. "Oo, tayo na."

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Parang ayaw nang bumitiw, sana hindi na siya bumitiw.

Sa gitna ng pagkukwentuhan ay napatigil siya at sandaling napaisip. "Teka, sa ganitong scenario rin ako sinagot ni Morrie. Ang astig naman."

Hindi kagaya ng karaniwan na siya ang unang tumatawa matapos mabanggit si Morrie, ang kaniyang nakaraan, ngayon ay ako ang nauna.

At kahit ngayong wala na siya, tumatawa pa rin ako. Katangahan bunga ng isang bulag na pagmamahal. . . an? Pagmamahalan ba talaga? Minahal niya ba talaga ako o nakikita niya lang sa akin ang isang taong tinalikuran siya? Nagpatuloy ako sa pagtawa habang isa-isang isinusulat ang letra ng aming pinagsamahan sa kwadernong plano ko sanang ibigay sa kaniyang kaarawan.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

iniwan o naiwan?

baka nagpaiwan

- kasi hinayaan.

End.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

[110721]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro