Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4 of 5

━━━━━━━━━━━━━━━━━

galit ba ako?

galit yata ako.

nakapagsusulat nang walang luha

– oo, galit siguro ito.

parang galit ako.

baka nga galit ako

hindi sa mundo

hindi sa kung paano ito hindi tumugma

sa pangarap, ngiti, at paru-paro

hindi sa kung paano ito nagpaasa

ng isang taong umaasa

sa isang taong hindi inaakalang paasa

hindi.

hindi ako galit sa mundo.

sayo.

sayo ako galit,

tangina mo.

— oo, gab, nagmumura ako

━━━━━━━━━━━━━━━━━

"Blue, kunwari hindi mo ako kilala ngayon." Mahina lang ang pag-ugoy ng swing na inuupuan niya. Nakasandal naman 'yung ulo niya sa railing ng swing habang nakatulala sa damuhan.

Mas malakas ang ugoy ng inuupuan ko kumpara sa kaniya ngunit parehas kaming binabalot ng nakakaantok na mahika. "Tapos?"

"Tapos dito sa swing na 'to tayo unang nagkita," nagpatuloy ang malamyos na pag-ugoy ng swing niya. "Sa tingin mo, paano tayo mag-uusap?"

Umihip ang isang malamig na simoy ng hangin. Medyo makulimlim, baka umulan mamaya. Napangiti ako. "For sure ako ang lalapit sa'yo. Makikita kitang mag-isang nagsswing tapos uupo ako sa tabi mo."

"Pero syempre hindi mo ako titignan," sabay kaming natawa. "Kahit anong mangyari, hindi ka titingin sa akin."

"Oo, kahit na gaano pa ako ka-curious sa'yo, hindi ako lilingon sa gawi mo para gumawa ng usap." Pero ngayon, hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi siya lingunin. Lilingon ako palagi. Lilingunin ko siya kahit na hindi ko na siya makita pa.

"Kaya bilang isang dakilang Gab, ako ang lillingon sa'yo. Ako ang kakausap sa'yo kahit na ikaw naman ang may crush sa akin."

Sinapok ko siya na nagpakawala ng isang hele ng kasiyahan—'yung tawa niya. "Ang yabang mo."

"Ang dami kong naiisip na 'paano kung', Blue." Nahulog ang mata niya, muli, sa mga damo. . . o baka sa lupa. . . o baka sa mas malalim pa. . . "Blue paano kung hindi nilipad 'yung papel na hawak mo? Paano kung hindi ko nasambot 'yun? Paano kung maaga akong umalis at hindi tayo nagkaabutan sa una nating pagkikita?"

Huminga ako ng malalim. Napaisip rin ako tungkol dito pero mas napaisip ako kung bakit niya iniisip ang mga ito. Oo, nagawa kong ibalik ang sigla, nagawa kong alisin ang pag-aalala. Bumalik 'yung saya kaso hindi ko napansin—pinalampas ko—na isa pala ito sa mga pahiwatig na nagdadalawang-isip siya sa kung ano ang meron kami.

━━━━━━━━━━━━━━━━━

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro