1 of 5
━━━━━━━━━━━━━━━━━
ginagamit kita, gagamitin kita
hindi makaluha kaya sinta
pagkumpas ng daliri ang hahalina
mamumulaklak ang paraiso
na ang natatanging natira ay ako
at ang iyong mapanlinlang na anino.
— umalis ka ba talaga?
━━━━━━━━━━━━━━━━━
"Kamusta ang araw mo, Blue?" Mukha ng isang nakangiti na si Gab ang bumungad sa akin. Kasing tingkad ng araw na hindi man lang sumilay sa kalangitan kanina. Ang sama ng araw ko.
Sa bungad na ito ay binalot ako ng kuntento. "Maayos na."
"Ha?" Lalapit sana siya pero ako na ang lumapit sa kaniya. Hindi niya na ako kailangang lapitan, ako lagi ang lalapit. Kahit saan niya gustuhing magpunta o kahit magpaligaw—lalapitan ko siya.
"Kausap na kita. Magkasama na tayo." Nagpatalo ako sa pang-aakit ng malambot na sofa. Ang pagbagsak ng aking katawan sa pagod ay sinalo ng yakap ni Gab. Yakap na nagsisilbing kalangitan sa nakakapanghinang mundo.
Sinuklian ko ang kaniyang yakap, isang munting ngiti ang kumurba sa labi. "Maayos na ang araw ko."
━━━━━━━━━━━━━━━━━
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro