Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

NAPADPAD si Jackie Jane sa isang hardin sa labas ng academia. Hinihingal na sumandal siya sa punong nakita. Marahan niyang tinapik ang dibdib nang maubo siya.

Hindi siya natutuwa sa paguusap kanina patungkol sa kaniya at ni Caliban. Parang sinasabi ng mga ito na masamang nilalang si Caliban na kailangan mawala.

Mabuti na lang talaga at hindi niya sinabi sa mga ito ang tungkol sa binata no'ng una pa lang. Kung hindi, paniguradong pag pipilitan ng mga ito na tuluyan mawala si Caliban sa kaniyang buhay.

Bumusangot si Jackie Jane. Tinungkod niya ang baba sa dalawang binti. Nalulungkot siya. She missed him.

"Where are you, Cali?"

Pinunasan niya ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata nang dumako ang paningin niya sa mansanas na gumulong sa kaniyang gilid.

Kinuha niya ito. Napansin niya may kumagat na dito. Lumiko ang kaniyang ulo kung may ibang nilalang ba siyang kasama.

Isang kaluskus.

Napatayo siya sa gulat. Sinundan niya kung saan nang galing ang kaluskos. Nag tataasan na mga damo.

Kaluskus ulit.

Umatras saglit si Jackie Jane. Pinakiramdaman ang buong paligid. Kung siguro may she-wolf ang dalaga ay mabilis niya ito ma-re-recognize ngunit tanggap na niya na hindi ito lalabas.

Binalewala niya ang lungkot at nagpatuloy sa paglakad. May gumulong ulit na mansanas but this time, wala itong kagat.

Kinuha niya ulit ito. Nakarinig siya ng mahinang bulong. Tutuloy pa sana siya pumasok sa matataas na damo nang may tumalon sa dalaga.

Isang hayop.

Kulay kahel.

Muntik na siya matakasan nito ng hawakan niya ito sa buntot. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nagawa.

Tumingin siya sa hayop. Isang fox. Umungol ito sa sakit pagkatapos ay lumingon kay Jackie Jane ito. Nagtama ang kanilang mga mata.

Bright orange with a mixed of yellow was staring back directly at her eyes.

PINANLISIKAN ni Pollo ang dalawang magkapatid nang maigalaw niya ulit ang sariling katawan.

"Anong problema mo sa 'kin?!" inis na singhal ni Pollo. Saglit pa siya tumingin sa paligid dahil kanina pa nakatingin sa kanila ang mga estudyante.

"I'm sorry. Gusto ko lang tulungan si Jane. I don't think she likes to talk to you," ani Willow.

Pollo sighed. Lumingon ang binata sa katabi ni Willow. "Ikaw si Prue?"

"Ako nga."

"The Alpha and the Prince wants to talk to you," saad ni Pollo. Nagsimula ang binata mag lakad pero agad din tumigil. Lumingon siya kay Willow.

"Please, find Jackie. Baka mapaano siya."

Tumango si Willow pagkatapos lumingon sa kapatid. "Balikan ko kayo kasama si Jane."

PARANG aatakehin si Willow nang makita niya si Jackie Jane na may bitbit na fox sa kaniyang braso. Agad na lumapit ang dalaga sa kaibigan lalo na at marami ng estudyante ang nakatingin sa kanila.

"Jane! Bakit mo 'yan bitbit? Take him out of your grip."

"Ha? Bakit? Bago ko siyang kaibigan."

Nagulat si Willow. "A-ano?! He's not your friend. Ibalik mo na kung saan mo 'yan nakuha."

"No! He likes me, Willow. Iuuwi ko siya sa 'min," pagpipilit pa rin ni Jackie Jane.

Hinawakan ni Willow ang braso ni Jackie Jane nang hindi magtigil ang mga estudyante tumingin sa kanila sa hallway. Pumasok sila sa isang silid.

"Jane, baka may ibang may-ari niyan."

"I don't think so. Wala siyang name tag." Tiningnan pa ulit ni Jackie Jane ang fox. Ngumiti siya rito. Bibigyan niya sana ng halik ang fox ng sumigaw si Willow.

Gulat na lumingon si Jackie Jane kay Willow. "He's not a dog. Fox siya, Jane, fox!"

The two of them heard the sound of fox. Para itong nagalit sa kung saan bagay. Umikot ang mata ni Willow pagkatapos ay binalik ang atensiyon kay Jackie Jane.

"Come on, your parents are looking for you and ibalik mo 'yan kung saan mo nakuha siya. Baka hinahanap na iyan ng may-ari."

NAGMATIGAS si Jackie Jane. Hindi siya pumayag na ibalik ang fox kung saan niya ito nakita. At isa pa, wala naman ang umaangkin sa fox.

He looked lost and she wanted to keep him. Nang makita niya ito sa hardin ay agad na gumaan ang pakiramdam niya dito at ayaw na niya ito ipamigay.

Wala nagawa ang magulang ng dalaga nang ipilit niya iuwi ang hayop sa kanilang bahay. Napagalitan si Jackie Jane. Oo, pero napapayag niya pa rin ang mga ito.

Hindi nga lang natuwa ang headmaster nang makitang daladala niya ito sa kaniyang bisig. Halatang ayaw ng mga ito na iuwi niya ang fox pero kahit gano'n wala silang ginawa ni-isa para makuha ang fox sa kaniyang bisig.

Kung gagawin din naman iyon nila ay hindi siya papayag. Hindi mawari ni Jackie Jane kung ano ang pumasok sa kaniyang kokote kung bakit gano'n ang kagustuhan niya iuwi ang fox nakita.

Pagpasok nila sa main house. She heard a growled. Nilingon ni Jackie Jane si Pollo. May masama na naman itong tingin. Actually, kanina pa ito may masamang tingin sa hawak niyang fox.

Inikutan niya ito ng mata bago lumapit sa ama na si Echo. "How's my daughter?"

"I found a new friend. Ang pangalan niya ay Cha-cha."

Tinitigan ni Echo ang fox. "Cha-cha? Why?"

"Ang cute niya kasi," nakangiting saad ni Jackie Jane pagkatapos ay hinalikan ang tungki ng ilong nito.

Another growled was heard inside the room. Para itong galit. Nilingon ni Jackie Jane si Pollo. Pinalisikan ni Pollo ng tingin ang dalaga. Nagtataka na tinaasan ni Jackie Jane ito ng kilay.

"What's wrong with you?" she said but Pollo just walked away outside the main house.

NANG may makita si Pollo na maliit na bato ay walang alinlangan niya ito sinipa. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Inis na inis siya.

When he found out that an incubus was visiting Jackie Jane. He almost lost his control.

His wolf doesn't like it. Ginulo ni Pollo ang buhok sa frustration. He likes Accalia ever since they were a kid. That's no doubt.

But their Moon Goddess always love to have a complicated relationships. At isa sa pinili sina Pollo do'n.

"Pollo. In my office now."

Pinagmasdan ni Pollo ang likuran ng uncle Gunner niya palayo sa kaniya. Malalim na bumuntong hininga siya. Fuck.

TAHIMIK na sumunod si Pollo sa uncle Gunner niya. Wala ro'n ang mga anak nito dahil naiwan ang kambal sa main house kasama sina Jackie Jane.

Pollo remained standing when his uncle Gunner sat on his chair. Mariin na tumingin si Gunner sa binata. He has a urge to rip his head out but he tried to be civil.

After all, Pollo was his best friend's son. Indigo won't be happy if he found out he killed his son.

Also Gunner wouldn't do that when the young man was named after his best friend Apollo. So, basically Pollo was a lucky bastard.

"Siguro naman alam mo dahilan kung bakit kita pinapunta sa office ko."

Tumango si Pollo. Still nakatayo pa rin. "Now, tell me everything about the relationship you have with my daughter."

Huminga ng malalim si Pollo then looked at Gunner's eyes directly. Wala sa bokabularya ni Pollo ang matinag. Bata pa lang siya ay matigas na ang kokote niya.

Kay Conri lang si Pollo nag babait-baitan para makuha ang loob nito dahil kakambal ito ni Accalia.

"I like your daughter very much, sir."

Parehas hindi inalis ng dalawa ang tingin sa isa't isa. "You can't like her, Pollo. Simula pa lang alam mo na 'yon. Ilang beses namin pinaulit-ulit sa inyo na magkakaroon kayo ng kabiyak sa tamang panahon."

"I know but I still like her. You should have known that, uncle."

Binagsak ni Gunner ang kamay sa lamesa. Hindi naman natinag si Pollo. Gunner tried to calm down.

"Kayo lang masasaktan, Pollo. Hindi mo ba naisip 'yon? Ayoko masaktan unica hija ko. Kung alam kong kaya ko naman kayo pigilan, gagawin ko!"

Tuluyan na umiwas ng tingin si Pollo. Alam niya 'yon. Alam na alam niya. Kahit naman siya, ayaw niya masaktan si Accalia but his human side likes her very much.

"Your father is here." Nang sabihin iyon ni Gunner ay agad na bumukas ang pinto sa opisina. Niluwa nito si Indigo.

Lumingon si Pollo sa ama. Masamang nakatingin ito sa binata. Definitely, his father was mad.

"Gunner, I want to talk to my son."

Sumang-ayon si Gunner. Tumayo siya at lumabas ng opisina. Iniwan niya ang mag-ama sa loob.

Lumapit si Indigo sa study table ni Gunner. Sumandal siya sa gilid ng lamesa and fold his arms in front of his chests.

"You'll stop seeing her."

"What?! No. I like Accalia, Dad!"

"Does she like you?" balik na tanong ni Indigo sa anak. Natigilan si Pollo. Binigyan niya ng masamang tingin ang ama.

Tumango si Indigo. "So, It's settled. Stop seeing her."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro