Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Wrath

MAHIGPIT na tinakpan niya ang dalawang tainga. Puro palahaw ang kaniyang nasa paligid. Lumuluha siya sa takot habang pinagmamasdan ang nasusunog na isang hindi kalakihan na barko sa hindi kalayuan.

Nasa dulo siya ng pangpang. Nakayapak at nilalamig dahil basang-basa siya. Mas lalo lumakas ang mga iyak na kaniyang naririnig sa paligid.

Sa tabi ng barko ay ang ilang maliliit na bangka. Kitang-kita niya ang nangyayari. Natakpan niya ang bibig sa gulat. Napaatras siya lalo sa takot.

"M-mga sirena? S-ilas?!"

Ano ang nangyayari?

Lumingon-lingon siya. Hinanap ang binata. Natagpuan niya itong nakagapos habang hinihila mula sa maliit na bangka.

Hindi lang ang binata ang kaniyang naabutan dahil may ilan pang mga sirena at sireno siyang nakita. Napabagsak siya sa buhanginan.

What is this?

Itong nakikita niya. Kitang-kita niya. Masasabing ito ang araw na hinuli sila Silas ng mga tao nasa carnival. Binalik niya ang tingin sa nasusunog na barko pati na rin sa maliliit na bangka.

"S-silas!" nagawa niyang isigaw ang pangalan nito ngunit hindi ito lumingon sa kaniya. Maski ang mga tao at ilang naroon ay wari bang hindi man lang siya narinig.

Nanginginig man ay sinubukan niya tumayo. Unang subok niya ay natumba lamang siya. Sa pangalawa niyang tayo ay ganoon ulit. Mas lalo nanginginig ang kamay niya at binti niya sa pangamba at pag-aalala.

Pinusan niya ang luha at sinubukan ulit. Sa pangatlo niyang subok ay nakatayo na siya. Nahihirapan pa rin pero kinaya niyang tumakbo patungo kung nasaan si Silas.

Umiiyak siya nang makalapit dito. Sinubukan niya hawakan ito pero tumagos lang ang kaniyang kamay. Ilang ulit niya ulit sinubukan ngunit katulad nang pagbagsak niya kanina ang pagtagos ng kaniyang kamay kay Silas.

Tuluyan na siya napaupo sa buhangin nang naubusan na siya ng lakas. Lalo pa nang tuluyan na itong nakuha at inilagay sa isang malaking aquarium.

Kung saan niya una itong nakita.

Tulala siyang pinagmasdan ito. Nagtataka kung bakit hindi niya ito mahawakan man lang. Ilang minuto siya naroon sa kawalan. Nakaupo at lumuluha habang dinadaanan lang siya ng mga tao na may bitbit sa lahi ni Silas.

Ang bilis nangyayari sa paligid niya habang siya ay para bang naka stuck sa sarili niyang time zone. Walang magawa sa kaniyang mga nasasaksihan.

"Jackie."

Isang tinig ang tumawag sa kaniya. Hindi niya ito nilingon. Tinawag ulit siya nito. At sa pagkakataon na iyon ay lumingon na siya.

Nang pagkalingon niya ang kaninang kadiliman at nakikita niyang sunog sa kalayuan ay napalitan ng kaliwanagan at masasayang mukha na may naka paskil na ngiti sa kanilang mga labi.

At hindi lamang iyon dahil nasa isa siyang kastilyo. Makaluma ito pero sobrang ganda. Ito'y kainais-nais sa kaniyang paningin.

Tulalang tumayo siya sa pagkakaupo niya sa malamig na sahig na kanina lamang ay isang buhanginan.

Lumakad siya. Pinagmasdan ang bawat estatwa at sining nasa paligid.

Isa-isa.

At lahat nang nakikita niya mapa-estatwa o sining ay may mapapansin na may bahid nang pagiging sirena ng mga ito.

"Prinsipe Silas."

Mabilis siya napalingon sa gawing likuran niya nang marinig ang boses na iyon. Hindi siya nagkamali nang paglingon niya ay nandoon si Silas.

Maayos ang pananamit nito at walang bahid na sugat sa buong katawan nito. Sa tutuusin pa ay sobrang gwapo nito.

"Silas!" tawag niya rito. O sinubukan niyang tawag dito dahil hindi ito lumingon sa kaniya. Mukhang hindi rin siya napapansin ng mga ito.

Hindi niya alam kung bakit siya naroroon. Hindi niya rin alam kung bakit niya kailangan makita ang masakit na alaala ni Silas no'ng gabing napahamak ito at ang kauri nito.

Maski ngayon ay hindi niya rin alam kung bakit siya nasa isang palasyo. Kung saan sigurado siyang kinalakihan naman na lugar ni Silas.

Pinagmasdan niya ito. Masasaya ang mga ito. It was obvious that Silas was close to their people. And she was happy to know that. Gusto niya pa ito mas makilala.

She smiled by just thinking about it but immediately, stopped it.

Bigla siya nalungkot sa nangyari sa mga ito. Makikita na sobrang ganda ng pagpapatakbo ng magulang ni Silas sa lugar nila pero bakit kailangan mauwi sila sa gano'n?

Umalis siya kung nasaan ang mga ito. Nagpatuloy siya sa paglakad palayo sa mga ito. Sa kaniyang paglalakad, nakarating siya sa pinakadulo.

Dahil sa kuryusidad niya ay sinundan niya ang isang hallway. Paliit ito nang paliit hanggang marating niya ang dulo. Kumunot ang noo niya nang isang babasagin na salamin ang naabutan niya.

Hinawakan niya ito, umaasa na baka isa itong pinto nang tumagos ang kamay niya. Gulat na-out of balance siya. Bumagsak siya sa isang buhangin.

Nabalik niya ang tingin sa pinanggalingan. Salamin pa rin ito. Hindi. Mali, dahil lahat nasa paligid niya ay puro salamin.

"Oh my..." hindi siya makapaniwala. Nasa isa siyang malaking aquarium. Maski sa kaniyang ulonan ay may lumalangoy na mga isda, sirena, at sireno.

Kitang-kita niya ang isang village sa ilalim ng dagat. She was amazed. Sa ilalim ng kastilo kung nasaan siya ay may villages.

"Ang ganda."

Hindi niya akalain na totoo pala talaga ang mga ito. Sinubukan niya hawakan ang salamin nasa kaniyang harapan ngunit hindi tumagos ang kaniyang kamay.

"Jackie?"

"Silas?!" sigaw niya sa pangalan nito.

Wala pang isang minuto ay nakalapit siya agad rito. Hindi makapaniwala nakikita na siya nito. Sinalubong niya ito nang mahigpit na yakap kung saan binalik din naman ni Silas sa kaniya.

"B-bakit ka umiiyak?" tanong nito. Mas humigpit ang yakap niya rito. Naalala na naman niya 'yong nakita niya sa dalampasigan at kung paano ang pakikitungo nito sa ibang tao.

Nasasaktan siya. Nalulungkot. Hindi ni Silas deserve maranasan ang lahat nang iyon.

"I'm going to stay by your side. Hinding-hindi mo na iyon mararanasan," nahihirapan niyang saad rito. Medyo hindi malinaw dahil nakasubsob ang kaniyang mukha sa dibdib nito.

MARAHAN siyang inihiga ni Silas sa ibabaw ng kama nito habang hinahalikan siya nito sa kaniyang mga labi. Hindi naman siya nagpatinag at sinagot ang bawat halik nito sa kaniya.

Parang iyon ang unang beses nilang ginawa iyon pero wala man lang siya naramdaman na alinlangan. Masaya pa ang puso niya na kasama ang binata.

Bumaba ang hawak ni Silas kaniyang katawan. Yumapos ito sa kaniyang dibdib. Umungol naman siya sa sarap na binibigay nito.

Nagawa pa nitong isubo ang dibdib sa bibig nito. Lumiyad ang kaniyang katawan hanggang pababa nang pababa ang halik ni Silas sa kaniya.

Sa kaniyang tiyan hanggang bumaba ito sa kaniyang pagkababae. Mahigpit ang kapit niya sa buhok ni Silas nang magsimula itong tikman siya sa paraan na hindi niya mapaliwanag.

"S-silas," kinakapusan niyang tawag dito. Saglit naman umangat ang paningin ni Silas sa kaniya pagkatapos ay inabot ang kaniyang dibdib.

Mas lalo niya nasabunutan ito at naipit sa gitna nang kaniyang mga binti.

"Hmm," ungol ni Silas. Mas lalo siya nanlambot hanggang makapit niya ang unang rurok ng kaligayahan. Hindi pa siya nahihimasmasan nang maramdaman niya ang pagpasok ni Silas sa kaniyang lagusan.

Parehas silang dalawa napaungol habang nakatingin sa isa't isa. Humigpit pa ang hawak niya sa braso ni Silas. Mariin niya rin nakagat ang ibabang labi sa nararamdaman na kasarapan.

"God, I'm so lovesick. What have you done to me?" nahihirapan na saad ni Silas sa kaniya bago siya niyo halikan sa labi ulit.

Nagsalo ulit sila sa isang matamis na halik habang nagsimula na si Silas sa pag-ulos at pag-abante nito sa kaniyang naglalawa ng lagusan.

"Shit, Silas! P-please, take me more!" singhal niya sa binata. Humigpit naman ang kapit ni Silas sa kaniya habang inaangkin siya nito.

Hindi sila nagpaawat sa isa't isa hanggang parehas nilang dalawa narating ang katapusan. Hinihingal siya nang umalis si Silas sa kaniyang ibabaw.

Ngunit agad din siya napatili nang hawakan ni Silas ang baywang niya at pinatagilid siya. Buong akala niya ay tapos na silang dalawa nang pumasok na naman sa kaniyang lagusan ang kahabaan ni Silas.

"Ah!"

Sa pangalawang pagkakataon ay inangkin na naman siya ni Silas habang pinapaulan siya nito ng magagandang mga salita na mas lalong kinabaliw niya.

NAALIMPUNGATAN siya sa ingay ng buong paligid. Nang imulat niya ang mata, hindi na niya katabi si Silas sa kama.

Hindi pa ganoon gising ang diwa ay inikot niya ang paningin sa buong paligid. Nang tuluyan na siya magising dahil sa sigawan at malakas na pag-iyak.

Nagmamadali na bumangon siya. Kinuha niya agad ang unang nakita niyang damit at agad na lumabas ng silid.

Nanlalaki ang mata niya nang makakita ng sunog. Kinabahan siya. Natakot. Agad niya hinanap si Silas.

Tinawag niya ito. Sinigaw niya ang pangalan nito. "Silas!"

May tumakbo sa kaniyang harapan. Nabangga siya nito. Muntikan pa siya bumagsak, buti na lang ay hindi siya natuluyan.

"Silas!"

"Dalian niyo diyan! Nasusunog na 'yong palasyo baka mahirapan tayo makabalik!"

Mabilis siyang napalingon sa kaniyang narinig. Napaatras siya nang makilala ito. Sila 'yong pinatay ni Grayson no'ng nasa karnibal sila.

Umatras siya.

Paatras nang paatras.

Imposible.

"They're supposed to be d-dead..."

Tumalikod siya. Tumakbo palayo sa kanila. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Para siyang binalik no'ng nasa karnibal pa sila. Maski 'yong nasa dalampasigan siya.

Puro iyak. Ang sakit ng ulo niya. Hinawakan niya ito. Bumagsak siya sa kaniyang tuhod.

Ang sakit ng puso niya. Parang tinutusok. Naramdaman niya ang sariling hindi makahinga nang maayos. Patuloy ang pag-iyak niya at paghabol niya sa kaniyang paghinga.

Nang dumako ang paningin niya kung nasaan si Silas. Pulang-pula ito dahil sa galit. Kahit ang kulay green nitong mata sa tuwing tinititigan siya nito ay nag aapoy na sa kulay pula dahil sa galit nito.

"Silas!" sigaw niya. Tinakbo niya ito. Lumingon si Silas sa kaniya. Inabot niya ang kamay rito nang bumagsak siya sa bisig nito.

Titig na titig siya sa nagbabago nitong kulay na mata. Ang pula ay unti-unti napapalitan ng kumikinang na berde.

"Silas." Nagulat siya nang may lumabas na dugo sa bibig niya. Tumalsik pa ang ilan sa mukha ni Silas at maski ito ay nanlalaki rin ang mata.

"J-Jackie." Nanginginig ang boses at ang kamay nitong nakayakap sa kaniya.

Ngumiti siya rito. Inabot ang pisngi nito at nginitian. "Y-you're okay... you're okay," tanging saad niya bago mawalan nang malay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro