Chapter 20
TINITIGAN nila ang mahigpit na hawak ni Pollo sa braso ng lalaki. Naguguluhan na dumako ang tingin ni Jackie Jane sa lalaki.
"Who's that?" tanong ni Grayson.
Lahat ng atensyon nila ay dumako sa lalaki. Hinihintay kung may sasabihin ba ito. Hindi naman binitawan ni Pollo ang nakitang lalaki.
Mas matangkad ito kay Pollo ng kaunti. Ang kasuotan nito ay para bang nagmula pa ito sa nakaraan. Color dirty white ang suot nitong kamiso. Naka-bukas ang tatlong butones sa harapang dibdib. Itim naman ang pantalon nito at suot na boots.
And he was wearing a necklace na may pendant na skull. Lumiliwanag ang pulang mga mata ng bagay na iyon.
Nawala lang ang atensyon ni Jackie Jane sa pendant nang marinig nilang magsalita ang lalaki.
"I'm Jack."
Nagulat si Jackie Jane nang makitang nakatingin ito sa kaniya. Agad siyang nag-iwas ng tingin dito bago kumapit sa braso ni Owen nasa tabi niya.
"At ano naman ang ginagawa mo rito sa kagubatan?" tanong ni Ailwi.
Tumingin si Jack kay Pollo. Hindi pa rin nito binibitawan ang lalaki. Agad naman napaiwas ng tingin si Pollo. Bigla kasi nito naalala ang uncle Jack na mate ng kaniyang uncle Apollo.
Tumikhim si Grayson. Umikot ang mata ni Pollo bago binitawan si Jack.
"I'm looking for someone but I got robbed. I don't have food and money. I don't even know where am I."
Everyone would know that was definitely a lie but no one says a thing about it. Tumango lang ang mga ito.
"Would you mind to come with us? By the way, I'm Jackie Jane." Hindi alam ng dalaga kung bakit niya nagawa sabihin iyon sa isang estranghero. Para bang kusang kumilos ang bibig niya na hindi nag-iisip man lang.
Tumingin si Jack sa kaniya. Maski lahat ng kasamahan ng dalaga ay gulat na dumako sa kaniya. Hindi makapaniwala sa kaniyang tinuran.
"I'm not really saying na pinipilit kitang sumama sa'min. Pwede ka sumabay if 'yong tungo mo is that way." Turo ni Jackie Jane sa dadaanan nila. "Since we have foods na pwedeng i-share sa'yo. Then after, pwede ka na pumunta kung saan ka talaga patungo. No attachment."
Saglit na lumingon si Jackie Jane sa mga kasama. Gratefully, sumang-ayon ang mga ito sa kaniyang sinabi. Binalik naman ni Jackie Jane ang tingin kay Jack.
"Sure! Thanks, Jackie Jane." Ngumiti ito na nagpakaba sa dalaga. Para bang kinapusan siya ng paghinga. Umiwas na lang ulit siya ng tingin dito.
"N-no worries," nautal niyang saad. Sobrang kinakabahan siya sa presensiya nito pero ang mas pinagtataka niya. Kung bakit may nararamdaman siyang longing at inis dito.
NAGPATULOY sila sa kanilang paglalakbay matapos nilang kumain at mamahinga saglit. Sa isang kabayo ay kasama ni Jackie Jane si Owen nakasakay habang si Accalia naman ay mag-isa lang sa kabilang kabayo.
Tahimik silang naglakbay hanggang huminto ang kabayo sa tapat ng isang malaking karatula. Iisa ang ekspresyon ng lahat nang mahinto sila.
"Nasaan tayo?" Ailwi asked.
"Isang karnabal," ani Grayson habang titig na titig sa kabuoan ng lugar. Madilim ang paligid at pasindi-sindi ang ilaw sa nakabalikong karatula.
Mukhang napadpad sila sa isang abandonadong karnabal. Lumingon-lingon sila sa kanilang paligid bago nagpasya magpatuloy sa paglalakad.
Ngunit nang makalagpas sila sa entrance. Gulat na pinatitigan nila ang buong paligid. Lahat din ng tao ay napahinto dahil sa kanilang pagdating.
Hindi nila inaasahan may nagtatagong maingay at masayang karnabal sa isang madilim at abandonadong lugar nakita nila kani-kanina lamang.
Nauna bumaba si Owen na sinundan ni Jackie Jane. Kahit si Accalia sa kabilang kabayo ay bumaba na rin habang lahat silang magkakasama ay conscious sa mga matang nakatingin sa kanilang gawi.
Hinawakan agad ni Owen si Jackie Jane sa kanan kamay nito. Habang si Ailwi naman ay sa kaliwa humawak. Protecting their girl.
Hinarangan naman ni Pollo si Accalia. Medyo lumukot ang pagmumukha ni Grayson nang makita ang ginawa ni Pollo ngunit wala itong sinabi bagkus ay pumuwesto ito sa likuran ni Accalia.
Seryoso naman nakatingin si Jack sa buong paligid. Ito ang pinaka nasa unahan nilang lahat. Saglit nito tiningnan ang mga kasama bago binalik ang tingin sa unahan at balak na sana maglakad nang may lumapit sa kanilang dalawang lalaki at isang babae.
"Hi!" masiglang bati ng babae na sa tingin nila hindi nagkakalayo sa kanilang edad. May ngiti ito sa labi bago bumaling sa dalawang lalaking kasama nito.
"Kung ayos lang sa inyo. Itong sina Ice at Flame ilalagay 'yong dala niyong kabayo—" Tinuro nito ang isang pahabang makapal na kahoy kung saan may mga kabayo rin. "Oo nga pala, ako si Sunny," naka-ngiting pakilala nito.
Napansin nilang hindi na nakatingin sa kanilang gawi ang mga tao nang lapitan sila ni Sunny. May ilan pero hindi na katulad kanina lamang na para bang may ginawa silang masama.
"Salamat," si Owen ang nagsalita. Hindi naman nawala ang ngiti ni Sunny.
"Anong mayro'n dito?" hindi na napigilan na tanong ni Pollo. Nawala naman ang atensyon ni Jackie Jane sa mga ito nang mag simula mag lakad palayo sa kanila si Jack.
Napahakbang pa si Jackie Jane na para bang balak niyang sundan ang binata. Kung hindi lang parehas nakakapit sina Owen at Ailwi sa kaniyang kamay ay baka tuluyan na niya ito nasundan.
"It's a carnival," saad ni Sunny habang kumilos naman na sina Ice at Flame para kunin 'yong dalawang kabayo. May alanganin pang nakatingin si Owen sa kaniyang mga alagang hayop pero sa huli ay hinayaan din niya ang mga ito.
Tumaas ang kilay ng mga ito sa sinabi ni Sunny. "Kayo naman, ang seryoso niyo naman masyado."
"We just had a long day," ani Ailwi. Tumango naman si Sunny. "I see."
"So?" patanong na saad ni Pollo. Saglit na luminga si Sunny sa paligid pagkatapos ay binalik sa kanila ang tingin. "Yes, it is a carnival but tonight." Mas lumawak ang ngiti ni Sunny. "Is a special night," dugtong nito sa sinabi.
"What do you mean?" Accalia asked.
"Maliban sa mga palarong nakikita niyo ngayon. Magkakaroon ngayon gabi ng sayawan sa loob ng malaking pulang tent na iyon." Turo ni Sunny sa kaliwa nila. Sabay-sabay naman silang lumingon dito.
Doon lang din nila napansin kung gaano nagkakasayahan ang mga taong nakikita nila sa paligid. Parang biglang nag-activate ang ingay sa buong paligid at mas lalong dumami ang pailaw nakikita nila.
Binalik ni Jackie Jane ang tingin kay Sunny. Naka-ngiti itong nakatingin sa mga tao nang mag salubong ang kanilang tingin sa isa't isa. "We have fireworks later," saad pa nito, naka-ngiti.
MATAPOS ipaliwanag ni Sunny sa kanila ang buong lugar ay iniwan din sila nito agad. Sinabi rin nito na pwede sila manatili kahit sa gabi lang na iyon at mag simula ulit mag lakbay ng maaga kinabukasan.
Kasalukuyan silang nakatayo at nakamasid sa isang eating contest. May nagsasalitang lalaki sa unahan ng stage. Habang may mahabang lamesa ang nakahalera dito. Sa lamesa na iyon ay may anim na upuan kung saan may dalawa pang bakante.
"Ok, may apat na tayong contestant. Dalawa na lang ang kulang! Sino pa ang gustong sumali sa ating pie contest?!" pasigaw na saad ng host. Nakasuot pa ito ng itim na tux at trouser habang may itim din itong hat na pang-magician.
"Go ahead people! 'Wag ng mahiya. Sumali na kayo!" engganyo pa rin nito. Tahimik lang nanonood si Jackie Jane sa gilid. Kanina niya pa rin kasi hinahanap si Jack. Kanina pa kasi ito hindi bumabalik sa kanila.
"Ang mananalo, magkakaroon ng romantic free dinner date sa gilid ng ating ferris wheel habang may magandang fireworks sa inyong background!"
Bumaba ang tingin ni Jackie Jane sa kamay niya nang hawakan ni Owen ito. Iaangat na sana niya ang tingin dito para titigan ito nang sumigaw ito ng malakas.
"Ako! Sasali ako!"
"A-ano?!" gulat niyang sigaw. May malawak na ngiti ang nakapaskil sa binata bago ito humalik sa kaniyang noo at binitawan siya sa kamay.
"C-cha-cha." Her voice faded when she called him dahil na rin sa ingay ng mga tao sa paligid. Tanging nagawa na lang niya ay pagmasdan ang matikas nitong likuran paakyat sa entablado.
Masaya naman sinalubong ito ng host sa stage at pinaupo sa bakanteng upuan. Narinig niya pa na tumawa sa kaniyang gilid si Accalia. Nilingon niya ito at nakitang nakatingin din ito sa unahan ng stage.
Binalik niya ang tingin at nagulat siya nang hindi lang si Owen ang nasa stage. Ailwi, Pollo and Grayson were there standing as well.
What the fuck is going?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro