Chapter 11
KANINA pa hindi nilalapitan ni Jackie Jane ang alagang fox. Pinabalik niya ulit ito sa fox form nito dahil hindi alam ng magulang niya na isang warlock shifter ang naiuwi niyang hayop.
Kasalukuyan silang nasa sala ng main house. May ilang mga maleta ang nakalabas dahil ba-biyahe silang mag kakaibigan para hanapin ang gintong mansanas na mag papabalik daw sa enerhiya ng babae.
"Anong mayro'n? Bakit hindi ka nakadikit sa alaga mo?" nag tatakang tanong ni Accalia nang makalapit ito sa dalaga.
Saglit na tumingin si Jackie Jane kay Cha-cha na pinapakain ng kapatid niyang si Chepi ng grapes.
"Ayoko lang."
"Are you sure? No'ng nakaraan araw ayaw mo bitawan. Pursigido ka pa naiuwi."
Bumuntong hininga ng malalim si Jackie Jane. Hindi niya alam kung tama ba 'yong desisyon niya na isama sa kanilang tahanan si Cha-cha.
Hindi niya kasi ito maintindihan. Lalo na ang kaniyang sarili. Pakiramdam niya tuloy ay nag tataksil siya.
Kung tutuusin. In the waking world. Si Cha-cha talaga ang first kissed niya. Hindi si Caliban dahil lahat ng ginawa nila ng lalaki sa dream world ay hindi makukunsidera na totoo.
NAKABUSANGOT na pumasok si Pollo sa loob ng camper van na gagamitin nilang magkakaibigan nang makita niya ang fox na sitting pretty sa sasakyan.
"Isasama niyo 'yan?" inis na tanong ni Pollo. "Yeah, JJ wants it," sagot ni Grayson nasa driver seat.
Luminga si Pollo sa loob ng sasakyan. Ang gagamitin nilang sasakyan ay parang may mini house sa loob. May malaking kama sa pinakadulo. Sa gilid nito ay ang mini kitchen at dining area. Mayro'n din cr sa loob.
Sasakyan iyon ng uncle Gunner nila.
"Where's Jackie?" tanong pa ni Pollo nang makapwesto ito sa passenger seat. Tabi ni Grayson sa unahan.
Tinuro ni Grayson ang kapatid sa labas. Tumingin si Pollo sa bintana.
Niyakap ni Jackie Jane ang ina at tatlong ama. Hinalikan naman niya sa pisngi si Chepi pagkatapos ay bumaling siya sa Uncle Gunner at Uncle Indigo niya pati na rin sa asawa ng mga ito.
"Jane, paki tingin-tingin si Pollo," bilin ni Indigo.
Nagulat si Jackie Jane. Pilit na ngumiti na lang siya rito. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kaniya pinapatingin si Pollo. "Yes po, uncle."
Nakangiting tumango si Indigo pagkatapos ay bumaling sa anak nasa passenger seat. Naka-rolyo ang bintana nito. "Tandaan mo bilin ko, Pollo."
Pollo rolled his eyes. "Yes, Dad."
Matapos makapagpaalam. Pumasok na si Jackie Jane sa loob ng sasakyan. Nakaupo si Accalia sa maliit na couch sa dining area. Binalingan niya si Cha-cha. Nag g-glow ang mata nito nakatingin sa kaniya.
"Jane, kung gusto mo matulog. Isama mo si Cha-cha sa kama. Mag pahinga ka muna," ani Accalia.
Tumango si Jackie Jane pero hindi niya kinuha si Cha-cha. Hinayaan niya ito nakaupo sa maliit na lamesa.
Kumaway sila sa kanilang magulang bago sila tuluyan bumiyahe. Maliwanag pa sa labas kaya ligtas pa ang bumiyahe.
"Nasaan si Conri?" tanong ni Jackie Jane nang mapansin na wala ang kakambal ni Accalia. Lumingon ang dalaga sa kaniya.
"Hindi sumama si kuya. Pumunta siya sa Lavanya Academia. He said, he found her."
"Wait! What?" gulantang na saad ni Jackie Jane sa kaibigan. Hindi siya makapaniwala. Nag po-process pa rin sa kaniya 'yong narinig niya.
"Yeah and she's a witch." Tumango-tango si Accalia. "Hindi niya sinabi kung sino."
"Wow!"
"Wow talaga! I thought his mate will be like us. But thanks to your parents. Their love will not be forbidden."
Ngumiti si Jackie Jane. Hindi man niya sabihin. Sobrang proud siya sa nagawa ng kanilang magulang. Isama na rin ang kanilang mga uncles. "You too," she countered back.
LUMIPAS ang tatlong araw sa daan. Hininto saglit ni Pollo ang camper van sa gilid ng kakahuyan. Salitan ang dalawang binata sa pag mamaneho ng van.
Sa tatlong araw din no'n ay nagawa ni Jackie Jane patawarin ang alaga niyang si Cha-cha. Pansin naman ang katuwaan ng fox. Though, nakalimutan ni Jackie Jane i-mention sa kapatid at dalawang kaibigan na warlock shifter ang kaniyang alaga.
Lumabas sina Pollo at Grayson ng van. Saglit na tinitigan nila Jackie Jane at Accalia ang dalawa bago bumalik ulit sa pagbabasa.
Katabi ni Jackie Jane sa gilid si Cha-cha. Nakahiga ang ulo nito sa isa niyang hita habang nag babasa siya.
Bumalik sina Pollo at Grayson sa loob ng camper van na may dalang mga prutas. Inabutan sila ni Pollo dahil pumuwesto na si Grayson sa driver seat.
"Jackie," tawag ni Pollo sa dalaga. Inabutan siya nito ng prutas. Kinuha ni Jackie Jane ang mansanas pagkatapos ay pinakain kay Cha-cha.
"That's yours," ani Pollo. Mahahalata sa tono ng boses nito ang pagkainis. Saglit na inangat ni Jackie Jane ang ulo kay Pollo bago binalik ang atensyon kay Cha-cha.
"Busog pa ako and Cha-cha likes apples."
Pollo scoffed. "Yeah, right."
Pagkatapos lahat ng prutas na dala ng binata ay binigay nito kay Accalia bago ito bumalik sa passenger seat.
"Geez, bilib na ako sa pasensiya na bibinigay mo kay Pollo," ani Jackie Jane bago binalingan si Accalia. Napansin niya nakatingin pa rin si Accalia sa binata. Parang may malalim na iniisip.
Nang tawagin niya ulit ang pangalan nito ay do'n lang si Accalia lumingon sa kaniya. Nagtaka siya. Hindi niya alam kung bakit gano'n klase ang binibigay nitong tingin sa kaniya.
"Is there something wrong?"
"I like Grayson."
"What?!" Kasabay nang pagkagulat niya ay ang pag gewang ng sinasakyan nila. Parehas silang sumigaw ni Accalia. Rinig na rinig nila nag mumurahan sina Pollo at Grayson sa unahan.
"What happened?!" sabay na tanong nina Jackie Jane at Accalia sa mga lalaki. Parehas din na kinakabahan sa nangyayari. Mahigpit din silang nakahawak sa kama habang niyakap ni Jackie Jane ang fox.
Mas lalong gumewang ang camper van hanggang tumama ito sa isang puno nang lumihis ang tungo ng sasakyan.
"Jane!"
Tuluyan bumagsak si Jackie Jane sa kama. Tumalsik siya sa sahig kasama ang fox nito. Umaray ang dalaga sa sakit pagkatapos ay agad siyang lumingon sa alagang soro nang balak ito mag palit ng anyo.
Umiling si Jackie Jane at inabot ang fox. Nahihirapan man ay niyakap niya ito.
Parehas na lumingon sina Grayson at Pollo. Nagpanic ang mga ito. Agad na tumayo si Pollo at dinaluhan si Jackie Jane.
"Shit! Are you okay?"
Yakap-yakap ni Jackie Jane ang fox sa bisig niya nang alalayan siya ni Pollo makatayo at lumabas ng camper van. Si Grayson naman ay agad umalis sa driver seat at dinaluhan si Accalia na umiiyak.
Mahigpit na hinawakan ni Grayson ang kamay ni Accalia at katulad ng dalawa nauna ay agad din silang lumabas ng sasakyan.
Gamit ang kanilang wolf strength ay mabilis silang nakatakbo palayo nang sumabog ang camper van. Nagulat si Jackie Jane nang mapansin kinarga siya ni Pollo.
"I.. I'm fine." Lumayo agad si Jackie Jane nang ibaba siya ng binata. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Hindi siya makatingin kay Pollo nang biglang tumalon ang fox paalis sa bisig ng dalaga.
"Cha-cha!"
Mas tumakbo palayo ang fox sa kanila. Sinundan nila ito at iniwan ang umaapoy na camper van sa hindi kalayuan.
HINIHINGAL si Jackie Jane nang habulin niya ang alagang soro. Sa liblib na kakahuyan. Sa hindi kalayuan ay biglang nagkaroon ng liwanag. Nagulat ang apat na mag kakaibigan nang makita unti-unti nabubuo ang isang mataas na gusali sa kalooban ng kagubatan.
Gamit ang bibig at ngipin ng soro ay hinila ng hayop ang laylayan ng suot na mahabang skirt ng dalaga. Bumaba ang tingin ni Jackie Jane at nagtataka na pinatitigan ito. Para itong may gustong imungkahi na hindi nito magawang ilathala.
"Cha-cha?!" Lumuhod siya para makarga ito sa kaniyang bisig. "Bakit?"
Umiling ang soro. Hindi niya ito maunawaan. Balak pa sana ulit tumalon ni Cha-cha nang higpitan niya ang kapit dito.
"Paano nagkaroon ng isang hotel sa masukal na kagubatan?" tanong ni Accalia. Binalik nila ang tingin sa gusali.
"Bakit hindi natin puntahan? Para sa kung gano'n ay malaman natin ang dahilan," ani Grayson. Umiling siya. Tinitigan niya ang kapatid.
"Ray, are you sure?" she asked. Kumunot ang noo ni Grayson. "Bakit ate? Masama ba ang kutob mo?"
Natahimik siya. Hindi siya sigurado. Binalik niya ang tingin kay Cha-cha. Tinitigan niya ang mata nito. Sa kadiliman ng kakahuyan ay umiilaw ng maliwanag ang kulay kahel nitong mata.
She sighed. "Ah, hindi naman. Sige, puntahan natin."
Labag man sa kaniyang kalooban dahil mukhang hindi sang-ayon ang kaniyang alaga na warlock shifter ay sumama siyang sundan ang mga ito.
Nilabas nina Grayson, Accalia, at Pollo ang kanilang cellphone para gamitin ang flashlight ng mga ito habang siya naman ay nakasunod lang sa kanila.
"Are you okay?" Nagulat siya nang biglang magtanong si Pollo. Nasa gilid na pala niya ito. Bitbit ang cellphone na may flashlight.
"Ayos lang. B-bakit mo natanong?" Hindi siya makapaniwala na bigla siya nautal nang sagutin niya ito. Gusto niya tuloy makutusan ang kaniyang sarili.
"Nahulog ka kanina sa camper van. I was just worried about you. Kahit sabihin natin napapansin na 'yong pagbabago sa iyong katawan. Kailangan mo pa rin mag ingat. Does he still visits you?"
She froze. Narinig niya mahinang nag growled si Cha-cha sa kaniyang bisig. Tinitigan niya si Pollo na may masamang tingin sa fox. Niyakap niya tuloy ito nang mahigpit pagkatapos ay nagpatuloy maglakad. Sumunod sa kaniya si Pollo.
Napansin niya rin na mas lumayo ang pagitan nila ng kapatid niyang si Grayson at ni Accalia. Bigla niya naalala ang sinabi ni Accalia. She likes her brother. Sinilip niya si Pollo. How about him?
Ang alam niya ay may gusto si Pollo kay Accalia. Simula no'ng pagkabata pa sila. Masyado naman kasi ito obvious sa pagkagusto.
"I'm fine and," saglit na huminto siya. Iniisip niya kung kailangan niya ba sabihin dito. "No, the last time he visited was before my birthday." Humina ang boses niya. Sobrang miss na niya ito.
"Jacki—"
Nawala ang atensiyon niya kay Pollo nang makitang nasa harapan na nila ang gusali. Tiningala niya ang ulo. Sobrang taas nito. Parang aabot na ito sa langit. Maliwanag din ito sobra. Kulay dilaw ang mga nakapalibot na ilaw dito. Dumako ang paningin niya sa signage.
Malaking Atticus Hotel ang nakalagay.
"C-can we go back?" Accalia asked. Lumingon siya rito. Mas lalo lumakas ang kutob niya sa lugar.
"Kung babalik tayo. Wala tayong matutulugan. At isa pa, walang sasakyan na dumadaan sa kalsada," ani Grayson.
"Hindi mo ba nararamdaman? Parang hindi maganda tumuloy tayo," pangangatwiran ni Accalia kay Grayson. Tumango siya. Sumasang-ayon dito.
Sino naman kasi ang magtatayo ng hotel sa gitna ng kakahuyan. At isa pa, sa harapan nito ay wala man lang katao-tao o ibang nilalang. Wala rin mga sasakyan sa paligid. Tapos sobrang taas pa ng gusali. Imposible ni isa sa mga ito ay walang dalang sasakyan.
Napahawak siya sa laylayan ng tee shirt ni Pollo nang bigla may lumabas na isang magandang babae. Maliit ang mahabang kulot nitong buhok. Nakasuot din ito ng mahabang putting dress at mukhang yari ito sa mamahalin na tela.
Kinalibutan siya nang ngumiti ito. Kahit sobrang ganda nito ay hindi niya magawang hindi mangamba. "Good evening, new comers. Welcome to Atticus Hotel and Casino."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro