Prologue
Prologue
My mom told me that I have a pair of beautiful eyes. But even if I look at my own reflection for a hundred times, why I can't appreciate it?
Where's the beauty in here? It's just a big dark eye. I don't find any uniqueness on it. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Inayos ko na lang ang medyo nagulo kong buhok.
Sabi nila dapat ay ipakita ko kung gaano kaganda ang aking mga mata. Sana mata na lang ako kung ganun. Damn.
How can I identify beautiful eyes from simple? Bakit parang pareparehas lang naman? Nagkaiba lang naman sa kulay. Okay, maybe I find blue eyes beautiful but the rest I find them as simple.
Muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng restroom. Papunta ako ngayon sa library para kuhanin ang librong sinasabi ni Florence, my beautiful best friend na pinagkakaguluhan lang naman ng hindi iilang mga kalalakihan.
Tiningnan ko ang nakasulat sa papel 'Ursula's Son' what a book? Nagbabasa ako ng mga libro pero ngayon ko lang narinig ang title ng librong ito. I find it weird.
Hindi rin nagtagal ang aking paglalakad at nakarating na rin ako. Ito na nga ako at nasa harapan na ng library. Isa lang ang masasabi ko, Gyro Nella's library is the most isolated place in here. Wala naman kasing pumapasok dito at kung titingnan mukha na itong hunted library plus this creepy librarian na masamang makatingin sa mga estudyante.
"Do you have this book?" inabot ko sa kanya ang papel na ibinigay sa akin ni Florence. Ngayon ko pinagsisihan ang pinili ko, sana ako na lang ang bumili ng lunch namin.
I don't like the ambiance in here. Parang anumang oras ay may lalabas na masamang elemento.
"Nasa dulong parte ang librong ito" malamig na sagot sa akin ng librarian. Nagtaasan ang balahibo ko nang sulyapan ko ang dulong parte bakit ang dilim naman yata?
"Sure po kayo? Baka naman po wala talaga ang librong yan.." kinakabahang tanong ko. Wag na kaya akong tumuloy? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa dulong parte na 'yan.
"Gusto mo pa ba na hiramin ang librong 'yan o hindi?" iritadong tanong sa akin ng librarian.
Napalunok ako ng tingnan ko ulit ang dulong parte ng library.Kulang na lang sapot ng gagamba, bahagya pa na namamatay matay ang ilaw. Like seriously? Wala ng pambili ng bumbilya ang Gyro Nella?
"Ahmm. Opo" dahan dahan na akong humakbang.
"Wag kang gagawa ng ingay" huling sabi sa akin ng librarian. Lalo pa akong kinabahan sa babala niya. Nananadya ba siyang manakot?
Pakiramdam ko ay mas dumidilim sa bawat hakbang ko. Nakatakip ang mga kamay ko sa bibig ko para kung sakaling mapasigaw ako ay hindi ako makagawa ng ingay.
Nang makarating ako sa pinakadulong shelf. Mabilis kong tiningnan ang mga libro, isa lang ang masasabi ko hindi man lang pinupunasan ang mga libro dito ang kapal na ng alikabok. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari! Florence Almero!
Naka alphabetical ang arrangement ng mga libro kaya mas bumaba ako sa paghahanap. Dahil letter U pa ang libro siguradong nasa ibaba ito kaya mas bumaba pa ako sa paghahanap.
Nagsisimula na sa S ang mga title ng libro kaya siguradong nasa pinakababa pa ang hinahanap ko. Lumuhod na ako nang mas makita ko ng maayos. At habang gumagapang ako dito sa paghahanap may naramdaman na lang ako sa aking kamay ko. Dahan dahan akong lumingon sa kung anong nahawakan ko.
WHAT THE FUCK?! Napaatras ako at awtomatiko kong inilagay ang mga kamay ko sa bibig ko para pigilan ang pagsigaw ko. May binti ng patay!
Nagmamadali akong tumayo. Ayoko na dito. Ayoko na dito. Sa pagmamadali ko nasagi ko ang shelf at nagtumabahan ang ilang libro sa akin. Ouch!
Hindi lang iilang libro ang nagbagsakan sa katawan ko. Damn, mukhang mamasa pa ang katawan ko nito. Kukuha lang ako ng libro bakit buwis buhay? Napansin ko na bahagyang gumalaw ang mahabang binti. Shit! Anong gagawin ko? Hindi ako makagalaw.
Nang mapagmasdan kong mabuti ang gumagalaw na paa, napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman pala putol na paa. Napakaparanoid ko lang. Bakit naman kasi ang dilim dito? Kaya ganito ang naiisip ko.
Bahagya kong inayos ang nagulo kong buhok, hindi ko akalaing nakakastress maghanap ng libro nitong si Florence Almero.
Muli kong sinulyapan ang pahamak na binti. Nakapants siya ng itim, at sa unang tingin pa lang sa sapatos na suot niya ay alam ko ng mamahalin ito.
Dahan dahan akong gumapang papalapit. Tamad na estudyante na tumakas sa klase at dito pa naisipan matulog. Kaawa awa naman ang pamilya niya, akala nila nag aaral ng mabuti 'yon naman pala natutulog lang dito.
I was about to come closer when I recognized him. Tristan Matteo Ferell, peacefully sleeping.
I'm a hypocrite if I will deny that I'm attracted to him. He's gorgeous as hell, what should I expect? He's a Ferell with genes to die for. Ilang beses na kaming nagkikita ng lalaking ito, hindi lamang sa campus maging sa bahay namin nang isama siya ng lolo niya. I find him weird.
Nag iilusyon lang ba ako na tinititigan niya ako?
Nagkibit balikat na lang ako. Sa pagkakaalam ko ay si Florence ang gusto ng tamad na lalaking ito. Muli ko siyang tiningnan, napakabanayad ng paghinga na akala mo ay wala akong ginawang ingay kani kanina lang.
"Tulog mantika" bulong ko.
I should go now, bago pa siya magising. Baka kung ano pa ang isipin niya sa akin, yes I find him hot and gorgeous pero hindi ako desperada sa lalaki.
Gagapang na sana ako pabalik nang nasagi sa aking paningin ang librong ginagamit niyang unan. 'Ursula's Son' napahampas na lang ako sa noo ko. Why so lucky Lina? Now how can I get that book na hindi siya gigisingin?
Siguro mas mabuting gisingin siya ng maayos para makuha ng maayos ang libro.
"Excuse me, kukunin ko lang ang book" medyo malakas na sabi ko pero hindi man lang siya gumalaw. Kailangan ko pa ba siyang hawakan?
"Uhmm..I need that book" bahagya ko siyang niyugyog pero wala pa rin. Maybe I should get that book without permission, tutal naman ay tulog mantika siya.
Mas gumapang pa ako papalapit sa kanya at hihilahin ko na sana ang libro mula sa ulunan niya nang natigilan ako.
He's damn beautiful...
Ngayon ko lang siya nakita ng mas malapitan na ganito. Nakikita ko siya sa campus pero hindi ganitong kalapit. I did not expect that he is this damn beautiful, wala man lang makitang mali sa mukha niya. It's all perfect! His well-shaped nose, thick eyelashes and his sensual lips.... Shit!
Hindi ko akalain na ganito ka pala kagandang lalaki Ferell.. akala ko ay mga exaggerated lang ang mga kababaihan ngayon. Hindi na ako ngayon magtataka sa tilian nila kapag dumadaan ka. Lahat ba ng mga Ferell ay ganito?
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin, nakita ko na lang ang sarili ko na bahagyang hinahawi ang ilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa nakapikit niyang mata.
Fuck. Lina hindi ito tama, baka magising siya. No, tulog mantika siya. Just a moment, shit. Tristan Ferell..
I didn't expect that my whole attention will be captured effortless by this guy. This innocent sleeping guy, he didn't do anything but I felt like he just cast something on me. Something that I can't really resist...
Ito na ba ang naririnig ko tungkol sa kanya? 'You can play to any Ferells out there but not with Tristan Ferell you'll end up captured helplessly'
You're crazy Lina, damn crazy.
Sa bawat pagtambol ng aking dibdib ay ang dahandahang pagtulay ng aking daliri sa magagandang parte ng kanyang mukha.
My forefinger is now gliding slowly from the bridge of his nose until to its tip. Pigil ang aking paghinga. Alam kong mali itong ginagawa ko at maaari siyang magising pero wala man lang kahit anong katiting sa aking sarili para mag utos na tumigil ako.
I want to trace his face. I continued tracing his nose until my forefinger landed to his lips. You're crazy Lina. Crazy. Crazy. Crazy.
And I felt my heart is about to burst when he opens his eyes....
I just saw the most beautiful pair eyes.....
Beautiful pair of brown eyes are now staring at me and I can't read his expression. I thought only blue eyes can attract me, but I can't utter any words the moment he opened his eyes.
"I like your eyes" nagulat ako sa sinabi niya. Dapat ako ang pumuri sa kanyang mga mata. In just a moment he managed to switch our places. I am now lying on the floor, while he is on top of me mockingly looking at me.
"What... are you doing?" nangangatal na tanong ko sa kanya habang siya ay ngumisi lang sa tanong ko.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo? What are you doing?" ngayon naman ay siya ang bahagyang humahawi ng ilang hibla ng buhok kong tumatabing sa mukha ko.
Hindi man lang ako makagalaw. What happened to me?
"I need to get... a cer..tain book" iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"So you need to touch me before getting that book?" nakataas na ang isang kilay niya sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Napapakagat labi na lang ako, dapat asahan ko nang mangyayari ito dahil sa kalokohang pumasok sa isip ko. Malamang magigising siya, hinawakan mo lang naman siya. Mukha na siguro akong kamatis sa init ng mukha ko.
"I need to go, please move" itutulak ko sana siya ng hulihin niya ang mga kamay ko at ikinulong niya ito sa pagitan ng sahig at ng mga kamay niya.
"You disturbed my sleep, I think you need to pay baby" nanlaki ang mata ko nang unti unti nang bumaba ang mukha niya sa akin.
Anong gagawin niya? Wait! Pinilit akong gumalaw pero huli na ang lahat.
He just captured my lips.
He's kissing me gently and slowly.... My first kiss...
Hindi ko akalaing isang Ferell ang unang aangkin ng aking mga labi. Ramdam ko ang unti unting pagpikit ng aking mga mata.
Napakalambot ng labi niya...
I never kiss back maybe because I don't know how? or maybe I'm just too stunned? A Ferell is kissing me?
When I felt he stopped.
Dahan dahan akong nagmulat at nakangiting Tristan Ferell ang sumalubong sa aking mga mata.
Pero hindi pa ako nakakarecover papalapit na ulit ang mukha niya sa akin. Wait? Again? Tama pa ba ito Lina? Why am I allowing him to kiss me? Is it because he's too handsome to resist?
Tamang basehan na ba 'yon para ibigay sa kanya ng paulit ulit ang mga labi ko? Damn. I am under his powerful spell.
Napapikit na lang ako nang halikan niya ang mga mata ko. Sa pagmulat ko hindi na siya nakangiti. He looked goddamn serious. I did stare at him clueless.
Hindi ko na alam ang nangyayari.
"After this, you can only look at me" hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. And for second time he did capture my lips again. A conquering and dominative kiss. I did respond to his kisses the way I can..
I'm enjoying the softness of his lips. I'm enjoying his hand caressing my hair. I don't want to end this..
Ito na siguro ang sinasabi nilang 'captured helplessly'
Bahala na.
I know from the very start, the moment he opened his eyes on me.
I'm already captured.
Captured by his infinite eyes....
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro