Chapter 8
Chapter 8
Lalo naniningkit ang mga mata ko sa mga Ferell na mukhang nawiwili sa kasalang hindi naman sila kasali.
Kasalukuyan lang namang nagsasayaw ang bride at groom sa unahan. Sa hindi ko maintindihang dahilan, bakit kailangan pa na idamay ang mga abay? Hindi lang 'yon, maging ang mga pekeng photographer at lay minister ay may kani kanila na rin kasayaw na babae. Mabuti at hindi na sila masyadong napapansin dahil sa dami ng mga magkakapareha na nagsasayaw ng sweet dance ngayon.
Ilang beses kong pilit itinataas ang dalawang kamay ni Tristan Ferell na hindi na tama sa pagbaba.
"Ang kamay mo Tristan" seryosong sabi ko nang mapansin kong bumaba na naman mula sa bewang ko ang kamay niya.
"So after this, are you free? Ipagpapaalam kita sa parents mo" pangatlong beses na niya itong itinanong sa akin habang nagsasayaw kami.
"Gagawa ako ng assignments. Back off Ferell, hindi ako sasama sa'yo" ngumuso siya sa sinabi ko.
"I can help you with your assignments" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi ba at section V siya? Last section yata sa pagkakatanda ko. GyroNella and its cheap student segregation. Hind ba masyadong nadedegrade ang mga estudyante kapag ganito ang sistema?
"Talaga lang ha" ngising sabi ko sa kanya.
"Don't think about my section. Sinamahan ko lang ang mga pinsan ko, para may magayahan sila kapag exam" nagyabang na naman ang Ferell na ito.
"Napakabait mo naman pala Tristan" sarcastic na sabi ko sa kanya.
"Not really" maiksing sagot niya.
"Paano mo napapayag pumunta ang mga 'yan dito?" nagtatakang tanong ko. Sa community service namin, medyo nakukuha ko na ang ugali ng mga pinsan niya. Nasa karakter na ni Owen, Troy at Aldus na posibleng pumayag sa ginagawa nila ngayon. Nagtataka ako kung papano napapayag ni Tristan si Nero, ang alam ko ito ang may pinakamahirap pakisamahan sa mga Ferell.
"Thanks to that golden Buddha" matabang na sagot niya. Buddha?
"Anong kinalaman ng Buddha sa tanong ko?" ang layo ng sagot niya sa akin.
"LG is very fond of collecting golden Buddha, may nabasag na naman si Troy" lalong nangunot ang noo ko sa pinagsasasabi ni Tristan. Anong nangyayari sa kanya?
"Anong sinasabi mo Tristan?" ngumisi lang naman siya sa akin.
"Nabasag ni Troy ang Buddha ni LG. At kahit pilipitin namin ang ulo niya hindi siya aamin na siya ang nakabasag" wait? Ano ba talaga ang pinaglalaban ni Tristan?
"Tristan, pwede ituloy tuloy mo na? Hindi ko talaga maintindihan. What's with that Buddha?" bahagya siyang tumawa sa sinabi ko. May nakakatawa ba?
"You're funny Lina. Sinasagot ko lang ang tanong mo, dahil alam namin na hindi aamin si Troy na siya ang nakabasag. Siguradong lima kaming pag iinitan ni LG, pumayag silang sumama dito dahil ako na ang aako sa nabasag na Buddha" what the hell? Para silang mga bata.
"But that's unfair, bakit ikaw? Hindi naman ikaw ang nakabasag" Shit. Napatungo na lang ako sa nasabi ko. Nag aalala ba ako sa kanya?
"Worried?" ramdam kong bahagya siyang yumuko para salubungin ang mata ko.
"No way" maiksing sagot ko.
"It's okay, as long as no guy can ever touch your legs. Except me, ofcourse" tumingin na lang ako sa ibang direksyon dahil sa sinabi niya. Tsss. Tristan Ferell and his unfiltered words.
"So, what is your punishment? Pinapaluhod ba kayo sa asin ni Don Ferell? or something like no cars for a month?" curious na tanong ko. Narinig ko na naman siyan tumawa sa tanong ko. Wala akong matandaang nakakatawa sa mga sinabi ko.
"One month no supply of cond—oh nevermind" dito na ako tuluyang napatingin sa kanya.
"No supply of?" bakit nabitin ang sasabihin niya?
"Wala" ngusong sagot niya sa akin. Supply of?
"Let's go, ayaw ko nang sumayaw. Masakit na ang paa ko" akala ko ay bibitawan na ako ni Tristan pero ito na naman at halos mapatili ako nang marahan niya akong buhatin, kapwa nakatapak ang aking mga paa sa kanya.
"Tristan.." ngumisi siya sa akin habang patuloy niyang inihahakbang ang kanyang mga paa na parang nagsasayaw pa rin kami. Hindi ko mapigilang hindi isabit ang aking mga kamay sa kanyang batok.
"I can be your feet" bulong niya sa akin habang mas hinahapit niya ang bewang ko. Nagtataasan na naman ang mga balahibo ko sa ginagawa ng Ferell na ito. He's too..damn.
Mas lalo kong isinabit ang aking mga kamay sa kanyang batok nang marinig ko ang kantang kasalukuyang pinapatugtog. Shit, why this song?
Pilit kong iniiwas ang aking mga mata sa kanyang mga nangungusap na mga matang kasalukuyang tumutunaw sa akin. Tristan Ferell and his amazing eyes..
Remember the first day when I saw your face. Napapikit na lang ako nang maalala ko kung paano siya nasamid sa kanyang iniinom na tea nang bigla na lang ako nagapakita mula sa training ko.
remember the first day when you smiled at me. His scripted smiles that day.
you stepped to me and then you said to me
I was the woman you dreamed about. And his intriguing words.
remember the first day when you called my house.
remember the first day when you took me out. Our damn community service.
we had butterflies although we tried to hide it
and we both had a beautiful night
"Brown eyes huh? Wag ka maniwala dyan Lina. Contacts lang" natatawang sabi sa amin ni Troy na tinapik pa ang balikat ni Tristan bago kami tuluyang nilampasan dalawa. Bakit may hawak na naman siyang plato?
"Gago" pakinig kong bulong ni Tristan.
The way we held each others hand
the way we talked the way we laughed
it felt so good to find true love
I knew right then and there you were the one
Hindi ko alam kung anong may'ron sa chorus ng kantang ito. Kusa nang sumalubong ang aking mata sa kanyang mga mata. His eyes are like gems, a rare type of gem. Anong klaseng mga mata ang tumititig sa akin ngayon?
I know that he loves me cause he told me so
I know that he loves me cause his feelings show
when he stares at me you see he cares for me. Saan niya nakuha ang kanyang mga mata?
you see how he is so deep in love
I know that he loves me cause its obvious
I know that he loves me cause it's me he trusts
and he's missing me if he's not kissing me
and when he looks at me his brown eyes tell his soul. His brown infinite eyes..
"Tristan, I love your eyes.." kusa na lang bumuka ang aking bibig. His eye is the most hypnotic thing that I have ever seen. Masyado nang lumalayo ang lipad ng aking isipan kapag nakikipag titigan ako sa kanya.
"Don't love my eyes Linnalyn Isabelle Hidalgo, love me as a whole" naramdaman kong hinagip niya ang aking buhok at marahan niya itong hinalikan. Narinig ko na naman ang tilian ng mga pinsan ko sa ginawa ni Tristan Ferell.
"Lalanggamin na kayo" narinig kong sumigaw na ang kuya ko mula sa hindi kalayuan. Tinanggal ko na ang mga paa kong nakaapak sa kanya at tumalikod na ako sa kanya. Natatakot na ako sa nararamdaman ko, I am falling on his trap.
Nakarating na ako sa lamesa kung saan nakaposisyon ang parents ko at si kuya. Pero ang mas ikinagulat ko ay nandito rin ang mga natitirang Ferell na nakikipagtawanan na kay mommy at daddy. Muntik ko na nga palang makalimutan na ang mga magulang ko ang family lawyer ng mga Ferell.
"Hindi na po talaga ako nagtataka attorney kung bakit maganda si Lina. She has a very beautiful mother" lalong lumapad ang ngisi ni mommy sa sinabi ni Troy samantalang napakunot na lang ang noo ni daddy at kuya. Damn.
Nakita kong siniko siyang sabay ni Aldus at Owen. Umupo na rin ako sa tabi ni kuya na masama ang tingin sa akin. Napansin ko na tumabi na rin si Tristan sa mga pinsan niya.
"Matanong ko, bakit hindi dumating si Don Ferell? Bakit kayo lang ang nandito?" tanong ulit ni mommy.
"Nasa states po ngayon si LG" sagot ni Owen.
"Kasama kayo sa crew ng photography team?" seryosong tanong ni kuya. Gusto na siyang sikuhin sa tanong niya. Baka mahuli na ang kalokohan ng mga Ferell na ito.
Agad kong napansin ang bahagyang pagngisi ni Troy sa tanong ng kuya ko.
"Part time job? No, actually photography is Owen's passion. I'm just his assistant. Supportive cousin, I guess?" sabay kumunot ang noo ng natitirang apat na Ferell sa sagot ni Troy. Kahit si Owen na sinasabihan niyang may 'passion' daw sa photography ay mukhang nagulat.
"Oh, yes! Yes. It is my passion. I love taking pictures, lalo na po kapag magaganda. I have taken some of your photos attorney" mabilis nakabawi si Owen sa pagkakagulat. Maging ang kanyang mga pinsan ay nagtanguhan sa mabilis na paliwanag ng kanilang pinsan. Kating kati na ang mga kamay kong pumalakpak sa sagot ni Owen. Masyado magaling sa logical reasoning ang mga Ferell.
"Sounds interesting" natutuwang sabi ni mommy. Napapabuntong hininga na lang kami ni daddy at kuya. Masyadong nabobola ng mga Ferell ang mommy ko.
"Tumutulong din pala kayo sa simbahan, hindi nga ako makapaniwala nang makita ko si Aldus at Nero kanina" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni mommy. Sino naman kaya ang magdadahilan sa dalawang ito?
"Sa totoo lang po, may balak talagang magpari ang dalawang 'yan" si Tristan na ang nagsalita.
"No!" madiing sagot ng dalawang 'lay minister'
Nagtawanan si mommy at daddy sa pagtutol ng dalawang Ferell.
"Hindi po ako tatanggapin sa simbahan" kamot ulong sabi ni Aldus.
"Magpapakasal po ako" ngusong sagot ni Nero na nagpataas muli ng kilay ko.
"Aww, what about you Ace? May balak ka bang magpakasal?" biglang nag iba ang mood ni mommy nang tanungin niya ang babaero kong kapatid.
"I'm too young for that mom. Baka nga maunahan pa ako ni Lina, having that Ferell? na nagsama pa ng pekeng photographer at mga 'taong simbahan' para lamang magawa ang gusto? Hindi na ako magtataka, if one of these days my sister is already pregnant" matabang na sagot ni kuya na nagpalaki lang naman ng mga mata ko. What the hell?
"Kuya!!"
"Ace!" sigaw ni mommy at daddy.
Hindi siya sumagot at tumayo na lang siya nang basta. Iniwan niya lang naman akong pulang pula, bakit parang ang laki ng problema ni kuya kay Tristan?
"I think we need to go" nagpaalam na si Tristan, pati na rin ang kanyang mga pinsan.
"Sorry for that hijo" si daddy na ang humingi ng pasensiya.
"Naiintindihan ko, he's just being protective. I might do the same, kung may nakababata akong babaeng kapatid" paliwanag ni Tristan. Bahagyang ngumisi sa akin si Tristan bago tumalikod kasama ang kanyang mga pinsan. Tanging panunuod na lang sa kanyang paglalakad palayo ang nagawa ko. I can't follow him or something, wala din naman akong mahahanap na sasabihin sa kanya.
"Ramdam kong mainit na ang dugo ng kuya mo kay Tristan, magkakilala na ba sila bago pa natin sila nakausap sa bahay? I never seen Ace like that before Lina, kausapin mo ang kuya mo" sabi sa akin na tinanguhan ko na lamang. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.
Mabilis akong naglakad sa dinaanan ni kuya at hindi na alam kung bakit dinala na ako nang aking mga paa sa labas ng function hall. Nagbakasakali akong nasa likod si kuya para manigarilyo pero napatigil na lang ako sa paghakbang nang marinig ko ang nanggagalaiting boses niya. Anong ginagawa ni kuya sa likod ng function hall? Sinong kausap niya?
"Gago ka! Hayaan mo na ang kapatid ko. She's living her simple life! Paguguluhin mo lang ang buhay niya! Fuck off! Hinding hindi ako papayag na magkatuluyan kayo ng kapatid ko! Mamamatay muna ako!" napahawak na lang ako sa aking bibig sa anumang ingay na maaari kong magawa. Anong pinag uusapan nilang dalawa? Anong papaguluhin ang aking buhay? Si Tristan ba ang kausap niya?
"Ace, sinubukan kong lumayo. I did my best but I think.. I'm falling for her. I'm falling for your sister.." boses ni Tristan ang narinig ko. Nangangatal kong inihakbang ang aking mga paa para tuluyang makita ang dalawang lalaking nag uusap.
At nanlaki ang aking mga mata nang kasalukuyan nang nasa lupa si Tristan habang hawak ang kanyang labing dumudugo. Nakakuyom ang mga kamao ni kuya na akmang susuntok muli kay Tristan. I need to stop them. Magsasalita na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko mula sa likuran..
"Lina.." naramdaman kong may humawak sa magkabilang balikat ko. At nang lingunin ko ito, seryosong mukha ni Nero ang nakita ko.
"Don't listen.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro