Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 75

Chapter 75


How I hate this feeling. This damn feeling again!

Ilang taon ko nang ibinaon sa limot ang sakit na naranasan ko noon, ilang beses ko nang pilit binura sa puso at isipan ko ang mga paghihirap na pinagdusahan ko nang akalain kong wala na siya, pero mukhang ito na naman at sasariwain na naman sa akin ang sakit. Ito at uulitin na naman ang sakit na isinumpa ko nang maramdaman pa.

I am lost without him. I am hopeless. Walang halaga, walang kwenta at kailanman ay hindi na mapapakinabangan pa. My life belongs to him. At ang muling mapawalay at mangulila sa pagkawala niya ang siyang sisira na sa aking katinuan. Halos mabaliw na ako sa kakaisip sa kanya.


Kasalukuyan akong nakahiga sa napakalamig na sahig habang nakatulala sa napakagandang chandelier sa kisame na siyang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng napakagandang kwartong ito.

I am lying on this cold floor with my silver metallic slip dress exposing most of my skin. I am surrounded by different kind of knives, guns and other deathly weapons.

Marahan kong nilalaro ang baso ng wine sa kamay ko na parang itinatapat ko dito ang ilaw mula sa chandelier.


"Tristan.." dumiin ang pagkakahawak ko sa baso at marahas ko itong itinapon dahilan kung bakit umalingawngaw ang pagkabasag nito sa buong kwarto.


"Come on, ilang araw ka nang ganyan" narinig ko ang tamad na boses ni Enna. Isa sa magaling na babaeng agent sa Sous L'eau. She's one of the best assets from cyber intelligence unit.


"Anong gusto mong gawin ko? Be happy? Hawak ng mga sindikatong 'yon si Tristan at wala man lang akong magawa! Anong gusto mong gawin ko? Do some shopping? Have some party?" angil na sagot ko sa kanya.

Bumangon na ako sa pagkakahiga ko, hindi ko na inabalang ayusin ang strap ng dress ko. Mahubaran na kung mahubaran.


Nang magising ako matapos akong iligtas mula sa mga sindikatong humahabol sa amin. Agad tumawag sa akin si Papa mula sa headquarters at sinabing hawak ng mga ito si Tristan.

Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga ikinuwento ni Tristan sa akin noon. Minsan na siyang nahuli at pinahirapan nang matindi na muntik nang makapatay sa kanya. Ayoko nang maranasan itong muli ni Tristan, he don't deserved this kind of cruelty.

Pero ano na naman ang nangyari? He got caught again.

Mabilis kaming nakipag ugnayan sa sindikatong may hawak kay Tristan, humingi kami ng presyo para sa mabilis na usapan pero mahigpit silang tumanggi sa alok namin. They wanted Tristan's death and that fuck syndicate wanted us to watch Tristan's live execution.

Ibinigay nila sa amin ang eksaktong oras kung kailan nila ipalalabas ang pagpatay nila kay Tristan. It is the day after tomorrow, 9:30 pm Berlin Germany time. That means we still have 2 days to save Tristan from them.


Nagkalat ang buong Sous L'eau sa kabuuan ng Berlin, Germany para sa gaganaping pagpatay kay Tristan. They need to ambush the syndicate's hideout before the execution. They need to save Tristan. But the syndicate's damn hideout is unable to track.

They did close all the leads and cleaned the every leak. Our intelligence team can't find any trace of them, they're too good at hiding. Damn. And what is the highlight of all of these? My father did exile me inside this luxury hotel with two experts Sous Leau's watching over me.

Papaano ko pa matutulungan si Tristan kung mananatili lamang ako sa kwarto kong ito? Oh god!

I can't just stay here and wait for the news. Tumatakbo ang oras at buhay ng lalaking pinakamamahal ko ang pinag uusapan dito.


"Enna, Hazelle. Please let me leave, gusto kong tumulong sa operasyon. I can't just wait here and do nothing.." nakatitig lang sa akin ang dalawa na parang nagpapakiramdaman sila sa isa't isa.


"Are you sure Hazelle? Commander Satchel will kill us.." pakinig kong sabi ni Enna kay Hazelle.


"Hindi ko na rin kayang maghintay. Para na rin tayong nakakulong katulad niya, gusto ko rin tulungan si Cap. We need to do this Enna.." sabay silang tumango na parang nagkasundo na sila sa isang desisyon. Pero alam kung sa takbo ng usapan nila mukhang papabor ako.


"Lieutenant Satchel we need to help each other. Hindi lang ikaw ang gusto tumulong kay Cap, kahit kaming dalawa ay gustong gusto na rin namin siyang tulungan. We owe him a lot" mahabang sabi ni Hazelle. Halos hindi ako makasagot dahil sa tuwa. Mabuti na lang at mga babae ang nagbantay sa akin.


"Thank you" mahinang sabi ko. Tumango lang silang dalawa sa akin at mabilis na silang naglakad dalawa malapit sa lamesa bago nila sabay binuksan ang kanilang mga laptop.


"May mga ilang litrato akong nakalap nitong nakaraang dalawang araw na pagtigil natin dito. I have discovered that there are 2 men who've been watching us since the day we arrived at this hotel. I matched their photos to the surveillance video to our Sous L'eau database and here's what I've got Max Sampson and David Lotte both wanted criminals. Mga tuta ng sindikato.." paliwanag ni Hazelle. May inilabas siyang hindi pamilyar na telepono.


"The good news here is that I already killed Max Sampson and this is his phone" hindi na kami nagulat ni Enna dahil alam naming madalas gumalaw nang mag isa itong si Hazelle.


"Any bad news?" tanong ni Enna.


"I already did locate their hideout" para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Atlast.


"That's a good news then. Where is it? We should inform the team" mabilis umiling si Hazelle sa sinabi ko.


"We can't. Their headquarters is beneath the water surface at northern sea route. Look at this.." may ipinakita siyang mapa sa laptop niya.


"The northern sea route is connected to Port of Hamburg. That's 90 minutes travel from this hotel. We can't find any submarine in this country Isabella, kung meron man wala tayong kasiguraduhan kung magagamit natin ito. Sa madaling salita, we're in dead end. Matatagalan pa ang pagdating ng submarine ng agency. And it will took for 3 to 4 days, he's already dead by that" lalo akong natigilan sa sinabi ni Hazelle. How can they damn afford an underwater headquarters?! Buong akala ko ay mga agency lamang ang may kakayahang magtayo ng mga headquarters sa ilalim ng dagat. Fuck this syndicate.


"Oh, we are not. May kilala akong may submarine at alam kong ipagagamit niya ito sa atin" mabilis na sabi ni Enna. Muntik ko pa siyang yapusin nang mabilis niyang itinuro ang laptop niya para sabihing hindi siya pwedeng yakapin.


"Are you sure Enna? Is that submarine is equipped?" tanong sa kanya ni Hazelle.


"Yes, ofcourse. Sa pagkakaalam ko ay bago pa lamang ito. We should go there and check it for the functions.." mukhang hindi pa rin kumbinsido si Hazelle sa sinasabi ni Enna.


"Paano ka nakakilala ng may submarine dito Enna?" tanong muli sa kanya ni Hazelle.


"I have connections. Connections that you do not have" nag irapan lang silang dalawa sa isa't isa.


"Wait, Hamborg Port is crowded right? How can we easily sneak out without being noticed? Ayokong makatunog ang mga sindikatong ito na papunta tayo.." tanong ko sa kanila. Hindi kami pwedeng basta basta pupunta dito ng walang plano.

Napatitig silang dalawa sa akin dahil sa sinabi ko.


"Why? Nakapagpasya ka na Isabella? We'll break the rules, uunahan natin ang buong Sous L'eau para iligtas si Cap Theo. I believed that our team won't make it on time, tayo na lang tatlo ang may pagkakataong iligas siya" nakatitig lang ako sa kanila. Hindi na magbabago ang isip ko.

Tama siya hindi ito magagawa ng Sous L'eau dahil kakailanganin ng submarine na siyang wala kami ngayon.


"Buo na ang desisyon ko. I'll rescue Tristan no matter what it takes" madiing sabi ko.


"Sa ating tatlo ikaw ang papasok sa kanilang headquarters, hindi maaaring tayong tatlo dahil sa pagdami sa pagliit nang tsansang mailigtas natin si Cap. Mabilis tayong mapapansin. So the only thing we can do is to be your eyes and ears" mahabang sabi ni Enna na siyang tinanguhan ko na lamang.

Mas lumapit pa ako sa kanila nang nagsimula na muli silang humarap sa kanilang mga laptop. Nabasa ko na ang pangalan ng sindikatong babanggain namin 'Thombstonne'

Kung ganoon ito ang hinahawakang sindikato ni Gray? Or it is just part of their bigger syndicates? Damn.


"Enna, use SQL to corrupt their database.." agad na sabi ni Hazelle. Halos hindi ko na makita ang pinipindot nila sa kanilang mga laptop.


"I want to see the blueprints of the headquarters" seryosong sabi ko. Humakbang muna ako papalayo sa kanila bago ako kumuha ng bote ng wine at dito na mismo uminom.


"Do you think this will work? Is it really possible? Can she beat this syndicate alone? It's a suicide Hazelle" naiiling na sabi ni Enna.


"Nothing is impossible, basta suportahan nyo lang akong dalawa" maiksing sagot ko. Ayoko nang makarinig pa ng pagdadalawang isip. I'll go down there and I'll hunt them down.


"Alright! Bahala na, here's the blueprint Isabella.." agad akong lumapit sa laptop ni Enna at ipinakita niya sa akin ang kailangan ko.


"Can you print it? I am not like Tristan, I don't have photographic memory. Kailangan ko siyang pag aralan ng isang oras" napakagat labi na lang ako sa malaking submarine ng sindikatong ito. I can do this.


"Roger" mabilis na sagot ni Enna.


"Kinakabisado ko lang ang system nila, we need to manipulate it once you break in" tumango ako sa sinabi ni Hazelle.


"Paano ko mailalabas si Tristan? Should I need to bring him suit too? Is that ideal?" kunot noong tanong ko.


"No. That's not ideal, there are two mini submarines hidden inside their headquarters. Sa isang submarine ay dalawang tao ang madadala nito, you should use it before we blow up the whole headquarters" muli akong tumango sa sinabi ni Hazelle.


"Can you locate exactly the mini submarine?" tanong ko sa kanya. I need to be specific, isang maling hakbang ko sabay kami ni Tristan mamamatay. That's a no no. Me and Tristan deserves a happy ending.

Pero hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Hazelle, parang matindi na niyang pinag isipan ang lahat ng ito.


"Why are you so prepared Hazelle?" kunot noong tanong ko.


"I know this will happen and the best support that you can have is me and Enna. Wala nang iba" inabot na sa akin ni Enna ang blueprint. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nagkibit balikat na lang ako.


"While we're busy with their system, try to prepare your suits and everything. We'll go after 3 hours. You'll ambush them tonight" mabilis akong tumango sa sinabi niya.

Tahimik lang ang buong dalawang oras namin. Kapwa kami mga abala sa mga dapat naming gawin at nang matapos kong pag aralan ang buong headquarters ng thombstonne, sinimulan ko nang magbihis.

Nakaharap ako sa salamin habang dahan dahang ni zizipper ang itim kong all over ko. Ang layo na nang narating ko, papaanong ang isang simpleng babaeng kumukuha lamang ng libro sa isang hindi mataong library ay magiging ganito ang buhay sa isang iglap lamang?

Akala ko mahirap nang gumising ng maaga para sa araw araw na trabaho sa opisina. Problema na ang mga lalaking hindi na nagsawang magpadala ng bulalak sa akin, traffic, boss na mainitin ang ulo at mga katrabahong tsismosa. Napapailing na lang ako sa mga problema ko noon, malayong malayo sa kinahaharapan ko ngayon.

During my college years, I was just a normal girl with normal life with happy family, beautiful friend and typical girl problems. Pero ngayong nabunyag ang katotohanan sa buong pagkatao, para itong magkakasunod na bombang sunod sunod na sumasabog at hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil.

I admired my biological mother at malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil ipinatikim niya sa akin ang mamuhay ng normal sa ilang taon ko sa mundong ito. Pinilit man niya akong ilayo sa magulong mundong ito pilit pa rin akong hinihila pabalik ng totoong pagkatao ko.

I am made for guns and maybe I'll die holding it. From Hidalgo to Satchel and from Linnalyn Isabelle to Isabella Valentine.


Huminga ako nang malalim bago ko nilagyan ng pulang lipstick ang labi ko. Kakulay ng dugo. Ilang daang baril man ang hawakan ko, ilang granada man ang ibato ko, ilang kutsilyo man ang isaksak ko at ilang tao pa ang patayin ko hinding hindi ko kakalimutan na nakilala ako bilang isang Linnalyn Isabelle Hidalgo.

Nasisiguro kong isusumpa ako ng dating ako sa gagawin kong ito. Sinimulan ko na rin isuot ang itim kong gloves.

I will definitely kill all those people inside that headquarters, they will blow up together with their homebase.


Lumabas na ako sa kwarto ko at pagkalabas ko ay handa na rin si Hazelle at Enna sa kanilang mga suot. Agad silang lumapit sa akin at nagsimula na silang magkabit sa akin ng mga kakailanganin ko.


"We'll instruct you through these earpods" tumango ako sa sinabi nila. Ibinigay na rin nila sa akin ang iba pang kagamitan na makakatulong sa akin. From my deathly shoes, watch, shades, pen at marami pang iba na hindi ko akalaing magagamit ko.

Lumabas na kami ng hotel at ginamit na namin ang fire exit. Nakahanda na ang sasakyang gagamitin namin kaya mabilis na kaming nakaalis.


"Another instruction Isabella, we have a spy inside. He can help you.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Who? Papaano siya nakapasok dito?" nagtatakang tanong ko.


"He's a regular there. At ilang taon na rin siyang nagbibigay serbisyo sa mga ito. He's good at this field" nagkita na kaya kami ng lalaking ito?


"Can I trust him? Baka baliktarin niya lang tayo" paniniguro ko.


"Yes, you can trust him. He's loyal to Satchel family" tumango na lang ako sa sinabi niya.

Tahimik na kami buong biyahe hanggang makarating na kami sa Hamborg Sea Port.


"Where is it Enna?" nagtatakang tanong namin.


"Ethan!" malakas na sigaw niya sa isang warehouse na malapit sa amin. Agad na may lumabas na nakajacket na lalaki at tumakbo ito papunta sa amin.


"All set up?" tumango lang sa amin ang lalaki. Sumakay kami sa isang bangka para makarating daw kami sa napakalaking barko na may kalayuan sa pangpang. Hindi na ako nagtanong pa sa mga nangyayari, ang mahalaga ay makarating na kami sa submarine na kailangan namin.

Napasok na kami sa barko at nagsimula na kaming bumaba sa lower deck nito. At nang makarating kami ay wala akong kahit anong makita.


"Where?" nagtatakang tanong ko. Nagkibit balikat lang ang lalaki bago siya may pinindot sa tagiliran niya.


"Goodluck" bigla na lang gumalaw ang sahig dahilan kung bakit sabay kaming nahulog tatlo sa malamig na dagat. Fuck!

Nasaan ang submarine?

Nakita kong may itinuro si Enna na siyang sinimulan na naming languyin. We entered inside it and she did push a red button. Damn, what the hell is happening? Nawawala na ako ng hangin sa katawan.

Napansin ko na nagsisimula nang magsara ang bubong at nang tuluyan na itong magsara ay unti unting bumaba ang tubig na siyang nakapagpahinga sa amin.


"Shit! Bakit wala man lang pasabi 'yang boyfriend mo Enna?!" iritadong sabi ni Hazelle.


"He's not my boyfriend, let's just proceed" may muli na namang pinindot si Enna bago nabuksan ang isang bakal na pintuan pataas.

Agad bumungad sa amin ang napakaraming monitor, computers at kung ano ano pa na ginagamit ng mga taga cyber intelligence team. Ibig sabihin magiging pabor ito sa amin. Naupo na silang muli at nagsimula na silang pakialaman ang buong mga kagamitan dito.


"Base sa bilis ng submarine na ito, makakalapit tayo sa kanila sa loob ng dalawang oras. We just need to hack their system connected to their radio waves for us not to be noticed" nakikinig lang ako sa sinasabi ni Hazelle.


"Magbihis ka na Isabella. Pinacheck ko na rin ang oxygen tank na gagamitin mo, everything is safe and sound" ngising sabi sa akin ni Enna.


"How about my guns?" nagtatakang tanong ko.


"Sa pagpasok mo sa headquarters nila, nakahanda na ang mga baril na kakailanganin mo. Remember may kasamahan tayo sa loob" paalala ni Hazelle sa akin.


"Bakit hindi makipag ugnayan kay Papa itong kasamahan natin sa loob? Why us?" muling tanong ko.


"Tulad natin alam niyang hindi magiging maganda ang resulta kung ang buong Sous L'eau mismo ang kikilos" hindi na lang ako sumagot sa kanya. Muli kong inayos ang sarili ko at nagsuot na ako ng diver's suit.

Isiniksik ko sa isang sealed case ang mga damit at ang dalawang baril na siyang hindi nawawala sa akin. Hinihintay ko na lang na makalapit kami sa headquarters nila.

Nasa control room si Hazelle habang nasa dock na ako kasama si Enna na inaayos na ang oxygen tank ko.


"You can do this Isabella" huminga ako ng malalim at ngumiti ako sa kanya.


"Salamat.." humakbang na siya papalayo sa akin at pumasok na siya sa loob. Hindi din nagtagal ay nagbuksan ang dinaanan namin at pumasok ang tubig, sinimulan ko nang maglangoy.

Si Hazelle ang magbibigay ng instructions sa akin habang si Enna naman ang bahala para manipulahin ang buong system ng thombstonne.


"Lieutenant.." malinaw kong naririnig ang boses niya.


"Yes, I can hear you" sagot ko habang patuloy akong naglalangoy.


"Just keep moving, we secured all your paths. They're all blind for 15 minutes"


"Copy" hindi ko maiwasang hindi humanga. Enna and Hazelle are international hackers, they can easily play with the enemy's system.

Tuluyan na akong nakarating sa dock part ng headquarters nila, kusa itong nagbukas dahil na rin sa kakayahan ng mga babaeng katulong ko.


"Isabella, you need to move. You only have 2 minutes to leave that place. There are 2 subjects on your way from the east. Do you copy?"


"Copy. But the way is blocked, can you open it Enna?" nagsimula na akong maghubad at isiniksik ko sa dulo ang mga ginamit ko para hindi mapansin ng mga dadating. Binuksan ko muna ang case para kumuha ng baril ko na may silencer.


"Alright" nang sabihin ito ni Enna ay mabilis nabuksan ang pintuan. Fuck!


"There's cctv out there" napaatras ako.


"It's dead, go on. Go to the fourth door to your north, nandoon lahat ng gagamitin mo" halos takbuhin ko na ang sinabing kwarto ni Hazelle.

I am just running with my black bikini with my sealed case and small gun on my hand. Kung makikita ako ni Tristan ngayon, he'll definitely get mad. Who'll run in missions wearing bikinis?

Marahas kong binuksan ang pintuan pero napamura na lang ako nang may dalawang crew na nasa ibabaw ng kama at gumagawa ng milagro. How I hate doggy style.


"I am sorry" mabilis kong itinapat ang baril na hawak ko at magkasunod ko silang pinaputukan sa kanilang mga ulo. Wala akong ititira.

Muli ko nang binuksan ang sealed case ko at sinimulan ko nang magbihis.


"What's the situation?" tanong sa akin ni Hazelle.


"Two down, hindi sila nakaubo" tamad na sabi ko.


"What?" ngumisi lang ako habang zinizipper ang damit ko.


"How I miss Tristan.." sinimulan kong igala ang mata ko sa kwarto. Nasaan ang mga gagamitin ko?

Napansin ko na bahagyang nakabukas ang itaas na cabinet. Agad akong lumapit dito at tama nga ang hinala ko. Dahil suot ko na naman ang ibinigay sa akin ni Enna at Hazelle, mga bomba, phones at ilang baril na lang ang kinuha ko.

Inilock ko na ang pintuan nang sa ganoon ay walang kapasok at makita ang bangkay ng dalawang ito.


"You need to go to the power system" paalala sa akin ni Hazelle.


"Give me the exact location" kaunti pa lang ang tao sa deck na ito. Sigurado sa mga susunod na palapag ay marami na akong maeenkwentro.


"3 blocks away head to your east" tumango ako habang hawak ko ang sealed case na may lamang anim na telepono at anim na bomba na magpapasabog sa buong headquarters.

Agad akong nagtago sa isang kwarto ng may dumaang tatlong lalaki na may hawak na mga baril.


"Here's the little agreement Isabella. Siguraduhin mong hindi nila mapapansin ang prensensiya habang hindi mo pa naitatanim ang anim bomba, kumulang tayo ng isa hindi natin sila tuluyang madudurog. Sa madaling salita, avoid fights for a while, kung hindi mo kaya please make it clean. We'll secure all the surveillance cameras.." napatuloy ako sa paglalakad pero mukhang hindi ko talaga maiiwasang hindi makaengkwentro.

Bago ako mapaputukan ng baril ng dalawang lalaki ay mabilis kong ibinato ang sealed case sa isa sa kanila na tinamaan sa ulo dahilang kung bakit ito natumba. Agad kong naman nabaril sa ulo ang isa niyang kasamahan. Done.


"Fuck!" narinig kong sabay nagmura si Enna at Hazelle.


"I am sorry for that" pilit kong hinila ang katawan ng dalawang lalaki at inilagay ko sa loob ng isang kwarto. At may nabaril na naman ako dito. Five down so far.

Nakarating na ako sa power room nila at nagsimula na akong pakialaman ang mga wires nito at ikabit sa isa sa mga cellphone na dala ko. Nailagay ko na rin ang unang tatlong bomba at hindi ko maiwasang hindi makaengkwentro ng mga kalaban.

Kailangan ko pang magtanim ng dalawa pero mukhang malabo na dahil naririnig ko na ang alarm ng buong headquarters, ibig sabihin alam na nilang napasok sila. Agad kong isinuot ang ear protector ko dahil sa sunod kong gagawin.

Napapalibutan na ako ng anim na lalaking nakatutok ang baril sa akin.


"Drop your gun!" itinaas ko lang ang kamay ko.


"I need those sound waves" maiksing sabi ko. Hindi na ako naghintay pa nang sabay sabay nabasag ang lahat ng mga babasagin sa paligid. Kapwa nagluhudan din ang mga lalaki dahil sa lakas ng ingay na talagang bibingi sa kanila.

Binuksan din ni Enna at Hazelle ang sprinkler system dahilan kung bakit nabasa silang lahat. Pinagbabaril ko na ang anim na lalaki na walang kahirap hirap. All are headshots.


"Where's Tristan? Have you already located him?" tanong ko sa kanila habang nagmamadali akong maglakad.


"He's in 2nd floor, you're still in lower deck Isabella.." mabilis na sagot niya sa akin.


"Hey, let's give Isabella a theme song" napamura na lang ako nang umalingawngaw ang kanta ng pussycat dolls na hush hush.


"What the? What kind of song is that?" naiiling na sabi ko. That's too seductive.


"There are four men in front of you..about 60 meters away..." inihanda ko na ang dalawa kong baril.


"40...30..20" mabilis akong nagtago sa likuran ng isang pader at nang maramdaman ko na malapit na sila ay agad akong nagpaputok ng baril. Dalawa agad ang tinamaan sa ulo.

Pinaulanan ako ng bala ng dalawang lalaki kaya mabilis akong lumuhod at inihagis sa kanilang tagiliran ang dalawang electro shock dahilan kung bakit sila natumba. Hindi pa ako nakuntento dahil binaril ko pa rin sila.


"Move! Isabella, marami na ang padating dyan. You can't fight them all" tumakbo na ako at pumunta na ako sa elevator.

Saktong may babaeng naghihintay dito na tinutukan ko nang baril, nabuksan ang elevator at may tatlong lalaki dito. I did use the girl as human shield, ilang beses siyang nabaril ng mga kasamahan niya bago ko tuluyang napatay ang mga ito.

Nagkibit balikat lang ako bago ako pumasok sa elevator.Tamad kong pinindot ang second floor.


Unang paglabas ko pa lang ay sinalubong ako ng isang chef na may sulong na cart. Marahas kong sinipa ang cart niya at pinaputukan ko siya ng baril sa binti. Nasundan ito ng isa pang lalaki na agad ko ding nabaril.


"What's the situation?" tanong ko kay Hazelle.


"We locked down all the floors from upper deck and third floor until the lower deck. Tanging mga tao sa second floor na lang ang kalaban mo Isabella" mabilis akong tumango. Binitawan ko na ang baril ko at nilimot ko ang baril ng lalaking napatay ko.


"Cap Theo is located at the metal room, there are 2 securities out there" sasagot pa sana ako nang tamaan ako ng bala sa tiyan. Fuck!

Inihagis ko ang smokebomb ko para hindi agad makalapit sa akin ang lalaki. Lumabas ako at tatlong beses ko siyang binaril.

Nakarating na rin ako sa kwarto kung saan nakulong si Tristan, muli akong naghagis ng smokebomb. Hindi ko na hinintay pa na mawalan ng malay ang dalawa dahil agad ko nang pinagbabaril ang mga ito.

Mabilis kong ikinabit sa security system ng pintuan ang isa sa telepono na dala ko.


"How many minutes?" tanong ko.


"1 minute, wait" sagot sa akin ni Enna. Alerto ako ng buong isang minuto bago ko makitang unti unting nabuksan ang pintuan.

At nang tuluyan na itong mabuksan ay halos mapatalon ako sa tuwa nang makitang nakaupo si Tristan na may posas sa kanyang mga kamay.


"Who's there?" tanong ni Tristan.


"Baby.." agad itinaas ni Tristan ang kanyang paningin at nakatitig lang siya sa akin.


"Fuck. I am dreaming again.." muli siyang tumungo na parang hindi siya naniniwala sa nakita niya.


"Tristan, I am real. I am here to save you.." hindi niya ako sinagot. Mabilis kong pinaputukan ang mga posas niya.


"Tristan, let's go.." nakatitig pa rin siya sa akin.


"The last time I saw you here, you were pole dancing baby. I am dreaming again.." kung nasa ibang pagkakataon kami, nasampal ko na siya.


"Tristan, I am real" mabilis kong sinapo ang pisngi niya at mariin ko siyang hinalikan.


"I am real baby.." pinaglandas ko ang mga kamay niya mula sa mga pisngi ko, sa leeg ko hanggang sa aking mga dibdib. Nang maramdaman kong pinisil niya ito nang sabay na ngisi sa kanyang mukha, alam kong naiintindihan na niyang hindi siya nananaginip.


"Yes, you're real.." hahalikan pa niya dapat ako nang tumayo na ako.


"Let's go Cap" inihagis ko sa kanya ang isang baril.


"Ikaw lang?" tanong niya.


"Tinutulungan ako ni Enna at Hazelle, hawak nila ang control sa buong headquarters" inagawan na ni Tristan ng damit sa isa sa mga napatay ko.


"Nasaan ang ama ni Gray? I will kill him, gusto kong ako mismo ang papatay sa kanya" madiing sabi ko.


"Same here baby. Narinig kong nasa operating room si Stone. He's plotting something Lina. I know, he won't let you break in inside this room if he's not plotting anything baby.."


"Kahit ano pa ang binabalak niya, we'll definitely kill him" uuna na dapat akong malakad nang unahan ako ni Tristan. Pansin ko na hindi masyadong mahigpit ang sekyuridad nila kaya madali kong napasok, posibleng naging kampante sila na wala pang lead ang Sous L'eau, mukhang nagkakamali sila.


"Thanks for saving me baby. But for now, you need to cover me. I'll lead for now. By the way, what's with this song?" napailing na lang ako.


"Hindi ko alam"

Marahas naming binuksan ang operating room at tumambad sa amin si Stone habang may kilik na isang lalaki.

He's our comrade.


"Doctor Vicente?" siya ang doctor ni Papa. Siya ang ispiya namin?


"Papatayin ko ang doctor ni Satchel, ibaba nyo ang mga baril nyo" nangangatal na sabi ni Stone. He can speak tagalog.

Natigilan kami ni Tristan at hindi namin maintindihan kung ibaba namin ang baril. Pinili munang isarado ni Tristan ang operating room. Why are they here?


"Ibaba nyo!" dahan dahan naming ibinababa ang baril. Fuck. Nanlaki ang mata ko nang sikuhin ni doctor Vicente si Stone.


"No!" agad akong kinabig ni Tristan nang mag agawan ng baril si Stone at Doctor Vicente. Hindi namin maintindihan kung kailan namin kakalabitin ang gatilyo. Halos mangatal na ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ko sila.

Pero agad akong nakarinig ng putok ng baril, si Tristan mismo ang bumaril at si Stone ang tinamaan sa tagiliran dahilan kung bakit ito bumagsak. Muli kong hinawakan ang tiyan ko, lalo nang kumikirot ang tama ko. Bakit nga ba hindi ako nagsuot ng bullet proof?


"Let's go!" agad na sabi ko sa doctor. Napapikit na lang ako nang kumirot na naman ang tama ko.

Lumapit pa si Tristan kay Stone para muling paputukan ng bala nang may mahagip itong kung anong bote at marahas niyang isinaboy ang laman nito kay Tristan.


"No way.." narinig kong bulong ng doctor. Napasigaw na lang ako habang nakikitang unti unting bumabagsak ang katawan ni Tristan habang sapo ang kanyang mga mata.

Halos magsiklab ang lahat ng galit ko sa aking buong katawan, lumuluha kong pinaulanan ng bala si Stone kahit wala na itong buhay. Anong ginawa niya?! Anong isinaboy niya kay Tristan?!

Tuluyan nang bumagsak si Tristan na sapo pa rin ang kanyang mga mata. No, no.. not his eyes..not his eyes. Not my Tristan's eyes. Halos takbuhin ko na si Tristan at daluhan siya.


"What happened there Isabella?! You guys need to go! Iisa na lang ang submarine!" malakas na sabi ni Hazelle na hindi ko pinansin.


"Tristan..Tristan.." pilit kong niyuyugyog ang balikat niya. I don't like this..I don't like this.


"Baby. I can't see..my eyes..baby...I can't see.." tuluyan nang nagpatakan ang mga luha ko. Ano na naman ito?! Makakaalis na kami, makakaligtas na kami. Bakit ang mata pa niya? Bakit sa dami nang pwedeng maapektuhan ay ang mga mata niya pa?

Lalo akong napahagulhol nang nagsimula nang mawalan ng malay si Tristan.


"Doctor...doctor..doctor..Please do something..his eyes please..dyou can do something right?" halos magmakaawa ako sa kanya. Nakatulala lang sa akin ang doctor, lalong nagsiklab ang galit ko at muli akong lumapit kay Stone at paulanan siya ng bala.


"Die! Die! Die!" naramdaman kong may humawak na sa aking braso.


"Isabella, pasasabugin na namin ang unang dalawang bomba! Malapit na kayong mapasok, we need to secure your place.." hindi na ako sumagot sa kanila. Then bombed it!


"May magagawa ka naman sa mata niya hindi ba? Magaling kang doctor hindi ba?" lumuluhang sabi ko.


"Hindi na siya makakakita pa Isabella.." tuluyan na akong napaluhod sa sinabi ng doctor. Anong isinaboy ni Stone sa kanya? Bakit lagi na lang si Tristan? Bakit lagi na lang pinahihirapan ang lalaking mahal ko?


"What are you?! Diyos ka Doctor Vicente?! Hindi mo pa nasusuri! Hindi na agad makakakita?!" malakas na sigaw ko. No..not my Tristan's eyes.


"I know that chemical.." mahinang sagot sa akin ng doctor.


"No, no. Sinungaling kang doctor! You're fake!" malakas na sigaw ko.


"We need to go Ms. Satchel, mapapasok na nila tayo.." What the?


"What?! Sa tingin mo ay iiwan ko dito si Tristan?! Then go! Go ahead" nakakarinig na ako ng mga pagsabog.


"Hazelle? Can you secure the second floor for atleast three hours?" deperadang tanong ko.


"What? Why so long? Bakit ayaw nyo pang umalis dyan?!" malakas na sigaw niya.


"I need three hours please.." madiing sabi ko.


"Alright" sagot niya sa akin.


"I can't leave him.." mahinang sagot ko.


"Kailangan mong mabuhay Ms. Satchel, siguradong pipiliin na rin ni Cap Theo na mawala sa mundo dahil sa pagkawala ng mga mata niya. He can no longer do his missions and worst he can no longer see you, magiging pabigat lang siya sa'yo Ms. Satchel" nangatal ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. Paano ko iiwan ng basta basta na lang ang lalaking mahal ko? Papaano ko iisipin na pabigat lang ang lalaking mahal na mahal ko?

Muli kong hinawakan ang tama ko, ramdam kong marami nang nawawalang dugo sa akin.

Huminga ako ng malalim at bumuo ako ng isang desisyon. Sa nangangatal kong mga kamay ay itinutok ko ang baril ko kay Doctor Vicente.


"Ms. Satchel.." wala nang tigil sa pagluha ang aking mga mata. Ito na lang ang kaisa isang paraan na maaari kong maitulong sa kanya. Lagi na lang si Tristan ang gumagawa ng paraan para masaya ako, mapangiti, maprotektahan at bigyan nang walang katumbas na pagmamahal.

I don't want to see him miserable, ayokong dumating ang pagkakataong maranasan niyang maging mahina. My Cap Theo is always strong and powerful, at ang mawalan nang paningin ang mismong sisira sa buhay niya. I can't let this happen.


"Give him my eyes Doctor Vicente. Hayaan mong ako ang maging mata niya.." natulala ang doctor sa sinabi.


"No, I can't do that Ms. Satchel!" mariing sabi niya.


"Then die! Pumili ka, ako at Tristan ang mabubuhay? O Ikaw at si Tristan? There's a mini submarine at the lowerdeck, ibibigay ko sa'yo ang earpods for my comrades instruction. Both of you will survive, just leave me here.." napakagat labi na lang ako habang sinusulyapan ang walang malay na si Tristan. Panay na sa pagkirot hindi lang ang tama ng bala maging ang aking puso.


"No, Ms. Satchel that's insane" mariin siyang umiling sa akin.


"Then I'll kill you right now, hindi ka na rin makakaalis sa lugar na ito dahil pasasabugin ko na ito" matapang na sabi ko sa kabila ng luhang hindi ko na inaabalang punasan.


"We can all ride to that fucking submarine! Bakit may kailangang maiwan?!" malakas na sabi sa akin ng doctor.


"It can only take two passengers! At kayong dalawa 'yon ni Tristan!" desperadang sigaw ko sa kanya.


"I can't. Nakapangako ako sa inyong pamilya, I can't leave you here Ms. Satchel. Hindi ko kaya ang pinapagawa mo" mabilis kong ikinasa ang aking baril.


"Seryoso ako Doctor Vicente, isang kalabit ko lang sa gatilyong ito sabog ang bungo mo. Iiwan kita dito at kami ang aalis ni Tristan" mabibigat na ang paghinga ko.


"I have kids Ms. Satchel, I have family.." nakataas ang mga kamay niya.


"Wala akong pakialam! Pumili ka, we're running out of time.." lalong nangatal ang mga kamay ko.


"But we need series of test Ms. Satchel for that transplant.." napamura na lang ako sa sinabi niya.


"You're an expert doctor! And we're inside in a highly advance operating room. Alam kong simple lang sa'yo ang transplant surgery" hindi man ako kasing talino ni Tristan pero hindi ako madaling maloko.


"Ms Satchel.."


"Stop calling me! Just fucking snswer me! answer me! I will kill you!" malakas na sigaw ko.


"Alright" mahinang sabi niya na nagpababa sa kamay ko.


"I have your word?" tanong ko sa kanya. Sinagot niya lang ako ng pagtango.


"Good, just give me few minutes with him.." mul siyang tumango sa sinabi ko.

Pinatay ko na ang earpods dahil panay na ang sigaw ni Enna at Hazelle dahil sa ginawa kong desisyon. Wala na akong ibang maisip, dalawa lang ang kayang dalhin pataas ng submarine. And I am shot, hindi ko alam kung kaya ko pang maghintay nang matagal na oras para makarating sa pangpang.

Dahan dahan akong lumapit kay Tristan at marahan kong idinikit ang tenga ko sa kanyang dibdib. Tristan Ferell's heartbeat.


"I love you. Mahal na mahal kita Tristan.." naninikip ang dibdib ko sa mga salitang sinabi ko. Mukhang hanggang ngayon ko na lang masasabi ito.


"Hinding hindi ko makakalimutan ang kauna unahang pagkakataong nakita ko ang napakaganda mong mga mata. I was captured, damn captured baby. Sino bang babae ang hindi mahuhumaling sa mga mata mo? Sinong babae ang hindi malulusaw ang puso kapag tinitigan ng nangungusap mong mga mata?" hawak hawak ko ang mga kamay niya habang marahan itong dinadama ng aking pisngi.


"Hindi ko akalaing mamahalin ako ng isang lalaking katulad mo. You're too perfect Tristan, hindi ka lang gwapo, hindi ka lang matalino. Mabuti kang tao, pinalaki ka ng maayos at may pagpapahalaga sa pamilya. I am so lucky to have you. Ni minsan hindi ka nagkulang sa pagmamahal sa akin, laging labis at sobra..lahat na lang ibinigay mo sa akin.." ibinaba ko ang mga labi ko sa kanyang mga labi. How I love the taste of his lips.


"Huwag mo akong kakalimutan Tristan, alam ko makakahanap ka rin ng babaeng makakasama mo habang buhay, mamahalin ka higit sa pagmamahal na kaya kong ibigay sa'yo. Pero please, wag mo akong kakalimutan. Na may isang Linnalyn Isabelle, Isabella Valentine na nagmahal sa'yo nang lubusan. Alam mo namang mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita lalaking may pinakamagandag mata.." marahan kong hinaplos ang buhok niya.


"Ayokong makitang maging miserable ang buhay mo. Live well Tristan, magkapamilya ka tulad ng pinapangarap mo, madaming anak at masayang pamilya na gustong gusto mo. Patawad kasi hindi ko agad nabigay sa'yo ang mga hinihiling mo..patawad kasi hindi ako mapagbigay na katulad mo. I am sorry for all Tristan. Hayaan mo hindi ako magseselos kapag nakaasawa at anak ka na. Pero pwede ba kahit minsan maghagis ka ng bulaklak sa dagat? Magiging masaya na ako sa bulaklak Tristan.." pinahid ko na ang mga luha sa aking mga mata.


"Dalawa lang ang pwedeng makaligtas Tristan. Huwag mong kagagalitan si Doctor Vicente, malaki ang utang ko sa kanya.." napahawak na lang ako sa tama ko sa tiyan. Nanghihina na ako. Marahan kong pinaglandas ang aking mga daliri sa kanyang mga labi.


"Hayaan mong ako ang maging mata mo. At katulad ko, mamahalin ka rin ng mga mata ko ng walang katumbas.." dahan dahan kong hinalikan ang kanyang nakapikit na mga mata.

Pumasok na muli si Doctor Vicente at inayos na niya ang lahat ng kakailanganin. Sinuri niya na rin ang aking mga mata. Kapwa na kami nakasuot ni Tristan ng surgical gown.

Humarap muna ako kay Doctor Vicente.


"Isinusumpa ko Doctor Vicente, sa sandaling magising ako. Sa sandaling ako ang iniligtas mo, sa sandaling hindi mo tinupad ang pinag usapan natin sa loob ng kwartong ito, tandaan mong hindi lang ikaw ang papatayin ko. I will definitely hunt you and your family down. At kahit saang lupalop pa kayo ng mundo, hahabulin ko kayo at iisa isahin ko kayong patayin. I am a Satchel, tandaan mong may isang salita kami.." madiing sabi ko.


"I know" tipid na sagot sa akin ng doctor.

Muli akong humarap kay Tristan at hinawakan ko ang mga kamay niya. Dinala koi tong muli sa aking mga pisngi at lumuluha koi tong dinama. I will miss his touch.


"I love you Tristan Matteo. Till we meet again.."


Tuluyan na akong humiga sa operating bed. Nakaayos na si Tristan at nakakabit na ang mga dapat ikabit sa kanya. Nagsisimula na rin si Doctor Vicente sa akin. Nang maramdaman kong may itinurok siya ay nagsimula nang bumaba ang talukap ng aking mga mata.

Muli kong inilingon ang aking nanlalabong paningin sa kanya. Gusto kong siya ang kahuli hulihang makikita ng aking mga mata. Ako ang magiging mata mo. Tristan Matteo Ferell.



I will be forever his infinite eyes...



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro