Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 73

Chapter 73


Kalukuyan na kaming nakasakay lahat sa isang itim na BMW. Iniwan na ni Gray ang kanyang malaking radyo pero hindi pa rin siya tumigil sa pagpapatugtog dahil ipinagpatuloy niya ito sa stereo ng sasakyan.

Nasa unahan silang dalawa ni Tristan habang kami ni Savannah ay sa likuran. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa tatlong kasama ko, hindi man lang ako makakita ng kaunting kaba o takot mula sa kanila.

Bakit kung makakilos silang tatlo ay parang pupunta lamang kami sa isang mall para manuod ng sine at kumain ng popcorn?


Si Gray na nagsisimula nang paandarin ang sasakyan na may kasama pang pagsipol sipol. Si Tristan naman ay bahagyang nakaincline ang inuupuan na parang anumang oras ay tutulog habang si Savannah naman na katabi ko ay nakadikwatrong abala pa rin sa kanyang chewing gum.

What the hell is this setting? Hindi ba nila alam kung anong sitwasyon ang kinahaharapan namin?


"Hindi man lang ba kayo maseseryosong tatlo?" bigla ko na lamang nasabi sa kanila. Bakit parang ako lamang ang tensyonado sa mga oras na ito? Hindi biro ang mga sindikatong nakaabang sa amin sa labas!

Kung mananatili silang kampante katulad nito at hindi handa, hindi malayong mangyaring ubos na kami bago pa kami makarating sa Akureyri. Damn.

We're just four for pete sake! Bakit kung makaasta ang tatlong ito ay napakadali ng mangyayaring ito sa amin?


"You need to calm yourself for a while baby. Mamaya pa ang totoong laban.." sagot sa akin ni Tristan.


"Besides kung masyado mong iisipin ang mga kalabang nakaabang sa atin lalo kang mawawala sa konsentrasyon. Don't get nervous Isabella, kasama mo kaming tatlo" napaismid na lang ako sa sinabi ni Savannah. Hinihingi ko ba ang opininyon niya?


"Just trust me baby.." lumingon na sa likuran si Tristan at nagawa pa niyang itaas ang kanyang itim na shades para kindatan lamang ako. Umirap lamang ako sa kanya.

Muli ko na lamang itiningin sa labas ang aking paningin. We're not using the usual road, hindi ito ang dinaanan namin kanina. Tanging naglalakihang puno lamang ang nakikita ko sa magkabilang panig ng aming sasakyan. Pero alam kong hindi rin magtatagal ay may mga sasakyan na rin akong makikitang nakasunod sa amin.

Ang isa pa sa kinaiinisan ko sa mga oras na ito ay ang panahon. It is damn snowing right now. Yes, I love snow but this is not a good timing. Sa halip na mas mapabilis ang biyahe namin ay mas napabagal pa ito.


"So what is your plan after this? Back to your usual life? Agent life? Hindi ka pa ba nagsasawa Matteo?" hindi ko inaasahan ang tanong na ito ni Savannah. Bakit bigla na lang siya nagtanong ng ganitong bagay?


"Maybe? I am just living because of Lina. Nakatali ang babaeng mahal ko sa resposibilidad niya sa Sous L'eau bilang isang Satchel at ako habang buhay kong itatali ang sarili ko sa kanya. So I guess, yes? I'll remain this agent with the love of my life.." natigilan ako sa sinabi ni Tristan. Pakiramdam ko ay parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.

Alam kong, ako ang pinakamalaking dahilan niya kung bakit pilit siyang nanatili sa Sous L'eau. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang mga panahong pilit ko siyang pinapaalis sa trabahong ito. Ilang beses ko siyang pinipilit sabihin ang kanyang mahigpit na dahilan kung bakit ayaw niya itong iwanan para sa akin, 'yon naman pala ako rin ang malalim niyang dahilan.

Lahat na lang ng ginagawa niya ay para sa kapakanan ko, lahat na lang ng desisyon niya ay laging nakasalang alang sa akin. Maging ang kasiyahan niya sa sarili niyang pamilya ay isinakripisyo niya para sa akin.

Wala na akong ibang hihilingin pa sa lalaking may pinakamagandang mga mata.


"Tristan.." natawag ko na lang ang kanyang pangalan. Pinili niya lamang akong tingnan sa rear mirror.


"Tristan, pagkatapos nating makalabas sa bansang ito. Please marry me, I want to be officially yours.." hindi ko alam kung bakit nagsimula nang magtuluan ang mga luha ko. Tama na ang mga pinagdaanan ni Tristan, alam kong ako lamang ang makakapaghiwalay sa kanya sa ganitong klaseng buhay.

Muling napalingon sa likuran si Tristan, tuluyan na niyang hinubad ang suot niyang shades habang tulalang tulala ang kanyang mga mata sa akin.


"Lina.."


"Iwan na natin ang mundong ito, makikiusap ako kay Papa. We can fully dissolve the agency. Gusto ko nang mabuhay ng normal. Let's live in peace baby.." panay ang pagpunas ko sa aking mga luha habang nagsisimula nang lumipat si Tristan sa likuran.


"Oh boy.." maarteng sabi ni Savannah.

Nang sandaling maglapat ang mga labi namin ni Tristan agad kong napansin na nagmadaling pumunta sa unahan si Savannah.

Wala na kaming pakialam ni Tristan sa dalawang kasama namin sa unahan. Kapwa kami mariing nagpalitan ng mga halik na parang ilang taon namin itong hindi ginawa.


"Jealous Gray? We can kiss if you want too" narinig ko na naman ang mapang asar na boses ni Savannah.


"Oh shut up Savannah.." malamig na sagot sa kanya ni Gray.

Magkadikit ang aming mga noo habang nakahawak sa aking mga pisngi ang mga kamay ni Tristan. Kapwa namin habol ang aming mabibigat na paghinga.


"I heard you baby. Wala nang bawian, sa sandaling makaalis tayo sa bansang ito magpapakasal na tayo. Wala nang bawian Lina.." paninigurado niya sa akin. Mabilis akong tumango sa sinabi niya.


"Oh god!" mabilis hinalikan ni Tristan ang aking noo.


"Akala ko ay wala ka nang balak pakasalan ako. I hate your damn rejections.." mariin akong niyakap ni Tristan na siyang sinagot ko rin ng yakap.


"I am sorry for that Cap.." maiksing sagot ko.


"This is getting interesting. Sorry for interruption lovebirds but I can see five companies on our tail" babala sa amin ni Savannah habang inaayos na ang hawak nitong baril.

Agad nawala ang yakap namin sa isa't isa ni Tristan at mabilis naming hinawakan ang sarili naming mga baril.


"Alright, I'll drive. Go and finish them.." tamad na sabi ni Gray. Nakita kong may kung anong pinindot si Gray sa unahan dahilan kung bakit sabay nabuksan ang lahat ng mga bintana.

Sa isang iglap ay mabilis inilabas ni Tristan at Savannah ang kanilang katawan sa bintana at mabilis silang nagpaputok ng baril sa mga sasakyang nakasunod sa amin.

Nakarinig lamang ako nang dalawang magkasunod na putok mula sa kanila bago ko makitang sabay na sumabog ang dalawang itim na kotseng nakasunod sa amin. Nagmadali na muling pumasok si Tristan at Savannah habang pinahuhupa ang pagpapaputok ng baril ng mga kalaban.


"Afraid?" tanong sa akin ni Savannah habang inaayos ang kanyang baril.


"Who told you? Open the roof Gray. I'll go on top" madiing sabi ko. May pipindutin na sana si Gray nang unahan ito ni Savannah.


"Use the devil's gun" nakarinig ako nang ingay mula sa bubong ng kotse. I know this 'devil's gun' it is the other name for the gatling gun.


"In count of three we'll fire them all. I need you to spin 360 degrees Gray, malapit na tayo sa mga nakaabang sa atin sa unahan" napakagat labi na lang ako sa sinabi ni Tristan.


"Copy"


"Full speed!" malakas na sabi ni Tristan. Kapwa na sila nakanda ni Savannah sa harap ng bintana.

Hindi na namin problema ang bilis dahil wala man lang sa mga kotseng nakasunod sa amin ang nakakaabot pero ang malaking problema namin ay ang mga baril nila habang nakabuntot sa amin. Our bullet proof car won't last any longer if we did allow them to continuously blow our car.

Nakatitig lang sa unahan ng kotse si Tristan habang hinintay magpakita ang mga itim na kotse na nakaabang sa amin. Kapwa dalawang baril na ang hawak nila ni Savannah habang si Gray naman ay madiin na rin ang hawak sa manibela.

Nanatili ang mga umuulang bala sa likuran ng aming sasakyan. Hinihintay na lamang namin ang bilang ni Tristan.

At nang unti unti na nang makita ng aming mga mata ang mga kotseng inaasahan na naming nakaabang ay nagsimula na ang mabigat na bilang ni Tristan.


"Three.." nanatili ang bilis ng sasakyan habang papalapit na kami nang papalapit sa grupo ng itim na kotseng nakaporma na para paulanan kami ng bala.


"Two.." nagsisimula nang mabuksan ang bubong kung saan dito ako pupuwesto. Nakahanda na ang gatling gun na siyang gagamitin ko.


"One!" malakas na sigaw ni Tristan. Mabilis kong inalabas ang katawan ko sa bubong at ubod nang lakas kong ginamit ang gatling gun. Kapwa na rin nakapwesto sa magkabilang bintana si Tristan at Savannah na wala na rin tigil sa pagpapaputok ng kanilang mga baril.

Mabilis na iniikot ni Gray ang aming sasakyan dahilan upang mapatamaan naming lahat ang mga sasakyang nakapalibot sa amin mula sa likuran at harapan. Wala na akong tigil sa pagpapaulan ng bala at kahit makakita ako ng mga sasakyang sumasabog ay nanatili akong walang tigil sa pagbaril.


"Fuck!" nakita kong pumasok si Savannah. She's hit.

Pinagpatuloy ko ang pagbaril ko hanggang sa ilan na lamang ang nakikita kong mga sasakyan na maaaring makasunod pa sa amin. Napatigil ako sa pagbaril nang makita kong tinamaan ng bala sa balikat si Tristan.


"Tristan!"


"Oh shit! Keep shooting!" sigaw niya sa akin habang hawak niya na ang isa niyang balikat at ang isang kamay niya ay walang tigil sa pagbaril.

Itinigil na ni Gray ang pag ikot nang malinis na ang unahan at maaari na kaming makadaan.

Napamura na lang ako nang makitang may tatlo hanggang apat na sasakyan pa ang nakaligtas sa kanila. Mabilis na akong bumaba, nakita kong may tama na sa braso si Savannah habang si Tristan naman ay sa kanyang balikat.

Pero nanlaki na lang ang aking mga mata nang makitang basag na ang windshield ng sasakyan namin.


"Gray? Are..are you hit?" kinakabahang tanong ni Savannah.


"No, I am not" pilit na sagot ni Gray.


"You're hit!" malakas na sigaw ni Savannah nang pilit niyang nilapitan si Gray.


"I have bullet proof vest!" madiing sagot ni Gray pero tuluyan nang nawala ang kulay sa mukha naming ni Savannah nang makitang may lumabas na dugo sa bibig ni Gray. Masama ang tama niya.


"Tumagos?" nangangatal na tanong ni Savannah.


"No.." madiing sagot ni Gray. He's hit. He's damn hit.


"Let me drive" seryosong sabi ni Savannah habang nagsisimula nang lumapit kay Gray na hindi man lang kumikilos.


"Gray.." hinawakan ni Tristan ang balikat ko at marahan itong umiling sa dapat kong gagawin. Napansin ko na madami na rin ang nawawalang dugo sa balikat ni Tristan. Bakit ako lang ang hindi tinamaan?

Bakit sila pa na mas magagaling sa akin ang siyang tinamaan? Habang tinatanong ko ang sarili ko at unti unti ko nang naiintindihan kung bakit ako ang pinahawak nila sa pinakamagandang baril na siguradong mapuprotektahan ako. Pinuprotektahan nila akong tatlo.


"No, I will drive" sagot ni Gray sa kanya.


"Just let me fucking drive Gray! Saan ka tinamaan?! Saan ka tinamaan?! Let me see it!" malakas na sigaw sa kanya ni Savannah. Muli kong tiningnan ang likuran namin, mukhang nailigaw na ni Gray ang mga sasakyang nakasunod sa amin.

Walang pakundangang umupo si Savannah sa kandungan ni Gray.


"Move! I'll drive!" hindi na nakaangal pa si Gray at umalis na ito sa kanyang pwesto.


"Check him Lina.." mabilis akong tumingin sa mga mata ni Tristan. Tumango lamang siya sa akin bilang pagsang ayon.

Tinulungan kong maghubad si Gray at nang tuluyan ko nang makita ang bullet proof vest niya ay tuluyan na akong nagimbal. Dalawa ang tama niya sa magkaibang parte ng kanyang tiyan, pati na rin sa kanyang tagiliran.


"Anong klaseng baril ang gamit ng mga nasa unahang kotse? Hindi ito kinaya ng sasakyan natin.." nangangatal na sabi ko. Putlang putla na si Gray at napakarami na rin ang dugong nawawala sa kanya. Hindi na maganda ang lagay niya.

Ngayon ko masasabing mahirap maging driver sa mga ganitong misyon. Being the driver is too risky, you can't defend yourself.


"Makakatagal ka pa ba Gray? May mga Aylip na akong nakaabang sa atin sa ikatlong pagliko.." hindi na nakasagot si Gray sa iniinda nitong sakit.

Hahawakan ko pa sana si Gray nang mapasigaw na lang ako nang makarinig ako nang isang malakas na pagdagasa sa harapan ng aming sasakyan. Hindi ko na nahabol ang buong pangyayari hanggang sa mawalan ng kontrol si Savannah dahil na rin sa dulas ng daan at pagkabigla. Malakas na tumama sa malaking punong putol ang aming sasakyan. Dahilan kung bakit nilipad ang katawan ko palabas ng basag na windshield, maging si Savannah ay ganito rin dahil hindi siya nakaseatbelt.

Kapwa kami nakalugmok ni Savannah sa makapal na nyebe habang dumadaing ng sakit sa pagtilapon ng aming katawan. Mga galos mula sa basag na salamin, masamang bagsak ng aming mga katawan at maging sa nakakapangatal na lamig ng panahon. Pilit akong bumangon para tingnan si Tristan kung nanatili siya sa loob ng kotse.

Habang pilit akong bumabangon ay napamura na lang ako nang makitang sadyang pinutol ang punong bumagsak sa aming sasakyan.


"Tristan!" malakas na sigaw ko.


"I am here.." nakita ko siyang may dugo na sa kanyang mukha habang nagsisimulang maglakad papalapit sa akin.


"Where's Gray?" nangangatal na tanong ni Savannah.


"He..'s he's still.." agad lumipad ang mga mata ko sa sirang kotse na sumalpok sa malaking putol na puno.

Hindi ko na alam kung saan pa kami kumuha ng lakas ni Savannah para takbuhin ang sasakyan.


"Gray!" kinakabahang tawag namin sa pangalan niya. Muli pa sana akong hahakbang nang makitang nakasubsob na si Gray sa kanyang manibela. Punong puno na siya ng dugo.


"Gray.." mahinang tawag sa kanya ni Savannah.


"Don't..don't please don't come..wag na kayong lumapit. I am stucked here, hindi niyo na ako makukuha.." tuluyan nang bumigay ang tuhod ko at napaluhod na lang ako sa malamig na mga nyebe.

What the hell is happening? Hindi ba at nangako kaming walang malalagas sa aming apat? Walang ganito..ayoko na nang ganito..ayoko nang makakit nang ganito..

Tuluyan nang napahawak si Savannah sa kanyang bibig nang makita naming nagsisimula nang umusok ang kotse.


"No, no, no..no.." halos magmadali kaming lumapit ni Savannah pero kapwa kami mahigpit na pinigilan ng mga braso ni Tristan.


"Sasabog na. We need to go.. we need to go.." parang tinusok ng daang karayom ang puso ko sa sinabi ni Tristan. Iiwan namin si Gray?! He's still alive!


"We can't! Do something Tristan! Do something.." sigaw ko sa kanya. Nakatitig lamang siyang nakatulala sa sasakyan.


"You heard him. He's stucked, we need to run. We need to hurry, they're coming.." malamig na sabi sa akin ni Tristan.

Nakita kong nakalapit na sa kotse si Savannah na pilit nang pinalalayo ni Gray.


"I said go! I will not last long kahit maalis nyo ako dito!" pilit pinalalakas ni Gray ang kanyang boses sa kabila nang mga tama niya sa katawan.


"What are you talking about?! Gray aalis tayong apat dito ng buhay!" sigaw ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa akin ni Tristan at lumapit na rin ako sa kotse at pilit ko rin itong binubuksan katulad ni Savannah.


"They're coming.." narinig kong sabi ni Gray na hindi ko pinansin.


"Mistress!" pakinig namin ang malakas na sigaw ng isa sa mga Aylip na may dalang panibagong itim na kotse. Mukhang sinalubong na niya kami, masyado na kaming nagtatagal.


"We need to go! Nakadaan na sila sa site ni Garnet, malapit na sila dito! Maaabutan kayo! Let's go!" sigaw ng babae kay Savannah.


"Go! Please go! Savannah, alam kong alam mo ang dapat mong gawin sa mga ganitong sitwasyon. Just go mistress, just go. Masaya akong marami nang pumuprotekta sa'yo. You're not alone anymore and I am so happy for you.." napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi ni Gray. I don't like this..


"What the hell?! Ilalabas ka namin dito! We can't just leave you here!" malakas na sigaw ko.


"This thing will blow up, madadamay kayo kapag hindi pa kayo umalis.." nahihirapang sabi ni Gray na panay ang pag ubo niya na may kasamang dugo.

Nanlamig ako nang makita kong nagsisimula nang maglakad si Savannah sa sasakyan ng kanyang tauhan. No way..


"Just like that?! You'll just leave him?!" malakas na sigaw ko sa kanya.


"Wala na tayong magagawa Isabella.." mahinang sagot sa akin ni Savannah habang patuloy siya naglalakad papalayo. What the fuck?!


"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Savannah?! You're talking about your friend's life!" muling sigaw ko. Papaano niya masisikmurang iwang buhay ang kaibigan mo sa kotseng alam mong anumang oras ay maaaring sumabog?


"Tristan do something.." halos magmakaawa na ako. Hindi kaya ng konsensiya kong iwan siya dito.

Agad nangunot ang noo ko nang iabot sa akin ni Tristan ang kanyang baril.


"What am I supposed to do with this fucking gun?!" sigaw ko sa kanya.


"Finish him, para hindi na siya mahirapan.." fuck!


"You are both heartless!" sigaw ko kay Tristan at Savannah. Lalapitan ko pa sana ang sasakyan nang marahas na akong binuhat ni Tristan para sumakay sa sasakyang bagong dating.


"What?! Are you serious?! You're just leaving him like that!" hindi ko na napigilang hindi umiyak.

Hindi ako pinansin si Tristan kahit hampasin ko siya, marahas niya akong pinasok sa kotse at mabilis siyang sumunod sa akin.


"Let's go.." malamig na sabi ni Savannah. Wala nang tigil sa pagkirot ang dibdib ko sa nangyayaring ito. Talaga ba na iiwan namin si Gray?!


"How could you? How? Papaano nyo nasisikmura itong ginagawa nyo? Kaibigan nyo 'yong tao! Kaibigan niyo ang iniwan niyo! Tao 'yong iniwan nyo! May buhay pa siya! May buhay pa siya..why? why? Bakit kayo ganyan?" panay ang paghagulhol ko habang lumalayo na ang sasakyan namin kay Gray.

Pilit kong nilingon ang kotseng iniwan namin, kasalukuyan nang nagdadatingan ang mga itim na sasakyang nakasunod sa amin kanina.


"Don't look Lina.." pilit akong hinila ni Tristan at iniharap sa kanya. Mariin niyang tinakpan ang aking mga tenga habang panay ang mga mata kong lumuluhang nakatitig sa kanyang mga mata.

Kahit nakatakip ang mga kamay niya sa aking tenga ay pakinig na pakinig ko pa rin ang napakalakas na pagsabog at malalakas na putok ng mga baril.

Marahang pinunasan ni Tristan ang mga luha ko mula sa aking mga mata.


"You know what is the number one rule of being an agent Lina?" mahinang tanong sa akin ni Tristan. May hindi pa ba ako nalalaman sa trabahong ito?


"Leave your dying comrade" pakiramdam ko ay piniga ang puso ko sa sinabi ni Tristan.


Pero mas lalong nagtuluan ang aking mga luha nang marinig ko ang boses ni Savannah.



"You can't die together"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro