Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 70


Chapter 70


Ilang araw na kaming nakatigil sa malaking mansion ng tinatawag nilang 'mistress' ang babaeng sinusunod lang naman ng iba't ibang makapangyarihang babae sa loob at labas ng bansa.

Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang ipinagtataka ko, kung magkakasama noon si Tristan, Gray at Savannah. Bakit wala man lang sa dalawang lalaking ito ang nahulog sa kagandahan niya? Bakit sa isang katulad ko pa nahulog ang dalawang nakikisigang mga lalaking ito? Kung ikukumpara ko ang sarili ko kay Savannah ay higit na maganda ito sa akin ng isang daang beses. Damn.

Kasalukuyan kaming nakabalibot sa isang bilog na lamesa habang may dalawang babaeng nakauniporme na naglalagay ng kape sa aming mga tasa.

The situation is damn awkward, having Tristan and Gray? With Savannah's grinning face?

Hindi ko alam kung may maganda bang patutunguhan ang nangyayaring pagkakapeng ito. How can I handle this?



"Ngayong nagising ka na Matteo, I think we need to celebrate? Dalawang araw ka din tulog" sinimulan na ni Savannah inumin ang kanyang kape. Celebrate? What the hell? Ano ba ang kasiguraduhan niya na hindi kami dito mahahanap ng mga taong humahabol sa amin?



"Why are we with them Lina?" kinuha na rin ni Tristan ang kanyang tasa ng kape at bahagya niya na rin itong sinimsim.



"It's a long story, but to make it short they helped us" maiksing sagot ko.



"Helped us? I wonder what their motives are?" sagot sa akin ni Tristan na parang wala sa harapan namin ang dalawang taong sinabihan niyang may sariling mga motibo. Hindi ba at nauna na kaming tinulungan ni Savannah, bakit hindi niya inisip na motibo ito noon?



"You're so harsh Matteo, I did help you because you're my friend. And you should thank me I did support you during that human cock fight, I think I bet 3 million?" halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Savannah.



"You have a lot of money Savannah. And your sources are still unknown, do you think our agency will tolerate this? Your organization is beyond those syndicates.." sagot sa kanya ni Tristan na nagpataas sa kilay ni Savannah. Nanatili lamang kaming tahimik ni Gray at nakikinig.



"Pati ba naman ako kakalabanin mo Matteo? I am not doing illegal operations. I am not killing them literally, I am killing them inside.." sagot ni Savannah na hindi ko na naintindihan.



"What will get on that Savannah? Satisfaction?" tanong ni Gray na lalong nagpalapad sa ngisi ni Savannah.



"Yes. It's a satisfaction na hindi niyo maiintindihan ni Matteo at Gray. Atleast, may magandang nangyari sa akin nang nakahiwa hiwalay tayong tatlo. What about you? Magpapatayan kayo dahil sa isang babae, akala ko noon nagpapagalingan lang kayo. Hindi ko akalaing lalaki nang ganito ang alitan nyo nang dahil sa anak ni Commander Satchel.." napakuyom ang mga kamay ko na nakapatong sa aking mga hita dahil sa sinabi ni Savannah.



"Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko" seryosong sagot sa kanya ni Tristan.



"Still that cool Cap Theo? Hindi ba at dapat magpasalamat ka muna? I did save your ass" sagot naman ni Gray na nakacross legs habang umiinom ng kape.

Bakit parang kakaiba ang nararamdaman ko? Bakit parang ako lang ang kinakabahan sa usapang ito? Bakit parang ako lamang ang nakakaramdam ng tensyon sa pagitan nilang tatlo? Bakit pakiramdam ko ay anumang oras ay matututukan ang mga ito ng baril?



"Uhuh? Nagtataka pa rin ako kung bakit nagising pa ako. Bakit hindi mo ako tinuluyan? Alam kong umaatake ka lang kapag mahina na ang kalaban mo" nakita kong dumiin ang pagkakahawak ni Gray sa kanyang tasa sa sinabi ni Tristan.



"You're making your own conclusion Theo, pero mas mabuting umatake sa kalaban kapag mahina. What about you? You're attacking at the back. Sinong duwag sa ating dalawa?" kumukunot na ang noo ko sa palitan ng salita ni Tristan at Gray na anumang oras ay alam kong kamao na ang magpapalitan.

Hindi ba talaga sila mag usap ng mahinahon? Walang tensyon? Walang ganito?

Habang nanlalamig ako sa titigan ni Tristan at Gray. Nanatili lamang ang mala agilang mga mata ni Savannah habang nakangising pinagmamasdan si Tristan at Gray na nagtatalo.

Why she looked so amused?! Damn.



"That's what we called strategy Gray. Wala ka nito kaya ka naaagawan.." halos mapatayo ako nang hawak ni Tristan sa ilalim ng lamesa ang kaliwang hita ko.



"Right baby?" hindi ko magawang makasagot kay Tristan dahil hindi ko na naiintindihan ang pinag uusapan nila ni Gray.



"Strategy? I wonder what happened during your weak state Cap Theo, right Isabella?" halos mapanganga na lang ako sa sinabi ni Gray. No! Hindi niya pwedeng sabihin ang ginawa niyang paghalik sa akin. Magiging gulo na naman ito.

Kapwa nakatitig sa akin si Tristan at Gray na naghihintay ng mga salitang sasabihin ko. Habang si Savannah ay nananatili lamang nagmamasid sa mga nangyayari na parang nanunuod lamang siya ng isang kawili wiling palabas.



"What happened Lina?" itinaas ni Gray ang kanyang kilay sa akin habang muli niyang dinadala sa kanyang mga labi ang tasa ng kape.

At nang matapos siyang uminom ay kagat labi siyang nakatitig sa akin na lalong nagpapakulo sa aking dugo. Nagawa pa niyang ituro ang kanyang sariling labi na parang pinapaalala sa akin ang nangyari.



"Nothing happened Tristan.." hindi ko sinalubong ang mga mata ni Tristan. I am damn lying. Ayokong sabihin na nagawa akong halikan ni Gray! Baka isipin ni Tristan na hindi man lang ako nanlaban. Lalong hindi ko maaaring asahan si Savannah na tulungan akong magpaliwanag. Wala ito sa personalidad niya.



"Lina.." madiing tawag sa akin ni Tristan.



"Nothing happened? We just kissed Isabe---" hindi na natuloy ni Gray ang kanyang sasabihin nang batuhin siya ni Tristan ng tasa na hindi naman tumama sa kanya dahil ibinaliktad niya ang lamesa na siyang tinamaan.

What the fuck? Mag uumpisa na ba silang dalawa? It is not damn good idea to make them stay in one goddamn room! Magpapatayan silang dalawa!



"Oh, what a scene for this early morning" humikab si Savannah at tumayo na sa kanyang kinauupuan.



"Siguraduhin nyong walang masisirang gamit sa aking mansion, alam nyong mahal akong maningil" tamad na sabi ni Savannah na nagsisimula na kaming talikuran.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Tristan, kagigising lang niya at hindi magandang mapwersa na naman ang katawan niya.



"He's lying Tristan.." ako ang nagsisinungaling. Nakita kong ngumisi si Gray sa sinabi ko.



"I wonder who's lying.." mabilis na sabi ni Gray na nakangisi pa rin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang nangangatal na kamay ni Tristan at alam kong hindi maganda ang mangyayari kung hahayaan ko silang magpang abot ngayon.



"I will kill you. Tandaan mo 'yan Gray" matigas na sabi ni Tristan na alam kong tutuluyan na si Gray kapag hindi ko pinigilan.



"Kill me then, kung makakaya mo Theo. Pero sa pagkakatanda ko, ikaw ang hinahabol ni kamatayan ngayon" nanatili akong tahimik habang nagsusukatan ng tingin ang dalawang lalaki.



"Ako lang nga ba? Why are you here then? Alam kong si kamatayan din ang humahabol sa'yo Gray. We're even.." matigas na sagot sa kanya ni Tristan.



"I am not bothered. Masamang damo ako.." confident na sagot ni Gray.



"Mas masamang damo ako" maiksing sagot ni Tristan. Agad niyang hinuli ang mga kamay ko at marahas niya akong hinala papasok ng mansion. Hindi ko na inabala pang lingunin si Gray dahil halos madapa na ako sa mabilis na paglalakad ni Tristan Ferell.



"Tristan, wait! Nasasaktan ako.." hindi niya ako pinansin at lalong humigpit ang kanyang mga kamay sa akin.

Hindi ko na alam kung saang parte na kami ng mansion, walang tigil sa paghila sa akin si Tristan na hindi man lang nag aabalang magsalita sa akin. I know he's mad at alam kong hindi siya naniniwala sa pagsisinungaling ko. Pero hindi ko ginusto ang nangyari! Gray harassed me!

Nagulat na lang ako nang tumapat kami sa isang pintuan at mabilis niya itong sinipa na nakapagpabukas dito. Natulala na lang ako nang lumantad sa aking ang limang babae na kasalukuyang abala sa pagpupunas ng iba't ibang klase ng baril. Kung hindi ako nagkakamali ay mga aylip ang mga ito.



"Fuck. Wrong room" pakinig kong bulong ni Tristan.



"Leave, I need to use this room. I have Savannah's permission" seryosong sabi ni Tristan sa mga babae na matalim ang tingin sa amin. Hindi na ako magtataka kung bigla na lamang kaming paulanan ng bala ng mga ito.



"Kaibigan siya ng mistress, let's go.." matabang na sabi ng isang babae na may tattoo sa kanyang kanang dibdib. Kapareho nito ang tattoo na nasa tiyan ni Florence. I still can't believe that she's one of this girls.

Tumabi muna kami ni Tristan para palabasin ang mga babae at nang tuluyan nang makalabas ang mga ito ay muli niyang hinuli ang aking kanang kamay. Hindi na niya inabala pa na isarado ang pintuan dahil may isa pang pintuan kaming pinasukan.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa kwartong may hindi kalakihang espasyo ay napatulala na lamang ako sa paghanga. Savannah is really a dangerous woman.



"Her collection is so evil" napapailing na sabi ko habang pinagmamasdan ang magagandang kalidad ng baril na nakatago sa isang maliit na kwarto na tanging kulay asul lamang ang ilaw.



"She's obsessed with guns.." pinaglalandas ang mga daliri ko sa mga baril na nakikita ko. Simula nang mabuhay ako bilang anak ng tinitingalang namumuno ng Sous L'eau, natutunan ko nang mahalin ang presensiya ng mga baril at makakita ng mga ganitong klase ng baril ay kasiyahan na rin sa akin.

Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa mga baril na mayroon si Savannah, oo at marami nito ang Sous L'eau pero masasabi kong higit na mas magaganda at makalidad ang mga koleksyon niyang ito.



"She's obsessed with guns. Do you know what I'm obsessed with baby?" narinig kong mahinang sabi ni Tristan. Natigil ako sa paghawak sa mga baril at nilingon ko siya. Narinig kong inilock niya ang kwarto.



"I am obsessed with you baby, with you Lieutenant Isabella Valentine.." tuluyan nang nagwala ang puso ko nang unti unting hinubad ni Tristan ang kanyang pag itaas na damit at basta niya na lamang inihagis ito.



"I missed you Lina, I miss you so much baby.." napairap na lang ako sa kanya at sinimulan kong hubadin ang blouse ko. Tulad din nang ginawa niya ay basta ko na rin inihagis ang damit ko.

Nanatili kaming magkalayo sa isa't isa habang mariing magkatitigan. Sinimulan nang hubadin ni Tristan ang kanyang puting sando na tuluyan nang nagpakita ng kanyang napakagandang katawan na tinatamaan ng kulay asul na ilaw.


There are some scars but it will never ruin his perfect body. Nakadagdag akit pa ito sa kanyang nakakabaliw na katawan.

Huminga ako ng malalim bago ko sinimulang tanggalin ang pagkakahook ng aking bra na hindi man lang inaalis ang mga mata ko sa kanyang mga mata. Inihagis ko din ito katulad nang nauna kong damit. Ramdam na ramdam ko na ang unti unting pag init ng kwartong ito.

Halos magtaas baba ang aking dibdib habang nakikitang bumaba ang magagandang mga mata niya dito. He's damn staring.


Napalunok na lang ako nang nagsisimula nang tanggalin ni Tristan ang kanyang belt na muli niyang itinapon. Tinanggal na rin niya ang pagkakabutones ng kanyang itim na pantalon na nagpapakita na ng kanyang boxers. Fvck.


Sa ngangatal kong kamay ay hinubad ko na rin ang shorts ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa, nanatili kaming magkatitigan habang naghuhubad ng sariling mga damit. We never did this before, lagi akong hinuhubaran ni Tristan dahil alam kong hindi siya makapaghintay pero sa pagkakataong ito hindi ko alam kung bakit ganito ang paraan naming dalawa.

Kapwa isang saplot na lang ang suot naming dalawa. And it is my turn, akala ko ay papanuorin pa ako ni Tristan na maghubad pero mabilis niyang tinawid ang maliit na distansya namin sa isa't isa at siniil niya ako ng mariing halik.

Agad niya akong nabuhat at isinandal sa pintuan. Kissing me torridly.


"My god! Tris..tan.." lalo akong tumingala nang bumaba ang mga labi niya sa aking leeg. Pababa na nang pababa ang mga labi niya habang wala akong tigil sa pagtawag sa pangalan niya.


"Baby.. maririnig nila tayo.." natatawang sabi niya. Naglakad siya malayo sa pintuan habang buhat ako. Wala kaming tigil sa pagpapalitan ng maiinit na halik sa isa't isa.

Naramdaman kong nagsisimula na kaming bumaba hanggang sa tuluyan nang lumapat ang aking likuran sa sahig. Pero hindi din nagtagal ay nagkapalit kami ng posisyon.


"I need you to move on your own baby.."


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro