Chapter 7
Chapter 7
Nasa harap na kami ng simbahan kasama si mommy, daddy at kuya. Nakahanda na rin ang iba pang mga abay na babae sa labas, maging ang bride na kasalukuyang kinakausap na ng wedding coordinator.
"Lina anak, pupunta na kami sa loob" pagpapaalam sa akin ni mommy. Bakit ba ang lakas ng kabang nararamdaman ko? Baka bigla na lang magpakita dito si Tristan. Seryoso kaya siya sa sinabi niya kagabi? Ano naman ang gagawin niya dito? He's not invited. Damn.
"Mom, wait" mabilis kong hinila ang kamay ni mommy.
"What? Titingnan mo na naman ang invitation? Sasaulihin mo ba ang mga pangalan diyan anak?" nauna nang pumasok sa loob si daddy at kuya habang si mommy ay naiwang nalilito sa mga ikinikilos ko. Pilit kong binabasa ang invitation kung may pangalang 'Ferell' dito, pero kahit ilang beses ko itong basahin ay wala akong makitang 'Ferell'
Ano nga ang nababalitaan ko tungkol sa mga Ferell? Yes, they are famous gate crashers. Pinagbantaan na rin ako ni Tristan tungkol dito. Ang kaibigan ko na rin si Florence mismo ang nagkumpirma sa akin na kalat sa buong GyroNella ang talamak na panggagate crash ng mga Ferell. Ilang mga birthday party, kasalan, binyagan at piyestahan na daw ang kanilang mga dinaluhan na hindi naman sila imbitado. What the fuck? Bakit kaya sila mga ganito?
"Okay, your position ladies" pumalakpak ang baklang coordinator. Pumosisyon na kaming mga babaeng abay.
Lumingon ako sa likuran ko para ngumiti sa babaeng ikakasal ngayon. Isa siya sa mga pinsan ko na maagang nahumaling sa pag ibig. I'm happy for her.
"Congratulation, Lyka" ngumisi siya sa akin bilang sagot niya.
"Nasaan na ang bestman?!" sigaw ng coordinator na nakapamaywang. Ito na nga ba ang sinasabi ko, masama na ang kutob ko dito. Sana walang Ferell na magpakita. Damn.
"Sorry, I'm late" Shit. May sinasabi ba ako? Agad nagtatambol ang dibdib ko nang marinig ang boses ni Tristan Ferell. Fuck. Hindi siya ang bestman!
"Ikaw ang proxy ni David?" mabilis na tanong ni Lyka sa kadarating na Tristan Ferell na wagas ang ngiti sa harap ng mga babaeng humanga sa kanya ngayon. Fuck.
"Yes? Tama pala ang sabi ni David, ang ganda mo Miss Lyka. Best wishes" marahang hinagip ni Tristan ang kamay ng pinsan ko at hinalikan niya ito. Halos mag iritan ang mga abay sa ginawa niya. What the hell? Baka masuntok siya ng groom sa ginagawa niya.
Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang apat na Ferell na nagsisimula na rin pumasok sa simbahan. Nakita kong may dala dalang mga camera si Troy at Owen na aakalaing mga cameraman ng kasal, habang si Nero at Aldus naman ay parehong nakaputi na pagkakamalang mga lay minister dahil sa dala ng mga itong kulay berdeng tela na may tangkay na siyang ginagamit sa pagkolekta ng coins kapag may misa.
Seriously? Anong ginagawa nilang lima dito? Manggugulo din ba sila kagaya ng panggugulo nila sa mga kasal at iba't ibang okasyong dinaluhan nila?
Nagsimula nang lumakad ang mga lalaking abay. Unang lumakad ang groom kasama ang mga magulang nito. Sumunod ang bestman na nakapagpakunot sa noo ng ilang mga bisita, malamang sino nga naman ang lalaking 'yan? At para hindi naman siya mapahiya sa mga tao, todo litrato sa kanya ang mga pekeng photographer na kasalukuyan nang humahara sa totoong mga photographer ng ikakasal. Dyosko, patawarin nyo po sila sa kanilang ginagawang mga kasalanan.
Nakalakad na rin ang mga primary at secondary sponsors. Kaya kaming mga abay na babae na ang lalakad. At nang ako na ang lalakad, hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang bumagal ang oras. Unang hakbang ko pa lamang papalapit sa altar ay tumama na ang aking mga mata sa lalaking nagmamay ari ng hindi pangkaraniwang mga mata. Ilang babae na kaya ang nabaliw at nahumaling sa titig ng isang Tristan Matteo Ferell? Sa layo ng distansya namin sa isa't isa, damang dama ko ang mainit na titig niya sa akin.
Para akong hinihila nang kung anong kapangyarihang nagmumula sa kanyang mga titig? Hindi ko akalaing posible kong maramdaman ang nararamdaman ko ngayon. Tanging mga mata niya lang ang nakakagawa sa akin nito.
Nawala ang titigan namin ng marahan siyang sikuhin ng groom. Sa kabila nang wedding song na tumututog sa buong simbahan ay narinig ko ang impit na pagtawa ng dalawang photograher na kasalukyan nang nakaupo. Inilihis ko na ang aking mga mata at nagdiretso na ako sa aking dapat na posisyon.
Nang makarating na rin sa altar na ang bride ay naupo na kaming mga abay. Agad kong narinig ang bulong bulungan ng ilang pinsan ko at iba pang mga babaeng abay sa partido ng lalaki na pinag uusapan si Tristan Ferell, ang dalawang lay minister at ang mga photographer na nagpapansin daw sa kanila.
"Shit, ang gwapo ng proxy. Mas gwapo pa sa totoong bestman, ang mata. Ang mata niya. Shit" siniko ako ng isa sa mga pinsan kong babae. Marahan na lang akong ngumisi at nagkunwaring nakikinig sa sermon ng pari.
Nang matapos ang pagsesermon ng pari ay nagsimula nang maghanda ng mga barya ang mga babaeng katabi ko. Dahil sa mga lay minister na hindi ko alam kung papaano sila pinayagan ng simbahan. Hindi ko na napigilang mapairap nang parehong nagpunta si Aldus at Nero sa hilera ng mga babaeng abay para mangolekta ng barya. Paano ang sa kabila? Dyosko, ngayon lang ako nakakita ng mga lay minister na kumikindat habang nangongolekta ng barya para sa simbahan. Bakit sila pumasok sa simbahan para magkasala?
Kinakabahan na ako sa mga nangyayari, dahil kahit ang mga mata ng pari at nang ilan pang mga matatandang lay minister ay napapapunta na sa dalawang ito. Damn. Malapit na silang ipatapon, kaunting kaunti na lang.
Ilang dasal na siguro ang ginawa ko para agad na matapos ang kasal na ito, tumayo na kami ni Tristan dahil kami ang mga magpapapirma sa mga ninong at ninang ng mga ikakasal. Nang matapos ang pirmahan ay nagpicture taking na siyang kinakainisan ko dahil sa tagal nito.
"You look beautiful.." bulong sa akin ni Tristan habang nasa likuran kami ng bagong kasal dahil sa picture taking na kami lang dalawa ang kasama. Kasabay ng pagpaflash ng camera, mabilis niyang hinapit ang bewang ko at agad niyang ipinatong ang kanyang ulo sa akin.
"Perfect!" sa amin tumingin ang photographer kaya agad akong pinamulahan. Mabilis akong lumayo kay Tristan. Shit.
"Sa akin ka na sumabay papunta sa reception Lina" tawag niya sa akin na hindi ko na pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kinalalagyan nina mommy, daddy at kuya.
"Abay din pala si Tristan anak?" tanong agad sa akin ni mommy nang makarating ako sa posisyon nila.
"Ngayon ko lang rin nalaman" matabang na sagot ko.
Lumabas na kami ng simbahan at nagdiretso na sa aming sasakyan. Napansin kong ibang sasakyan ang gamit ng mga Ferell ngayon.
"Kung hindi ako nagkakamali, ang dalawang nag aassist kanina sa simbahan ay si Aldus at Nero?" tanong ulit sa akin ni mommy habang nag aayos ng seatbelt.
"Yes" sagot ko na lang.
"Parang may mali sa mga Ferell na 'yan" seryosong sabi ni kuya. Oo, matagal na sigurong may mali sa kanila. Something is very wrong.
Nakarating na kami sa reception at talagang napapataas na ang kilay ko dahil mas nauna na ang mga Ferell sa amin at kasalukuyan nang kumakain habang kasama ang ilang mga babaeng abay na mas piniling umupo sa regular table kaysa sa presidential table na nakaassign sa kanila. Change custome na agad ang dalawang lay minister. How nice of them.
Tulad ng inaasahan ay magkatabi na naman kami ni Tristan sa upuan.
"Anong ginagawa nyo dito?" hindi ko na napigilan ang pagkairita ko sa pinaggagawa nilang magpipinsan.
"Kakain?" sagot niya sa akin. Nagsimula na siyang kumain, hindi na siya nakikinig sa mga sinasabi ng emcee at pinagtuunan niya na ng pansin ang mga nakahain sa lamesa. Mas maingat na ako ngayon dahil nasa ibabaw na ng lamesa ang aking mga kamay, mahirap na. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng Ferell na ito.
"Did you wear stockings?" halos itulak ko na siya dahil sa init ng hininga niya sa tenga ko. Bakit ba kailangang sobrang lapit niyang magsalita. Anong problema niya sa stockings? Hindi ko siya sinagot at nanatili akong nakikinig sa emcee na hindi ko na naman naiintidihan.
Natapos ang iba't ibang pakulo ng emcee hanggang sa dumating na sa puntong kinaaayawan ko. Pinatayo kaming mga abay na babae para sumambot ng bulaklak na pinaniniwalaang kung sino ang makakasambot ay siya na daw ang susunod na ikakasal. Like seriously? Pinaniniwalaan pa rin ba ito hanggang ngayon? Mas mabuting tumayo na lang ako dito, ayokong makipag agawan sa bulaklak na 'yan.
"Para may thrill, iibahin natin ang mechanics ng game" what the hell? Bakit hindi na lang ihagis at sambutin ng may gusto?
"Dahil lima kayong mga abay na single, apat na rose ang ihahagis ng bride. At kung sino ang hindi makakasambot, siya ang susuotan ng garter ng partner niya" What the hell? Awtomatikong nagpunta ang aking mga mata sa lalaking kasalukyang umiinom ng wine habang nakatitig sa akin. At halos magtaasan ang mga balahibo ko ng marahan siyang kumagat labi nang matapos siyang makainom nito. Fuck.
"Go girls!" makinig kong sigaw ni Owen at Troy.
"Shit, kailangan kong masambot 'yan. Hindi pwedeng hindi matuloy ang date namin ng photographer na may dimples. Oh my gosh" kinikilig na sabi ng isa kong pinsan. What the fuck?
Inihagis na ng bride ang unang rose. Masyadong agresibo ang apat na babaeng ito kaya hindi ko nakuha ang unang rose. Nang muling ihagis ang ikalawang rose, halos maitulak na nila ako. Fuck! Dalawa na lang. Pilit akong pumagitna sa dalawang babae para makuha ko ang pangatlong ihahagis na rose pero nang sabay na ihagis ito ng bride ay sa magkabilang direksyon ito nagpunta kung saan mas pabor ang dalawang babaeng nasa pagitan ko.
Oh damn! Now I know. Damn this Ferell. Dapat nagsuot ako ng stockings, he will definitely touch my bare skin!
"Wow, mukhang ang maid of honor ang mapalad sa araw na ito. Inaanyayahan po namin nag bestman na pumunta sa unahan at samahan ang ating magandang maid of honor" kauna unahang pumalakpak ang kanyang mga pinsan, bago pa ito sinundan ng mga bisita. Supportive talaga sila sa isa't isa.
Maangas na tumayo si Tristan Ferell habang niluluwagan ang kanyang necktie. What the hell? Bakit may mga ganyan pa siyang galawan?
"Bago muna ang tradisyonal na pagpapasa ng garter, pwede muna ba kaming humingi ng mensahe sa maid of honor at bestman natin?" tumaas ang kilay ko nang bahagyang kinurot ng baklang emcee ang braso ni Tristan. Inabot sa akin ang mikropono na agad ko namang tinanggap.
Humarap ako sa mga bagong kasal. At malapad akong ngumiti sa pinsan ko na masayang masaya ngayon.
"Lyka!! This is it, ikakasal ka na. I'm so happy for you cousin, you deserve this day, this happiness. Dustin, ingatan mo ang pinsan ko. Babawiin namin siya sa'yo kapag pinaiyak mo siya. Mahalin mo siya ng sobra sobra" naluluha na si Lyka sa mga sinasabi ko samantalang natatawa naman si Dustin. Ganito talaga siguro ang mga bride sa araw ng kasal nila, masyadong emosyonal.
"I will Lina, salamat" sagot sa akin ni Dustin. Inabot ko na ang mikropono kay Tristan, bahala siya sa buhay niya. Panindigan niya ang pagiging bestman.
"Congratulations for both of you" maiksing sabi ni Tristan. Hindi naman mukhang nagtataka ang mga kinasal kay Tristan. Siguro ay talagang nainform agad sila na may proxy na dadating para kay David, ano kayang nangyari sa totong bestman?
"Okay, thank you! Ngayon naman po ay kukuhanin na ng groom ang garter sa legs ng bride" sinimulan na naman akong kabahan nang pinaupo na rin ako ng emcee katabi ng bride.
"He's hot" bulong sa akin ni Lyka. Hindi ko na nasagot si Lyka sa kaba sa aking dibdib. Tang ina.
Nang tuluyan nang natanggal ang garter sa legs ng bride at nagpalakpakan ang mga tao.
"So?" hawak na ng emcee ang garter.
"Ang bestman na ang bahala kung papaano niya ito ilalagay sa maid of honor, kung kamay ba ang gagamitin? or his teeth? Let's see kung paano dumiskarte ang ating bestman" pakiramdam ko ay nangangatal na ang mga tuhod ko nang nagsisimula nang lumuhod sa harapan ko si Tristan Ferell.
"Teeth! Teeth! Teeth" sigaw ng mga pinsan niya. Shit. Itinapat ng emcee ang mikropono kay Tristan.
"Anong gagamitin?" tanong niya kay Tristan. Tang ina, ayusin mo ang sagot mo.
"I'll use my hands" maikising sagot ni Tristan at nang sandaling itinaas niya ang paningin niya sa akin at muling tumama ang kanyang mga nangungusap na mata sa aking napakainosenteng mata bigla na lang nanikip ang dibdib ko. Shit! Hindi ako makahinga ng maayos. Anong nangyayari sa akin? Tristan Ferell, anong ginagawa mo sa akin?
"Saka na ang ngipin, pag tayo na lang" pakinig kong bulong niya na lalong gumulo sa aking buong sistema. At halos humigpit ang pagkakahawak ko sa aking gown nang sinimulan na niyang isuot ang garter sa akin.
"Higher! Higher! Higher" nangunguna ang boses ng mga pinsan niya. Dahan dahan nang tumataas ang garter, pero mas ramdam ko ang mga daliri niyang parang kinikiliti ang aking sensitibong balat. Fuck!
"Tristan" saway ko sa kanya. Ngumisi siya sa pagtawag ko sa kanya.
"Higher!" sigaw ng emcee. Naramdaman kong hindi na gumagalaw pataas ang garter dahil kamay na mismo ni Tristan Ferell ang humahaplos sa binti ko pataas. What the fucking hell!? Anong ginagawa ng Ferell na ito?
"Ferell.." narinig kong bahagya na siyang natatawa. Dalawang beses niyang hinaplos ang aking hita bago niya tuluyang itinaas ang garter na higit pa sa kalahati ng aking hita ang naabot. Damn! Sobrang taas. Magkamali lang ang kamay niya ay may mahahawakan na siya. Tristan Matteo Ferell and his sinful hands. Damn.
"Done!" tumayo si Tristan na bahagyang nagpupunas ng pawis sa kanyang noo. Maging ako ay ramdam ko ang pawis sa aking buong mukha. Damn.
"Oh, oh. Look, pinagpawisan ang bestman" natatawang sabi ng emcee. Samantalang ako ay nanatili na lang nakaupo dito, I can't damn stand! Nangangatal pa din ang mga tuhod ko.
Pinatunog ng mga bisita ang mga baso hudyat na gusto nilang makakita ng halikan mula sa bagong kasal. Tumayo na ang bagong kasal at mabilis nilang pinagbigyan ang mga bisita na agad namang nagsipalakpakan.
Hinila kaming dalawa ni Tristan ng emcee at pinagharap sa isa't isa. Ano na naman pakulo ito?
"May chemistry talaga ang dalawang ito, kapwa ba single?" tanong ng chismosang emcee.
"Actually, I'm courting her" ngising sabi ni Tristan sa harap ng napakaraming bisita. Pakinig ko ang tilian ng mga kababaihan sa diretsong sagot ni Tristan Ferell. Oh damn, why are you like this Tristan Matteo Ferell?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro