Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 64

Chapter 64


-Flashback-


Pagkatapos ng nangyari sa bar sa pagitan namin ni Tristan ay humingi ako ng isang buwan sa kanya para mag isip. Hindi na naman siya nakipagtalo pa sa akin dahil agad na siyang sumang ayon sa gusto ko.

Ang ganitong malaking desisyon ay hindi kayang pag isipan ng isa o dalawang araw lamang, kailangan nito ng panahon at matinding pagsasapuso.

Mananatili ba akong isang Hidalgo? Na pipiliing mabuhay sa isang pamilyang may kaakibat nang kapahamakan o sa mismong aking pinanggalingan na siyang kaakibat ay kamatayan? Akala ko noon, ang pagiging anak ng dalawang abogado ay talagang masasabing napakadelikado pero mukhang nagkakamali ako, higit na mas delikado ang maging anak ng may ari ng isang organisasyong ilang beses nang isinumpa ng daang mga sindikato.

Sinong mag aakalang sa isang iglap ay mababago ang buhay ko? Akala ko noon, isang napakalaking rebelasyon na ang malamang nagmahal ako ng isang lalaking nabubuhay sa paghawak ng baril, akala ko ay ito na ang pinakamatinding rebelasyon ng aking buhay. Pero mukhang muli na naman akong nagkamali, sinong mag aakalang isa akong ampon? Na ako ang nawawalang anak ng lalaking nagmamay ari ng isang napakamakapangyarihang organisasyon?

Ngayon ko masasabing, talaga pa lang mapanlinlang ang buhay. Kung hindi ka matatag ikaw mismo ang matutumba sa reyalidad.



Huminga ako nang malalim habang nakaharap sa pintuan ng aking tunay na ama. Ilang timba na ang iniluha ko kay mommy, daddy at kuya nang sabihin ko sa kanila ang aking desisyon.

Sa isang buwan kong pag iisip, iisa lang ang naging desisyon ng puso at kaluluwa ko. At alam ko sa sarili kong kahit kailan ay hindi ko pagsisihan ang desisyong pinili ko. I am made for guns, my hands are made to kill people and my heart, body and soul are united to serve Sous L'eau, my father's beloved agency, my future family.

Ito na ang araw ng aking pagdedesisyon. Marahan akong kumatok sa pintuan at hindi ko na hinintay pa na may magsalita dahil ako na mismo ang nagbukas nito. Agad kong nakita ang aking ama na malapad na nakangiti sa akin habang naglalagay ng kape sa dalawang tasa na nasa ibabaw ng kanyang lamesa.



"Maupo ka muna hija, umiinom ka ba ng kape?" ngiting sabi sa akin ng aking ama. Hindi ko siya pinansin at nagmadali na akong tumakbo sa kanya para yakapin siya nang napakahigpit. Hindi ko na inalintana ang nabasag na tasa na kanyang nabitawan.



"Enough with the formality Papa, hindi ba dapat ay niyayakap mo na ako?" umiiyak na sabi ko. Naramdaman kong gumanti siya nang mahigpit na yakap sa akin.



"Isabella anak..." lalo akong napaluha nang maramdaman kong hinalikan niya ang ibabaw ng aking ulo.



"Papa, tinatanggap ko na. Sasama na ako sa mundong ginagalawan mo, alam kong pilit akong inilayo ni Mama sa mundong ito pero kung lalayo pa ako, sinong pamilya pa ang susuporta sa'yo? Pipiliin ko pa rin bang lumayo sa'yo ngayong nagkita na tayo?" umiiyak na sabi ko. Si Papa na mismo ang kumalas nang pagkakayakap at marahan niyang pinunasan ang aking mga luha.



"Sigurado ka ba Isabella anak?" marahan akong tumango sa kanya.



"Nakapagdesisyon na po ako Papa. Sasamahan na kita.." si Papa na mismo ang kumabig sa akin at niyakap ako nang napakahigpit.



"Sa pagkakataong ito anak, sisiguraduhin kong mapuprotektahan na kita. Wala nang kahit sinong sindikato ang makakapaglayo sa atin anak. Babawi ako sa maraming taong nawala sa atin.." humigpit ang yakap ko sa kanya.



"Papa, aminado po akong hindi ako nangulila sa ama at sa isang ina dahil sa mga nag aruga sa akin pero Papa iba pa rin pala ang yakap mula sa isang totoong ama, yakap mula sa sarili mong kadugo. I belong here Papa, I belong to be with you. Kahit pilit ko itong talikudan alam kong hahabulin at hahabulin ako ng aking tadhana. Hindi na rin kita iiwan.." paulit ulit akong hinalikan ni Dad sa ibabaw ng aking ulo.



"Hindi ko hahayaang muling maulit ang nakaraan anak..." mahinang sabi ni Papa.



"It won't happen again Papa, I will train hard. Ayokong maging pabigat sa organisasyong ito Papa. Teach me, help me to blend in this world. I can't be just a heiress by name Papa, I want to be your heiress by strength, power and ability. Ayokong pangalan ko lamang ang dinadala mo Papa, gustong pati abilidad mo ay mayroon din ako" mahabang sabi ko habang nakatitig sa akin ang aking ama nang may pagkamangha.



"Nagmana ka sa akin Isabella, you're brave. You're just like your father Isabella, you're just like me. I'm so proud of you.." napangiti na lang ako sa sinabi niya. Siguro nga ay sa kanya ko nakuha ang lakas ng loob, sinong babae ba ang mas pipiliing mapahamak kaysa sa katahimikan at kaligtasan?

I have a Satchel blood, ito ang magandang paliwanag dito.

Kinilala namin ni Papa ang isa't isa sa ilang taon kong pamamalagi sa poder niya. Pinili kong manatili sa headquarters ng Sous L'eau na siyang tinitigilan din ni Tristan. Dito ko nalaman na karamihan ng lugar ng Sous L'eau ay matatagpuan sa ilalim ng dagat.

A submarine headquarter it is, nito ko lang rin nalaman ang ibig sabihin ng 'Sous L'eau' It is a French word which means 'under water'



Kasalukuyan akong nakapangalumbaba sa isang tabi habang pinagmamasdan si Papa na nakahiga sa patient's chair habang sinusuri ng isang espesiyalista sa mata. Ito na ang matagal nang sinasabi ko sa kanya, posibleng ang dahilan nang madalas na pagkaliyo niya ay dahil sa kanyang mata. Wala namang posibleng dahilan dahil malusog at malakas naman siya. He's not sick, mas malakas pa siya sa akin.

Kakatapos ko lamang din magtraining nang araw na ito bago ko samahan si Papa, masasabi kong higit na magaling magturo si Hazelle at Enna kaysa Tristan. Dahil sa tuwing siya ang magiging guro ko, wala kaming nagagawang dalawa. Sa halip ay ibang training ang nagagawa namin.

Tristan Ferell is not a good teacher. At kung naging guro siya ay baka matagal nang natanggal ang kanyang lisensya, wala naman siyang ibang ginawa kundi molestiyahin ng kanyang estudyante.

Sa tuwing may hawak akong baril, lalapit siya sa akin at ituturo sa akin ang tamang paghawak nito. Syempre, makakayapos sa akin ang magaling na Cap Theo. Pero hindi magtatagal ay mararamdaman ko na lamang na hinahalikan niya na ako sa leeg. Paano pa ako makakabaril?! Kung may nararamdaman na akong namamaril na sa likuran ko?

Sa tuwing nasa boxing ring naman kami, syempre magaling siyang umilag. Ilag lang siya nang ilag pero kapag siya naman ang gumalaw at nacorner na ako sa sulok ng ring, wala na! Lilingkisin niya na ako, hanggang sa mga labi na namin ang maglaban. Papaano pa ako matututo?!

At sa tuwing nagsisit ups naman ako, sa bawat pagbangon ko ay nakaabang ang labi niya sa akin. Ano nga ba ang kakayahan kong tumanggi? Isang gwapong kapitan na may napakagandang mata lang naman siya. Papaano na ang training ko? Sa huli maghahalikan na lang kami, ilolock ang gym at magpapamina na lamang ako. Tapos ang training.

Sa madaling salita walang nangyayaring maganda sa aming dalawa kapag ako ang estudyante at siya ang guro.

Natigil lamang ang pagiging guro sa akin ni Cap Theo nang mahuli kami ni Papa. Nag pupush up lang naman siya habang ako ang nasa ilalim. Sa bawat pagbaba niya ay sa labi, mata, ilong at mata siya humahalik sa akin. Agad kong itinulak si Tristan nang mga oras na 'yon na mukhang hindi yata napahiya sa aking Papa. Kinabukasan pinalitan na ni Papa si Tristan, dahil sa halip na matuto daw ako baka magkaapo pa siya ng maaga. We're always safe though.



Nang matapos ang pagpcheck up kay Papa, nalaman na nanlalabo na nga ang mata nito at kailangan nang magpasalamin. But a laser treatment we'll be better, na siyang pinaboran na namin ni Papa.



"Maraming salamat po.." sabi ko sa doktor.



"No problem hija. Basta para sa mga Satchel.." ngiting sabi sa akin ng doktor. Paalis na sana kami ni Papa nang muli siyang magsalita.



"Kailan ka babalik sa Sous L'eau?" tanong ni Papa na nakapagpakunot ng noo.



"I am still on leave commander, babalik din ako" natatawang sabi ng doktor.



"Nagbibiro lamang ako, you can always have your free time Vicente" ngiting sabi ni Papa.



"I am always free for Satchel sir" madiing sagot ng doktor.



"Salamat" maiksing sagot ni Papa bago kami tuluyang lumabas ng kanyang klinika.



"Papa, is he----" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang sumagot na agad si Papa.



"Yes Isabella Valentine, he's a Sous L'eau. An agent like us" napatango na lang ako sa sinabi ni Papa.



"Kakaiba lamang ang sa kanya, he's not just loyal to our agency. He's loyal to our family, us Satchel. Salinlahi na rin ng pamilya nila na suportahan ang pamilya natin.." napanguso na lamang ako sa sinabi ni Papa.



"Something like they are born to serve Satchel? I find this creepy Papa.." narinig kong tumawa si Papa sa sinabi ko.



"Parte na 'yon ng pamilya nila. It was an old tie, ilang beses ko nang sinabi sa kanya na wala siyang tungkulin sa akin, sa pamilya natin. But they are devoted, wala na akong magagawa.." tumango na lamang ako sa sinabi ni Papa.



"Maiba ako, hindi na tayo sabay na uuwi ngayon. May sinabi sa akin si Matteo na may pupuntahan daw kayo?" nangunot ang noo ko sa sinabi ni Papa.



"Really?" hindi pa man kami nakakalabas nang building nang makita kong nakasandal na si Tristan sa di kalayuan at hinihintay na ako.



"Take care of her" madiing sabi ni Papa.



"Yes sir" mabilis na sagot ni Tristan.

Nang maiwan kami ni Tristan ay hindi na matanggal ang ngisi sa aking mga labi. My Cap Theo is wearing an eyeglass, lalo siyang nagmukhang seryoso at matalino. And goddamn hottie, pinagtitinginan na rin siya ng ilang mga babae.



"Nanlabo na rin ba ang mga mata mo Cap?" ngising tanong ko sa kanya.



"You're just too beautiful, nakakasilaw ka pa sa araw Lieutenant.." pinagsalikop niya na ang mga kamay namin.



"Kikiligin na ba ako Cap?" tanong ko. Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

Dinala niya ako sa isang park na maraming makikitang mga tao. Sa lugar na alam namin na walang makakakilala sa amin.



"I miss warm places Lina, can we stay here?" tanong niya sa akin.



"No problem.." sagot ko na lamang. Naglakad lakad kami ni Tristan habang magkahawak ang aming mga kamay. A simple date it is.

Tumigil si Tristan sa paglalakad na ipinagtaka ko.



"Tristan?" nang sundan ko ng tingin ang kanyang pinagmamasdan ay may batang kasalukuyang nakatingala sa hindi kataasang puno, lumipad ang lobo nito at nasabit sa puno.



"Help him Cap.." binitawan ko ang kamay niya. Hindi na nag aksaya ng oras si Tristan mabilis siya lumapit sa puno at tumalon siya para maabot ang tali ng lobo. Halos pumalakpak ang batang lalaki nang makuha ito ni Tristan at abutin sa kanya.

Nakangiting ginulo ni Tristan ang buhok ng bata bago ito tumingin sa akin. Mahilig talaga sa bata si Tristan, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dito. I can't still give him one. Hindi pa ako handa.



Muli siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Nakita namin na ibinigay ng batang lalaki ang lobo niya sa isa pang batang lalaki na mas maliit sa kanya na kasalukuyang umiiyak, siguro ay kapatid niya.



"I used to be that crying boy Lina..." napatitig ako kay Tristan. Siya umiiyak?



"Really?" hindi makapaniwalang tanong ko.



"Yes baby, si Troy ang nagbigay sa akin noon ng lobo..." napangisi ako sa sinabi niya.



"Namimiss mo sila Cap? Aww. How sweet of you.." pagbibiro ko.



"No way" ngusong sabi niya.

Nagpatuloy na lang kaming naglakad muli at habang tumatagal kami sa paglalakad ay may kung ano ano nang pumapasok sa aking isipan.



"Tristan, pwede ba kitang tanungin? Anong malaking rason kung bakit mo pinili ang trabahong ito? Hindi mo pa ako kilala nang una kang pumasok dito, hindi ba?" nagpatuloy kami sa paglalakad habang hinihintay ko ang sagot niya.



"Sa totoo lang, hindi ko rin alam Lina. Maybe fate brought me here? Alam nang tadhana na dito ako nararapat, sa mundo ng babaeng mamahalin ko" pakiramdam ko ay lumukso nang hindi tama ang dibdib ko sa sinabi ni Tristan.



"Tinanong mo sa akin kung bakit ko tinanggihan ang iba't ibang alok ng mas malalaking ahensya sa akin. What do you think is my reason Lina? Dahil alam kong dadating ang panahon na malalaman mo ang totoong pagkatao mo at sa sandaling tanggapin mo ito gusto kong nandito ako para salubungin ka.." damn. Nararamdaman ko na naman ang pag iinit ng sulok ng aking mga mata.



"I am an agent because of you Lina, wala nang ibang dahilan pa.." napatulala na lang ako sa kanyang magagandang mata.



"Tristan.."



"If you're born to serve Sous L'eau Lina. I am born to serve you.." dahan dahan niyang dinala sa kanyang mga labi ang aking mga kamay. Pakiramdam ko ay nilalagnat na ako. Damn you Cap Theo.



"I am just a captain who's madly in love with his lieutenant.."


-End of flashback-


Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko ang pangyayaring ito. I miss those times, mga panahong nakakapaglakad pa kami sa lugar na walang matuloy na pagputok ng baril.

Hindi na nag aksaya pa ng oras si Tristan, kahit kita ko sa mga mata niya ang hindi pagsang ayon sa mga sinabi kong pagtulong sa babae ay mabilis pa rin siyang tumakbo sa kulungan nito. Hindi yata kakayanin ng konsensya ko na hayaang mamamatay ang babaeng ito.

Nagsimula na siyang hampasin ang kulungan ng babae gamit ang hawak niyang tubo. Hindi ko na alam kung saan na nakukuha ni Tristan ang lakas niya sa kabila ng mga hiwa, bugbog sa katawan, isang malalim na saksak sa kanyang tagiliran at mga dugong nawawala sa kanya.



Habang panay ang paghampas ni Tristan sa kulungan ng babae ay tuluyan nang nilamon ng tubig ang kahuli hulihang espasyo na nagbibigay sa akin ng hangin. Kusa ko nang ibinaba ang sarili ko habang nakahawak sa aking kulungan. Hindi pa tuluyang nababasag ang kulungan ng babae at kaunting lamat pa lamang ang nagagawa ni Tristan. Masyadong makakapal ang salaming nagkukulong sa aming dalawa.

Nagsisimula nang maghanap ng hangin an aking katawan, kailangan kong panindigan ang sinabi ko kay Tristan. I can wait, I can wait for him. Makakatagal pa ako. Pinilit kong patatagin ang sarili ko habang nakikitang unti unti nang nababasag ni Tristan ang kulungan ng babae, ilang beses pa niya itong hinampas hanggang sa tuluyan nang lumabas ang napakaraming tubig nito.



Pilit akong ngumiti kay Tristan na halos nangangatal na ang katawan habang nagmamadaling pulutin ang bakal na tubo na kanyang nabitawan. Patuloy pa rin ang kaguluhan sa buong kapaligiran, mga nagbabarilang mga tao, mga pagdanak ng dugo, walang katapusang putok ng baril.

Napansin ko na nagsisimula nang dumating ang tulong para sa amin, ang mga Sous L'eau ng bansang ito. Marami man gustong tumulong sa amin ni Tristan sa ibabaw ng entabladong ito, masyadong maraming sindikato ang humahadlang na nakikipagpalitan ng putok sa mga nagtatangkang makalapit sa amin.

They wanted us dead.



Sa nanghihina kong mga katawan ay bahagya akong lumayo nang akma nang babasagin ni Tristan ang aking kulungan pero hindi niya ito natuloy nang may dalawang lalaking agad umamba sa kanya ng suntok mula sa magkabilang direksyon. Saan sila nanggaling?

Dahil sa gulat ay hindi nakailag si Tristan at natamaan siya nang mga ito sa kanyang katawan dahilan para mapatama ang buong katawan niya sa aking kulungan.



"Tris..." hindi ko na natuloy pa ang akma kong sasabihin nang lumabas na ang hanging pinipigilan ko.

Halos panghinaan ako ng loob nang makitang dahan dahang bumaba ang nanghihinang katawan ni Tristan mula sa pagkakadikit nito sa aking kulungan. Nangatal ang pagkatao ko nang may dugong bumabakat sa aking sa aking babasaging kulungan.

Tristan's blood.



Sa natitirang hangin sa aking katawan ay muli akong lumangoy papalapit sa kanya. Kung maaari lang akong magsalita, kung maaari ko lamang siyang tulungan sa sandaling ito...

Nagsisimula na muling lumapit sa kanya ang dalawang lalaki, pilit kinakapa ni Tristan ang kanyang tubo at nang mahagip niya ito ay mabilis niya itong inihampas sa paa ng mga lalaki dahilan para sabay na matumba ang mga ito. Pilit tumayo si Tristan habang hawak ang bakal na tubo. Hindi na niya hinayaan pang makatayo ang mga ito dahil sunod sunod niyang dinikdik ng dulo ng tubo ang katawan ng mga lalaking ito.



Nagsisimula nang manlabo ang mga mata ko, nauubos na ang hangin ko sa katawan, nanghihina na ang buo kong katawan.


Tristan...


Bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata ay nakita kong nasa harapan ko na si Tristan na marahas binabasag ang aking kulungan habang walang tigil sa katatawag sa aking pangalan.



Atleast, I can hear his voice.



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro