Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 63

Chapter 63


Mas lumapit pa sa aking kulungan si Gray at marahan niyang hinaplos ito na parang ako ang hinahawakan niya. Nanatili akong mabagsik na nakatitig sa kanya habang ginagawa niya ito, buong akala ko ay isa siyang mabuting tao. Pero mukhang nalinlang ako ng kanyang berdeng mga mata.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring pagkatiwalaan ang mga taong may magagandang mata. Karamihan sa kanila ay talagang nakakahalinang pagmasdan pero higit na mas marami sa kanila ang mapanlinlang.

His eyes are not as beautiful as Tristan's eyes. Gray's eyes are poisonous and evil. Gusto kong murahin ang sarili ko nang sinubukan kong ipagkumpara ang mga mata nila ng aking lalaking pinakamamahal.

Tristan's eyes are infinite, walang katumbas. Walang berde, asul, itim at kung ano pang kulay ng mga mata ang makakatalo sa matang bumihag sa akin.

I'll die devouring and fantasizing Tristan's brown eyes.



"Lina.." tawag sa akin ni Gray. Hindi ko alam kung anong ginawa ko at ganito na lamang ang atraksyon ko sa lalaking ito. Sa buong buhay ko ay tanging kay Tristan lamang ako tumingin, nagpapansin, ngumiti nang napatamis at sa kanya lamang ako tanging nagpaalipin.

What is the reason behind this man? He can't be in love with me. Maaari niya ba akong mahalin sa pagsunod sunod niya lamang sa akin? Oh damn.

Hindi ko na muling sinundan pa ang aking iniisip nang malamang dito rin nagsimula si Tristan. Tristan told me that he fell for me during his mission. Mission for my real identity.

Is that really possible? I made two agents fall for me at the same time? Nahulog sila sa akin na hindi ko man lang namamalayan. Siguro kung isang normal na babae lamang ako, magiging masaya ako sa kaalamang nakabihag ang kagandahan ko ng dalawang hindi pangkaraniwang mga lalaki pero ako bilang isang Hidalgo at Satchel ay hindi nagustuhan ang bagay na ito.



Sa halip na sumagot sa kanya ay nagsimula na akong humakbang paatras mula sa kanya habang may matalas na mga mata sa kanya. Pinili ko na lamang maglakad sa unahan para muling ibalik ang atensyon kay Tristan. Malapit nang umabot sa aking dibdib ang tubig.

Wala na akong panahong makipag usap sa kanya. Kailanman ay hindi ako magkakaroon ng amor sa mga traydor. Tinalikuran niya ang Sous L'eau na walang ibang ginagawa kundi tumulong sa mga tao at sa halip ay pinili niyang yumakap sa mundong ito. Nasaan na ang mga aral na iminulat sa kanya ni Papa? Itinapon niya itong lahat dahil lamang sa galit na nararamdaman niya kay Tristan.



Muli kong inihawak ang mga kamay ko sa aking babasaging kulungan habang pinapanuod ang madugong pakikipaglaban ni Tristan sa loob ng kamuhi muhing boxing ring. He is full of blood, sweat, scars and his eyes are so tired. Nangangatal na ang mga tuhod ko, patuloy nang nanlalamig ang buong katawan ko habang patuloy na pumapatak ang aking maiinit na luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na inabala pang punasan ang mga luha ko.



"Gray, ikaw ang binibigyan ko nang pagkakataon. Help us, help me and Tristan. I'll promise you, ako ang kauna unahang taong tatanggap sa'yo mula sa Sous L'eau.." kapwa pagod na si Tristan at ang lalaking kalaban niya. Pareho silang ayaw sumuko at hindi na nila alintana ang malalakas na sigawan ng mga tao dahil sa matagal nilang paglalaban.

If I could just kill all of these people, if I could just go out of this hell box.



"Ikaw lang ang kaya kong iligtas Lina.." ngumiti ako nang mapait sa sinabi niyang ito habang itinitiad ko na ang aking mga paa. Nasa leeg ko na ang tubig, masyadong mabilis ang pagpasok ng tubig.

Hindi ko na magawang pagmasdan nang mabuti si Tristan dahil sa tubig na patuloy nang tumataas. Malapit na itong umabot sa hangganan nito at hindi rin magtatagal ay tuluyan na akong lalamunin nito. God.



"I can't survive alone Gray. I am made for him. I am only destined for him. If anything happens, I'll definitely join him.." mahinang sabi ko habang nahihirapan na akong huminga. Sa pagtaas nang tubig, sa pagkaba ng aking dibdib.

Halos nagsimula na muli akong magwala sa aking kulungan nang dalawang beses na nadaplisan si Tristan ng matalas na patalim ng lalaki. Marami nang hiwa ng patalim si Tristan, hindi nga ito tumatagos sa katawan niya at karamihan ay daplis lamang pero ang hapdi at kirot nito nang sabay sabay ang nagpapahina sa kanya.



Tuluyan na akong nalampasan ng tubig, kaya para makakuha ako ng sapat na hangin ay lumalangoy na lamang ako. Pinili kong sumisid nang mas mapanuod ko ang nangyayari kay Tristan.

Pero habang pinapanuod ang pangyayari sa loob ng ring, parang nawawalan na rin ako ng lakas umahon at kumuha ng hangin.



"Tristan..." lumabas lahat nang hangin sa aking bibig nang subukan kong tawagin ang pangalan niya.

What happened to us? Bakit tayo napasailim sa mga halang na kaluluwang ito? Why us? We're just doing our job for justice. Bakit tayo ang nakakaranas ng ganito?



Nang lingunin ako ni Tristan ay nabuhayan ako ng loob at sinimulan ko nang muling lumangoy pataas para kumuha ng hangin.

Malaki ang pasasalamat ko at may kataasan ang kulungang ito at marunong akong lumanggoy. Pero anumang oras ay maaabot na ng tubig ang maliit na butas ng kulungan ko at tuluyan na nitong tatakpan ang hanging kailangan ko. Hanggang kailan pa ako makakatagal sa loob ng kulungang itong may buhay?



Nang muli kong sulyapan ang babae ay kasalukuyan na rin itong nakatiad dahil sa tubig. She's taller than me. Pero base sa nakikita ko sa kanya ngayon, hindi siya marunong lumangoy. Mauuna siyang malunod sa akin at maaaring kisigin ang kanyang mga paa dahil sa patuloy nitong pagtiad. Fuck!

Kasalukuyan na rin kaming tinatamaan ng ilaw at lalong nabubuhay ang sigla ng mga tao habang pinapanuod kaming nahihirapan. Gusto ko man lang mahalikan si Tristan bago ako tuluyang malunod sa kulungang ito.



Napansin ko na may apat na nakaitim na lalaki na lumapit kay Gray at may ibinulong ang isa dito sa kanya. Naging mahaba ang usapan nila na may kasamang pagtatalo at murahan. Nakita ko panng nagtutukan sila ng baril pero hindi rin nagtagal ay kumalma ang mga ito at umalis kasama si Gray.

Muli kong tiningnan ang butas ng kulungan ko, kaunting kaunti na lang ay matatakpan na ito. Nang muli kong sulyapan ang babae ay unti unti na rin siyang nilalamon ng tubig.



"Lina!" pakinig ko ang boses ni Tristan na tumawag sa akin. Agad kong inilubog ang sarili ko sa tubig at pilit akong mumulat.



"I love you..." pinilit kong magsalita sa ilalim ng tubig para sabihin ang mga katagang ito. Hindi man niya pakinig alam kong naintindihan niya ito sa pagbuka ng aking bibig.

Kasalukuyan nang kilik ng mga braso niya ang leeg ng lalaki. At sa isang iglap ay pinuwersa niya na nang pakanan ang ulo ng lalaki dahilan para tuluyan na itong mawalan ng malay.

Did he kill him?



Hindi na nag aksaya pa ng oras si Tristan. Binitawan niya na ang lalaki at agad niyang hinawakan ang tali ng boxing ring para talunin ito.

Kasabay nang mabilis na pagtalon ni Tristan sa labas ng ring para takbuhin ako ay ang biglang pagsigaw ng lahat ng mga tao. Napansin ko na nagtumbahan na ang mga lalaking may hawak na baril na nakaabang kay Tristan.



Kasalukuyan nang nagtatakbuhan at nagtutulakan ang mga tao. Malakas na sumabog ang apat na malalaking screen na siyang ipinapakita ang mga presyo ng taya ng mga sindikato sa pagitan ni Tristan at ng lalaking kalaban nito, sa pagsabog nito ay nagsimula na itong bumagsak na siyang nakagimbal sa lahat. Lalong lumakas ang sigawan nang makitang mababagsakan sila ng apat malalaking screen na ito.

Muli akong lumangoy pataas para kumuha ng sapat na hangin at nang makakuha na ako nito ay mabilis ako muling sumisid para makita si Tristan. May nakaharang na lima na malalaking lalaki sa kanya at alam kong sa pagkakataong ito ay hindi siya mag aalinlangang gamitin ang mga patalim na nakakabit sa kanyang mga kamay.

May nakikita akong mga lalaking nakatutok na ang mga baril kay Tristan mula sa malayo pero may kung sinong nakasuporta kay Tristan na siyang pumapatay sa mga may balak magpaputok ng baril sa kanya.

We have a sniper on our side. From Sous L'eau? Nandito na ba sila? Tristan badly needs back up!

Masasabi ko ba na tulong ito? Muli akong lumangoy pataas para kumuha ng sapat na hangin. Napansin ko na mukhang humina ang tubig na pumapasok sa aking kulungan.



Habang panay ang pagbagsak ng mga lalaking nagtatangkang bumaril kay Tristan, abala naman ito sa mga kalaban niyang sunod sunod na dumadating. He's too tired. Nasaan na ang tulong namin?

Hindi na magkamayaw ang sigawan ng mga tao na bigla na lamang bumabagsak dahil sa tama nito sa kani kanilang mga ulo. Bawat bagsak ng mga sindikato ay kapwa butas sa kanilang mga noo ang aking mga nakikita.

Naramdaman kong tuluyan nang tumigil ang pagpasok ng tubig na siyang pinagpasalamat ko. Nang sulyapan ko ang babae ay pilit nitong isinasabit ang kanyang mga daliri sa butas ng kanyang kulungan nang sa ganon ay lumutang siya at makahinga.



Ang limang lalaki na nakapalibot ngayon kay Tristan ay kapwa may kanya kanyang dalang pamatay na armas. May dalawa agad na natumba dito dahil may bumaril sa kanilang mga ulo pero agad pa rin sumugod ang natitirang tatlo.

Dalawa ang lalaking nasa harapan ni Tristan na kapwa nagpapaulan ng suntok na pilit niyang sinasalag at sinasagot ng mararahas na suntok at sipa pabalik. Kapwa sila mga bihasa at wala man lang natatamaan ng kani kanilang nakamamatay na hawak.

All of them have four finger fist ring, na talagang makakasakit kay Tristan kapag tinamaan ang katawan nito. Sa aking nakikita ay mas lamang si Tristan dahil matagumpay niyang nasaksak sa mga tagiliran ang dalawa sa mga lalaking kalaban niya.



Pero agad akong napasinghap nang makitang mabilis na iginapos ng isang lalaki mula sa likuran si Tristan na nagpapapalag habang nakangisi nang lumalapit ang natitirang dalawa.

Akala ko ay tuluyan nang matatamaan si Tristan ng mga suntok nila nang ubod nang lakas niyang itinaas ang kanyang dalawang paa na agad tumama sa dibdib ng dalawang lalaki na nakapagpaatras sa mga ito. Dalawang beses siniko ni Tristan sa mukha ang lalaking nakagapos sa kanya pero masyadong matatag ito ay mahigpit pa rin nakapulupot sa kanya.

Hindi na nakailag pa si Tristan nang tamaan siya ng suntok sa mukha at sa kanyang tiyan nang muling nakabalik ang dalawang lalaking sinipa niya. Oh fuck. Kitang kita ko ang pagsuka ni Tristan ng sarili niyang dugo.



"Tristan! Tristan!" malakas na sigaw ko sa kanya. Hindi na niya ako nagawang lingunin nang muli niyang itaas ang kanyang mga paa, mas malakas niyang sinipa ang dalawang lalaki at sa pagkakataong ito ay sa mga mukha ang mga ito tinamaan.

Ubod nang lakas niyang sabay ginamit ang siko niya sa lalaking may hawak sa kanya na nakapagpabitaw dito. Kasabay nang pagharap niya sa lalaking kanina pa siyang hawak ay isang malakas na sipa ang tumama sa mukha nito na siyang nakapagpaluhod dito. Kitang kita ko ang pagdura ni Tristan ng kanyang dugo habang mabagal na naglalakad sa lalaki, itinaas niya ang mukha ng lalaki sa pamamagitan ng paghila niya sa buhok nito at walang awa niyang itinusok ng sabay ang dalawang patalim na nakakabit sa kamay niya sa mismonng ulo ng lalaki.

Cap Theo was always brutal with his enemies. Kung noon ay iniiwas ko ang aking paningin sa tuwing gagawin niya ang bagay na ito, ngayon ay nakatulala na lamang ako. Sinaktan nila si Tristan, natural lamang na tanggapin nila ang kalupitan ng isang kapitan.



Pabagsak na binitawan ni Tristan ang katawan ng lalaki habang muli humaharap sa dalawang lalaking kalaban niya na mukhang kinakabahan na. Alam ko sa sarili kong kayang kayang ipanalo ni Tristan ang laban niya kanina sa pagitan ng ex agent na katunggali niya pero alam kong hindi niya ito kayang patayin dahil alam niya sa sarili niyang hindi ito kalaban.

Nawala ang atensyon ko sa pakikipaglaban ni Tristan nang makitang may nagmamadaling tao na gustong makalapit sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makitang ang emcee ito. Nang tuluyan na siyang makarating sa aking harapan ay tumaas ang dirty finger nito sa akin.



"Mukhang ako pa yata ang papatay sa'yo.." halos magwala ako sa aking nang makitang nasa tabi lamang ng aking kulungan ang remote. Oh fuck! Iniwan ni Gray.

Nasa akma na sana siyang pipindutin ang buton nang mapatalon siya dahil sa nagmintis na putok ng baril na muntik nang tumama sa kanya. Sa halip ay iba pa ang napindot niya. Pero napamura na lang ako nang makitang nagsisimula na muling dumaloy ang tubig mula sa itim na tubo.



"Hindi ka nga makukuryente, malulunod ka naman!" humahalakhak siyang tumakbo papalayo sa akin. Kitang kita ko pa ang pagbato niya sa remote na siyang tuluyang nakadurog dito.

That fuck!

Panay ang kampay ko habang idinikit ang aking ilong sa paliit na paliit na pinagkukunan ko ng hangin.

Tristan..Tristan...



Nang tingnan ko ang babaeng nakakulong din kagaya ko ay kasalukuyan na siyang nalulunod. Oh god! Malulunod na ba talaga ako?

Agad akong nabuhayan ng loob nang makita ang lalaking mahal ko sa kanyang duguang katawan habang may hawak na napakalaking bakal na tubo.



"Baby..stay with me. Babasagin ko ito!" marahas nang inihahampas ni Tristan ang tubong hawak niya sa aking kulungan. Pero habang inihahampas niya ito para tulungan ako ay napatitig na lang ako sa babaeng malulunod na wala man lang makapagliligtas sa kanya.

Pilit akong nagsalita sa maliit na espasyong mayroon ako.



"Help her first Tristan, help her first Cap Theo, makakatagal pa ako.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro