Chapter 60
Chapter 60
Madiin kong hinawakan ang manibela habang panay ang palitan ng putok ng baril si Tristan at ang apat pang itim na sasakyang nakasunod sa amin. Hindi lamang tamang pagbaril at pagpapasakit sa katawang ng kalaban ang natutunan ko sa dalawang taong pagtigil ko sa Sous L'eau.
I learned how to drive, not to drive normally but to drive recklessly. Ilang beses kong hinampas ang busina ng sasakyan kapag nag oovertake ako, hanggang maaari ay ayokong may madamay sa nangyayaring habulang ito.
Ngayon ay nasa hulihan na namin ang apat na sasakyan habang bukas ang sasakyan namin sa kaliwang pintuan sa likuran. Bahagyang nakalabas ang kalahati ng katawan ni Tristan dito habang nagpapaulan ng bala sa mga kalaban.
"Damn, they're bullet proof!" narinig ko ang malakas na mura ni Tristan habang patuloy pa rin sa pakikipagpalitan ng putok. What should we expect? Hindi lang sasakyan namin ang bulletproof dito.
"Tristan! Pumasok ka na!" nang sabihin ko ito ay mabilis siyang umalis sa posisyon niya. Mabilis kong isinarada ang pinto ng sasakyan at pilit kong kinabig ang sasakyang pakanan.
Kasalukuyan kaming ginigitgit ng dalawang sasakyan sa aming magkabila. Pilit kong isinasadsad ang sasakyan pakanan para mas gitgitin ang sasakyang nasa kanan ko, kitang kita ko na ang pagdidiklap nito dahil sa pagsadsad nito sa tulay.
"Oh fuck!" sabay kaming napamura ni Tristan nang makitang may makakasalubong kaming isang napakalaking truck na puti.
"Baby!" pakinig ko ang malakas na sigaw ni Tristan sa akin. Siya mismo ang kumabig ng manibela pakaliwa na siya namang gagawin ko talaga. Sa lakas nang pagkakabig namin ay napwersa ang sasakyan sa kaliwa na bahagyang tumagilid at nawalan ng kontrol, ilang beses itong nabangga ng mga sasakyan ng mga sibilyan.
Pero sabay kaming napasigaw dalawa ni Tristan nang makalikad ng puting truck ang isa pang sasakyang humahabol sa akin.
"Fuck you!" natatawang sabi ni Tristan sa mga sasakyang kasalukuyan nang nangangalas dahil sa pagkakabangga nito.
Nang lumingon sa akin si Tristan ay mabilis ko siyang inirapan. Pinakailaman niya ang pagmamaneho ko.
"Akin ang manibela Tristan!" ngumisi siya sa akin bago niya ako hinalikan sa labi at muli siyang pumunta sa likuran ng sasakyan.
Napamura na lang ako nang makitang nadagdagan na naman ang bilang ng mga sasakyan na nakasunod sa amin. Lalo kong binilisan ang pagpapatakbo, hindi ko na alintana kung may nasasabitan na akong sasakyan. Wala na akong pakialam!
Panay ang pagyuko ko nang tumatagos na ang bala sa sasakyan namin. They have good quality of guns! Damn.
Kasalukuyang nakalabas si Tristan sa bubong ng sasakyan at muling nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban. Kitang kita ko ang paglipad sa ere ng sasakyang ilang beses binaril ni Tristan sa gulong, nawalan ito ng control dahil sa bilis nito at bigla na lamang tumama sa malaking sasakyang kasalubong nito.
"Nice one Cap.." natatawang sabi ko.
Muling bumaba si Tristan habang inaayos ang kanyang baril. Binuksan niyang muli ang pintuan ng sasakyan at sa pagkakataong ito ay binuksan niya na ang magkabila nito.
Nang makita kong mas nakakalapit na ang isang sasakyan sa amin ay mas binilisan ko pa ang pagtatakbo.
"Lina, keep our car on its normal speed" what?
"Tristan.." may pagtutol sa boses ko.
"Lieutenant Satchel.." napabuntong hininga na lamang ako.
"Copy.." tulad ng sabi niya ay normal speed lamang ang ginawa ko. Dahil dito ay naabutan na kami ng isang sasakyan. Nakabukas na rin ang pintuan nito at nakaabang na ang mga baril nito kay Tristan.
I am driving at the same time I am alert with my surroundings. Agents can't focus on just one thing. We always do multi-tasking.
Akala ko ay makakarinig ako nang putukan nang naunahan sila ni Tristan. He just throw grenade on our opponents car.
"Full speed baby.." ngumisi na lang ako sa sinabi niya.
"Copy" pinaharurot ko na ang sasakyan habang narinig ang malakas na pagsabog dahil sa granadang ibinato ni Tristan.
Nang tingnan ko ang side mirror ay nagsisimula nang magkabuhol buhol ang mga sasakyan, hindi lang mga itim na sasakyan ang nakikita kong nakasunod sa amin. I can even see the cops car. Damn.
"Normal speed again baby.." dahil wala akong magagawa sa utos ng kapitan. Binagalan ko na naman ang pagpapatakbo ng sasakyan, nanatiling bukas ang mga pintuan ng sasakyan namin.
Sa pagkakataong ito ay gray na van ang nakasunod sa amin, basag basag na rin ang salamin nito dahil madami na itong tama ng bala mula kay Tristan. Mukhang natamaan na ang mga kasamahan nito dahil iisa na lamang ang nakita kong nakikipagbarilan kay Tristan.
Dahil nagbabanggaan ang aming sasakyan hindi ko na napansin na nakatalon na ang lalaki sa sasakyan namin.
"Oh my god!" nasabi ko na lang habang nakikipaggitgitan ako sa van. Samantalang si Tristan naman ay nakikipagsuntukan na sa lalaki.
"Keep moving baby, don't mind me.." cool na sabi ni Tristan habang nagpapalipad ng suntok sa lalaki.
Sa nangangatal kong kamay ay pilit kong inabot ang isang maliit na baril. Binuksan ko ang bintana ko at mabilis kong itinapat ang nguso nito sa driver na ganito din ang ginawa sa akin.
Kasabay nang pagkalabit ng gatilyo ng baril ay ang mabilis na pagyuko ko. Nang sulyapan ko ang driver ay nakasubsob na ito sa manibela.
"Nice one Lieutenant.." siya naman ang nagsabi nito sa akin bago niya itapon ang katawan ng lalaki sa kanang pintuan. Kitang kita ko kung ilang beses itong pinagpasahang kalikarin ang katawan nito ng iba't ibang sasakyan.
Kapwa kami napayuko nang makarinig kami ng panibagong pagsabog nang tingnan ko ito sa sidemirror ay nag aapoy na ang van ng lalaking kagitgitan ko kanina.
Nagkibit balikat na lang ako bago kami kapwa tumawa ni Tristan.
"Ilan pa?" tanong ko sa kanya.
"I don't know.." sagot niya sa akin.
"But I can still see two tailing us.." sagot ko sa kanya.
"Spin back baby, salubungin natin sila.." napasipol na lang ako. Ito na naman po ang utos ng kapitan.
"Alright.." sagot ko na lamang. Naupo na muli si Tristan sa unahan habang inaayos niya ang kanyang baril. Binuksan niya na ang bintana malapit sa kanya. Agad siyang napatingin sa akin nang buksan ko rin ang sa akin.
"Lieutenant.." seryosong sabi niya. Hindi pwedeng driver lang ako dito.
"I'll shoot too Cap.." hindi siya sumagot sa akin at mabilis niyang pinindot ang buton sa unahan para isara ang bintana ko.
"Give this to me baby.." ngumuso ako habang panay pa rin ang pag overtake ko sa mga sasakyan.
"But I want to shoot to baby.." madramang sabi ko.
"What the---" walang Cap Theo sa akin kapag tinawag ko na siyang 'baby' Siya na mismo ang nabukas ng bintana ko.
"Do what you want.." ngumisi na lang ako sa sinabi niya.
"Now!" nang sabihin niya ito ay mabilis kong kinabig ang manibela. Agad umikot ang sasakyan naming at humarap sa sasakyan ng mga kalaban at dahil hindi nila inaasahan ang ginawa naming ito, sila ngayon ang hindi handa.
Sabay kaming nagpaulan ng mga bala ni Tristan hanggang sa tamaan namin ang driver at ang mga sakay nito. Pilit naming pinaulanan ng bala ang makina at gulong ng mga sasakyan.
Unang tumaob ang nasa kaliwang sasakyan na swerteng tumama sa kasama nito. Agad akong nagkambyo at sa mismong gitna ng mga umuusok at nakabaliktad na sasakyang dumaan ang itim na sasakyan namin ni Tristan.
"That was amazing Cap.." natatawang sabi ko. Napansin ko na may dugo sa gilid ng labi niya si Tristan dahil siguro sa pakikipagsuntukan niya kanina.
Nanatili akong nagdadrive nang napakabilis. Nangunot ang noo ko nang mapansing walang nakasunod sa aming mga pulis.
"No more cops Cap?" tanong ko.
"They've been identified us. Maybe?" kibit balikat na sabi ni Tristan habang binabalahan ang kanyang baril.
Muli akong kinabahan nang may mapansin ako sa aming likuran.
"I think we still have our company Cap.." iritadong sabi ko.
"Too many bullet for our anniversary baby..." nagulat na lang ako nang yumuko siya at halikan ang binti ko.
"Mamaya iba ang ibabaril ko.." kung wala lang kami sa daan at walang mga kalabang nakasunod sa amin, masasampal ko ang manyakis na agent na ito.
"Just shoot Cap, mamaya na ako.." inirapan ko na lamang siya.
"Silly Lieautenant huh?" muli siyang sumungaw sa labas ng sasakyan at nakipagpalitan ng putok ng baril.
Tulad ng inaasahan ay may mga katawan nang nahuhulog sa kanilang mga sasakyan dahil natatamaan sila ni Tristan.
"Tristan we need to change lane, pumasok ka muna.." malakas na sigaw ko. Maiipit kami sa traffic na nakikita ko sa unahan.
Hindi naman ako nagdalawang sabi sa kanya dahil agad siyang nakapasok, pinalipad ko ang sasakyan namin at pilit ko itong pinatalon sa mga damuhan sa pagitan ng hindi kataasang puno ng niyog. Ito ang humahati sa malawak na kalsada.
"Why the sudden change of lane baby? I don't like running" nakalalayo na kami sa mga nakasunod sa amin.
"Tristan, there's a traffic ahead. Marami tayong madadamay kung magpapalitan kayo ng putok. Look, nakasunod na sila sa atin.." hindi na ako magtataka kung makasunod sila sa amin.
These men were sent to kill us. At hindi sila titigil hanggang patuloy na tumatakbo ang sasakyan namin ni Tristan.
Halos hindi ko na alam kung nasaan na kaming parte ng Las Vegas baka nga nakalabas na kami dito. Oh fuck!
Ilang beses kaming napamurang sabay ni Tristan dahil sa mga bulok na driver na muntik na naming mabangga. Papaano nila nakuha ang kanilang mga lisensya?!
"Baby, there are another 3 tailing us.." babala sa akin ni Tristan. Pinili kong lumiko sa mas makitid na daan.
"Where are we heading?" tanong sa akin ni Tristan.
"Chill out baby, I've been here" pagsisinungaling ko. Masyado na akong nahihilo sa mga bulok na driver na nakakasalubong namin.
Bumalik si Tristan sa may bubong ng sasakyan at sinimulan niya na naman ang pagpapaulan ng bala sa mga nakasunod sa amin.
Panay lang din ako sa pagdadrive ng mabilis nang may mapansin akong magandang bagay sa paligid ng intersection ng daan na lalampasan namin.
"Tristan! Get in" nakarinig pa ako ng ilang putok bago siya pumasok. Nakita kong may tama na ang braso ni Tristan.
Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako.
"I'm fine, keep driving.." seryosong sabi niya para hindi ako mag alala.
"Fasten your seatbelt Tristan.." kunot noo siyang napatingin sa akin.
"Just fasten your seatbelt Cap, malapit na tayo!" malakas na sabi ko.
Nang makarating na ang sasakyan namin sa interseksyon ng daan ay agad kong kinabig ang sasakyan namin. Ilang beses kong mabilis inikot ang manibela kasabay nang pag ikot ng sasakyan namin ng tuloy tuloy.
With its full speed spinning in its 360 degrees, sinadya kong daplisan ang apat na fire hydrant na naging dahilan para sumabog ang malakas na tubig sa buong daan. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan namin at nang ilang segundo lang kaming nakalayo ay kapwa namin narinig ni Tristan ang pagbabanggaan at pagtilapon ng mga sasakyan dahil sa lakas ng pwersa ng tubig at dulas nito sa daan.
"I knocked two cars in a row baby.." kumindat ako kay Tristan na kagat labing naiiling sa akin.
Pinili kong dumaan sa isang parking lot sa pag aakalang wala na kaming mga kalaban dito pero napamura na lang ako nang may mga malalaking lalaking may hawak na mga bat ang nakaabang sa amin dito.
Mukhang may komunikasyon sila sa bawat isa. Lakas loob kong kinambyo ang sasakyan.
"I got this baby. Huwag silang pahara hara sa sasakyan ko.." madiing sabi ko habang lalong pinalalakas ang headlight ng sasakyan namin.
"This is my car Lina.." natatawang sagot niya sa akin. Hindi ko siya pinansin bago ko pinaharurot ang sasakyan sa mga lalaking may bat at nakamotor. At nang sandaling tumatakbo na ang sasakyan ay nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita may hawak na granada ang isa sa kanila.
"Oh fuck!" mabilis kong ikinabig ang sasakyan para maiiwas ito. At dahil sa pag iwas ko ay tumama ang sasakyan namin sa poste na siyang nakapagbukas ng air bag dahil sa lakas ng pwersa n gaming pagbangga.
Napadaing na lang ako nang makaramdaman ako ng pagkaliyo. Oh shit. Nalalasahan ko na ang dugo sa bibig ko. Fuck! Nang hawakan ko ang noo ko ay may dugo na rin dito.
"Shit! Shit!" nakita kong naipit ang paa ni Tristan habang nagsisimula nang lumapit sa amin ang mga lalaki.
"No! No!" agad kong inabot ang baril , ganun din si Tristan habang hinihila niya ang kanyang paa.
Ilang beses pa rin kaming nakipagpalitan ng putok sa mga lalaking nagsisimula nang lumapit sa amin.
Unang nabuksan ang pinto ko dahil naubos ang bala ng baril ko.
"Oh fuck! No! Don't touch her!" pilit akong nanlaban pero masyado silang malakas. Marahas nilang hila hila ang buhok ko na parang anumang oras ay mawawala na sa aking mga anit.
"Shit!" hindi ako matulungan ni Tristan dahil nakaipit pa rin ang paa niya. Ginawa niya ibato ang baril niyang naubusan ng bala pero isa lamang ang tinamaan nito sa dami ng lalaking may hawak na sa akin.
"Don't touch me! You fuckers!"
"I'll kill you! I will kill you! Don't you fucking touc—" hindi na nakapagsalita si Tristan nang hampasin na siya ng bat sa ulo nito.
"Tris—" isisigaw ko pa sana ang pangalan niya nang maramdaman kong tinamaan ako ng matigas na bagay sa aking ulo.
Cap Theo..
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro