Chapter 6
Chapter 6
Sa tatlong araw na pagcocommunity service kasama si Tristan Ferell, hindi ko inaasahan na pati ang mga pinsan niyang Ferell ay makikilala ko rin. Hindi ko akalaing ang limang lalaking pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa buong GyroNella ay talagang takot kapag inutusan na ni Don Ferell.
Ngayon ang ikaapat na araw ng pagcocommunity service namin ni Tristan, akala ko talaga ay tatlong araw lang pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang naextend. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ang extension na ito o hindi, dahil galing lang naman ito sa mga pinsan niya.
Ang kasalukuyang bantay namin ay si Aldus at Nero. Kung ikukumpara kay Owen at Troy, masasabi kong sobrang tahimik ng dalawang ito. Hindi ko pa nga yata sila naririnig magsalita simula nang umupo na sila sa kanilang mga posisyon, maging noong nakaraang araw ay parang ang init ng dugo nila sa isa't isa. Gusto kong tanungin si Tristan tungkol sa dito, pero mas pinili ko na lang manahimik.
"Nasaan si Troy at Owen? Nakakatamad 'yang mga hitsura nyong dalawa" lalong nagusot ang mukha nang mga pinsan niya sa sinabi ni Tristan. Bakit hindi niya na lang kaya pabayaan?
Pinagpatuloy ko na lang ang pagdidilig sa halaman. Napapangiti na lang ako sa improvement nitong garden na inaayos namin ni Tristan, kahit wala naman talaga akong ginawa kundi magdilig. Siya itong marunong, akala ko ba ay mga senyorito ang mga ito sa kanila? Paano kaya natututo si Tristan sa ganitong bagay?
"Nagpapakashokoy sa mansion" sagot ni Aldus. Samantalang si Nero naman ay umismid na lamang. Shokoy? Kanino ko ba narinig ang salitang 'yan?
"Kung gusto nyo nang umuwing dalawa. You can go" humigpit ang pagkakahawak ko sa hose. Hindi pwede!
"No!" matigas na sagot ng dalawa. Good, ayoko nang maiwan kasama si Tristan mag isa. Lalo na at pinagbantaan niya ako sa 'digging' na sinasabi niya.
"Mahigpit na bilin ni LG na magbantay kami dito" sagot ni Aldus.
"We should not let a hopeless sheep like her to be alone with you. Binabalaan kita Miss Lina, sa aming magpipinsan siya ang pinakatahimik umatake" baling sa akin ni Nero na bahagyang nakangisi. Binabalaan niya ba ako o tinatakot?
Nanatili akong hindi sumasagot sa kanila mas pinili ko na lang magkunwaring walang naririnig.
"Fuck you Nero" iritadong sagot sa kanya ni Tristan. Ramdam kong pilit hinuhuli ni Tristan ang aking mga mata pero mas lalo kong inilihis ang aking paningin sa kanya. Damn, ano na naman ba ang gusto?
"Gumagaling ka na sa pagtatanim ng halaman Tristan, wag ka na kayang pumasok? Mag hardinero ka na lang" nagsimula na rin silang magsalitang dalawa.
Hindi ko na napigilan at nakisali na rin ako sa kanilang usapan.
"Saan ka natutong maghalaman Tristan?" simula nang magcommunity service kami ay naging napakalaking tanong na nito sa akin.
"Kung alam mo lang miss Lina, marunong kaming maghugas ng pinggan, nagtatapon din kami ng basura, nagmomop kami ng mansion, nag aagiw ng kisame, naglilinis ng swimming pool at nagwawalis ng buong mansion. Para na kaming mga 'boy' sa sarili naming mansion, para lang makakain tatlong beses sa isang araw" napangiwi ako sa mahabang sinabi ni Aldus na parang hindi naman kapanipaniwala. Pero wala man lang umangal sa kanyang mga pinsan. Wala ba silang mga katulong? Anong kinalaman ng pagkain nila sa gawaing bahay?
"Wala kayong katulong or something? Mayayaman ang mga Ferell hindi ba?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi uso ang katulong sa mansion" maiksing sagot ni Nero.
Hindi na ako nagtanong ulit sa kanila hanggang sa matapos ang community service. At dahil hindi na naman ako sinundo ng magaling kong kapatid, napilitan akong sumabay sa sasakyan ng mga Ferell.
"Kasya ba tayong apat dyan?" tanong ko sa kanila habang nakaharap kami sa kulay orange na Oto ni Tristan. Isa pa sa kilalang kilala pagdating sa mga Ferell ay ang uri ng kanilang sasakyan, lalo na kung magkakahilera itong nakaparada sa parking lot o kaya sabay sabay itong dumadating sa umaga. Ano nga ang sabi ng kaibigan ko sa Oto ng mga Ferell? Power rangers? Damn.
"Kasya tayo" si Aldus ang sumagot sa akin. Sumakay na sa driver's seat si Tristan habang sumakay naman sa likuran si Aldus at Nero.
"Papasok ka na ba sa monday?" tanong sa akin ni Tristan nang nagsisimula na siyang magmaneho. Buti na lang at Sunday pa bukas. Makakapagpahinga pa ako.
"Yes" maiksing sagot ko.
"May kasabay ka nang kumain sa monday ng lunch?" muli niyang tanong. Sa totoo lang hindi ko pa alam.
"Meron, si Florence" pagsisinungaling ko. Sa pagkakabanggit ko sa pangalan ng kaibigan ko ay sabay nasamid at inubo ang dalawang lalaki sa likuran.
"What about dinner? May kasabay ka na?" tanong ulit niya sa akin.
"Sa bahay ako kakain" mabilis na sagot ko. Tumango na lang siya sa sagot ko.
"Bakit ang tanga mong magtanong Tristan? Diretsuhin mo na! Sabihin mo gusto mong sumabay kumain! Ayusin mo pinsan ang buhay mo, dala mo ang apelyido natin" iritadong sabat ni Aldus.
"Fuck you" sagot sa kanya ni Tristan.
"Sa kanila na lang tayo maghapunan" tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Nero. Inimbitahan ko ba sila?
"Tama, sa kanila na lang tayo Tristan. Baka wala pang luto sa atin, baka may kapalpakan na namang ginawa ang dalawa sa mansion. Paniguradong gutom na naman tayo hanggang bukas ng umaga" bakit ang laki ng problema ng magpipinsang ito sa pagkain?
"Is it okay with you Lina?" tanong sa akin ni Tristan. Makakatanggi pa ba ako? Nagdecide na sila nang kanila.
"I'll inform my mom" mabilis kong nagtext sa mommy na may bisita kaming dadating. Mabuti at agad naman siyang nagreply para sabihing walang problema.
Nakarating agad kami sa bahay. At kasalukuyan nang nakaupo sa aming sofa ang mga Ferell. Bakit parang hindi ito ang unang beses na nagpunta sila dito? Bakit parang sanay na sanay na sila? Yes, ilang beses nang nakapunta dito si Tristan, pero ang natitirang dalawa? Siguro ay sadyang ganito sila.
"Oh my, who are these gorgeous people?" sabay na tumayo ang tatlo nang makita si mommy.
"Good evening po" magalang na sabi ng dalawang Ferell. Pero nagulat ako sa pagbati ni Tristan.
"Ma, good evening po" halos sabay napanganga ang dalawa niyang pinsan sa bati ni Tristan sa mommy ko. Kahit ako ay natigilan sa bati niya at hindi lang ito ang ikinagulat ko, humalik pa siya sa pisngi ni mommy na parang anak na talaga siya. What the fuck? Mabilis kumindat sa akin si Tristan habang nananatili akong nagugulat. Kailan pa niya sinimulang tawagin na 'Ma' si mommy?
"Mga pinsan ko po, si Nero at Aldus" pagpapakilala niya. Agad tumango ang dalawa niyang pinsan sa mommy ko.
"Talaga palang magagandang lalaki kayo mga hijo. Mas gwapo nga lang si Tristan" natatawang sabi ni mommy. What the hell?
"Mommy!" sigaw ko kay mommy. Pahumble na nagkamot sa ulo si Tristan habang ang dalawang pinsan niya ay hindi na maipinta ang mukha.
"Nagbibiro lang ako mga hijo, talagang maganda lang ang mga mata ng pinsan nyo. Tayo na sa kusina, nakahanda na ang mga pagkain" nauna nang maglakad si mommy. At nang sulyapan ko ang tatlong magpipinsan, kasalukuyan lang namang nakaharap si Tristan sa dalawa. At halos sabay na napamura ang mga pinsan niya nang nagkibit balikat ito sa harapan nila.
"Tsss, malabo ang mata ni attorney" iritadong sabi ni Aldus.
"Mas gwapo? Magpasurvey pa tayo, hindi kayo aabot sa akin" mayabang na sabi ni Nero. At nauna pa ito sa akin na maglakad papunta sa kusina.
Kahit si Aldus ay nauna na rin sa pagpunta sa kusina. At habang pinapanuod ko ang paglalakad ng dalawa na parang bahay lang nila ito, naramdaman ko ang akbay sa akin ni Tristan.
"Thank you" sa sobrang bilis nang pangyayari, naramdaman ko na lang ang labi niya sa kanang pisngi ko.
"Hey!" agad akong dumistansya sa kanya. Bahagya siyang ngumisi sa ginawa ko.
"Let's eat, nagugutom na ko" nauna na rin siyang maglakad sa akin pero mabilis akong humakbang at hinagip ang damit niya.
"Tristan, wag mo na akong tatawaging Isabella. My mom doesn't like it" mahinang sabi ko sa kanya. Natatakot ako na baka tawagin niya ako sa pangalang hindi gusto ni mommy, sa hindi ko maintindihang dahilan.
"I see" maiksing sagot niya sa akin na parang may nalaman siyang kung ano. Anong meron kay 'Isabella'? Anong kinalaman ko sa babaeng ito? Dahil ba pareho kami ng pangalan? Kahawig ko ba siya? Sino ba talaga si Isabella?
"Tristan, sino si Isabella?" kinakabahang tanong ko. Tuluyan na siyang humarap sa akin at ngumiti siya sa akin na minsan ko lang nakikita.
"Nothing" hindi ako nakaangal nang kulungin ng kanyang mga kamay ang pisngi ko.
"Linnalyn Isabelle Hidalgo" lalo nang lumalapit ang mukha niya sa akin. Para na akong nahipnotismo sa mga mata niya, katulad nang kung papaano ito unang nagmulat sa library. Ilang beses ko ba na ipapaalala sa aking sarili na hindi magandang makipagtitigan sa lalaking ito? His beautiful eye is my weakness.
"Trist—" aangat na sana ang aking mga kamay para kabigin siya nang may kamay na pumigil dito.
"Ano? Tutukain mo na naman ang kapatid ko? Kumain ka na Lina" ibinaba ni kuya ang kamay ni Tristan mula sa aking mga pisngi. Shit! Muntik ko nang makalimutang nasa bahay kami. Damn. Dahil sa pagkahiya ko, mabilis na akong umalis sa posisyon ko nang walang pasabi at iniwan ko na sila ni kuya. Fuck. Hindi ko na pinansin ang tawag sa akin ni Tristan.
Namumula akong naupo sa aking upuan, hindi ko na pinansin ang tawanan ng dalawang Ferell habang kausap si mommy at daddy.
"Talaga hijo?" natatawang sabi ni mommy.
"Yes po, hilig talaga ni Tristan na magbasa ng story book bago kami matulog tuwing gabi noon. Kaso siya ang nauunang nakakatulog sa amin, kaya po pinagtsatsagaan na lang namin ang pautal utal na pagbabasa ni Owen" nakuha ang atensyon ko sa kwento ni Aldus. Anong kinukwento niya?
"Nakakatawa naman pala ang kabataan nyong lima, nahihiya kasi akong itanong sa lolo niyo" so ito na naman pala.
"Kung ganun sino ang huling nakita sa inyo? Hindi ko lubos maisip ang hitsura ni Don Ferell ng araw na 'yon" nasaang parte na ba sila? Bakit hindi ko maintindihan?
"Si Nero po, wala po talaga siyang sense of direction" natatawang sabi ni Aldus. Habang panay lang sa pagkain si Nero.
"Aww, may mga picture ba kayo nang mga bata pa kayo?" bakit pati picture nila? Haist.
"Mommy!" bakit parang tuwang tuwa siya sa mga Ferell?
"I have some, isesend ko po sa inyo attorney" masiglang sagot ni Aldus.
"Mommy naman" nahihiya na ako sa kanya.
"Malay mo anak, mapaglihian ko ang mga Ferell pag nakabuo pa kami ng daddy mo" sa pagkakataong ito si daddy na ang nasamid sa sinabi ni mommy. Haist.
Naiiling na lang ako habang kumakain. Napansin kong pumasok na rin si Tristan sa kusina at tumabi sa akin. Nagsimula na rin siyang magtakal ng madaming pagkain katulad nang sa kanyang mga pinsan na parang ilang araw nang hindi nakakakain.
"Ang lalakas nyo rin kumain mga hijo, buti at walang tumataba sa inyo" tuwang tuwa talaga si mommy sa tatlong ito.
"Ferell genes" sabay na sagot nilang tatlo. Ang yayabang.
Sabay natawa si mommy at daddy sa sagot ng mga Ferell. Samantalang ako ay napapahanga na lang, bakit nakuha na agad nila ang interes ng mga magulang ko?
Ibinaba ko na ang kutsara at tinidor ko. Uminom na rin ako nang tubig at pinunasan ang labi ko. Nang sandaling ibaba ko ang aking mga kamay ay halos mapatayo na lang ako kung hindi ko pinigil ang sarili ko. Shit. Ano ba ang nasa isip ng Ferell na ito?
Hinuli lang naman ni Tristan ang kanang kamay ko at ipinatong niya ito sa hita niya. Pilit ko itong tinatanggal pero madiin ang kamay niya dito. Kung titingnan siya ngayon ay parang wala siyang ginagawa dahil simpleng umiinom lang siya ng tubig. Fuck. Nag iinit na ang makiramdam ko. Sana ay hindi nila mapansin, alam kong namumula na ako sa oras na ito.
"You're blushing" bulong niya sa akin nang makatapos siyang uminom ng tubig. Sinong hindi mamumula?! Baka kung saan niya ilagay ang kamay ko, ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko kapag nahuli nila ang ginawa ng Ferell na ito?!
Pero ang mas ikinagulat ko ay nang bigla niya akong kinabig at lumapat ang pisngi niya sa aking noo.
"Ma, Pa. Parang may sinat po si Lina, hindi ko naman po siya pinainitan kanina" what?! Wala naman akong sinat!
"Wait?! I'm fine" agad akong umayos ng pagkakaupo pero nanatili pa rin ang kamay ko sa kinalalagyan niya. Fuck this Ferell.
"Are you okay anak? Kaya ba tahimik ka?" sinipat na rin ni mommy ang noo ko.
"Ang init mo nga anak, namumula ka na rin" Shit! Mom. Iba na po ang dahilan nito.
"Paano ka pa makakaattend ng kasal bukas? You're the maid of honor" ofcourse, aattend ako! Ano ba naman kasing pumasok sa isip ni Tristan at sinabing may lagnat ako?
"Baka pilitin mo ang sarili mo bukas. You need to rest, Lina" segundo ni Tristan. Narinig kong bahagyang sumipol ang dalawang Ferell sa sinabi ni Tristan.
"Lina, mabuting magpahinga ka na ngayon para bukas" agad na sabi ni daddy.
"Mauuna na rin po kami para makapagpahinga na si Lina" paalam ni Tristan. Nagsitanguhan na rin ang mga pinsan niya.
"Salamat po sa pagkain" muling sabi ni Tristan. Ganun din ang ginawa ng dalawa.
"Sige, balik ulit kayo" ngiting sabi ni mommy na nakapagpairap sa akin. Hinatid ko na ang mga Ferell sa labas at kasalukuyang nagtatawanan ang kaninang mga seryosong si Nero at Aldus.
"May aberyang nangyari sa ilalim ng lamesa" natatawang sabi ni Nero.
"Umaatake anumang oras. What the fuck? Ako ang kinakabahan kanina, hindi na kasi natatawa ang daddy ni Lina. Mapapatay tayong tatlo kung nahuli ang dapat mahuli, anak ng abogado Tristan! Ang lakas ng 'Ma' at 'Pa' mo. Saludo kami ni Nero" naiiling na sabi ni Aldus habang sumasakay ng kanilang sasakyan.
Hindi sila pinapansin ni Tristan dahil nakatitig lang ito sa akin.
"Don't attend that wedding, seloso ako" diretsong sabi niya sa akin.
"What?! Wala namang dapat ikaselos at bakit ka naman magseselos?" iyamot na sagot ko sa kanya. Ano naman ang problema niya sa kasal na dadaluhan ko?
"Just don't attend that wedding. I'm warning you Hidalgo, Ferells are expert in gate crashing" malamig na sabi na niya na talagang lalong nagpakunot ng noo ko.
"Bakit ang hilig mong magbanta ha? Gate crash? Bakit ka naman manggagate crash? " ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito? Kaya ba pinalabas niyang may sinat ako para hindi ako makaattend?
"Just don't attend!" iritadong sabi niya na may kasamang paggulo sa sariling buhok. Anong problema niya? Hindi ba siya nabusog sa kinain niya? Kahit anong gawin niya ay hindi niya ako basta basta mauutusan kung kailan gustuhin. He can't rule me, dahil hindi naman kami lovers? Or what? 'nililigawan'? niya lang ako, na hindi ko alam kung totoo o hindi. I'm not convinced yet.
"I will attend" madiing sagot ko.
"Fine. See you tomorrow, don't wear stockings"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro