Chapter 54
Thanks @Jej_Eunjiru :)
Chapter 54
Nagpabalik balik ang panigin ko kay Tristan at sa lalaking mariing nakatitig sa akin na para bang isa akong anak na matagal na niyang hinahanap. Ano itong sinasabi ni Tristan? Bakit ako tinawag na anak ng lalaking ito? Bakit niya ako tinawag na Isabella? Who the hell is he?
What the hell is going on?
"I don't understand, wala akong maintindihan sa pinag uusapan nyo. Wala akong kilalang Isabella" mariing sagot ko. Nang nagsimula na akong tumalikod sa lalaki at dapat ay lalampasan ko si Tristan ay mariin niya muling hinawakan ang mga balikat ko at pilit akong pinaharap sa lalaking hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nagtatama ang aming mga mata ay bahagyang kumikirot ang aking puso.
"Respect your father Isabella.." napanganga na lang ako sa itinawag sa akin ni Tristan.
"For fuck sake Tristan! I am not Isabella! Isabelle! I am Linnalyn Isabelle! Sino siya? Who are you? Nagkakamali kayo, hindi ako ang nawawala mong anak. May sarili po akong ama, may sarili po akong pamilya. Mukhang nagkakamali lang po kayo" malakas na boses na sabi ko.
What the fuck? Hindi maaaring bigla na lang silang magdeklarang anak ako ng isang lalaking kailanman ay hindi ko pa nakikita, na tagapagmana ako ng isang organisasyon na trabaho ang pumatay ng tao. Anong ibig nilang sabihin na hindi ako Hidalgo? Na ampon ako? What the hell?!
"Ilang taon Theo? Ilang taon mo na siyang itinatago sa akin? Kailan mo nakumpirma na siya ang nawawala kong anak?" seryosong tanong ng lalaki kay Tristan.
"5 years sir. I did discover it, first few months of my mission on her " napanganga na lang ako sa kanilang usapan na parang wala ako sa harapan nila.
"Oh crap! Stop this! Wala akong naririnig! Hindi ako naniniwala sa inyo. I am a Hidalgo! I am a Hidalgo! Please, pauwiin nyo na ako. Ayoko nang marinig pa ng mga kasinungalingan!" hindi ko alam kung bakit nagtutuluan na ang mga luha ko. Bakit ako kailangang pagsinungalingan nang ganito ni Tristan para lamang hindi ako makaalis ng bansa? Hindi naman kami makikipaghiwalay nang mahabang panahon, kailangan ako ng pamilya ko!
"Isabella.." narinig kong tawag sa akin ng lalaki.
"Stop calling me that! I am Lina! Sino ka ba? Bakit ka pumayag na makipagsabwatan kay Tristan? Isa ka ba sa mga tauhan niya na tinakot niya para magpanggap sa akin?!" halos mahirapan na akong makapagsalita dahil sa tumutulo kong luha. Fuck.
"Lina! Respect him! Siya ang tunay mong ama!" napapikit na lang ako sa mataas na boses ni Tristan. Ubod nang lakas akong pumalag sa pagkakahawak niya sa akin at lumuluha akong humarap sa kanya.
"Bakit? Bakit Tristan? Bakit mo ako ginaganito? Masaya naman tayo kanina, masaya naman tayo. Bakit mo ako kailangang paiyakin ng ganito? Bakit mo ako kailangang sabihan ng mga kasinungalingan? Bakit? Hindi naman kita hihiwalayan, kailangan lamang ako ng aking pamilya. You can't be selfish, tigilan mo na ito Tristan. Hindi ko na nagugustuhan ito.." lumuluhang sabi ko sa kanya.
"Baby, I am sorry. But I am telling the truth, you're a Satchel. You're the daughter of Sous Leau's commander in chief. You are his long lost daughter Lina.." lalong nangunot ang noo ko sa pinagpipilitang sinasabi sa akin ni Tristan.
"This is nonsense! Hindi ako naniniwala sa'yo! Tristan, why? What's with these lies? Nasasaktan ako Tristan, you're hurting me again Tristan..." marahas kong pinahid ang mga luha ko at nilampasan ko siya. Nang tangkain kong buksan ang pinto ay hindi ko ito mabuksan. Fuck!
"Open this godddamn door!" halos ilang beses kong pinaghahampas ang pintuan.
"Let's give her time.." pakinig kong sabi ng lalaki.
"Lina, I am responsible for those unknown letters. Ako ang nagpapadala ng mga mensahe sa mga magulang mo para aminin na nila kung sino ka talaga" nanlamig ako sa sinabi ni Tristan. Agad bumalik sa mga alaala ko ang pag iyak ni mommy habang pinupunit ang mga nababasa niyang papel, ang pagtatalo nila ni Daddy at ang pagpupumilit ni kuya na si Tristan ang may dahilan ng lahat.
"Mr. Hidalgo is not suffering from cancer baby. Nililinlang ka nila para mailayo ka sa amin. And yes baby, I am selfish. I am selfish. Inaagaw na kita sa pamilya mo. Ngayong hindi ko na kayang makabalik sa buhay na mayroon ako noon, ako na mismo ang humihila sa'yo sa mundong mayroon ako ngayon. We can't live in separate worlds Lina, dito ka nararapat sa mundong ito kasama ko" para akong nanghina sa mga sinasabi ni Tristan. Ito na ba ang mga salitang pinararamdam niya sa akin noon pa man? Ang pangalang Isabella..
Narinig ko ang malakas na paghalakhak ng lalaking sinasabi ni Tristan na aking ama.
"Sinasabi mo ba Theo na dinala mo dito ang anak ko dahil sa pansarili mong kaligayahan?"
"I am sir. Kung hindi ako namatay sa mata ng mga tao habangbuhay ko siyang ilalayo sa magulong mundong ito. Pero ngayong nakakulong na ako sa mundong at mahihirapan na akong makabalik pa, siya na mismo ang dadalhin ko dito para habangbuhay ko na siyang makasama" napatitig na lang ako kay Tristan na mariing nakikipagtitigan sa lalaking may seryosong ekspresyon sa kanya.
"You're selfish hijo.." maiksing sabi ng lalaki.
"Commander, I forgot to tell you. I am not just an agent with skilled strategies on battlefield. I am also a Ferell, a selfish jerk. An inborn selfish. Makasarili ang lahat ng lalaki sa pamilya namin. I'm afraid your daughter fall for a selfish guy like me" diretsong sabi ni Tristan sa lalaking kausap niya.
"And you're proud of it Cap Theo?" nanghahamak na tanong ng lalaki.
"I am sir, being selfish is a part of me" napapatitig na lang ako sa mga sagot ni Tristan.
"What would I expect from my first unit division commander? Nakarating ka sa posisyong 'yan dahil sa tuso mong pamamaraan. But I never liked your ways Cap Theo" mababang tonong sagot ng lalaki sa kanya.
"I never wanted people to like me Sir. All I wanted is to accomplish my missions with no shits, no fancy and no dramas. I am born to kill but not to entertain" pakiramdam ko ay nakikita at naririnig ko ang totoong Cap Theo na walang kurap na nakikipagbatuhan ng salita sa isang lalaking inaasahan kong may mataas na posisyon sa kanyang organisasyong pinaglilingkuran.
Nakita kong bahagyang naupo ang lalaki habang nakangising itinutukod ang kanyang baba sa pinagsalikop niyang mga palad na nakapatong sa lamesa.
"Then, how tough are you Cap Theo? Do you think you can convince my long lost daughter to join our world? A world with full of bloods, cruelty and death? Our world with no glimpse of any kind of mercy.." hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng panlalamig habang pinakikinggan ang pag uusap nilang dalawa.
Ganito ba sa organisasyong ito? Parang sa paraan pa lamang ng pagsasalita nila ay makakapatay na sila ng mga taong may mahihina ang loob.
"I can convince her sir" seryosong sagot niya na parang sigurado na siyang naniniwala na ako sa pinagsasabi nilang dalawa. They're both crazy.
Naramdaman kong nabuksan ko na ang pintuan. Hindi ko na hinintay pa ang pag uusap nila dahil nagmadali na akong umalis.
Pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakahabol na sa akin si Tristan.
"Lina! Wait..." hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. I don't want to listen anymore! Pawang kasinungalingan lamang ang naririnig ko sa kanya.
"Leave me alone! Enough with your lies Tristan! Enough please!" marahas niyang hinawakan ang kamay ko.
"May ipapakita ako sa'yo!" pilit kong hinila ang kamay ko pero mas hamak na mas malakas siya sa akin.
"What?! Ngayon naman ay ipakikilala mo ako sa tunay kong ina? Sa ate at kuya ko? Sa tito at tita ko?!" iritadong sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa mga kasamahan niya na titig na titig sa amin na para silang nanunuod ng subabaybayin nilang teleserye.
"Yes, you'll meet your biological mother whether you like it or not" wala nang nagawa ang pagpupumiglas ko nang hilahin niya na naman ako sa isang kwarto. Agad tumambad sa akin ang napakalaking painting ng napakagandang babae.
Pero tuluyan na akong napatulala. Who is she? Bakit nakikita ko ang sarili ko sa kanya? Who the hell are this people? Bakit habang tumatagal ay nagkakaroon na ako nang tanong sa aking totoong pagkatao?
"She resembles you Lina. She's your beautiful mother.." nanatili akong tahimik habang nakatitig sa painting ng babae.
"Tinanong mo sa akin noon Lina kung sino ang lumapit sa Sous L'eau para bantayan kita. It was not from your adopted parents Lina, si Commander Satchel ang nag utos sa akin na alamin kung sino kang talaga. Anim kayong mga babae na pinaghihinalaang nawawala niyang anak at nang makumpirma kong ikaw 'yon nagdalawang isip akong sabihin sa kanya. Dahil nang mga panahong 'yon Lina, mahal na kita. Ayokong mapahamak ka at dalhin sa mundong ito" wala akong mahanap na salitang maaaring sabihin sa kanya. Blangko na ang utak ko mula sa mga naririnig ko.
"Nang makumpirma kong ikaw ang tunay niyang anak. Pinilit kong lumayo sa'yo Lina para hindi ka na kailanman mapasali sa mundong ito..." ito ba ang dahilan kung bakit bigla na lang niya akong hindi pinansin nang napakaraming buwan pagkatapos niyang pumunta sa bahay namin kasama ng kanyang lolo? Sinasabi niya ba na alam niya nang hindi ako Hidalgo sa kauna unahan naming pagkikita? Fuck! I am a Hidalgo.
"Pero nang makita kong may nagtakang lumapit sa'yo habang nasa malayo ako Lina para akong mababaliw. Isinugal ko na ang lahat at muli akong lumapit sa'yo. I chased you because I love you, wala na akong pakialam sa mga komplikasyon Lina.." alam kong mahal niya ako pero hindi niya ako kailanman makukumbinsi na hindi ako isang Hidalgo. Anak ako ni mommy at daddy, kapatid ko si Kuya. Isa akong Hidalgo.
"Uuwi na ako Tristan.." seryosong sabi ko.
"Ask your parents Lina, alamin mo ang totoo" ito na lang ang sinabi sa akin ni Tristan bago niya ako hinahayaang makauwi.
Dahil alam niyang hindi ko gustong mapag isa kasama niya, si Rashid ang inutusan niyang maghatid sa akin pabalik.
"Miss Lina?" hindi ko sinagot si Rashid. Bakit hindi na lang siya magdrive?
"Matagal ka na niyang binabantayan miss, unang kita pa lang namin sa'yo sa gubat, sa headquarters namin at maging sa mga litrato ni Cap sa kanyang kwarto ay nakilala na namin na ikaw ang anak ni commander, kamukhang kamukha ka ng yumao niyang asawa" yumao? She's dead? Patay na ang babaeng nasa painting?
Napakagat labi na lang ako nang makaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Kaya ba ito ang naririnig ko sa mga tauhan ni Tristan Ferell noon? Lagi ko na lang naririnig na may 'kamukha' ako.
"May sarili akong pamilya Rashid, mahal nila ako hindi sila magsisinungaling sa akin. Isa akong Hidalgo, magsabwatan kayo" matabang na sagot ko.
"But---" hindi ko na siya nakapagsalita pa nang lumingon ako sa kanya.
"Oh, sorry. I'm being so nosy" napahinga ako nang maluwag ng mapansin niya ang pakikialam niya.
Nakarating na kami sa harap ng bahay namin, ni hindi ko na siya napasalamatan dahil nagmamadali na akong pumasok sa bahay para makausap ang aking mga magulang.
I need a clear answer. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kasinungalingan lamang ang mga narinig ko. Isa akong Hidalgo at kailanman ay hindi na ito magbabago.
Kasalukuyan na silang nakabihis lahat at marami nang maleta ang nakaayos. Agad napatayo sa pagkakaupo si mommy na mukhang hindi mapalagay.
"Lina baby..." mahigpit akong niyakap ni mommy na siyang sinagot ko rin ng mahigpit na yakap.
"Mom...Dad...kuya.." nakatitig sila sa aking tatlo na talagang kinakabahan sa anumang pwede kong sabihin.
"Ampon ba ako? Isa ba akong totoong Hidalgo? Anak nyo naman ako hindi ba? Kayo naman ang tunay kong mga magulang hindi ba?" sunod sunod nang nagpatakan ang mga luha ko mula sa aking mga mata.
Agad akong niyakap ni Daddy, ramdam ko ang paghalik niya sa ibabaw ng aking ulo.
"I am sorry anak.." marahang sabi sa akin ni Daddy. Lalo na akong napahagulhol sa kanyang naging sagot.
"Daddy..."
"No! Anak kitang tunay, ako ang nagluwal sa'yo Lina. Kami ang tunay mong mga magulang.." agad akong hinila ni mommy papalapit sa kanya bago ako niyapos nang napakahigpit.
"Mommy, tama na. Karapatan niyang malaman, nasa tamang edad na siya. Tapos na ang pagtatago natin mommy...tapos na..." nahihirapang sabi ni kuya.
"No! Hindi siya ampon! Anak ko si Lina, kapatid mo siya Ace! Anak natin siya!" malakas na sigaw ni mommy.
"Anak natin siya Lean! Pero karapatan niyang malaman ang totoo. Tama na Lean, kailangan niyang makilala kung saan siya nagmula. Huwag nating ipagkait 'yon sa ating anak.." yumapos na rin sa amin si Daddy.
"Anong gagawin natin honey? Aagawin nila sa atin si Lina, ayokong mabuhay siya sa mundong ginagalawan ng kanyang ama. Mapapahamak lamang ang anak natin sa kanya..." humigpit ang pagyayakap ko sa kanila.
Hindi ako isang Hidalgo. Hindi ako isang Hidalgo. Hindi man nila hantarang sabihin na hindi nila ako anak, ito na ang ipinahihiwatig ng kanilang mga sinasabi.
"Papaano ako napunta sa inyo? Papaano ako naging isang Hidalgo?" pinilit ko ang sarili kong makapagsalita sa kabila nang bigat ng nararamdaman ko.
"Ibinigay ka sa akin ng iyong ina bago siya malagutan ng hininga. Pilit ka niyang inilayo sa mundong pinanggalingan mo anak. Pinilit ka naming ilayo anak para sa kaligtasan mo pero ito kami ngayon at binabawi ka na ng totoo mong ama.." humaguhol na lamang si mommy pagkatapos sabihin ito.
"Anong magagawa namin? Magagaling lang kaming mga abogado anak pero kailanman ay hindi namin matatalo ang isang tunay na ama..."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro