Chapter 53
Thanks @manaigfaith :)
Chapter 53
Halos mapadaing na lang ako sa aking nananakit na katawan habang marahan kong iginagalaw ang aking sarili. Paano nga ba hindi mananakit ang likuran ko kung pinili namin ni Tristan sa damuhan imbes na sa isang napakalambot na kama?
Ilang beses niyang ibinulong sa akin na magaling daw siya sa minahan. Ngayon ay talagang nakukuha ko na ang mga lenggwahe niya na hindi ko noon maintindihan. He is a great miner indeed. A very great one, at wala na akong masasabi dito.
He did dig me not just once but twice, thrice. At nasundan pa nang nasundan hanggang sa talagang umayaw na ako. Para siyang walang kapaguran at mas lalong lumalakas habang tumataggal. Ano naman kaya ang mangyayari sa akin? Baka hindi na ako makalakad o makatayo man lang dahil sa walang tigil niyang pagmimina buong magdamag.
Kasalukuyan nang nasisinagan ang mukha ko nang sikat ng araw, nasa kagubatan pa rin kami at dito na rin kami inabot ng antok. Akala ko nang una ay hindi ko makakayanang makatulog dito dahil sa lamig pero ano nga ba ang silbi ng isang Tristan Matteo Ferell? Hindi niya ako pinabayaang makaramdam nang panlalamig dahil sa walang tigil niyang pagpapainit ng bawat parte ng aking katawan.
Bahagya kong kinapa ang lalaking inakala kong natutulog pa sa aking tabihan. Pero napamulat na ako nang wala akong makapang Tristan Matteo Ferell. Where the hell is he? Did he just...hit me and run? What the fuck?
Kahit hirap na hirap ako dahil sa nananakit kong katawan ay pinilit kong makabangon. I can even feel the sore 'downthere' oh fuck. Makakapaglakad ba ako ng maayos nito? Paano na lang kapag nakita ako ng mga kaibigan ko habang naglalakad? My god! Malakas pa naman din ang radar ng mga baklang 'yon.
Halos mapamura na lang ako nang tunguhin ko ang aking sarili. Tinakpan lang naman ni Tristan ang katawan ko nang mahabang dahon ng saging. What the fuck?
Bakit hindi niya na lang ako binihisan? Iritado kong inabot ang mga damit ko na nasa tabihan ko na naman, mukhang napulot na niya ito mula sa kung saan saan. Sa natatandaan ko ay basta na lang inihahagis ni Tristan ang mga damit namin dahil masyado na kaming nagmamadali at mas mahalagang mahubaran namin ang isa't isa ng mga oras na 'yon. Napapakagat labi na lang ako habang inaalala ang nangyari kagabi.
My most wonderful night. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon.
Napabuntong hininga na lang ako habang pilit kong tinatakpan ang sarili ko nang sariwang dahon ng saging. Sa mga palabas na napapanuod ko, kapag katatapos lamang mula sa maiinit na sandali ang mga bida matatagpuan ng babae ang kanyang sarili sa isang malabot na kama, sa kanyang sabog na buhok, namumulang mga dibdib habang tinatakpan niya ang kanyang sarili ng napakaputing kumot.
Pero ano itong nangyari sa akin? Dahon ng saging.
Nagising akong sabog ang buhok, nananakit ang katawan, namamantal na labi, namumulang mga dibdib at kasalukuyan nang natatakpan ng sariwang dahon ng saging mula sa kagubatan. My god! Nasaan ang magaling na magmiminang 'yon? Anong ginawa niya sa akin?!
"TRISTAN!!" malakas na sigaw ko. Pakinig ko ang biglang paglipad ng mga ibon dahil sa malakas na boses ko.
"Yes, baby?" halos mapanganga na lang ako nang magpakita sa akin si Tristan Ferell na hubo't hubad na simpleng naglalakad papalapit sa akin habang ngumunguya ng bayabas. What the fuck? Alam niya bang wala siyang suot na kahit ano ngayon? Kitang kita ko ang lahat lahat sa kanya, nasisikatan siya ng araw!
"Tang ina ka Tristan! Magdamit ka! Papaano kung may makakita sa'yo?! Are you goddamn out of your mind?!" malakas na sigaw ko. Halos hindi ako magkaintindihan nang pag iwas sa pagtingin sa kanya. Nasisiraan na ba siya ng bait? Bakit ang lakas nang loob niya na maglakad nang ganyan? Oh my god!
"Walang makakita sa atin dito. I restrained everyone to enter inside this forest baby, tayo lamang dalawa ang tao dito" paliwanag niya habang humakbang papalapit sa akin. Para akong tangang pilit tinatakpan ang sarili ng dahon ng saging.
Naupo siya sa tabihan ko.
"Takpan mo 'yan ng kahit anong dahon Tristan! Nasaan ba ang damit mo?! Nananadya ka na!" iritadong sabi ko habang sa kabilang direksyon ako nakatingin.
"Don't be silly Lina, nakita mo na ito. Sinasanay lang kita, para hindi na kayo mailang sa isa't isa" what the fucking fuck?
"Niloloko mo ba ako Tristan?" iritadong sabi ko.
"No, no baby. Natutuwa lang ako sa'yo" naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa aking pisngi bago niya ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Dito muna tayo Lina. Away from everything, away from the reality, away from my mistakes, away from my selfishness.." hindi ko alam kung ano na naman ang mararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niyang ito.
Kilala ko si Tristan Ferell, kapag may sinasabi siyang ganito alam kong may mabigat na naman siyang iniisip at nagdadalwang isip siyang sabihin sa akin ito.
"Ano naman ang gagawin natin dito Tristan? We'll make love again and again? God! Tristan, magpapahinga muna ako sa isang malambot na kama baka hindi na ako makalakad kinabukasan" narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. Pinili ko na lamang huwag pansinin ang mga salita niya dahil alam kong ako lang ang sasakit ang ulo kapag pilit ko itong inisip.
Masasabi kong naging masaya ako sa buong magdamag pero ramdam na ramdam ko ang pagod sa aking katawan, hindi tulad nitong si Tristan na mukhang mas lalong lumakas. Hinigop niyang lahat ang lakas ko kagabi, ubos na ubos.
"Anyway, you taste so delicious Lina. Mas masarap ka pa sa bayabas ng kagubatang ito" itinulak ko siya sa sinabi niya sa akin.
"Bakit naman bayabas?!" nakakaloko na talaga siya. Tinawanan lang ako ng magaling na lalaki.
"I told you baby, we'll be Adam and Eve. Tanggalin mo na ang dahon ng saging na 'yan. Maliligo tayo sa ilog.." hindi ko siya sinunod pero wala pa rin akong nagawa nang hagipin niya ang dahong mariin kong hawak.
Tumayo na siya at inilahad ang kamay sa akin.
"Let's go.." halos hindi na ako magkaintindihan sa pagtatakip sa sarili ko.
"Lina, I've seen it. Wala ka nang dapat itago sa akin.." nang iabot niya ang kamay niya sa akin ay tinabig ko ito kaya nakatitig siyang may kunot ang noo sa akin.
"Lina.." iniwas ko ang paningin ko sa kanya.
"Lina..."
"Damn Tristan! Nahihirapan akong tumayo! Gago ka, masakit. Kumikirot! Paano ba 'yan nagkasya sa akin kagabi?!" pakiramdam ko ay sobrang init nang mukha ko. Oh fuck. He's damn damn big. At kanina pa akong nagtataka kung papano ko siya kinaya.
Pakinig na pakinig ko ang malakas niyang pagtawa dahil sa sinabi ko.
"Is that a problem? I'll carry you.." hindi na ako nakaangal nang buhatin niya ako at nagsimula na siyang maglakad papunta sa ilog na sinasabi niya.
"Madalas akong maligo sa ilog ng gubat na ito. Tahimik, malinis at malinaw.." kasalukuyan akong nakatitig sa kanya habang nakakawit ang mga kamay ko sa batok niya.
He's carrying me in bridal position.
"Tristan, can I ask you something? Sinadya mo ba na mahulog dito ang hot air balloon? Did you set everything up?" hindi siya nakasagot sa akin pero agad kong napansin ang paghaba ng kanyang nguso.
"What do you think?" ngising sagot niya na lalong nagkumpirma sa hinala ko.
"Sus! Alam ko naman na hindi mo sinadya ang lahat nang ito. Ikaw pa?" sarkastikong sabi ko. Mabilis niya lang akong hinalikan sa aking labi bilang kanyang sagot.
Nakarating kami sa ilog na sinasabi niya at tulad nga nang sabi niya ay malinaw at malinis ito.
"This is Matteo's river" napataas na lang ang kilay ko. Inangkin na niya ang ilog.
Nagsimula na kaming lumubog sa ilog, nanatili akong buhat niya habang palalim na kami nang palalim. Tumigil siya sa paglalakad nang halos matakpan na ng tubig ang aming katawan. Dito niya ako sinimulang ibaba.
Nanatili kaming magkatitigan ni Tristan at walang nagsasalita sa amin, hindi ko alam kung panliligo lang ba talaga ang dahilan namin dito pero masyado naman yata akong painosente kung ito lang ang aasahan kong mangyayari.
Nagsimulang humataw ang dibdib ko nang maramadaman ko na ang kamay ni Tristan sa magkabilang balikat, dahan dahan itong bumaba at sumalok ng tubig para marahang basain ang buhok ko.
"Alam mo ba na ilang beses ko nang pinananaginipan na pinaliliguan kita Lina?" hindi ko maiwasang hindi mapairap sa kanya. Halay na halay na siguro ako sa panaginip, imahinasyon at pangangarap niya ng gising.
Pinagpatuloy niya ang pagbasa sa aking buhok, nang matapos siya ay ganito rin ang ginawa ko sa kanya.
"Alam ba nang makita kitang hubo't hubad na kumakain ng bayabas kanina Tristan pinagkamalan kitang si Tarzan" natatawang sabi ko. Napanganga na lang dahil sa sinabi ko sa kanya.
"What the hell? I am hotter than Tarzan" mabilis niya akong kinabig at siniil ng mga halik.
"Who kissed you?" seryosong tanong niya.
"Si Tarzan..." natatawang sagot ko. Lalo yata siyang napikon kaya muli niya akong hinalikan sa pagkakataong ito ay mas malalim at mapusok.
Humihingal kami nang magbitaw ang aming mga labi.
"Who kissed you again?"
"Si Tarzan..." napahagalpak na ako nang tawa nang makitang kunot na kunot ang kanyang noo.
At nanlaki na lang ang aking mga mata nang hulihin niya ang kamay ko. He put my right hand on his damn big thing. I did try to pull my hand but won't let me go. Fucking fuck Ferell!
"You're touching who?" ngising tanong niya habang nagkukulay kamatis na ang mukha ko.
"Tang ina ka Ferell! You don't play fair!" hindi makawala ang kamay ko.
"Sinong hinahawakan mo Lina?" ulit na tanong niya.
"My Tristan Matteo Ferell.." nang sabihin ko ito ay lumuwag ang kanyang kamay kaya hinila ko na rin ang kamay ko mula sa aking kalaro na nararamdaman kong nagsisimula nang magkabuhay.
Napapikit na lang ako nang halikan niya ako sa ibabaw ng aking noo.
"We need to go Lina. Baka hindi na ako makapagpigil sa'yo.." nauna siyang umahon sa akin. Inalalayan niya na rin akong makaahon.
"Hindi naman tayo naligo Tristan.."
"Naliligo ako dito kapag mag isa lamang ako Lina. Ibang usapan na kapag kasama kita..." ibig sabihin, niloloko niya lang talaga ako kanina.
Nakarating kami sa damuhang pinangyarihan at dito na kami nagbihis. Pinipilit ko ang sarili ko na maglakad nang maayos pero talagang kumikirot 'siya'. Fuck! Samantalang si Tristan Ferell ay pangisi ngisi lamang sa akin.
"Lina, marry me. Baka mabuntis ka. I'm a good shooter whether with guns or with my banana.." napairap na lang ako sa sinasabi niya. Ito na naman ang marriage proposal niya na walang pasabi.
"Hindi naman siguro, bata pa tayo Tristan. I am just 21 and you're 22, we can't settle yet. Saka na lang natin problemahin kapag nalaman kong nabuntis nga ako.." masyado pa kaming madaming dapat pag usapan.
"Lina, you declined my marriage proposal thrice. Inside that hotel, my car and in this forest. Ilang beses mo pa akong tatanggihan?" napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
"We're still young Tristan.."
"Ayaw mo ba akong pakasalan Lina? Are you afraid of having kids?" tuluyan na akong napalingon sa kanya.
"Ofcourse, gusto kong magpakasal sa'yo. Gusto ko rin na ikaw ang daddy ng mga babies ko. Pero hindi muna sa ngayon, I need to accomplish something" maiksing paliwanag ko. I need to accomplish something, para masabing karapat dapat ako sa lalaking ito. Tristan Ferell is damn gifted, hindi lang siya ubod ng gwapo, sobrang talino niya rin, mayaman, sweet, mapamaraan, family oriented, damn hot, sexy, cool at kung ano ano pa.
What about me? Paano kapag nagsasama na kami? I don't even know how to cook! Maglaba, maglinis at kung ano ano pang gawain ng babae.
I don't want to be his wife just on his bed, on his sofa, on his table o kahit saan pa. Dapat ay kailangan kong matuto, gusto ko siyang pagsilbihan sa iba pang mga paraan.
"Kailan ko malalaman ang sagot mo? Magsusuka ka na ba bukas?" napanganga na lang ako sa sinasabi niya.
"Akala ko ba matalino ka? Sinong babae ang mabubuntis agad kinabukasan pagkatapos nilang magminahan? Tristan naman.." naiiling na sagot ko.
"But I want you to marry me as soon as possible.." napakunot ang noo ko sa pagpupumulit niya.
"Do you have any other reason Tristan?" tanong ko sa kanya.
"Nothing. I just want to be with you Lina.." maiksing sagot niya.
"We're always together Tristan, kahit hindi pa tayo ikinakasal. There is nothing wrong with it" sabi ko na hindi na niya sinagot.
Pinagpatuloy namin ni Tristan ang paglalakad hanggang sa marinig ko ang pamilyar na ringtone ng phone ko. Si Tristan ang nag abot ng phone ko mula sa kanyang bulsa.
"Waterproof huh?" ngising sabi niya habang inaabot sa akin.
Mabilis kong sinagot ang telepono ko. Bumungad sa akin ang nangangatal na boses ni mommy.
"Mommy?"
"Lina, umuwi ka na. We'll be leaving Philippines today, pansamantala na muna tayong titira sa ibang bansa. Natawagan ko na ang kumpanya mo Lina, wala ka nang problema anak. Umuwi ka na, aalis na tayo. Kailangan tayo ng daddy mo" napahigpit ang hawak ko sa telepono. Bakit masyado yatang biglaan?
"Alright mom. Uuwi na po ako..." sagot ko na lamang. May sasabihin pa sana si mommy pero hindi ko na ito narinig nang aksidente ko na itong napatay. Damn.
"I need to go home Tristan, we'll be leaving today for my dad's medication. Sasabihin ko na lang kung saang bansa kami titigil. Most probably US? Doon magagaling ang mga doctor. I am so sorry Tristan, this is so urgent. I want to support them. Maaari naman akong umuwi or ikaw naman pwede kang dumalaw right?" mahinang paliwanag ko. Ayoko man na mapahiwalay kay Tristan ay wala akong magagawa kailangan ako ng pamilya ko.
"What?!" nagulat na lang ako sa malakas na boses ni Tristan.
"You can't leave me Lina. Dito ka lang, inilalayo ka nila sa akin. Inilalayo ka nila sa katotohanan..." napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
"Tristan, may sakit si Daddy. You're being selfish.. what the fuck are you talking about?" kunot noong sabi ko.
"Sigurado ka ba na may sakit siya Lina? Totoo ba ang sinasabi nila? They are fooling you! Inilalayo ka nila sa akin! Inilalayo ka nila sa bagay na kailangan mong malaman!" mabilis lumipad ang palad ko sa kanyang pisngi. Ano itong sinasabi niya? Naririnig niya ba ang sarili niya?
"How dare you! Mahal kita Tristan pero hindi ako papayag na sinasabihan mo nang ganyan ang mga magulang ko! Hindi ko alam na may ugali kang ganito! And what the hell are you talking about?! Ito ka naman Ferell! Ito ka na naman!" sigaw ko sa kanya. He can't be selfish like this. He can't be like this again. Parang may kung anong itinatago na naman siya sa akin.
"No, hindi ka aalis" nanlaki ang mata ko nang buhatin niya akong parang sako. Pinaghahampas ko ang likuran niya.
"Anong binabalak mo?! Uuwi na ako! Kailangan ako ng mga magulang ko Tristan! Hindi lang ikaw ang nangangailangan sa akin!" pilit akong nagpipiglas pero wala akong magawa sa kanya.
Mabilis siyang nakasakay sa isang kulay itim na outlander na nakaabang na sa bukana ng kagubatan. Mabilis niya itong pinaharurot habang pasan pa rin ako.
"Ano ba Tristan!? Uuwi na ako! Anong gagawin mo sa akin? You'll kidnap me? Para hindi ako makaalis ng bansa?! My god! You're damn selfish! Magkikita pa rin naman tayo, dadalawin natin ang isa't isa! Ano ka ba?! You're damn over reacting! Selfish bastard!" sigaw ko sa kanya.
"I am! I am! I am selfish Lina. Hindi ka aalis! Inilalayo ka nila sa akin Lina! Gumagawa sila ng paraan para ilayo ka sa akin! Gagawa din ako ng paraan para hindi ka nila mailayo sa akin!" ganitong ganito rin ang sabi sa akin ni Kuya. What the hell is going on?
Nang tumigil ang outlander niya ay agad kaming pumasok sa parang bakal na pintuan. What the fuck? Nasa headquarters niya ba kami?!
"Put me down! Put me down!" wala akong tigil sa paghampas sa kanya. Bakit bigla na lang siya nagkaganito nang sabihin ko na aalis ako?
Pero agad din akong nahiya sa dami nang mga tauhan niyang nakatulala sa amin dalawa o tamang sabihin ko na sa nasa akin ang atensyon nilang lahat? Fuck! What the hell is wrong with them?!
"Bakit tayo nandito Tristan?" tanong ko.
"You need to meet someone.." tipid na sagot niya.
Naramdaman kong pumasok kami sa isang kwarto at nang sandaling isara niya ang pinto nito ay ibinaba niya na ako.
"I need to go Tristan!" umiling siya sa akin at pilit akong pinaharap sa unahan. Agad sumalubong sa akin ang isang lalaking hindi nalalayo sa edad ng aking ama na nakatitig sa akin sa kanyang naluluhang mga mata.
"What the hell am I doing here?! I need to go Tristan! Palabasin mo ako" wala na akong pakialam sa iisipin ng lalaking nakatitig sa akin. Nagpumilit ako pero mariing hinawakan ni Tristan ang mga balikat ko.
"Isabella? Anak..." what? What? Anong sabi ng lalaki?
"Commander Satchel, I am willing to receive any kind of punishment for hiding her for years. Yes, I found your missing Isabella, I found your daughter sir. I found the Sous Leau's heiress several years ago. I hide her away from you, away from the world which she really belonged.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro