Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Thanks @aejnirut :)



Chapter 48


Nanatili akong natahimik dahil sa sinabi niya sa akin. Gusto kong makinig lang nang makinig sa anumang mga sasabihin niya, gusto kong mapunan ang lahat ng mga katanungan ko. Gusto kong malaman ang nangyari ng mga nakalipas na tatlong taong ipinagdusa ko.



"For a year? Is it because of that incident Tristan? Na coma ka dahil sa pagkakabaril sa'yo noong birthday ni Florence?" tinanggal ko ang nakapulupot niyang kamay sa akin at tumayo ako, pinili kong maupo malayo sa kanya.



"Gusto kong makita ka habang kinukwento mo ang lahat Tristan, ayokong itago mo sa akin ang mga mata mo habang ikinukwento mo sa akin ang ilang taon mong pagkawala" tumango na lang siya sa akin, nakita ko ang paghugot niya nang paghinga bago siya muling nagsalita.



"It was not because of Florence's birthday. Ilang araw lamang akong nakatulog noon, about 5 – 6 days? I did survive during Florence's birthday. At nang gumising ako mula sa anim na araw na pagkakatulog ko, wala na akong buhay na babalikan pa" nangunot ang noo ko sa paliwanag niya. Wala akong naiintindihan.



"I don't get you, sino ang nasa chopper na iniyakan ko? I've seen everything Tristan, sa mata ko at sa lahat ng mga mata ng nagmamahal sa'yo patay ka na. Papaano? Hindi ko maintindihan" wala akong makitang butas.



"It was me Lina, ako pa rin ang katawang iniyakan mo sa chopper. But everything was just a goddamn farce, the apparatus, the girls on that chopper and my declared death was all scripted Lina. Hindi kasamahan ng mga babaeng tumulong sa barko ang mga babaeng nasa chopper Lina, they are all my comrades" natigilan ako nang ilang minuto sa sinabi ni Tristan bag tuluyang nag init ang aking dugo at mas maintindihan ang sinabi niya.



"Scripted? What the hell? Napapahanga na ako sa mga kasamahan mo Tristan. They're all impressive to act on that scene, hinigitan pa nila ang mga doctor sa isang palabas na may mamamatay na bida, hindi ba nila alam na may damdamin kami ni Nally?" napakuyom na lang ang mga kamay ko na nakapatong sa tuhod ko habang inaalala ang nakaraan. Kahit ilang beses kong balik tanawanin, hindi ko kayang sabihin isa itong napakagandang pag arte.



"Lina, everyone of us are trained. We're not just skilled with guns, bombs, ambushed tactics and deathly operations. We are also trained to act and play with our prey's emotions. We can't be considered as agent if we can't have that skill baby. I am sorry.." halos mapatitig na lang ako sa kanya. Kung ganoon nang mga oras na 'yon ay napasailalim na kami sa mga kamay ng mga taong bihasang paglaruan nang walang habas ang damdamin ng mga inosenteng tao.



"Then, why? Bakit kailangan nilang palabasin na patay ka?" nanghihinang tanong ko sa kanya.



"I was ordered by the Sous L'eau, Lina. Matagal nang ipinag uutos ng agency ko na iwan ko na ang pamilyang meron ako dahil anumang oras ay mapapahamak ang buhay nila, buhay ng babaeng mahal ko kung mananatili ang ugnayan ko sa inyo. There are numbers of syndicates who've been tracing my identity" napakagat labi na lang ako. Gusto kong isumbat sa kanya ang sarili niyang paghihirap dahil siya ang pumili ng trabahong ito, pero nanahimik na lamang ako.



"Pero nagmatigas ako, sinabi ko na walang makakakilala sa akin. Uunahan kong pabagsakin ang mga sindikatong ito na mainit nang nakamata sa akin. I did successfully ambush their branch factories with number of illegal guns, drugs and even those women who were victims of human trafficking. Madami na akong napilayan sa kanila kaya mas naging mainit ang mata nila sa akin" habang humahaba ang kwento sa akin ni Tristan ay lalong pinipiga ang puso ko, ang lalaking mahal na mahal ko ay araw araw iniisip ang mga bagay na ito?



"Sinabi na sa akin ng mga seniors ko ang maaari kong gawin. It was supposed to be a fake car accident, pero nagmatigas pa rin ako Lina. Hindi ko kayang magpaalam sa'yo, hindi kita kayang iwan. I can't live away from you. I can't imagine someone will take my place from you. Iniiisip ko pa lang ito ay parang mababaliw na ako. Kaya naging doble ang iginugol ko sa trabaho para maunahan ang mga sindikatong pilit na akong binubura sa kanilang landas, kailangan kong mauna. Hindi ako maaaring magpatalo" napaluha na lang ako sa sinabing ito sa akin ni Tristan. Sa kabila nang bigat ng trabaho niya ay ako pa rin ang iniisip niya. Fuck. I am damn terrible, hindi ko man lang napansin noon na sobrang bigat na pala nang dinadala niya.



"At dahil mas naging tutok ako sa mga sindikatong ito, hindi ko na nagawang pagtuunan ng pansin ang dadating na birthday ni Florence. I didn't even check the security around the area, the risk and even the possibilities of having her enemies during that night. Naging okupado ako sa mga sindikatong humahabol sa akin. Naging pabaya ako nang gabing 'yon Lina, ako ang may dahilan kung bakit naganap ang trahedyang 'yon. Ako ang may dahilan nang lahat Lina. Napakalaki nang pagkakautang ko kay Florence, napakalaki Lina.. " hindi ko na pinunasan ang mga luha ko habang patuloy na nakikinig sa kanya. Pakiramdam ko ay hinihiwa ang aking dibdib, hindi si Tristan ang may dahilan kung bakit nangyari ang kahindikhindik na gabing 'yon. Everything was my fault. Dahil ayaw niya akong iwanan, mas pinagtuunan niya ng pansin ang mga sindikatong humahabol sa kanya, napabayaan niya ang misyon niya kay Florence.

Fuck! Ang laki laki ng kasalanan ko kay Florence.



"It was all my fault Tristan, ako ang puno't dulo.." tuluyan ko nang isinubsob ang mukha ko sa aking palad.



"No, no Lina. It was all my fault, wala kang kasalanan baby.." nanatiling hindi lumalapit sa akin si Tristan na siyang pinagpasalamat ko.



"I'm too helpless that night Lina. Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na 'yon. Dahil sa kapabayaan ko, ang mga pinsan ko, si LG, mga inosenteng tao at ikaw na mahal ko ay napahamak. If I could just turn back the time baby.." napapahimas na lang siya sa kanyang noo.



"At nang gabing 'yon, nakisali na ang mga kasamahan ko. Ginawa nilang oportunidad ang gabing 'yon para palabasin na patay na ako. Nang mga oras na 'yon Lina, nang naglalakad ako papalapit sa'yo at isigaw mo sa akin ang pangalan ko para balaan sa hayop na babaril kay Florence, malaki ang tiwala ko sa aking sarili na wala kahit sino sa amin ni Florence ang matatamaan ng bala. Not before I felt something stung on my neck and I felt a sudden numb on my body Lina. Hindi na ako nakakilos nang kayakap ko si Florence, hanggang sa tuluyan na akong tamaan ng mga bala" napatulala na lang ako sa sinabi ni Tristan.



"Then, you're telling me.." nangangatala na sabi ko.



"Yes baby. I was stung by a needle with a drug that can numb my whole body" napatayo na akong tuluyan. I have an idea with some spy items, at alam ko ang bagay na tumama sa leeg ni Tristan. It can sedate someone in just a goddamn snap!



"Your own comrades drug you! What the fuck is wrong with them?! Paano kung sa puso ka tinamaan Tristan? Paano kung mga internal organs ka tinamaan? Posibleng patay ka na ngayon! Your own comrades wanted you dead! What the fuck is that job Tristan!? Kalkulado din ba nila kung saan tatama ang bala? Alam ba nila na madadaplisan ka lang? Na hindi ka tatamaan sa puso? Mga diyos ba kayong mga agent!? You can't just play with bullets like that!" halos sabunutan ko na ang sarili ko.



"In my world with full of guns Lina, it was not always the right calculations, right measurements and right deductions. Most of the time, instinct will make us agent survive" maiksing paliwanag niya sa akin na hindi ko man lang masabing katanggap tanggap na sagot.



"Sinasabi mo ba na instinct ang pinagana ng mga kasamahan mo nang gabing 'yon? They drug you and let you received that fucking bullets just believing on their goddamn instinct?! What the hell is that foolishness?! Akala ko ba ay matatalino ang mga kagaya mo Tristan? My god! You can't just let your instinct hold your life!" malakas na sigaw ko sa kanya.



"Please, Lina. You can't talk like that, wala kang nalalaman sa trabaho ko" mahinang sagot niya sa akin sa paraan na hindi nakikipagtalo sa akin. Muli akong naupo at nahinahon, kung paiiiralin ko ang galit ko ay hindi ko na maririnig ang mga paliwanag ni Tristan.



"Tulad nga sabi ko, mga kasamahan ko na ang kasama natin sa chopper"



"Then, sino ang mga tumulong sa atin? Who are those girls? May binanggit ang tatlong babae sa akin noon na isang organisasyon na hindi ko matandaan, may alam ka ba sa kanila Tristan?" sinalubong niya ang mga mata ko nang may seryosong ekspresyon.



"I don't know them" maiksing sagot niya. Nang pilit kong alalahanin ang nangyari ng gabing 'yon, nabanggit ng mga babaeng ito si Florence.

Damn, alam kong hindi na naman nagsasabi ng totoo sa akin si Tristan. Nasisigurado kong may alam siya tungkol sa mga babaeng ito.



"Hindi ba napansin ng mga babae na ibang mga babae ang nakasakay sa chopper Tristan? Hindi sila nagtaka?" napatitig sa akin si Tristan sa tanong ko. Maaaring may ugnayan ang mga kasamahan ni Tristan at ang mga babaeng tumulong sa amin.



"It was an easy task baby, agents are trained to disguise. Don't underestimate my agency" gusto kong pagduduhan ang sagot niya pero wala na akong mahanap na butas.



"Paano napalitan ang katawan m—" napatigil ako sa pagsasalita nang maalala kong tinurukan na ako nang pampatulog noon. Nagising na lang ako nang nasa bahay na ako.



"According to those who are in mission, napalitan daw nila ang katawan ko nang ilanding na nila sa helipad ng hospital ang chopper, may tatlong nakaparadang chopper dito kung saan nakaabang ang pekeng bangkay ko. Dahil abala si Nally para bantayan ka, hindi na sila nahirapan na ilabas ang pekeng katawan. Dito na nila ako tuluyang inilipad papalayo sa'yo Lina. I am sorry.." napapahanga talaga ako sa mga naririnig ko. Sinong mag aakala na ganito ang lalaking mahal ko?

What about that fake corpse? Wala man lang sa amin ang nakahalata na hindi si Tristan ang bangkay na pinaglamayan namin. Even me! Damn. I was too weak, drained and half dead that time. Paano ko pa malalaman kung si Tristan ang bangkay na iniiyakan ko?



"Wala man lang nakahalata.." nasabi ko na lamang.



"No, hindi nagluksa si LG Lina. Alam kong alam nang matanda na nabubuhay pa rin ako.." muli akong napatitig sa kanya.



"How? Papaano mo nalaman? Papaano niya nalaman?" hindi makapaniwalang tanong ko.




"He's my grandfather, siya ang nagpalaki sa akin Lina. He will notice right away. At alam kong matagal nang alam ni LG ang trabaho ko, he's just pretending that he don't" nasabi na niya sa akin ang bagay na ito noon.

Tumigil muna siya nang mga ilang minuto bago siya nagpatuloy sa pagkukwento.



"Gumising ako Lina at si Florence ang una kong hinanap. Don't get jealous baby, hinanap ko siya dahil napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko nagawa nang maayos ang misyon ko..I was so guilty as hell, until now. Hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan.." hindi na lang ako nagsalita sa bagay na ito.



"Gumising na akong walang babalikan Lina. I was declared dead. Pinalabas na akong patay ng Sous L'eau, nakalibing na ang peke kong katawan nang magising ako. Sinubukan kong iparating sa mga pinsan ko na buhay ako at dito ko natagpuan si Nero, he's suicidal. Kung hindi pa ako nakadating ay mamamatay sa lunod ang pinsan ko, nagkabuhol buhol na ang problema ko Lina. Sinira ko ang relasyon nila ni Nero, sinira ko ang buhay ni Florence, inatake sa puso si LG dahil sa sunod sunod na problema, hindi na kita nabalikan. Everything was a mess Lina, kaya napagpasyahan ko nang panindigan ang kamatayan ko.." habang tumatagal ang mga rebelasyong sinasabi niya sa akin ay mas naliliwanagan ako. Pero habang marami na akong nalalaman lalong kong nararamdaman ang pagsakit at pagkirot ng dibdib ko.



"Sa unang taon ko sa aking kamatayan, iginugol ko ang sarili ko sa trabaho. Mga misyon, kung saan saang bansa ako pinapadala, kung ano anong klase ng sindikato ang mga kinakalaban ko at ilang daang kriminal na ang napatay ko. Tuluyan ko nang tinapos ang misyon ko sa sindikatong humahabol sa akin noon, dahil malaki ang pag aakala nilang namatay na ako. Yes baby, kilala na nila ako. I have been identified, at tama lang ang ginawa ng Sous L'eau. Mapapahamak kayong lahat kung nanatili akong buhay sa inyong mga mata" kung ganoon ay hindi lang ako ang nagdusa nang mga panahong magkalayo kaming dalawa. My Tristan is damn suffering too much, doble, triple o higit pa sa sakit na naramdaman ko.



"Pero hindi lahat nang pagkakataon ay swerte ako Lina. During my assignment in Aleppo Syria, I was captured by the joined force of two prominent syndicates. Tortured in countless time, drowned me, electric shocks all over my body, knives, bats, beaten by guns, endless punches, boiling water and hunger. Hindi ko na alam kung ano ang tumatama sa katawan ko nang mga oras na 'yon. Akala ko mamamatay na ako nang oras na 'yon, ikaw na lang ang iniisip ko Lina. My whole thoughts are filled by your beautiful image, iisipin na lang kita hanggang sa tuluyan na nila a---" hindi ko na kinaya ang kwento ni Tristan, sa nanlalabo kong mga mata dahil sa nag uumapaw kong mga luha. Nagmadali akong tumakbo sa kanya at mahigpit ko siyang niyakap.



"Tama na Tristan..ayoko nang marinig ..." alam ko na ngayon kung bakit siya nawala. Ayoko nang marinig ang susunod niyang sasabihin.



"I'm sorry Tristan..I'm sorry...ibinalik ko na naman ang mga alaalang 'yan sa'yo. I'm sorry for forcing you. Itigil mo na ang pagkukwento. I am satisfied..I am satisfied...sorry.. sorry..sorry Tristan.." pakiramdamn ako ay bumubuhos na ang lahat ng mga luha ko mula sa aking mga mata. My Tristan, sobra sobrang hirap ang naranasan niya habang malayo kami sa isa't isa. Damn, akala ko masakit na ang sa akin, higit na mas masakit ang naranasan ng lalaking mahal ko.


Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.



"Akala ko hindi na kita mayayakap ng ganito Lina..."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro