Chapter 47
A/N: Natatawa ako sa mga comment. Lol. May kanya kanya kayong pinapanigan. Hahaha
Thanks @Annedenggg :)
Chapter 47
Padabog akong naupo sa aking swivel chair habang may naniningkit na mga mata. Mag dadalawang linggo nang hindi nagpapakita sa akin si Tristan pero araw araw siyang nagpapadala ng mga bulaklak, chocolates at iba't ibang size na stuff toys. Sa tuwing nakikita ko ang stuff toys na pinapadala niya ay lalong nag iinit ang ulo ko.
Saging lang naman. Stuffed toys na saging! Katanggap tanggap naman kung isang beses siyang nagpadala sa akin, baka naman nagkataon lang na ito ang pinadala niya at wala siyang ibang ibig sabihin. Pero 'yong araw araw?!
Araw araw saging! At sa bawat araw ay lumalaki at humahaba ang stuff toys na saging na pinapadala niya! Dyosko. Hindi ko na alam kung anong pumasok sa utak ng Ferell na 'yon. Noong nakaraang lunes at martes napagkakasya ko pa sa bag ko ang stuffed toys pero nang sumunod na araw ay palaki na ito nang palaki kaya napapansin na ito ng mga katrabaho ko.
Araw araw na akong nginingisian ng mga katrabaho, bakit nga ba sa dami ng pwede niyang ibigay sa akin na stuff toys ay laging saging? Tang ina niya! Nag aasar ang walang hiyang Ferell. Araw araw niya akong pinauulanan ng saging! At mas matindi ang nakikita ko ngayon dahil mukhang mas matatangkadan na ako ng stuff toys na saging niya pero ang mas nakakapagpakulo sa dugo ko ay ang disenyo ng stuff toys niya ngayon, talop lang naman ang saging! Tang ina ka Tristan!
Ilang saging na ang nasa kwarto ko ngayon?
"Oh my god! Tinalupan mo na ba ang banana Lina? Palaki na siya nang palaki, Wednesday pa lang ngayon" natatawang sabi ng katrabaho ko na may hawak na mainit na tasa ng kape.
Napasubsob na lang ako sa aking lamesa, tuwing umaga na lang sumasakit ang ulo ko.
Araw araw din ay iba't ibang klase ng bulaklak ang natatanggap ko, syempre hindi din mawawala ang mga nakakapanindig balahibo niyang mga kamanyakan sa maliit na card na nakasipit sa mga bulaklak niya. Hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pa itong itago at iuwi sa bahay sa kabila nang galit ko sa kanya.
Matino pa ang unang note niya pero ang mga sumunod, hindi ko na kinaya.
'I'll win you back. I'll court you again' unang note mula sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilang alalahanin ang nakaraan. Niligawan ba talaga ako ng Ferell na ito? Sa aking pagkakatanda ay minanyak niya lang ako hanggang sa mapasagot na lang ako sa kanya. Ang natatandaan ko pa nagpabida lang siya sa mga magulang ko noon.
'Accept my banana' hindi na maganda ang pakiramdam ko sa pangalawang note niyang ito.
'Do you like my banana baby?' tuluyan nang nag init ang ulo ko sa pangatlong note niya.
'Are you happy with my banana?' kumukulo na ang dugo ko sa pang apat. Nang aasar na ang walang hiyang Ferell.
'Do you miss my banana?' ikalimang note niya. Gustong gusto ko nang ipagbabato sa kanya ang mga saging na pinapadala niya.
'My banana is looking for you baby' mukha na siyang banana!
'Do you love my banana?' nakailang mura na siguro ako sa walang katapusang babana ni Tristan Ferell.
At ngayon ay nangangatal ang kamay ko habang kinakapa ang ikawalong note niya tungkol na naman sa banana niya.
'My banana is big, right baby?' tuluyan na akong napapikit sa inis. Napasubsob na lang akong muli sa aking lamesa habang panay ang paghampas ko sa ibabaw nito.
"Tang ina ka Ferell, tang ina ka, tuwing umaga na lang. Tuwing umaga na lang. Pang asar ka.." halos iumpog ko na ang sarili ko sa lamesa nang bumalik sa alaala ko ang nangyari sa bus.
"Ofcourse! It is goddamn big!" malakas na sigaw ko.
Tuluyan na akong natauhan nang maagaw ko ang atensyon ng mga katrabaho ko na kapwa nakangisi sa akin. Tang ina ka talaga Tristan!
"Anong malaki Lina?" ngising tanong sa akin ni Jean.
"Yong stuff toy, ang laki grabe" awkward na sabi ako. Tumayo na ako at binuhat ko ang malaking stuff toy.
"Ilalagay ko lang ito sa sasakyan, nadidistract ang mga tao dito"
"Ang mga tao nga ba?" inirapan ko na lang si Jean bago ko binuhat ang banana ni Tristan. Tang ina talaga.
Padabog ko itong inilagay sa aking sasakyan.
"Damn! Magsama kayo ng amo mong banana! Huwag na huwag lang siyang magpapakita sa akin. Hihilahin ko ang pinagmamalaki niyang banana! My god! Pati sa trabaho ko pinepeste niya ako! Mukha na siyang banana! Oh fuck! Nakakainis talaga!" para akong tangang minumura ang stuff toy na walang kaalam alam sa kalokohan ng kanyang amo.
Nakakainis! Sa halip na kiligin ako dahil nililigawan niya ako ulit, dahil sinusuyo niya ako ulit. Ito siya at nagpapaulan ng banana at kamanyakan. Damn, hindi niya ba naiisip kung ano ang sasabihin ng mga katrabaho ko?
Kinapa ko ang telepono ko sa aking bulsa at mabilis akong nagchat kay Lady Rider.
Lina Isabelle: 'Let's meet, after my work'
Lady Rider: 'Bati na tayo?' halos maibato ko ang telepono ko nang lagyan niya ng emoji na saging ang reply niya sa akin.
'Lina Isabelle: 'Fuck you!'
Lady Rider: Alright, I'll pick you up ;) I miss you baby.
Pinilit kong maging abala sa trabaho kahit paminsan minsan ay naririnig kong nagmemessage sa akin si Tristan. Ako naman ito, at hindi matiis na hindi basahin ang walang kwentang chat ng lalaking mukhang saging.
Lady Rider: 'Mag half day ka na lang Lina, nasa labas na ako ng building'
Lina Isabelle: 'Bahala ka sa buhay mo!'
Nagreply siya ng sad face na may emoji na naman ng saging. Hindi ko na maintindihan kung bakit napapangisi na ako ngayon. My god Tristan! Ang sakit mo sa ulo.
Muli kong binaling ang atensyon ko sa trabaho, hindi naman yata ako papayag na maapektuhan ng saging ang sistema ko?
Natapos ako sa aking trabaho na lampas na sa kalahating oras. Inayos ko muna ang lamesa ko bago ako nagdiretso sa powder room para mag ayos. Nasa labas lang naman si Tristan Ferell.
Pinasadahan ko ng lipgloss ang labi ko, kaunting pagsusuklay, powder at pabango. Damn, pinapagandahan ko ba ang lalaking mukhang saging? Haist. Hinawi ko muna ang buhok ko bago ako tuluyang lumabas ng powder room.
Tulad nang inaasahan ko ay nakaabang na ang kulay itim na sasakyan ni Tristan. Ako na mismo ang nagbukas at mabilis akong pumasok dito.
Huli na nang makaangal ako, mabilis lang naman akong hinalikan ni Tristan sa aking mga labi.
"I miss you" umirap lang ako sa kanya. Baka inaakala niya ay ayos na kami dahil sa pinapadala niyang mga saging? Masyado naman yata siyang sinuswerte sa buhay.
"Nagugutom ka ba? Saan mo gusto mong kumain?" hindi ako sumagot sa kanya kahit nagugutom na talaga ako.
"Lina, kausapin mo na ako. I am sorry, huwag na nating pag awayan ang bagay na ito. I love you, tapos ang usapan. Here kumain ka muna, I bought some chips" may inabot siya sa aking kulay white na pack. At nang tuluyan ko nang mabasa kung ano itong inabot niya sa akin at ibinato ko ito pabalik sa kanya.
"I don't eat banana chips! Nakakainis ka na!" sigaw ko sa kanya habang tawa lang siya ng tawa. Kung hindi lang siya nagdadrive ay kanina ko pa siyang pinagsusuntok.
"Bati na tayo Lina?" tanong niya sa akin. Sa labas ako tumingin, bahala na siya sa buhay niya.
"Akala ko ba ay mag uusap tayo?" muling tanong niya sa akin.
"Yes we will, saan ka nakatigil ngayon Tristan? Let me see it" mabilis na sabi ko.
"Oh, okay" akala ko ay sa kambyo lilipad ang kamay niya pero naramdaman ko na lang ito sa legs ko na mabilis kong hinampas.
"Damn, akala ko kambyo. My bad" ngising sabi niya sa akin.
"Manyakis" ismid na sabi ko.
"You're skirt is too short baby. Kaya madami kang manliligaw sa company nyo"
"Oh talaga? Igagaya mo silang lahat sa'yo? Mapakitaan ka lang ng legs at balikat hindi ka na makabaril ng maayos"
"What the fuck?" natatawa siyang sumulyap sa akin.
"Nagugulat ka pa sa sarili mo Tristan? Akala ko dati ikaw 'yong pinaka pure sa inyong magpipinsan, dahil ang tahitahimik mo, parang wala kang kasalanang ginagawa dahil natutulog ka lang nang natutulog. Pero nagkamali ako, ikaw ang pinakamanyak sa lahat ng manyak! Akala mo ba ay mapapalampas ko ang paglalagay mo ng spy cam sa kwarto ko?! Manyakis ka!" malakas na sigaw ko na halos mapatalon sa kanya. Parang nagulat pa siya dahil mukhang naungkat ang kanyang pinakalilihim.
"Wala akong nakita Lina, pumikit ako" ako na ang napapahanga sa kanya. Bakit parang narinig ko na itong sinabi niya sa akin?
"Sa tingin mo ay naniniwala ako sa'yo Tristan? Nakikita ko na kung paano lumaki ang mata mo sa kapapanuod sa akin! Kung ano ano pa ang pinagchachat mo sa akin na mga 'one night stand'! God! Nakakaasar ka na Tristan!"
"Don't get mad baby. Nakita ko na lahat, ang lahat lahat. Remember the bus and the curtains?" fuck! Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya at muli kong itinanaw ang paningin ko sa labas.
"Hindi ko na kailangan ng spy cam na ibinibintang mo sa akin dahil nakita ko na lahat. Hindi ko rin napakinabangan ang spy cam Lina, hindi kita kayang silipan. Alam mong hindi ko kayang gawin 'yon sa'yo, alam mong lagi akong humihingi ng permiso sa'yo" muli ko na namang naramdaman ang kamay niya sa hita ko. Sinong niloloko niya? Sinungaling siya, hihingi ng permiso? What the fuck?
"Ang kamay mo" malamig na sabi ko habang nakatanaw ako sa labas ng bintana.
"Damn, akala ko kambyo na naman. My bad again" manyak!
Nanatili akong tahimik habang panay ang pagsisinungaling sa akin ni Tristan na isa daw siyang lalaking hindi kayang manlamang gamit ang kanyang kakayahan. Nakakabingi na ang pagsisinungaling niya. Talaga ba na ganito ang mga Ferell?
"Talaga lang Tristan? Alam mo ba kung saan ko nahanap ang mga spy cam mo? Sa lugar kung saan mo ako masisilipan. Nakakahiya naman sa'yo dapat ay sa banyo mo na nilagay" sarcastic na sabi ko.
"Nagkataon lang 'yon Lina.." sige magpalusot ka pa.
"Oh shut up, umiinit ulo ko sa'yo"
Hindi na siya nagsinungaling muli dahil sa sinabi ko. Nakarating kami sa hindi kalakihang apartment.
"Dito kami nakatigil ni Rashid. I think he's not here" unti unting binuksan ni Tristan ang pinto at halos sabay kaming napamura ni Tristan nang mahuli namin ang ginagawa ni Rashid at nang babae sa sofa.
"Oh fuck! I told you, wag na wag kang magdadala ng babae dito" sabay kaming napatalikod ni Tristan para magkapag ayos ang dalawa.
"Bawal ba Cap? Sinong kasama mo? Isusumbong kita kay Miss Lina" narinig ko ang paghagikhik ng babae. Nagkakagulo na sila ni Rashid sa pag aayos.
"Si Lina ang kasama ko, bilisan nyo sa ibang lugar nyo na lang 'yan ituloy" napapahimas na sa kanyang noo si Tristan.
"Bati na kayo ni Miss Lina? Inamin mo na sa kanya na binobosohan mo siya?" malakas kong siniko si Tristan sa sinabi ni Rashid.
"Fuck you Rashid!" napangiwi na lang ako nang lumabas na nang apartment si Rashid at ang babae na nakababa sa likuran niya.
Agad kaming pumasok ni Tristan sa apartment nila at padabog niyang isinara ang pinto.
"Damn, papalitan ko na ang sofa ko" ang arte naman niya. Umupo ako sa sofa at bahagya kong tinanggal ang ilang butones ng long sleeve ko.
"Tayo din Tristan, gawin din natin ang ginagawa nila.." bahagya kong kinagat ang daliri ko sa harapan niya. Tulad nang inaasahan ay para siyang magnet na unti unting humahakbang papalapit sa akin.
"Yan! Dyan ka magaling!" isa isa ko nang pinagbabato sa kanya ang throw pillow!
"Manyak ka! Manyakis ka!" tawa na naman siya ng tawa habang ako ay namumula sa sobrang inis.
Mabilis siyang nakalapit sa akin at mahigpit na niyakap. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang ibabaw ang ulo ko.
"I will tell you a story, do you want to listen?" natigil ako sa pagpupumiglas sa kanya.
"May kukuhanin lang ako Lina" tumayo siya mula sa sofa at ilang minuto siyang nawala. Bumalik siya na may dalang marshmallows.
"I know you're hungry, ito lang ang meron kami sa apartment na ito. Damn that Rashid, pinakain yata sa babae niya" naupo siya muli sa sofa.
"Come near me, hindi ako makakapagkwento kapag malayo ka sa akin Lina" mas lumapit ako sa kanya. Pero mukhang hindi siya kuntento dahil tumayo siya at binuhat pa ako.
"Tristan!" naupo siya agad sa sofa habang nakaupo ako sa pagitan mga hita niya. Damn Tristan and his stunts.
"And this is our proper position" itinapat niya sa labi ko ang marshmallow na hawak niya.
"Nilalandi mo ba ako Tristan?" ngumisi lang siya sa akin.
"Just eat up Lina.." wala akong pinagpalian at ibinuka ko ang bibig ko. Habang nginunguya ko ang marshmallow ay bigla siyang nagsalita sa kanyang pinakaseryosong tono.
"I have been in coma for a year Lina.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro