Chapter 46
Thanks @Anonymous_aly :)
Chapter 46
Natigilan ako sa sinabi sa akin ni Tristan. Ano itong sinasabi niya sa akin? Alam niya ba ang mga sinasabi niya?
Pilit kong tinatanggal ang braso niyang nakapulupot sa akin. Hindi ko na inalintana pa ang kanina pang luha na hindi na tumigil sa pagpatak. Hindi ko akalaing sa ganitong eksena ako makakatanggap ng isang alok ng kasal.
"Bitawan mo ako Tristan.." malamig na sabi ko. Halos hindi ko na makita ang pinto dahil sa mga luha ko. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
"I came back Lina, hindi ka ba masaya na bumalik ako? I came back because of you, lumaban ako kay kamatayan dahil sa'yo. I beat death because of you baby.." pakiramdam ko ay lalong pinipiga ang puso ko sa sinabi niya.
"Ito na nga ang sinasabi ko, ilang beses ka pang makikipaglaban kay kamatayan Tristan? Ilang beses ka pang mapapahamak para maintindihan mo na kahit kailan na hindi tayo magiging masaya habang nasa trabaho ka pang ganyan?!" pilit kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at ako mismo ang humawak sa kanyang mga pisngi.
"Listen to me Tristan, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang malaman kong buhay ka. May parte sa puso ko ang nabuhay, mahal na mahal kita Tristan. Pero sana, intindihin mo ang nararamdaman ko. Habang buhay akong mabubuhay sa takot na maaari mo akong muling iwan dahil sa trabaho mo, paano magiging masaya ang pagsasama natin na laging may takot sa puso ko? Please listen to me Tristan, iwan mo na trabahong 'yan" paulit ulit ko nang hinahaplos ang kanyang mukha. He needs to listen, kailangan niyang indintihin ang gusto kong iparating sa kanya.
"But Lina, I am destined to this. Hindi ko na kayang iwan ang trabahong ito, ilang taon na itong parte ng pakatao ko. Malaki ang mawawala sa akin kapag iniwan ko ang trabaho ko Lina. I love you, but I also love being an agent.." nanghihinang bumaba ang mga kamay ko mula sa kanyang pisngi.
"Paano tayo magpapakasal Tristan kung ayaw mong makinig sa akin? Paano tayo makakabuo ng simple at masayang pamilya kung sa tuwing aalis ka sa bahay ay nakalubog na ang kalahati ng katawan mo sa hukay? Anong sasabihin ko sa magiging anak natin na trabaho mo? Pagsisinungalingan ko sila? Tristan kahit saang anggulo ko tingnan malaking problema ang trabaho mo. Hindi mo kami kayang mahalin nang sabay.." naiiling na sabi ko sa kanya.
"No, no. Lina, mahal na mahal kita. I can make you the happiest, pakakasalan na kita. Hinding hindi na kita iiwan, hindi na kita paiiyakin pa. Magiging masaya tayong magkasama. Hindi mo kailangang problemahin ang trabaho ko" pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko habang yakap niya ang aking bewang.
"Paano? Paano ko sasabihin sa mga magulang ko? Patay ka na sa mata nilang lahat. Paano tayo magmamahalan ng normal? Kahit hindi ko tanungin alam kong limitado lang ang mga taong may alam na nabubuhay ka, alam ba ito ng mga magulang mo? ng pamilya mo? ng mga pinsan mo? Saan mo nakuha ang lakas ng loob mong alukin ako ng kasal sa sitwasyong ito Tristan?" pinunasan ko na ang luha sa pisngi ko. Hindi ko maintindihan ang lalaking mahal ko, bakit hirap na hirap siyang iwan ang trabaho na kaya siyang agawan ng buhay?
"Ikaw pa lang ang nakakaalam Lina. And I am damn desperate, kaya inalok na kita ng kasal. Hindi ko alam ang gagawin ko nang sabihin mong iiwan mo ako Lina. Alam kong mahirap para sa'yo ang trabaho ko pero ito na ang buhay ko Lina, tatanggalin mo ang kalahati ng buhay ko kapag hiniling mong iwan ko ito" napapikit na lang ako sa sagot niya sa akin.
"Tristan! Hindi mo pa rin ba naiintindihan, tatanggalin ng trabahong 'yan ang buong buhay mo! Bakit hirap hirap kang intindihin ang sinasabi ko Tristan? Bakit hindi mo ilagay ang sarili mo sa sitwasyon ko? Magiging kampante ka ba kapag nasa trabaho ako na nakikipaglaro sa nguso ng baril? Magiging kampante ka ba na sa tuwing aalis ako sa bahay ay may anumang bomba na sumabog sa aking katawan, may anumang kutsilyo na humiwa sa akin, may sinumang magpaulan ng bala sa akin? Anumang oras ay pwede akong mamamatay? Magiging masaya ka ba sa pagsasama natin?" sunod sunod na sabi ko sa kanya na halos kapusin ako ng hininga.
"Lina.." napatulala na lang ako sa marahang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Look! Kahit ikaw ay hindi mo rin kaya! Tristan, gusto kong maging masaya kasama ka. Yes, papayag akong magpakasal sa'yo kahit sino pang pari, huwes o mayor ang hilahin mo mismo sa kwartong ito basta mangako ka sa akin na iiwan mo ang trabaho mo. Pakakasalan kita ngayon din Tristan.." marahang sabi ko sa kanya.
"Lina. Marry me without condition, nasasabi mo lang ang mga bagay na 'yan dahil wala ka mismo sa sitwasyon ko. Mahirap iwan ang trabahong parte na nang buong pagkatao mo. Mas magiging maingat ako sa trabaho ko, hindi kita pag aalalahanin. We can be happy, paliligayahin kita sa bawat araw nang pagsasama natin. Mamahalin kita Lina, pakasalan mo na ako.." ilang beses akong umiling sa sinabi niya. We can't just get married and everybody happy. It can't be like that.
"Tristan naman.." napahilamos na lang ako sa sarili ko. Talagang hindi ko siya maiintindihan.
"Paano ako magiging masaya kung sa tuwing aalis ka at pupunta sa misyon mo ay matatakot at kakabahan na lang ako na baka ang susunod ko nang salubungin ay ang kabaong mo? Tristan naman, ayoko nang maulit ang nangyari sa akin noon. Sobrang sakit, sobrang sakit. At kung maulit na naman ito? Sa tingin mo ba may makakaya pa ng puso ko? Makakaya pa ng isipan ko? Baka tuluyan na akong mabaliw Tristan..." agad niya akong kinabig at mahigpit niya akong niyakap.
"Hindi mangyayari 'yon Lina. I am trained, hindi ako makakarating sa mataas na posisyon kung hindi ako bihasa sa trabaho kong ito. Hinding hindi na kita iiwan Lina, huwag ka nang matakot. Nangangako ako na hindi na kita iiwan.." muli kong pinaghahampas ang dibdib niya.
"Pumili ka Tristan, kailangan mong pumili kung ako o ang trabaho mo. Hindi lang ito para sa akin, para din ito sa sa'yo. Hindi ka ba natatakot sa trabaho mo? You're being selfish Tristan! Masakit maiwan! Masakit Tristan.. masakit, huwag na ulit akong saktan.." paulit ulit na sabi ko. Siguradong namamaga na naman ang mga mata ko sa walang katapusang pagluhang ito.
"Lina.."
"Tristan please? Ako na lang? Ako na lang? Iwan mo na ang trabahong 'yan. Magiging masaya ako kapag iniwan mo na ang nakakamamatay na trabahong 'yan. Pakakasalan din kita ngayon din, kung gusto mo bibigyan na pa kita ng panganay ngayon. I can give you my everything Tristan. Isusuko ko na ang buong sarili ko sa'yo ngayon din. Just promise me to leave that damn job of yours" ako na ang nagmaakaawa sa kanya.
"Lina..I can't, don't do this to me.." tuluyan na akong nanlambot sa sinabi niya.
"Kung ganoon pinipili mo ang trabaho? Mas mahal mo ang trabaho kaysa sa akin Tristan.." humakbang na akong muli papalayo sa kanya.
"Bakit mo ako binalikan Tristan? Hindi mo kayang bumalik sa akin ng buo, bumalik ka sa akin nang may kaagaw ako. You can't give me your whole Tristan, binigyan mo pa ako ng karibal at si kamatayan pa" siya naman ngayon ang napahilamos sa kanyang mukha.
"Lina, nakilala kita dahil sa trabaho ko. Una kitang minahal dahil sa trabaho ko. Paano mo nasabing mas mahal ko ang trabaho ko kaysa sa'yo? I've been breaking my job's damn rules for you! Pinatay ako ng Sous L'eau sa mata ng lahat ng mahal ko sa buhay para mas magampanan ko nang mas maayos ang trabaho ko pero ito ako ngayon at nilalabag ang utos nila. Ito ako ngayon at sinusuyo ka para tanggapin ako. Gusto kong malaman mo na buhay ako, na patuloy kitang minamahal sa kabila nang mapanganib na trabaho kong ito.." hindi ko nagawang magsalita sa sinabi niyang ito.
"Lina, una pa lang kita makilala alam kong dadating ang panahon at matututo na rin akong suwayin ang bagay na pinahahalagahan ko noon nang dahil sa'yo. Nang dumating ka sa akin pumangalawa na lang ang trabaho ko Lina. Mahal na mahal kita, kaya kong suwayin ang kinamulatang trabaho ko Lina para sa'yo pero hindi ko ito kayang iwan Lina. Don't be selfish Lina.." napatulala na lang ako sa sinabi niya.
"I am not selfish Tristan! Sinong matinong babae ang tatanggap ng alok ng kasal na ang lalaking pakakasalan mo ay anumang oras na pwedeng mamatay? Anumang oras ay pwede ka na naman iwan? Anumang oras ay pwedeng maglaho? Katanggap tanggap kung sa sakit mamamatay, hindi na kayang iwasan pero 'yang trabaho mo? May magagawa pa tayo Tristan.." bakit ayaw niyang iwan ang trabaho niya?!
"Kapag iniwan ko ang trabaho ko Lina, hindi na ako ang lalaking nagmahal sa'yo. Tinanggal mo na kung ano ako, inalis mo na ang unang lalaking unang nahulog sa'yo. The agent me was the first one who fell in love with you Lina.." natahimik ako sa sinabi niya.
"Let's end this, kausapin mo na lang ako kapag nakapag desisyon ka na. Ayoko nang maiwan ulit Tristan, gusto ko ay may mapanghahawakan ako na hindi mo na ako iiwang muli. Tama na 'yong sakit Tristan..tama na. Hindi na kaya nito.." bahagya kong hinawakan ang tapat ng puso ko.
"I am giving you an answer Lina. I will love you. At hindi na 'yon magbabago, hindi ko iiwan ang trabaho ko" madiing sabi niya.
"Then let's end this. Wag mo na akong balikan Tristan, sasaktan mo lang ulit ako. Maghanap ka nang babaeng may batong puso, maghanap ka ng babae na hindi mamamatay sa kaiisip kapag wala ka sa kanyang tabi, maghanap ka ng babae na hindi mababaliw kapag nasa mga misyon ka, maghanap ka ng babae na sasaang ayon sa trabaho mo, maghanap ka ng babae na hindi natatakot maiwan" halos hingalin na ako sa mga sinabi kong ito.
Nagmamadali na akong humakbang papunta sa pintuan para makalabas, hawak ko na ang doorknob nito at sinisimulan ko nang buksan pero hindi ko na tuluyang nalakihan ang pagkakabukas nang marahas itong isarado ni Tristan.
Nasa likuran ko siya at nakaharang sa magkabila ko ang mga braso niya.
"How can I Lina? Ikaw lang ang hinahanap hanap ko, ikaw lang ang kaya kong mahalin. Akala ko tanggap mo kung ano ako... Akala ko mamahalin mo ako sa kabila nang kung ano ang trabaho ko.." napakagat labi na lang ako sa sinabi niya at kusa na akong humarap sa kanya.
"Binabawi ko na Tristan, hindi ko kayang tanggapin ang trabahong meron ka. Bakit sa lahat ng trabaho ay 'yan pa? Anong klaseng trabaho 'yan? Nasisiyahan ka ba kapa----" napapikit na lang ako. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
"Kapag pumapatay ako ng tao? Kapag humahawak ako ng baril? Kapag nasa gitna ako nang madugong labanan? Nandidiri ka na ba sa akin? Natatakot ka na ba sa akin? Kaya ba ayaw mo na akong tanggapin? You're so unfair Lina, after I fell damn hard on you? Pagkatapos kong mabaliw sa'yo, iiwan mo ako sa ere? Binalikan kita pero itinutulak mo ako palayo. Akala ko ay tatanggapin mo ako Lina. What are you doing? You're damn stabbing my heart baby.." napatitig na lang ako sa kanya. Siya lang ba ang nasasaktan sa usapan naming ito? He can't understand me!
"Damn, it is not about that Tristan! Wala akong pakialam sa dami nang napatay mo. That is part of your job at wala na akong magagawa don. Ang malaking problema ko kapag dumating ang panahon at ikaw ang mapapatay Tristan! Kahit kailan ay hindi kita nagawang pandirian o katakutan Tristan. Mahal na mahal kita kaya humihiling ako ng bagay na ilalayo ka sa kapahamakan" giit ko sa kanya.
"Gusto kong iwan mo ang trabaho mo hindi dahil gusto kitang masolo at maangkin nang buong buo, gusto kong mabuhay ka ng matagal Tristan. Gusto kong maging masaya tayong dalawa, hindi mo ba kayang ibigay sa akin ang bagay na 'yon Tristan?"
"Humiling ka sa akin ng lahat ng gusto mo Tristan, ibibigay ko. Basta kapalit nito ay ang pag iwan mo sa trabaho mo. Hanggang ngayon ay katanungan pa rin sa akin kung bakit ka napasok sa trabahong 'yan? Hindi naman dahil sa pera dahil hindi hamak na kayang maligo sa pera ng pamilya mo, bakit hirap na hirap kang iwan ang trabahong 'yan? Anong nasa isip ng mga taong pumapasok sa trabahong 'yan? Sinisira nila ang pagkakataon nilang mabuhay ng masaya.."
"Don't talk lame things about my job Lina.." malamig na sabi niya sa akin.
"Tell me, masaya ka ba na may taong nawawalan ng buhay dahil sa mga kamay mo Tristan? Hindi mo ba naiiisip ang mga taong nagmamahal sa taong inalisan mo ng buhay? Natatakot ako na maaaring bumalik ito sa atin Tristan.."
"I am not killing innocent people Lina! For pete sake you're talking like I am a goddamn murderer! Wala kang alam sa trabaho ko!" natahimik akong lalo sa malakas na boses niya.
"Nasasaktan ako Tristan, nasasaktan ako dahil hindi mo makita ang mga sinasabi ko.." halos malasahan ko na ang sarili kong luha. Basang basa na ang mukha ko dahil sa mga luha. Sirang sira na ang ayos ko dahil sa mga luhang ito. Saan ko nailagay ang maskara ko? Maaari nitong takpan ang mukha ko.
"Mas nasasaktan ako sa mga sinasabi mo Lina. Tapusin na natin ang usapang ito, just marry me Lina.." muli kong pinaghahampas ang dibdib niya.
"What kind of marriage proposal is this? Sinasaktan mo lang ako Tristan. Sa tingin mo ba ay mapapasaya mo ako kapag nakasal na tayo? I can't even have an ideal wedding ..." napakagat labi na lang ako sa nasabi ko.
"Now, you're telling me about an ideal wedding. Ni hindi mo nga kayang tanggapin kung ano ako, naniwala ako noon sa'yo Lina. I was the happiest man nang sabihin mo na tanggap mo ako kung anuman ako, pero anong nangyayari ngayon? Pilit mo akong binabago Lina, I did love a selfish woman" umangat ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ako makasarili!
"I am not selfish! Ikaw ang inaalala ko!" marahas ko siyang pinaghahampas.
"Lalabas na ako! Lalabas na ako!" pilit akong nagpapalag sa kanya.
"Lina...please? Huwag na natin itong pagtalunan.." what?
"Uuwi na ako Tristan! I had enough! Pauwiin mo na ako.." napaluhod na lang ako habang panay ang paghampas ko sa kanya.
"Lina.."
"Stop talking! Wag mo na akong kausapin!" naramdaman kong naglakad na rin siya papalayo sa akin.
"I thought you'll accept me for who I am Lina..." tumayo na ako at hindi ko na siya nilingon muli hanggang sa makalabas na ako ng kwarto. Hindi kami nagkakaintindihan!
Halos lakad takbo ako para makarating sa elevator. May ilan akong nakakasalubong na mukhang nagtataka sa aking hitsura. The hell with them!
Sa pagmamadali ko ay hindi ko na napansin na may nakabanggaan akong babae. Ako ang nawalan ng balanse kaya natumba ako. Fucklife! Pinilit kong tumayo kahit nananakit ang binti ko.
Nakita kong inilahad ng babae ang kamay niya na hindi ko tinanggap.
"Sa susunod tumingin ka sa dindaanan mo para hindi ka masaktan" hindi ko siya pinansin at nilampasan ko na lang siya pero agad akong napatigil nang hawakan niya ang balikat ko.
"WHAT? Anong kailangan mo sa akin?!" sigaw ko na sa kanya. Ngayon ko mas napagmasdan ang mukha niya. She's damn beautiful, akala ko ay maganda na si Florence pero mukha mas triple ang ganda ng babaeng ito sa kanya.
Hindi man lang siya natinag sa malakas na boses ko. Nangunot ang noo ko nang hubadin niya sa harapan ko ang coat niya.
"Isuot mo ito, kung magpapaiwan ka ng marka ng lalaki sa parte kung saan hindi makikita ng tao" bahagya kong sinilip ang balikat ko, tadtad nga ito nang mga markang iniwan ni Tristan.
Ang babae mismo ang naglagay nito sa balikat ko.
"Kung ayaw mo, sa akin na lang.."
"What?" tanong ko sa kanya na sinagot niya nang tipid na ngiti.
"Sige, mauuna na ako sa'yo" tinalikuran na niya ako at naglakad na siya papalayo sa akin. Why I am having a strange feeling with her?
"Who are you?" tanong ko sa kanya.
Sinagot niya ako na hindi man lang humaharap sa akin.
"They call me Mistress, I don't know why. Nice to meet you Linnalyn Isabelle"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro