Chapter 45
Thanks @adooorkable143 :)
Chapter 45
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita at naririnig ko. Natatakot ako na baka isa na naman ito sa mga panaginip ko, kabaliwan at paulit ulit na pagpapantasya sa pagbabalik ng lalaking mahal ko. Natatakot ako na kapag kumurap ako o malingat ng paningin sa ibang direkyon ay matatagpuan ko na lang ang sariling kong nag iisang lumuluha sa loob ng madilim na kwartong ito.
"To..too ka ba tala..ga Tristan?" halos hindi na ako makapagsalita ng maayos. Hindi ko magawang hawakan ang kanyang mukha. Natatakot ako na baka tumagos lang ang mga kamay ko dito, baka bigla na lang siyang mawala sa aking harapan.
"I am real Lina.." nang iangat niya ang kanyang mga kamay para hawakan ang aking pisngi ay agad akong napaatras. Ilang beses pa akong humakbang sa likuran para makagawa ng distansya sa pagitan namin dalawa.
"Don't..touch me, ba..ka bigla ka na lang mawa..la Tristan. Baka matapos na naman ito.." nahihirapan kong sabi sa kanya. Nakita ko siyang dahan dahang tumayo at humarap siya sa akin.
Hindi ko makita nang maayos ang kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa malamlam na liwanag mula sa lamp shade.
"I am real baby.." nagsimula na siyang humakbang papalapit sa akin habang ako naman ay patuloy sa pag atras.
"No, no. Wag kang lalapit sa akin, sasaktan mo na naman ako Tristan. Paaasahin mo na naman ako. Alam mo ba kung ilang beses na akong nananaginip ng ganito? Alam mo ba kung ilang beses ko nang hiniling na sana hindi na lang ako magising? Para na akong mababaliw..ito at umuulit na naman Tristan.." hirap na hirap ako sa pag atras habang panay ang pagtulo ng mga luha ko.
Kung ikukumpara ito sa mga panaginip ko, masasabi kong higit na mas malinaw ang mga nakikita at nararamdaman ko ngayon. At lalo akong masasaktan kapag nagising na naman ako.
"Lina.."
"Wag ka sabing lalapit!" sigaw ko sa kanya na nakapagpatigil sa paglalakad niya papalapit sa akin.
"Lina..." nanlaki ang mga mata ko nang mas bumilis ang paglalakad niya papalapit sa akin. Nangangatal kong inihakbang paatras ang mga paa ko.
"Tristan! Wag ka sabing lala—" huli na para tapusin ko pa ang anumang sasabihin ko. Mabilis nahuli ni Tristan ang aking magkabilang pisngi at mariin niyang tinitigan ang aking mga mata.
"Feel me then, feel me Lina.." tuluyan na akong nanlambot nang naglapat ang aming mga labi.
Nanatiling bukas ang aking mga mata habang marahan niyang hinahalikan ang aking mga labi, nakapikit ang kanyang magagandang mata. Ramdam na ramdam ko ang papalakas na pagtibok ng aking dibdib, mga labi niyang masuyong pinaluluguran ang aking mga labi, ang mga kamay niyang gumagawa ng marahang kiliti sa aking likuran.
I can feel him. Hinahalikan ako ng totoong si Tristan, si Tristan na hindi galing sa panaginip, si Tristan na hindi galing sa aking imahinasyon, si Tristan na hindi dala ng alak.
Unti unti ko nang ipinikit ang aking mga mata kasabay ng pag angat ng mga kamay ko sa kanyang batok.
At sa unang pagkakataon, tinugon ko ang mga labi ni Tristan Matteo Ferell na hindi nanggaling sa kahit anumang panaginip.
Nang maramdaman niyang nagsimula nang sumabay ang mga labi ko sa galaw ng mga labi niya ay mas hinapit niya ako papalapit sa kanya. Napansin ko na lang na agad niya akong nabuhat at dito ko ipinulupot ang aking mga binti sa kanyang bewang.
Nakarinig pa ako ng ilang pagkabasag bago ako makaupo sa hindi ko alam kung lamesa ba o ano? Walang ilaw at wala akong makita.
Napatingala na lang ako nang maramdaman kong bumaba ang halik niya sa aking leeg.
"Am I real baby?" marahan niyang tanong sa akin habang pinaliliguan niya ako ng halik.
"Yes.." nang sagutin ko ito sa mahinang boses ay muli namang naglakbay ang mga labi niya sa aking balikat.
"Am I real?" I brushed my hands on his hair when I felt his tongue starts to play with my skin, sucking and giving marks.
"Yes.." ngayon naman ay lumipat siya sa kabilang balikat ko at ginagawa niya rin ang paghalik dito. Hindi ko na alam kung papaano pa ako makakalabas dahil sa mga markang iiwan niya sa mga balikat ko.
"Am I real?" I moaned when I felt his gentle bites on my breast with my dress still on.
"Yes..you're real.." halos habol ko na ang hininga ko sa pagsagot sa tanong niya. Naramdaman ko na lang muli niya akong binuhat. Mabilis kong sinagot ang mga halik niya habang patuloy siyang naglalakad na buhat ako.
Hindi na ako nakaangal nang lumapat ang likuran ko sa kama. Hindi na siya nag aksaya ng oras at agad niya akong sinaluhan. Ramdam kong pilit na niyang nilililis pataas ang gown ko.
He's so damn fast!
"Wa--" hindi ko magawang iiwas ang labi ko sa kanya. Sa tuwing itatangka kong magsalita, sinasalubong lang ito ng palalim niyang paghalik.
"Tris—" nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong nasa panty lace ko na ang kamay niya. My god!
"Tristan!" habol ko ang hininga ko bago ko maisigaw ang pangalan niya. Marahas kong tinanggal ang kamay niya na sobrang bilis umaksyon.
"What?" hirap din na tanong niya sa akin.
"Get off me, hindi ganito ang gusto kong gawin" malamig na sabi ko. Kailangan kong mahimasmasan, kailangan ko ng kasagutan. Hindi dahil nangulila ako sa kanya ng ilang taon ay kaya ko na siyang tanggapin sa pamamagitan ng paghahain ng aking sarili sa kanya na parang hindi ako ilang taong nasaktan sa kanyang pagkawala. Maaari ba na malaman ko muna kung bakit nangyari ang lahat lahat?
Natahimik siya sa sinabi ko at umalis siya sa pagkakadagan sa akin.
"I'm sorry" narinig kong sabi niya na hindi ko sinagot.
"Do you want me to turn on the lights?" bumangon na rin ako sa aking pagkakahiga.
"Yes.." narinig kong may pinindot lang siya bago biglang nagliwanag ang buong kwarto. Ilang beses akong napalunok nang tuluyan ko nang makita si Tristan, sa kanyang hubad na katawan.
His defined muscles, those heavenly abs, his tempting lips and his infinite eyes. Nakikita ko na ang lalaking mahal na mahal ko.
"Can.. can you come near me?" muli siyang sumampa sa kama at marahan siyang lumapit sa akin.
Ginawa ko ang pinakagusto kong gawin simula nang tuluyan ko nang makumbinsi ang sarili ko na buhay ang lalaking inakala kong patay na.
Lumipad ang tatlong sunod sunod na sampal sa kanyang mukha. Ramdam ko ang pag iinit ng palad ko sa lakas ng pagkakasampal ko sa kanya na hindi man lang gumawa ng ekspresyon sa ginawa ko.
Ramdam ko ang pangangatal ng kamay ko dahil sa malakas na pagsampal ko sa kanya.
"I deserved that.." mahinang sabi niya. Mabilis nagtuluan ang mga luha ko sa sinabi niya. Bakit ganito? Hindi ba dapat masaya na ako dahil buhay siya? Bakit kumikirot pa din ang aking dibdib? Bakit lumuluha pa rin ang aking mga mata? Hindi ba dapat ay masaya na ako?
Agad siyang nakalapit sa akin at marahan niyang pinunasan ang nagpapatakan kong mga luha. Mahigpit niya akong niyakap habang lalong lumalakas ang paghagulhol ko. Hindi pa rin ako makapaniwala, sa loob ng tatlong taong iniluha ko, sa loob ng tatlong taong ipinagdusa ko, sa loob ng tatlong taong pinaghirap ko ay kayakap ko na siyang muli.
"How... how Tristan? Papaano? Bakit kailangan mo akong paluhain ng ganito? Bakit mo ako pinaniwala sa tatlong taon mong pagkawala?" panay ang paghampas ko sa kanyang dibdib habang siya naman ay walang tigil sa paghaplos sa aking buhok.
"I need to baby.. kailangan ko. I am sorry.." mahinang sagot niya sa akin.
"Bakit mo pinatagal Tristan? Hirap na hirap ako, halos mabaliw na ako nang mawala ka. Hindi mo lang alam ang ipinaghirap ko Tristan.." bakit bigla na namang luminaw sa akin ang nakaraan? Bakit bigla na namang naulit ang masasakit na nakaraan na pilit ko nang nililimot?
"Lina.."
"Alam mo ba na inakala na ng mga magulang ko na nawawala na ako sa tamang kaisipan? nagunaw ang mundo ko nang nawala ka Tristan, bakit mo pa ako niligawan kung iiwan mo din ako? Dapat ay ibang babae na lang ang nilapitan mo..dapat ay hindi mo na lang ako hinayaang mahulog sa'yo kung iiwan mo rin ako.." pagsusumbat ko sa kanya na gusto kong sabihin sa kanya nang iwan niya ako.
"Lina, I'm sorry.." lalo lang kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya. Kung pwede lang na mabura lahat ng sakit ng isang 'sorry' lang.
"Bakit? Bakit ka umalis Tristan? Bakit mo ako iniwan nang napakahabang panahon? Bakit mo ako pinaniwala na wala ka na? Parte ba ito ng trabaho mo? Anong nangyari sa'yo sa nakalipas na tatlong taon? Iiwan mo na naman ba ako Tristan? Ayoko na..sasaktan mo na naman ako Tristan. Iiwan mo na naman ako.." natatakot na ako.
"I won't ever leave you again Lina.." lalo akong napahagulhol sa sinabi niya. Paano pa niya ako mapapaniwala sa mga sinasabi niya? Paano pa ako mapapanatag sa mga sinasabi niya?
"Anong mapapanghawakan ko Tristan? Baka ngayon lang kita makausap, mayakap at mahalikan. Baka sa susunod na araw ay bigla ka na lang mawala sa tabi ko, bigla ka nalang mawala ng parang bula. Ano na lang ang mangyayari sa akin Tristan?" sunod sunod na sabi ko. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin kapag iniwan niya na naman ako.
"Hush baby.." pilit niyang pinunasan ang walang tigil na pagpatak ng luha ko.
"Hinding hindi na kita iiwan Lina.." napakagat labi na lang ako sa sinabi niya. Bakit hindi ko kayang maniwala? Bakit parang may kulang? Bakit hindi ako maniwala sa mga sinasabi niya.
"Bakit ka nawala Tristan? Dahil ba sa trabaho mo?" tanong ko sa kanya na hindi niya agad nasagot.
"Yes..." nakita kong inilihis niya ang mga mata niya sa akin.
"Tristan, delikado ang trabahong 'yan at anumang oras ay maaari ka nitong agawin sa akin.." ako naman ngayon ang humuli sa kanyang pisngi.
"I know, I'll be careful this time Lina. Just please, stop crying baby. It breaks my heart.." magkadikit na ang aming mga noo.
"Do you love me Tristan?" napatitig siya sa akin na parang nagulat sa biglaan kong tanong.
"I always love you Lina..." sagot niya sa akin.
"Then leave that job, mabuhay ka na nang tahimik Tristan. Iwan mo na ang trabahong 'yan. Let's just love each other without complication.." lalo siyang napatulala sa sinabi ko at siya na ang humiwalay sa akin.
Nakita ko pa ang ilang beses niyang pag iling na parang hindi siya sang ayon sa sinabi ko.
"Mamahalin kita Lina kahit nasa trabaho ako, hindi ko kailangang iwan ito. I can't Lina, buong buhay ko na ang trabahong ito" parang piniga ang puso ko sa sinabi ng lalaking mahal ko.
"Paano ako Tristan? Paano tayo? Sa tingin mo ba ay may mangyayari sa atin kung mananatili ka sa trabaho mo? Sa tingin mo ba ay may patutunguhan ang relasyon natin kung mananatili ka sa delikadong trabahong 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Masaya naman tayo noon Lina, hindi ba?"
"Yes, naging masaya tayo. Pero may hangganan 'yon Tristan, natapos agad 'yon dahil sa trabaho mo. Sa tagal nang pag iisip ko Tristan nalaman ko na ang ginawa mo kay Florence. You're in mission Tristan during that night, she's your client.." nakita kong marahan siyang tumango sa sinabi ko.
"Sa tuwing mapapanganib ang buhay ng mga taong binabantayan mo, hindi ka magdadalawang isip na saluhin ang bala para sa kanila. Pero paano naman ako? Kaming nagmamahal sa'yo Tristan? Bakit mo kailangang magtagal sa trabahong ikamamatay mo? Sa trabahong makakapanakit sa damdamin ng mga nagmamahal sa'yo? Anong mangyayari sa akin kapag nabaril ka na naman? Mawawala ka na naman ng parang bula? Anong gusto mong mangyari sa buhay ko Tristan?" nag uumapaw na naman ang mga luha ko dahil sa mga iniisip ko. Akala ko noon ay kakayanin ko siyang mahalin sa kabila ng trabaho niya pero ngayong natikman ko nang maging kalaban ito mukhang hindi ko na kaya.
"But you told me Lina, na tanggap mo ako kahit ano ako. Let's end this conversation. I love you and I came back for you Lina that's all. Wala akong iiwang trabaho habang minamahal kita.." napatitig na lang ako sa sinabi niya.
"What? Tristan, sa ating dalawa ikaw ang lubos na matalino. Alam mo sa sarili mo na sa bawat misyon mo ay nakasangla kay kamatayan ang buhay mo, ayoko ko na muling maiwan Tristan. Ayoko na muling maging miserable, kung mahal mo ako ay kaya mong iwan ang trabahong 'yan. Leave it for me Tristan just love me, bumalik ka na sa akin Tristan.." hinawakan ko na ang kamay niya. Sana ay pakinggan niya ang mga sinasabi ko.
"Lina, alam mong mahal na mahal kita. But I can't leave my job, hindi ko kaya.." napatungo na lang ako sa sinabi ni Tristan. Bakit hindi niya kayang iwan? Hindi lang naman ito para sa akin, para din ito sa kanya.
"Then, walang mangyayari sa atin Tristan. Mahal kita, mahal na mahal pero kung mananatili ka sa trabahong 'yan patuloy mo lang akong sasaktan. Patuloy lang akong mabubuhay sa araw araw na takot na anumang oras ay maaari akong iwan ng lalaking mahal ko.."
"What do you mean by that Lina?" hindi ko siya sinagot at nagsimula na akong tumayo mula sa kama.
"Lina, what do you mean by that?" malamig na tanong niya sa akin. Hindi ko siya nililingon.
"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin" pakinig ko ang malalaking hakbang niya sa kama at mabilis siyang nakaharang sa akin.
"Lina, mahal kita. I love you so much Lina..look at me. You don't mean it, right baby? I love you so much Lina, bumalik ako.." sinapo niya ang mukha ko para magtama ang aming mga mata.
"Then choose, ako o ang nakamamatay mong trabaho" natigilan siya sa sinabi ko na parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko sa kanya.
"Alam mong ikaw ang pinakamamahal ko Lina..but I can't leave my job baby.." hirap na hirap niyang sinabi ito sa akin.
"Ako o ang trabaho mo?" ulit na tanong ko sa kanya.
"Lina, don't do this to me. I can't choose..." ilang beses pa siyang umiling habang magkadikit ang aming mga noo.
Pilit akong kumalas sa kanya at mabilis kong pinahid ang luha ko na bigla na lang pumatak. Damn these tears.
"Tristan, sasaktan mo lang ako. Ayoko nang maiwang muli, ayoko nang magmahal sa lalaking anumang oras ay kayang agawin sa akin ni kamatayan.." nilampasan ko na siya sa sinabi ko. Kung mananatili siyang nasa trabaho niya, walang mangyayari sa amin.
Hinayaan niya na lang akong maglakad papalayo sa kanya pero nang makarating na ako sa pintuan ay naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang yakap sa akin.
"Marry me Lina, magpakasal na tayo.."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro