Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Happy New Year!

Thanks @4ever_kpop :)



Chapter 44


Anong nangyayari sa akin? Bakit ako pinakikitaan ni Tristan ngayon? Anong ibig sabihin nito? Binabalaan niya ba ako sa posibleng mangyari? Nagpapakita ba siya sa akin dahil hindi siya sang ayon sa pakikipagkita ko kay Lady Rider? Akala niya ba ay makikipag one night stand ako kay Lady Rider? Pinapakitaan niya ba ako para umatras na ako sa aking binabalak?

Dalawa lang ang maaaring itawag sa akin ngayon, babaeng nababaliw o babaeng nag iilusyon. Malinaw na malinaw kung nakikita ang lalaking may pinakamagandang mata. Mga mata niyang kayang magbigay sa akin ng iba't ibang emosyon.


His eyes are damn undressing me. Hindi man lang naging hadlang ang napakalaking distansya namin sa isa't isa para maiparating ng mga mata niya ang hantarang pagtitig nito sa aking katawan. Wala man lang pakialam ang mga mata niya sa mga taong nakapaligid sa akin. Sa kanyang mga mata tanging ako lang ang makikitang nakatayo sa napakalaking lugar na ito.

Sa huli kong pagkakatanda ay nakasuot ako ng damit ngayon. But his eyes are too intense, piercing with blazing fire. Nanlalambot ang mga tuhod ko at ramdam na ramdam ko ang pangangatal nito. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kayang tumagal sa pagtayo.


Bakit buhay na buhay ang kanyang imahe sa aking paningin? He seems so real, damn real. Hindi ko na alam ang iisipin sa mga oras na ito.

Ilang taon na rin ang lumipas nang huli akong makaramdam ng ganitong pag iinit ng katawan kasabay ang malakas na kabog ang aking dibdib. Nag iisa lang ang taong may kakayahang magdala sa akin ng kasalukuyang nararamdaman ko ngayon, sa kanyang mga mata lamang nagkakaganito ang buong sistema ko.

Wala akong magawa kundi tumitig din sa lalaking nasa itaas. Mga mata ni Tristan Matteo Ferell na paulit ulit nagdadala nang kakaibang kilabot sa aking buong pagkatao.



"Isabelle? What? Are you still there? You're talking weird aga---" hindi ko na lalong naintindihan ang sinasabi ni Chariss nang mabitawan ko ang aking telepono dahil sa matandang lalaking aksidenteng bumangga sa akin. Oh fuck.



"Oh! Geez" natatarantang sabi ng matanda. Niyuko ko ang matandang kasalukuyan nang pinupulot ang nahulog kong telepono.



"I am so sorry hija" paumanhin na sabi sa akin ng matanda habang inaabot ang aking telepono. Wala sa sarili ko itong inabot at muli kong tiningnan ang lugar kung saan ko nakitang nakatayo si Tristan.

He's gone. He's gone in a blink of an eye. Totoo ba ang nakita ko? Anong nangyayari sa akin?



"Are you okay hija? May kasama ka ba?" tanong sa akin ng matanda. Agad akong humarap dito at marahang ngumiti.



"I am good. Pasensiya na po, nakahara yata ako kanina" sinilip ko ang telepono ko. Nakapatay na ito.



"No, ako ang may kasalanan. May kausap din ako sa telepono kanina" mahinang sagot sa akin ng matanda.



"Oh, okay lang po. Enjoy the night, I have to go" tumango na lang ako sa matanda bago ko siya tinalikuran. Fuck. I need to find that stalker. Hindi gusto ni Tristan itong ginagawa ko.

Nang may makakasalubong akong waiter na may dalang wine ay agad kong kinuha ang atensyon niya. Mabilis akong kumuha ng isang baso at inistaight ko ito ng inom na hindi man lang kumukurap.



"Thanks" manghang nakatulala sa akin ang waiter. Kumuha ulit ako ng isa bago ngumisi sa waiter at muling maglakad.

Bakit kaya hindi pa nagpapakita sa akin ang Lady Rider na 'yon? Posible kaya na abala pa siya sa event na ito? May mga kausap pa kaya siya? Kung mag message na lang kaya ako?


Mabilis akong nagchat sa kanya.


Lina Isabelle: 'I am here, where are you?'

Naghintay ako ng dalawang minuto bago ako nakatanggap ng reply sa kanya. Nagtaka ako dahil hindi niya ako pinaghihintay ng reply na tatagal sa dalawang minuto.


Lady Rider: 'You're so beautiful Lina..'

Agad kong inilingon ang paningin ko sa paligid. Nakita na niya ako, bakit hindi niya ako lapitan? Paano ko siya makikilala sa lahat ng taong nakamaskara ngayon?


Lina Isabelle: 'Where are you?'


Lady Rider: 'Do you want to know me?'

Nangunot ang noo ko sa message niyang ito sa akin. Anong ibig sabihin niya?


Lina Isabelle: 'Cut the crap Mr. Lady Rider, I don't like playing games'

Bakit hindi na lang siya magpakita sa akin? Bakit hindi na lang kami magkita sa kwartong napag usapan? Bakit bigla niyang binago at dinala ako sa dagat ng mga taong may takip ang mukha?


Lady Rider: 'You're smart baby, I know you already figured out something'

Napadiin ang hawak ko sa aking telepono, anong ibig sabihin niya dito?


Lina Isabelle: 'Fuck off! Hindi na ako nakikipag biruan sa'yo! Show yourself!'


Lady Rider: 'Then, find me. Remove my mask baby..'

Halos mangatal ako sa huling message niya. Talaga ba na gustong gusto niyang pinaglalaruan niya ako?

I had enough! Ayoko na! Uuwi na ako.



Inabot ko muna ang wine na inilapag ko sa malapit na lamesa at muli ko itong instraight ng inom na parang tubig lamang ito. Dapat talaga hindi ko na inisip pang pumunta sa lugar na ito. Hihingi na ako ng tulong kay kuya, bahala na kung anuman ang mangyari. Dahil kung patuloy kong pagbibigyan itong laro ng lalaking nakamaskara, mananatili lamang akong kanyang laro na ako lagi ang talo.



Napatigil ako sa paglalagad nang may matangkad na lalaking nakasuot ng gray suit at maskara. Kahit may nakatakip sa kalahati ng kanyang mukha agad pa rin masasabi na hindi pang karaniwan ang kagwapuhan ng lalaking ito. He looked familiar.



"May nagpapabigay po Miss Lina" napaatras ako nang sabihin niya ang pangalan ko. Tauhan ba ito ni Mr. Lady Rider?



"Who are you?" nangangatal na tanong ko.



"Nagkita na tayo noon" hinagip nito ang kamay ko at may inabot siya sa akin. Huli na nang nakabawi ako sa pagkatulala dahil nakatalikod na siya sa akin at kasalukuyan nang nilalamon ng dagat ng mga tao.

Nang tingnan ko ang hawak ko ay isang kulay asul na panyo at may maliit na papel ang akong nakita dito.


'Can you find my wristwatch behind those plants?'

Awtomatikong umangat ang mga mata ko sa malaking paso na nakita ko sa gilid ng function hall. What the hell is this? Anong gustong mangyari ng Lady Rider na ito?


Nang tingnan ko ang telepono ko ay message na muli si Lady Rider.


Lady Rider: 'You need to remember everything Lina. Every details are real baby..'

Nalilito na ako sa sinasabi ni Lady Rider. Anong kailangan kong maalala?



Hindi ko alam kung bakit kusa na lang naglalakad ang mga paa ko sa malaking paso. Pasimple kong tiningnan ang halaman at halos manlaki ang mata ko nang makitang may gintong relo nga sa halaman. Mabilis ko itong kinuha, sa tabi nito ay may maliit na muling papel.


"Can you find my tie baby? Under the table with 2 little girl and an old woman"

Agad gumala ang mga mata ko pagkatapos kong mabasa ang nasa papel. Nakita kong nagtatawanan ang dalawang batang babae at ang kanilang lola sa isang lamesa.

Fuck! Anong gustong mangyari ng Lady Rider na ito? Anong kailangan kong alalahanin? And worst! Bakit ako sumusunod sa kalokohang ito?



Kinakabahan akong nagsimulang maglakad sa nagkakatuwaang maglola. Agad silang natigil sa pagtawa nang makalapit ako sa lamesa.



"Hmm, can I join your table?" nahihiyang tanong ko. Agad pumalakpak ang dalawang batang nakamaskara at ngumiti naman sa akin ang matanda. Napahinga na lang ako ng maluwag, mabuti na lang at mababait sila.



"Sure!" mabilis na sagot ng dalawang batang babae. Kambal ba sila?



"Wala ka bang kasama hija?" tanong sa akin ng matanda.



"Actually, hinihintay ko pa po ang kasama ko" pagsisinungaling ko.



"Oh, he's bad. He shouldn't have you alone, there are 5 men looking at you right now" nagulat ako sa sinabi ng isang bata. Seriously?



"One is him" hantarang itinuro ng batang babae ang nasa kanang lamesa. Agad kong nakita ang mabilis na paglingon sa ibang direksyon ng lalaking itinuro niya. Sabay naghagikhikan ang dalawang batang babae, bakit ako tinitingnan ng lalaking 'yon?

Hindi pa ako nakakabawi ay muling may itinuro ang mga batang babae.



"Second, is him!" may itinuro naman silang lalaking may kasayaw na babae. Mabilis niyang binago ang posisyon nila ng babae nang mapansin niya na nakatingin ako sa direksyon nila, siya na ngayon ang nakatalikod sa amin. Weird.



"Napakalinaw ng mga mata niyo apo" natatawang sabi ng matanda.



"Third one, is him!" itinuro naman nito ang lalaking kasalukuyan nang nakikipag usap na sa waiter.



"Fouth is there!" ngayon naman ay lalaking kasalukuyan nang nakikipagtawanan sa kanyang mga kaibigan. Nakita ko pa siyang sumulyap sa akin na agad namang nagbawi ng tingin nang magtama ang aming mga mata.

Fuck! Why are they looking at me? Mabilis kong tinungo ang suot kong damit. I don't find this revealing or seductive. Bakit ganito na lang akong tingnan ng mga lalaking ito?



"Arianna, nakatingin din sa kanya si kuya crush. Akala ko talaga loyal siya sa girlfriend niya" ngusong sabi ng batang babae may itinuro siyang direksyon pero nang tingnan ko ay walang lalaki dito.



"He's not there anymore Brianna" ngusong sabi din ng batang babae.

Pasimple kong tinabig ang kutsara ko para kuhanin ang pakay ko.



"Oh my bad" sinimulan ko nang yumuko sa ilalim ng lamesa.



"Let it be hija" sabi sa akin ng matanda na hindi ko pinansin.



"Nah, it's fine" pilit kong kinapa ang tie na hinahanap ko at nang makapa ko ito ay mabilis na ulit akong naupo. Pinanatili ko sa kandungan ko ang tie ni Mr. Lady Rider.



"Nakuha mo hija?" natigilan ako sa tanong ng matanda. Hindi ko nakuha ang kutsara!



"Hindi ko naabot" kinakabahang sagot ko sa matanda.



"She's so pretty lola, I want to grow beautiful like her so every prince in the castle will look at me" ngiting sabi sa akin ng batang babae na nakakulay pink na gown.



"You are beautiful. Mas maganda ka pa sa akin" natatawang sabi ko sa bata.



"What is your name?" tanong naman sa akin ng batang babae na nakakulay white na gown. They're both pretty, typical rich kids.



"My name is Lina" ngiting sabi ko habang tinatanggal ko ang aking maskara. Pansin ko ang pamumula ng mga pisngi ng dalawang batang babae habang nakatakip ang kanilang mga kamay sa kanilang mga bibig. They're so cute.

Nagulat na lang ako nang tumili silang dalawa.



"Siya 'yong girlfriend ni kuya crush na magandang mata!" natahimik ako sa deskripsyon ng bata sa lalaking sinasabi niya.



"'Yon bang makisig na binata na may magandang mata na lumapit dito?" tanong ng matandang babae na lalong nagpatambol ng puso ko.



"Sabi ni kuya, makikiupo daw dito 'yong girlfriend niya na 'Lina' ang pangalan" nangangatal akong napakuyom sa tie na hawak ko. Ano itong sinasabi ng mga batang ito? Bakit ganito ang deskripsyon nila sa lalaking sinasabi nila?



"I think, I need to go. Thank you po" mabilis akong tumayo at isinuot ko na muli ang maskara ko. Sinong magandang mata? Bakit ganito ang deskripsyon ng mga batang 'yon sa lalaki? Iisa lang ang lalaking kilala kong may napakagandang mata.

Nangangatal kong binasa ang maliit na papel na nakakabit sa tie ni Mr. Lady Rider. Sino ka? Kilala ba nita Mr. Lady Rider? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sumisikip na naman ang dibdib ko. Bumibigat na naman ang pakiramdam ko.



"Can you find my coat baby? Use elevator, I'm waiting" napalunok na lang ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nag iinit na ang sulok ng aking mga mata. Habang hinihintay ang pagbaba ng elevator. Hawak ko ang panyo, wristwatch, tie niya.

Nang sandaling tumunog na ang elevator ay pumasok na ako dito. Agad kong pinindot ang 6th floor. Napasandal na lang ako, pakiramdam ko ay hinahapo ako, nahihrapan akong huminga, nag iinit ang mga mata ko.

What the hell is this?



Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang pagtaas ng elevator. Kusa na lang nanlambot ang mga tuhod at napadausdos na lang ako sa sahig dahil hindi ko na kayang tumayo pa.

Napasubsob na lang ako sa aking mga tuhod habang nakikita ang mga eksena sa aking utak na hindi ko alam kung totoo.



Kung paano niya ako sinamot nang muntik na akong mahulog, ang pagkagat ko sa kanyang tenga, ang pagsusuka ko, kung papaano ako niya ako binuhat kahit nagpupumiglas ako, kung papaano ako tumawa na parang baliw habang tumatakbo papalayo sa kanya, kung papaano ko isa isang hinubad nang hantaran ang mga damit ko, kung papaano ko binasag ang pintuan ng bus, kung papaano ko ibinalot ang sarili ko ng mga kurtina ng bus, kung paano ko pinaubaya sa kanya ang buong katawan ko..

Kagat kagat ko ang mga labi ko habang unti unting nagliliwanag ang mga pangyayari ng gabing 'yon. Halos hindi ko na akong makakita ng maayos, totoo lahat ang mga nakikita ko. Naalala ko na ang nangyari nang gabing 'yon.



Tumunog ang elevator at sumalubong sa akin ang coat niya. Nahihirapan akong tumayo sa aking pagkakayukyok sa dulo ng elevator. Pinulot ko ang kanyang coat kasama ang note nito.


'Can you find my white sleeve baby?"

Tuluyan nang nabasa ng aking mga luha ang papel na hawak ko. Inuulit niya ang mga nangyari ng gabing 'yon. At sa pagkakataong ito siya ang hinahanap ko.

Ngayong gabi ay ako naman ang naghahanap sa lalaking nag iwan ng mga pulang marka sa aking katawan. Ang lalaking nagpaligo ng halik sa aking buong katawan. Hindi ito panaginip at lalong hindi ito halusinasyon. Totoong hinubadan ko ang aking sarili para makita ng kanyang mga mata.

Walang ampat ang pagluha ko habang nilalakad ang kwarto kung saan siya naghihintay sa akin. Hindi ko makapa ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, halo halo na ang mga emosyon ko, punong puno ito ng katanungan at pagkalito sa mga nangyayari.



At nang tumapat na ako sa pintuan ng kwarto niya, nakasabit na ang puting long sleeve sa kanyang doorknob. Nangangatal ang mga kamay ko habang kinukuha ito, hindi ko magawang basahin ang huling mensahe ng papel.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto. Patay lahat ng ilaw at tanging isang maliit na lamp shade lamang ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa napakalaking kwarto. Kusa nang nagbagsakan ang mga gamit na hawak ko at mabagal kong inihakbang ang sarili ko sa lalaking nakatalikod na nakaupo sa aking harapan.



Nakatalikod siya habang nakataas ang paa niya sa taas ng lamesang may lamp shade. Marahan niyang nilalaro ang kanyang upuan na aaakalain kong matutumba kung hindi siya sanay magbalanse.

Hawak ko ang aking bibig para hindi marinig ang nagbabadya kong paghagulhol.



Tumigil ako sa mismong likuran niya, tumigil din siya sa paglalaro ng kanyang upuan. I can see his familiar sexy chest, na natatamaan ng ilaw mula sa malamlam na ilaw ng lamp shade na inakala kong hanggang sa panaginip ko na lang muling makikita.

Marahan niyang itiningala ang kanyang mukha para makita ako. He's still wearing his black mask. Mga maskara ng lalaking tumitig sa aking buong pagkatao.

We're in opposite position.



Pumapatak sa kanyang mga pisngi ang walang ampat na pagbaha ng aking mga luha. He's real, he's real. Totoo itong nakikita ko hindi ba? Hindi ako namamalikmata? Totoo siya..totoo siya..Nakatitig siya sa akin ngayon, nakikita siya ng aking mga mata ngayon. Abot kamay ko na siya ngayon..hindi ako nababaliw hindi ba? He's real..



"Who am I?" tanong niya sa akin na lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso.



Sa nangangatal kong kamay ay tinanggal ko ang mga maskara ng lalaking pinakamamahal ko.



"Tristan.."



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro