Chapter 42
Thanks @JoannaCasaulParocha :)
Chapter 42
Tumawag na ako sa trabaho at sinabing isang linggo muna akong magleleave. Hindi ko yata kayang magtrabaho sa buong linggong ito na may napakaraming isiping problema. Alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa nang maayos ang aking trahabo habang lutang ang utak ko tungkol kay Mr. Lady Rider, ang walang hiya kong stalker na may hawak lang naman ng mga litrato at video ko na hubo't hubad.
Napapahimas na lang ako sa aking noo kapag naiisip ko na naman ito. Nandito pa rin ako sa bahay ng mga kaibigan ko, dahil pinagkakatiwalaan naman ng mga magulang ko ang dalawang baklang ito na siyang naging malapit ko nang mga kaibigan sa mga nakalipas na taon, hindi na masyadong nababahala ang mga magulang ko kapag nasabi ko na nasa bahay ako ng mga ito. Mabuti na lang rin at nagpagtatakpan ng dalawang kaibigan kong ito ang mga kalokohan ko. Ayaw ko rin na makita ako ng mga magulang ko na nagkakaganito na naman ako. Tatlong taon kong pilit ipinapakita sa kanila na hindi na ako masyadong naapektuhan tungkol kay Tristan kahit ang totoo ay hirap na hirap pa rin akong tanggapin ito.
Time can't heal anything. Ito ang malaking paniwala ko sa buhay, dahil kahit ilang taon pa ang lumipas hindi nito mabubura ang reyalidad na hindi ko na kailanman makakasama pa ang lalaking una kong minahal.
Nagsimula na akong bumangon mula sa aking matagal na pagkakahiga sa kama. Ilang beses akong napapikit sa tindi ng sakit ng aking ulo. What the fuck happened to me? Talaga ba na nagpakalasing ako kagabi? Bakit wala man lang akong masyadong matandaan na kahit ano?
Kahit liyong liyo na ako ay sinimulan ko nang humakbang sa banyo, dahil madalas naman akong matulog dito sa bahay ni Chariss ay may naipon na rin akong mga dami na siyang hindi ko na problema ngayon.
Nakaharap ako sa salamin ng banyo habang nagsisimula na akong maghubad para maligo at habang pinagmamasdan ko ang sarili ko ay unti unti na lang nangunot ang noo ko. Mas lumapit pa ako sa salamin para mas makita ko pa ang aking sarili. Agad kong kinapa ang pagkakahook ng aking bra at nang makapa ko ito ay nakumpirma kong baliktad nga ang pagkakasuot nito sa akin.
Baliktad ko ba ito naisuot? What the hell? Napansin ko na hindi rin ayos ang pagkakagay nito dahil puro nakapilipit ang strap nito. Tinanggal ko ba ang bra ko nang nalasing ako? What really happened to me?
Kinakabahan kong tinanggal ang aking bra at halos mapanganga na lang ako nang makitang may ilang mapupulang marka sa paligid ng dibdib ko. What the fuck? Para akong baliw na agad napaupo at tinakpan ko ang mukha ko ng aking mga palad.
These are hickeys. Hindi ako tanga, alam ko kung ano itong nakikita ko sa katawan ko. What the hell happened to me? Sinong lalaki ang sinamahan ko kagabi? May..may nangyari kaya.. what the hell?!
Muli kong tinungo ang sarili ko, kitang kita sa maputi kong balat ang mapupulang marka mula sa labi ng kung sinong lalaki. Oh fuck! Ilang beses ko nang sinabunutan ang sarili ko. Ano ba itong kalokohang ginawa ko kagabi?
Para akong baliw na maiiyak, na sumasakit ang ulo, na hindi magkaintindihan sa pagpapabalik balik na paglalakad sa loob ng banyo. Wala akong maalala! But I don't feel sore down there. Wala naman sigurong nangyari? Dapat ay kumikirot kung may kung sinong empakto na nakapasok dito. What the fuck Lina?! Wala naman talagang nangyari. I am still a virgin! I am still a goddamn virgin.
Ilang beses kong tinapik ang magkabila kong pisngi at sinimulan ko nang buksan ang gripo sa bathtub. I need to freshen up, I need to calm myself down. Tinanggal ko na ang kahuli hulihang saplot sa aking katawan. Nilagyan ko na rin ng liquid soap ang tubig na siyang bababaran ko at nang matansya ko na rin ang tamang init ng tubig ay sinimulan ko nang itubog ang aking katawan dito.
Sa tuwing pumipikit ako ay pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari kagabi. Nakakaalala ako ng ilang malalabong eksena na hindi ko masabi kong totoo nga ba? dala lamang ng aking mga panaginip.
Napakagat labi na lang ako nang magsumiksik sa isip ko ang ginawa kong pagkagat sa tenga ng lalaki. What the hell Lina? Sa tuwing pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi, ang lumalabas sa isipan ko ay ang mainit na mga eksena namin ni Tristan. Ang mga hubad naming mga katawan, ang nakakapanlambot niyang mga labi sa aking mga balat, ang kanyang maiinit na haplos at maging ang pag ungol ko sa kanyang pangalan.
Mga alaalang hindi ko na maintindihan kung panaginip o sarili ko lamang gawagawaan, pero bakit pakiramdam ko ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa aking katawan? mga haplos at mararahang bulong niya sa akin na parang buhay na buhay. Imposible kaya na totoong nangyari ito at pinagkamalian ko ang ibang lalaki bilang si Tristan?
Pero anong ginagawa ko sa loob ng isang bus? Hindi kaya sinadya ni Tristan lumabas sa panaginip ko para pagbantaan akong huwag makipagkita kay Mr. Lady Rider?
Paanong hindi siya magpapakita sa akin? Muli na naman siyang sumagi sa isip ko, lalo na at hindi ko matanggap na ibang lalaki ang nakakita ng buo kong katawan. Ipinangako ko sa sarili ko na sa lalaking pakakaksalan ko lamang ipapakita ang katawan kong iningatan sa napakahabang panahon, pero ano na ang nangyari sa sinumpaan ko? Sinira lang naman ng isang hudas na stalker na hindi ko alam kung paano ko nakuha ang interes.
Muli na lang akong napabuntong hininga, sino ang maaari kong pagsabihan ng bagay na ito? Siguradong aakalain lang akong nababaliw ng mga kaibigan ko. Muli na naman akong ipapakausap ng mga magulang ko sa isang psychologist dahil igigiit na naman nila na maaari na namang humantong sa depression itong mga naiisip ko. Paano ako makakahinga nang maluwag nito?
Sobrang dami ko nang problema at hindi ko na alam kung papaano ko ito masusulusyonan. Alam ko sa sarili kong nag inom ako dahil hindi ko matanggap na may ibang lalaki na nakakita sa aking katawan, ano na nga ba ang maaari kong gawin?
Makikipagkita na nga ba kay Mr. Lady Rider? Paano na lang ang naging babala sa akin ni Tristan? Ano na lang ang mangyayari sa akin kung pababayaan ko na may kopya ang stalker na ito na talagang sisira sa aking kinabukasan.
Tumagal siguro ako ng isang oras sa kaiisip ng solusyon sa aking problema bago ko napagpasyahan na umahon na at magbihis.
Kasalukuyan kong tinutuyo ang buhok ko nang kumatok sa pinto ang dalawa kong kaibigan na may dalang mga pagkain. At pagkapatong na pagkapatong pa lang ni Chariss ng pagkain sa aking kama ay agad akong nakapagsalita sa nakapagpalaglag sa kanilang mga panga.
"I have number of hickeys on my breast" exaggerated silang nagtakip sa kanilang mga bibig na parang hindi makapaniwala.
"Kahit sa puson ko ay mayroon din" naupo na silang dalawa sa kama na mukhang nag aalala.
"Are you sore Isabelle? Paano kung magbunga?" tanong sa akin ni Winoa. Umiling ako sa kanila.
"Nasisiguro kong hindi kami umabot sa puntong 'yon" seryosong sabi ko na nakapagpabuntong hininga sa kanila.
"But I think, I make out with some stranger and I have mistaken him as Tristan. I think everything happened inside that bus" nanlulumong sabi ko. Kailangan ko nang tanggapin na nakipaghalikan pa ako sa ibang lalaki. Fuck! May nakakita na sa aking katawan, may ibang lalaki pa akong hinayaan gawin ang gusto sa aking katawan. I am damn terrible!
"Wala ba kayong napansin na kakaiba nang sunduin nyo ako sa bus?" kita ko ang sabay na pag iisip ng dalawang bakla.
"Ano ba ang napansin ko? I think, sa lahat ng mga bus na nakaparada. Ang bus na tinulugan mo lang ang walang kurtina" agad namang nangunot ang noo ko sa sinabi ni Chariss.
"What the hell is that? Hindi kurtina ang tinatanong ko, kung may ibang tao ka ba na napansin? Bakit sa dami nang mapapansin mo ay kurtina pa Chariss?" kunot noong tanong ko.
"Wala akong napansin Isabelle" sabi naman ni Winoa.
"Sige, mukhang wala rin naman akong mapapala sa inyo" sabay nila akong sinabunutan sa sinabi ko. Dito na tuluyang bumuhos ang aking kanina pang pinipigilang mga luha. Sabay napatulala ang mga kaibigan ko sa biglaan kong pag iyak sa harapan nila.
"Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa akin Winoa, Chariss. Pakiramdam ko ay totoong nababaliw na ako sa nangyayaring ito sa akin. Pilit kong ipinaiintindi sa sarili ko na panaginip lang lahat pero damang dama ng katawan ko ang mga haplos at mga halik niyang hanggang ngayon, pilit kong ipinaiintindi sa sarili ko na ibang lalaki ang humalik sa akin dahil imposibleng si Tristan ito, imposible dahil patay na ang lalaking mahal ko. Pero ayaw maniwala ng puso at kaluluwa ko. Pilit nitong pinagpipilitan na si Tristan ang lalaki sa bus, hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, dala ba ito ng kalasingan ko? Dala ba ito nang pagpapantasya ko na dapat si Tristan lamang ang makakita ng hubad kong katawan? Dahil ba muli ko na naman siyang naalala? My god! Pakiramdam ko malapit na akong mabaliw, ilang beses tumatakbo sa isip ko na si Lady Rider at si Tristan ay iisa, na pinaglalaruan niya lang ako, na totoong buhay siya dahil sa kung anong rason, lagi niya akong binabantayan, hindi ako nag iilusyon. Siya ang kahalikan ko nang gabing 'yon, siya ang lalaking humaplos sa akin. Hindi pwedeng ibang mata..hindi pwedeng ibang lalaki..hindi ko kayang tanggapin Winoa..Chariss.. nababaliw na yata ako..natatakot na ako sa nangyayari sa akin..." naramdaman kong sabay akong niyapos ng mga kaibigan ko habang panay ang paghagulhol ko. Ito ang totoong nararamdaman ko sa pagkakataong ito.
"Hush Isabelle, tahan na. Papangit ka niyan, huwag kang masyadong mag isip. Makakasama ito sa'yo" marahang sabi ni Chariss habang hinahaplos ang aking maiksing buhok.
"Hindi kaya may third eye ako? Nakikita ko siya? Bahagya nang lumilinaw ang nangyari kagabi, ang linaw linaw ng mukha ni Tristan. Maniwala kayo sa akin, nakita ko siya, nakipag usap ako sa kanya, nakipagpalitan siya ng halik sa akin. Muli na naman ba akong nag iilusyon? Bakit bumalik na naman ako sa ganito?" paulit ulit na sabi ko. Ganitong ganito ko noon nang babago pa lamang nawawala si Tristan.
"Enough Isabelle, nanaginip ka lang darling. Don't worry hindi ka namin pauuwiin sa inyo na ganyan. Shit, naguguilty kami na hinayaan ka naming mag isa sa bar na 'yon" narinig kong sabi ni Winoa na inaalo ako.
"What now? Gusto mo na ba na isumbong natin sa pulis ang Lady Rider na ito? Wala na rin tayong magagawa, mas mapapahamak ka Isabella kapag nakipagkita ka sa kanya" huminga ako ng malalim bago ako kumalas sa pagkakayap sa dalawa kong kaibigan. Pilit kong pinunasan ang basa kong pisngi sa aking pag iyak.
"I am going to meet him" determinadong sabi ko.
"Are you sure?" nag aalangang tanong sa akin ni Winoa.
"Basta, kailangan ko ng kooperasyon nyong dalawa" maiksing sabi ko sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang telepono ko sa side table at mabilis kong binuksan ang hangout kung saan marami nang chat sa akin si Lady Rider, nangangamusta at kung ano pa na hindi ko na pinag interesan na basahin.
Nagchat ako sa kanya.
Lina Isabelle: 'See you Mr. Lady Rider, Grand Nicolettei Hotel. Room 608, make it 7:30 pm'
Hindi na ako nagulat nang mabilis itong nagreply.
Mr. Lady Rider: 'Good choice baby, don't wear panties'
Pakinig ko ang mura ng mga kaibigan ko dahil sa chat na natanggap ko. Sa halip na lalong pag initin ang ulo ko ay mas pinakalma ko ang aking sarili.
Lina Isabelle: 'I will, no problem'
Itinaas ko ang kilay ko nang dalawang minuto yatang nagulat si Mr. Lady Rider sa naging sagot ko sa kanya.
Mr. Lady Rider: 'Are you fine Lina?'
Hindi ko na sinagot pa ang tanong niyang ito. Wala na akong balak pahabain pa ang usapang ito sa kanya.
--
Dumating na ang gabi nang pagtutuos. Hindi ko lang basta inasahan ang alam ko sa self denfense. Sinigurado ko na dinala ko rin ang pen gun na ibinigay sa akin ni Winoa. At laking pasasalamat ko nang makalusot ito at hindi napansin ng security ng hotel na siyang aking ipinagtaka.
Nito ko lang nalaman na may kasalukuyang business event na mangyayari sa hotel na ito kaya masyadong maraming tao. Nagmessage din sa akin si Mr. Lady Rider na isa siya sa mga businessman na imbitado dito, kung ganoon ay gusto niya pa akong ibalandra sa mga tao?
Nasabi rin sa akin ni Mr. Lady Rider na siya daw ang susundo sa akin sa mismong function hall na siyang ginaganapan ng event. What the fuck? Paano kung may makakilala sa akin dito? Pero ang malaking ipinagpasalamat ko ay ang theme ng event na ito. No one can notice me with this mask.
Agad ko nang isinuot ang eleganteng puting maskara na talagang pinaghirapang hanapin ng mga kaibigan ko. Bumagay ito sa kulay pula kong satin slip maxi dress, na siyang tumama sa hakab ng aking katawan. Hindi na ako nag abalang maglagay ng kahit anong accessories sa aking katawan na siyang hindi na rin bago sa akin.
Nagsisimula na akong luminga linga. Nasaan kaya ang hayop na manyakis na 'yon? Dahil hindi ako sanay na pinaghihintay, lalo na kapag marami nang mga businessman ang ilang beses napapatigil para lamang sulyapan ako dito na nakatayong mag isa sa isang tabi ay naisipan kong muling tawagan ang isa sa mga kaibigan ko na mga nakaabang na sa labas ng hotel kung anuman ang maaaring mangyari.
"How is it going?" mabilis na tanong sa akin ni Chariss. Sasagot na sana ako nang umalingangaw ang pamilyar na kanta na hindi ko inaasahang maririnig sa ganitong sitwasyon.
"Brown eyes, your favorite song Isabelle"
"Yes" wala sa sarili kong sagot kasabay nang bahagyang pag angat nang aking mga mata. Napatitig na lang ako sa lalaking nasa pangalawang palapag ng function hall na kasalukuyan din nakatitig sa akin na nakatukod ang isa niyang kamay sa mga balustre habang ang isa ay may hawak na baso ng red wine. He's wearing a black mask, standing devastatingly hot and goddamn powerful on his black tux.
What the hell is happening to me? Tuluyan na ba talaga akong nababaliw? Those eyes, kahit takpan pa ito ng itim na maskara. Hindi ko magawang kalasin ang mga mata ko sa kanya. Ano itong nakikita ko? Sobrang layo namin sa isa't isa pero ang paraan ng titig niya ay talagang nakakapanlambot ng kahit sinong babae.
Bakit ko siya nakikita? Oh damn. Sa nangangatal kong boses ay pilit akong nagsalita sa kabilang linya.
"Cha...riss, this is serious. I might be hallucinating or something, call me crazy. But he's looking at me right now, Tristan Ferell's eyes are damn molesting my body right now..."
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro