Chapter 4
Chapter 4
Maaga nag ayos ang mommy ng kabuuan ng aming bahay na parang may dadating na panauhing pandangal. Baka nakakalimutan nila na kaya ako nandito sa bahay ay suspended ako? Bakit tuwang tuwa si daddy at mommy sa Ferell na 'yon? Akala ko ba ay magagaling na attorney sila? Bakit nadala sila sa mabulaklak na pananalita ni Tristan Ferell?
Kung hindi ako nagkakamali ay umaarte na naman ito. At may kung ano na naman siyang ibang layunin. Probably my friend Florence? Sa huli kong pagkakatanda ay niyaya niya si Florence kumain ng lunch na madiin namang tinanggihan ng kaibigan ko.
"Lina anak, tulungan mo muna ako. Ilabas mo ang mocha cake at dalhin mo na sa labas" mocha na naman, ang paboritong flavour ni mommy. Wala na akong ibang ginawa kundi sumunod sa kanyang paulit ulit na utos.
At habang abala kami sa paghahanda ng mga pagkain sa table na malapit sa pool ay seryoso naman si kuya at daddy sa paglalaro ng chess, ito talaga ang libangan nilang dalawa.
"Daddy, kapag nanalo ako sasabihin mo mamaya sa mga bisita 'higit na mas gwapo sa akin ang aming binatang si Ace' at kapag ikaw ang nanalo titigil ako sa pambababae ng isang buwan" napapailing na lang kami ni mommy sa kalokohan ni kuya. Kung ano ano na lang talaga ang naiisipan ni kuya.
"Kuya ano na namang masamang hangin ang nalanghap mo?" tamad na tanong ko habang nakapamaywang na nakadungaw sa kasalukuyang nilalaro nila. Masasabi kong pabor ang laban sa kuya.
"Deal, isang buwan 'yang lie low anak. Pag hindi ka tumupad sa usapan, ako na ang magtatali niyan" seryosong sabi ni daddy habang mariing nakatitig sa chess board. Halos matawa ako sa hitsura ni kuya na mukhang namutla at kinilabutan sa sinabi ni daddy.
"Uhuh? This is getting interesting, mommy! Panuorin muna natin si kuya at si daddy. Tapos na naman tayong mag ayos" kumuha na rin ako ng upuan at inilagay ko ito malapit sa lamesang pinaglalaruan nila daddy.
"Lina, panggulo ka dito. Nagcoconcentrate ako, why don't you just wait for your prince charming?" ngising sabi sa akin ni kuya.
Lumapit na rin si mommy sa amin at marahan siyang humawak sa balikat ni daddy.
"Whatever Ace!" nagawa ko pa siyang irapan.
"Look! Mom, dad. Hindi niya ako tinatawag na kuya" madramang sabi ni kuya na lalo lamang nagpasingit ng aking mata.
"Just make your move Ace, hindi ko nakakalimutan ang usapan natin" seryosong sabi ni dad. Nang sulyapan ko ang chess board, mukhang nabaliktad na ang nangyayari. Mukhang mananalo pa nga yata si daddy, mukhang makakatipid sa condom itong si kuya ng isang buwan.
"Mommy, wanna bet? Sinong mananalo sa kanila?" tanong ko mommy.
"Ofcourse, your dad" simpleng sagot ni mommy.
"Mommy!" iritadong sabi ni kuya.
"Aw, kawawa naman si kuya. Sige na, kay kuya na ako kakampi. Mahal na mahal kita" mabilis kong inilapit ang upuan ko kay kuya at agad kong ikinawit ang braso ko sa kanya, nagawa ko pang ipatong ang ulo ko sa kanyang balikat.
"Ikaw ba Lina, may kailangan sa akin?" naiiling na tanong niya habang tumitira na ulit siya.
"Wala naman, ayaw mo ba akong naglalambing kuya?" natatawang tanong ko sa kuya ko na nagsisimula nang kumunot ang noo.
"Whatever" ginaya lang naman niya ang paraan ko kung paano ko iikot ang mga mata ko.
"Parang kailan lang ang babata niyo pa. Look now, nalingat lang tayo ng kaunti ay may umaaligid na sa ating dalaga. Itong si Ace naman, wala nang ibang ginawa kundi magpalipat lipat ng babae. Can't you settle for one anak? Baka magulat na lang kami at napikot ka na" napatango na lang ako sa sinabi ni mommy. Hindi kami sa iisang university ni kuya napasok pero sa tuwing nakikita ko siya nang hindi sinasadya iba't ibang klase ng babae ang nakikita kong kasama niya.
"No way, maingat ako mom" proud na sagot ni kuya.
"So hanggang kailan nga ang suspension mo Lina?" muntik na akong nasamid sa biglaang tanong ni daddy.
"Sabi ng guidance counselor apat na araw daw, pero ginawa nang isang linggo ng discipline office. Kailangan ko din gumawa ng community service sa loob ng tatlong araw" kinakabahang sagot ko daddy.
"Wait, what happened? Suspended ka?" nangunot ang noo ko sa tanong ni kuya. Hindi niya ba alam? Hindi ko na siya nasagot nang magsimulang magsalita si mommy.
"Makinig ka anak, kahit saang anggulo ay mali ang ginawa ninyo ng binatang Ferell na 'yon. We can't tolerate this matter, kung gagawa man kayo ng bagay na 'yon huwag sa paaralan. Just know your limitations hija, malaki ka na at alam kong alam mo na ang tama at mali. Basta ayaw na lang namin ng daddy mo na mapapatawag kaming muli sa university nyo" tumango na lang ako sa sinabi ni mommy. Ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ito mauulit pa.
"Bakit ka nga suspended? I know you too well little sister, you're not that type who will go all the way..let's say in a library for example just to make out with someone, right?" niloloko ba ako ni kuya? He just exactly narrated the whole story.
"We actually did your example" napatayo na lang ako sa pagkakahilig sa kuya nang marinig ko na naman ang tamad na boses ni Tristan Ferell. Kahit si kuya ay maangas na lumingon sa likuran para makita ang lalaking sumagot sa kanya.
"Tristan!" narinig ko na agad ang babalang pagtawag ng kanyang lolo sa kanya. Isa lang talaga ang masasabi ko kay Tristan Ferell, he speaks with his mind. He don't even filter his words, a straightforward jerk.
"Checkmate" maiksing sabi ni daddy bago siya tumayo at bumati sa mga bagong dating naming mga bisita. Habang si kuya naman ay lumong lumo na nananatiling nakaupo. Nawala na ang atensyon niya sa mayabang na Ferell na nakisali sa usapan namin.
"Doon po tayo Don Ferell, may mga hinanda kaming pagkain" tumango lang si Don Ferell habang nasa tagiliran niya si Tristan Ferell na bahagyang nakataas ang kilay sa akin. Anong problema niya?
Susunod na sana ako sa table na inihanda ni mommy kung saan nauuna na ang mga matatanda nang marinig ko ang boses ni kuya.
"Ferell nga ba? Do you play chess?" napalingon na lang ako kay kuya na nagsisimula nang ayusin ang chess board. Here we go again. Hindi siya sinagot ni Tristan sa halip ay dumiretso na ito sa upuan para kalabanin ang kuya ko. Seriously? Hindi niya alam ang patakaran ni kuya pagdating sa paglalaro ng chess. Should I warn him?
Nagmadali akong pumunta sa lamesa kung nasaan ang mga matatanda.
"Susunod na lang po kami ni Tristan, maglalaro lang daw muna sila ni kuya ng chess" pagpapaalam ko sa matatanda na tumango lang sa akin. Mukhang wala rin naman kaming masasabi ni Tristan sa usapan nilang tatlo.
Kung gaano ako kabilis umalis ay ganito rin ako kabilis bumalik sa lamesa kung saan makikita ang nakangising kuya ko at si Tristan Ferell na napakaseryoso. Bakit parang biglang lumayo ang lamesa nila?
"Inilipat niyo ba ang lamesa?" tanong ko sa dalawa. Hindi ko na makita ang lamesa ng mga mommy dito.
"Yep, little sis. Umupo ka na, panuorin mo kami" inirapan ko lang si kuya bago ako umupo sa aking upuan.
Ano naman kaya ang gusto nitong si kuya? Damn. My brother is known for his gambling tricks, bawat laro niya ng chess kahit kanino ay laging may pustahan. Katulad na lang nang ginawa nila ni daddy kanina, ganun din kami kapag niyayaya niya ako. Ano naman ngayon ang kailangan nito kay Tristan?
"Kapag nanalo ka Ferell, you'll have my blessing for my sister. But if I win, ofcourse you'll have a very bad time to date my sister" napaismid na lang ako sa sinabi ni kuya. Para namang may pakialam si Tristan sa mga sinasabi niya, alam ko namang nandito lang siya dahil may iba siyang motibo.
Tulad ng inaasahan ko ay hindi siya sumagot sa sinabi ng kapatid ko at tumira na lang siya ng basta dahil nasa kanya ang puti.
"Pang asar ang gago" pakinig kong bulong ng kuya ko.
Tumira na rin si kuya, ano ba ang gustong mangyari nang kuya kong ito? Bakit parang gusto niyang maasar itong si Tristan?
"May bago pala akong patakaran, kapag nakakain ako ng chess piece mo Ferell hahalik sa akin si Lina at syempre pag ikaw ang nakakain ng sa akin may halik ka din sa kapatid ko" shit!
"What the fuck kuya!" napatayo na lang ako. Kapatid ko ba talaga ang isang ito?
Bahagya kong nilingon si Tristan Ferell sa maaari niyang reaksyon. Napairap na lang ako nang mapansing naghihikab na naman siya na parang bored na bored na sa mga nangyayari.
"Come on Lina, kapag natalo ako. Sasabihin ko kay daddy na continuous pa rin ang training mo kahit tigil muna tayo ng isang buwan" napaisip na lang ako sa sinabi ni kuya. Matagal na talaga akong nananawa sa iba't ibang training na ipinapagawa sa akin ni daddy.
"Training?" sa wakas nagsalita na rin si Tristan Ferell, akala ko nawala na ang dila niya kanina pa.
"Woah. Nagsalita ka na!" natatawang sabi ni kuya na siyang nagpakunot sa noo ni Tristan.
"Anong training 'yon?" baling niya pa rin sa akin.
"Dancing" nangunot ang noo ko dahil sa maling sagot ni kuya. Weird, bakit kailangan niyang magsinungaling?
"Mahilig palang sumayaw ang mga Hidalgo.." simpleng sabi niya bago siya tumirang muli.
Naupo na ako ulit nang bumalik na silang dalawa sa paglalaro. Unang nakain ni kuya ang isang pawn ni Tristan. At napamura na lang ako dahil sa ibig sabihin nito. Oo, sanay akong humahalik at naglalambing sa kuya ko. But not in front of Tristan Ferell!
"Come here, kiss na sa kuya" para akong tangang sumunod sa sinabi ni kuya. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko nang maramdaman ko ang madiing pagtitig sa amin si Tristan nang sandaling humalik ako sa kapatid ko.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag si Tristan na ang nakakain ng chess piece ni kuya. Sa larong ito, mas gugustuhin ko talagang manalo si Tristan Ferell para makapagpahinga ako sa mga training pero ang ibig sabihin nito hindi ko maiiwasang hindi ako hahalik sa kanya. May pakialam ba siya sa patakaran na sinasabi ng kuya ko? Yes we kissed, pero hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Damn.
Sa sumunod na palitan nila ng mga tira ay panay si kuya ang nakakain ng mga chess piece kaya panay ang halik ko sa pisngi niya. Damn.
"Iba talaga kapag may kapatid na babae, may naglalambing sa'yo. Pag nagboyfriend ka Lina wag ka masyadong maglambing sa gago ha? Dapat sa kuya ka pinakamalambing" umasim ang mukha ko sa pinagsasabi ni kuya. Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari?
Napansin kong nagcross legs ang antuking Ferell sa sinabi ni kuya at bahagya niyang tinanggal ang ilang butones ng kanyang polo shirt na para bang kanina pa siyang naiinitan. Hindi ko na lang sinagot ang kuya ko at pinagpatuloy ko na lang sa panunuod sa kanina. Ngayon nahuhulaan ko na kung bakit pinalipat ni kuya ang lamesa.
Nang si Tristan na ulit ang tumira ay nakain niya ang horse ni kuya. Para akong nagkastiff neck at hindi makalingon sa posisyon niya. Am I going to kiss him?
Hindi gumagawa ng tira si kuya at nakatingin siya sa akin na parang nasisihayan sa kung anong gagawin ko. Para kaming tangang tatlo na nagpapakiramdaman dito. Napamura na lang ako nang makaramdam ako nang mahinang pagsipa sa akin sa ilalim ng lamesa. Nang tingnan ko si kuya ay wala sa hitsura niya na siya ang salarin. Damn. Is it Tristan Ferell?
"What now Lina? Are you going to move or I will let your brother wins?" nahihimigan ko na ang galit sa boses ni Tristan.
Tumayo na ako at pikit mata akong lumapit sa kanya. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi katulad ng paghalik ko sa kuya ko.
"Is that a kiss?" kunot noong tanong niya sa akin.
"Oy, nasa harap ka ng kuya niya. Anong gusto mong halik? French kiss? Balita ko nakaisa ka na sa kapatid ko. Sa pisngi lang pwede, saka ka na pumuslit kapag hindi ko nakikita" damn. Anong klaseng kapatid siya? Padabog na akong bumalik sa upuan ko. Pinagtitripan lang yata ako ng dalawang ito.
Hindi na ulit nagsalita si Tristan at tumira na ulit ito, siya na naman ang nakakain kaya ito na naman ako sa papalapit na sa kanya. Kahit kailan hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ni kuya. Hindi na ako hinintay ni Tristan Ferell na makalapit sa kanya dahhil siya na mismo ang humila sa akin, nagulat na lang ako nang hindi sa pisngi ko lumapat ang labi niya kundi sa aking leeg.
"Ferell!" sabay kami nang kuya ko na napasigaw sa ginawa niya.
"I had enough" napanganga na lang ako nang tumayo siya at guluhin niya ang nilalaro nila ni kuya.
"I don't need your goddamn blessing and I don't have time to play with you. Afterall, I am after your sister and not to your goddamn approval. Hihintayin kita sa labas kung gusto mo ng usapang lalaki" what the fuck? Naghahamon ba siya ng suntukan? Hindi niya ba alam na bihasa si kuya sa bagay na sinasabi niya?
"Uhuh?" pang aasar na sabi ni kuya na bahagya pang nag iinat inat.
"I'm here to please your sister and not anybody else.." bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko at agad hinila palayo sa kuya kong nakangisi sa amin. Mukhang nakuha na ni kuya ang gusto niyang mangyari. Alam kong gusto niya lang asarin itong si Tristan Ferell na talagang naasar naman.
Nagdiretso kami sa lamesa kung saan nagtatawanan ang mga matatanda.
"Sino ang nanalo sa kanila?" tanong sa akin ni daddy.
"Si kuya" hindi naman nagreact si Tristan sa sinabi ko.
"I did enjoy our game, magkakasundo po kami. Naaalala ko po sa kanya ang isa sa mga pinsan ko" napagiwi na lang ako sa plastik na sagot ni Tristan. Ito na naman ang umaarteng Ferell.
"Who?" tanong ni Don Ferell sa kanya.
"Troy" maiksing sagot ni Tristan. Kita ko sa gilid ng aking mata ang pag ismid ni Don Ferell sa sagot ng kanyang apo, pareho siguro silang sakit sa ulo.
Naging mahaba pa ang usapan ng matatanda hanggang sa magpaalam si Tristan at kakausapin daw muna ako mag isa. Ano naman kaya ang pag uusapan namin?
Nakarating kami sa garden kung saan natatandaan ko pa kung paano dumugo ang ilong niya dahil sa suntok ko. Pero sa pagkakataong ito, sa ibang parte kami ng garden nakatigil.
"What is it again?" tanong ko sa kanya.
"I'm serious Lina. Bakit parang hindi ka naniniwala sa akin?" hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating kami parte ng garden na ito na siyang paborito ko.
"The last time I checked, you don't type girls who show too much skin. That I am not your type and whatsoever na mahaba mo pang pinagsasabi. Anong ihip nang hangin ang nakapagpabago sa'yo at tumamis na bigla ang dila mo?" naupo na ako sa swing na siyang pinakapaboritong parte ko sa garden na ito. Napapalibutan ito ng mga bulaklak na gumagapang na nakapagpaganda dito.
Akala ko ay mananatili siyang nakatayo sa posisyon niya pero nagulat nagulat na lang ako nang maramdaman ko siya sa likuran ko at sinimulan niyang itulak ang swing ng mahina.
"I did that on purpose to push you away, to divert them away from you. But I guess, I can't do it anymore. I just can't, pahihirapan ko lang ang sarili ko..." marahang bulong niya sa akin nang bumalik ako galing sa pagkakatulak niya. Naramdaman kong pinigilan na niya ang paggalaw ng swing na sinasakyan ko.
Fuck. What is this? Bakit kinikilabutan ako? Bakit naninikip ang dibdib ko? Damn. Wala siyang ibang ginagawa Lina, nagsalita lang siya at itinulak ang swing bakit ganito na kagrabe ang pagtibok ng puso ko? What the hell is happening on me?
And his words, it was too mysterious. Ito na naman ang mga salita niyang hindi ko kailanman maintindihan.
"Ferell, I'm not good on puzzles. Nalilito na ako sa mga sinasabi mo" mahinang sabi ko sa kanya. Matagal na akong nahihiwagaan sa kanya at habang tumatagal ay palalim ito ng palalim.
Naramdaman ko na lang ulit ang marahang pagtulak niya sa swing na sinasakyan ko kasabay nito ang muli niyang pagbibitaw ng mga salitang lalong nagpagulo sa aking isipan.
"You don't need to be good on it Isabella. Because you're my puzzle, you're the puzzle itself"
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro