Chapter 38
Lina <3
Thanks @KylaTorres06 :)
Chapter 38
Muli kong sinipat ang buo kong repleksyon sa harap ng salamin matapos ang napakatagal na hair treatment na umabot yata ng anim na oras. Damn, bahagya kong ipinaling sa magkabilang direksyon ang ulo ko sa pag iinat habang hawak ang balikat ko. Nangalay ako.
Napapakagat labi na lang ako habang pinagmamasdan ang bagong ayos ng aking buhok. I am now a short haired perm girl.
Agad ko nang isinuot ang aking wayfarer at nagdiretso ako sa cashier.
"Keep the change.." na siyang lagi kong sinasabi sa parlor na ito.
Lalabas na sana ako nang sabay akong harangin at kurutin sa aking tagiliran ng dalawang baklang nakilala ko sa department store noong bumibili kami ng boxers brief ni Tristan. Kaibigan ko na silang dalawa ngayon at pag aari nila ang mamahaling salon na ito.
"Bagay talaga sa'yo. Winner!" tinanggal ko ang aking wayfarer at ipinakita ko ang pag irap ko sa kanilang dalawa.
"Masyado bang malaki ang sukli? Hindi nyo na ako kailangang bolahin" sila naman ngayon ang umirap sa akin. Agad nila akong kinilik dalawa na siyang ayaw na ayaw kong ginagawa nila sa akin.
"Bitawan nyo ako. I need to go.." sabi ko na hindi naman nila sinunod dalawa.
"Ayaw mo talaga ng pinupuri no? Isabelle? Look, look" sabay nila akong ginapos at pilit nilang ipinaling ang ulo ko sa lalaking nakatingin sa akin mula sa labas na mabilis tumalikod nang mapansin na nakatingin kaming tatlo sa direksyon niya. Damn, hindi ko nakita ang mukha.
"May papable na nakatingin sa'yo kanina pa" bulong sa akin ni Chariss. Naningkit ang mata ko sa matangkad na lalaking kasalukuyan nang sumasakay sa kanyang itim na audi. Who the hell is he?
"Wala akong panahon sa lalaki" matabang na sabi ko. Nakataas ang kilay ko sa mga kamay nilang nakahawak sa aking mga braso. Sabay nila akong binitawan na napapabuntong hininga.
Muli ko na sanang isusuot ang aking salamin sa pag aakalang hahayaan na nila akong makalabas pero ito at hinarang na naman nila ako. Mabilis nila akong inakbayan at nagsimula na naman silang bumulong ng kalokohan.
"Huwag ka nang mag isip na hindi sumama. Alam mo na, maraming lalaki doon na malalaki ang ti---" sinadyang putulin ni Winoa ang dapat niyang sasabihin.
"Ti--- tiwala sa sarili.." bulong naman sa akin ni Chariss. Lalong humina ang mga bulong nila sa akin at alam kong sa paghina nito, sa pagiging malaswa ng mga sinasabi nila. Pinagtitinginan na rin kami ng ilang customer tatlo. Haist, paano ko ba napagtiyagaan ang dalawang baklang ito?
"Lalo na at new hairstyle ka. Didilaan ka ng mga lalaki" bulong ulit sa akin ni Winoa. Pinagtatabig ko na ang mga kamay ng mga mahaharot kong mga kaibigan.
"Magugulo ang buhok ko, pwede ba?" umirap muna ako sa kanila bago ko muling isinuot ang wayfarer ko.
"Hindi ko kailangan na Ti—at dila ng mga lalaki. Magpakabusog kayong dalawa, balitaan nyo na lang ako kapag nabuntis na kayo.." kibit balikat na sabi ko sa kanila at nagsimula na akong maglakad papunta sa pintuan.
"Maldita ka talaga!" sabay nilang sigaw sa akin. Hinawi ko lang ang buhok ko bago ako lumabas ng parlor nila. Kalalabas ko lang ng trabaho nang mga oras na 'yon, mas gugustuhin ko na lang mamahinga kaysa pumunta sa maingay na lugar na sinasabi nila.
Umismid muna ako sa itim na audi na hindi pa rin umaalis sa pagkakaparada nito bago ako sumakay sa nahiya kong sasakyan sa kanya. Nang maistart ko na ang aking sasakyan ay pinaharurot ko na ito, nagawa ko pang bumusina ng malakas sa audi na siyang nadaanan ko.
Kaya pala parang balisa na ako kanina pa, may kung sinong nanunuod sa akin. Damn. Hindi ko alam kung bakit biglang nagtaasan ang aking mga balahibo. Ganito ang naramdaman ko nang nakaraang gabi, hindi ko maintindihan kung may nanunuod ba sa aking pagtulog, kung may humaplos ba sa aking mga pisngi. At hanggang ngayon ay misteryo pa rin kung papaano ako nakarating sa aking kwarto na walang naalala. Masyado ba talaga akong napagod nang nakaraang linggo?
Ipinilig ko na ang aking ulo sa aking iniisip, hindi naman siguro totoo ang multo? Bakit hindi na lang siya magpakita? Bakit kailangang magparamdam lang siya?
Pinili ko na lamang magpatugtog sa aking kotse kaysa mag isip nang kakaiba. Pero hindi din nagtagal ang aking payapang pagmamaneho ay napeste nang magulat ako sa malakas na busina mula sa aking kanan. Katapat na nang sasakyan ko ang itim na audi ng lalaki kanina sa labas ng parlor at ang nagpalaki ng aking mata ay ang nakasulat sa bintana ng drivers' seat.
'Sexy neck'
What the fuck? Bastos!
Sasadyain ko na sanang ibangga ang sasakyan ko sa kanya nang umana na ito sa akin. Sa inis ko ay napahampas na lang ako sa manibela. Fuck! Agad kong tiningnan ang plate number nito pero napamura na lang ako. Registered. No Plate Available. What the fuck? Seriously?
Gusto ko pa sana itong habulin pero nakalayo na ito at imposible nang mahabol ng aking sasakyan. Damn.
Nakauwi ako sa bahay na mainit ang ulo at hindi ko inaasahang ang mauuwian ko ay mukhang mainit din ang ulo. Walang tigil sa pagmumura si kuya habang mabilis na inililipat ang channel sa telebisyon. Bakit ba ang lalaki ng mga problema ng mga tao ngayon?
"Anong nagustuhan niya sa alien na 'yon?!" halos mapatalon ako nang ibato ni kuya ang remote. Mabuti naman at hindi sa tv niya naisipang ibato. Hinubad ko ang aking sapatos na may takong at tamad ko itong inabot sa kanya.
"Sa tv naman kuya.." lalo lang nangunot ang noo niya pero nang tuluyan niya na akong makita ay agad nawala ang mukha niyang biyernes santo. Mabilis niya akong nahila sa sofa at sinimulan niya akong paulanan ng halik sa mukha.
"What happened to you baby sister? Bakit gumanda ka yata? May pinagpapagandahan ka na ba?" panay ang salag ko sa exaggerated niyang pagnguso sa akin na parang isa pa rin akong bata na nilalaro niya.
"What the fuck?! Kuya naman! Nakakadiri ka! Ewww. Get off me! Ewww!" panay ang tili ko habang niloloko ako ni kuya.
"Dati gustong gusto mo. na nilalaro kita nang ganito, nagseselos ka pa nga sa mga babae ko.." natatawang sabi niya sa akin na nakapagpairap sa akin.
"Who the hell told you? Supportive nga ako sa pambabae mo kuya. Proud na proud pa nga ako.." sarcastic na sabi ko na lalong nakapagpahaba sa nguso ng aking kuya.
"My god! Kuya. You're so gross! Ewww! Isusumbong kita kay mommy!" nasa kalagitnaan kami nang pagtawang magkapatid nang bigla kaming nagulat sa ingay mula sa bubong. May kung anong tumama sa bubong namin. Dito na tumayo si kuya na may kunot na noo.
"May bumato ng bubong?" nagtatakang tanong ko.
Hindi siya sumagot sa tanong ko dahil nagsimula na siyang maglakad papunta sa aming bintana para sumilip sa labas. Sinundan ko na rin siya at halos manlaki ang aking mata nang makitang ang itim na audi, hindi kalayuan sa tapat ng bahay namin.
"Bagong sasakyan ng kapitbahay natin?" tanong sa akin ni kuya. Pansin niya na rin siguro ang itim na sasakyang 'yon.
"Siguro? I don't know" sagot ko kay kuya na nilingon ako. Nang muli naming sulyapan ang nakaparadang audi ay nagsisimula na ulit itong umalis. Fuck. Who the hell is he? May kinalaman na naman kaya ang lalaking ito sa kasong hinahawakan ng mga magulang namin?
"Kuya, magbibihis lang ako. Let's try our new boxing gloves, hind ba at dala mo na?" tanong ko sa kanya. Ayoko munang isipin ang mga bagay na ito sa mga oras na ito. I need to free myself from stress.
"Alright sis, bilisan mong magbihis. Bibinyagan natin ang buhok mo" umikot na lang ang mga mata ko sa sinabi niya.
Habang naglalakad na ako palayo ay nanatili pa din si kuya sa harap ng bintana na parang may tinatanaw pa rin.
"Don't tell me may sa pusa ka..." bulong niya. Ako ba ang kinakausap niya? cat?
"Sinong sinasabihan mo ng pusa kuya? Nakakainis ka na!" napatalon siya sa sinabi ko. Akala niya siguro hindi ko narinig? Ngumisi lang siya sa iritado kong mukha.
"You're the most beautiful sister, mapapatay ko ang magsasabing hindi ka maganda.." umirap lang ako sa kanya bago ko siya tinalikuran.
"Anong gusto mong hapunan? Libre ko" tinawanan niya lang ang sinabi ko.
"Ikaw ang kaisa isahang babae na hindi kayang tumanggap ng papuri Lina" hindi ko na lang sinagot si kuya sa sinabi niya at nagpatuloy na akong umakyat sa hagdan.
Paano pa ako tatanggap ng mga papuri kung ang taong ilang beses na akong sinabihang maganda ay iniwanan ako? Natatakot na akong tumanggap ng mga papuri.
Nang makarating na ako sa aking kwarto ay sinimulan ko nang maghubad ng mga damit. Malaki ang bilin sa akin ng dalawang bakla na huwag ko muna daw basain ang aking buhok kaya binalot ko muna ito nang hair cover na pilit pa nilang nilagay sa aking bag.
Sa banyo na lang ako tuluyang maghuhubad, nang makapasok na ako dito ay napansin ko na wala ang aking bath towel na siyang lagi nang nakahanda dito. May pumasok ba sa banyo ko? Pumasok ba si mommy dito?
Napatingin ako sa hinubad ko nang bra, isusuot ko pa ba ulit ito? Nagkibit balikat na lang ako at lumabas na ako ng aking banyo na nakapanty lang. Nakalock naman ang pinto at nakababa ang lahat ng kurtina. Walang kahit sinong makakakita sa akin kahit magpalakad lakad pa ako nang hubad.
Sinimulan ko nang maglakad sa aking cabinet para kumuha ng aking towel pero habang humahakbang ako dito ay nakakaramdam ako nang pagkabalisa. Bakit parang may nakamata na naman sa akin? Pinagmasdan kong mabuti ang buong kwarto ko pero wala naman akong makitang kakaiba.
Don't tell me may tao sa closet? Iniyakap ko sa dibdib ko ang isa kong braso habang dahan dahan kong binubuksan ang cabinet. Who the hell entered my room?!
Marahas kong binuksan ang cabinet habang ramdam na ramdam ko ang malakas na pagpintig ng puso ko.
Agad nangunot ang noo ko nang makitang walang tao dito. Napamasahe na lang ako sa aking noo. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Masyado lang ba akong napaparanoid? Bakit pakiramdam ko ay laging may nakamasid sa akin?
Naiiling na lang akong kumuha ng towel sa aking cabinet at nang tuluyan ko na dapat itong isasara ay may napansin akong hindi tama sa bulsa ng coat ko. What the hell is that?
Dahan dahan kong inilapit ang sarili ko dito at habang lumalapit ako ay nanlalaki na ang mga mata ko sa nalalaman ko. Nabitawan ko na lang ang hawak kong towel at napaatras ako habang yapos ng dalawang braso ang aking dibdib para matakpan ito.
Is..is that a spy cam?
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro