Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

Thanks @HMnemosyne :)


Chapter 37


Akala ko makakapagpahinga na ako sa buong sabado at linggo pero mukhang nawala na ang pinapangarap kong maghapong paghinga sa kama dahil nakatanggap ako ng tawag na uuwi daw ngayong araw sa Pilipinas ang kuya ko. Bakit kaya biglaan?

Muli akong napairap sa hangin nang marinig na naman ang pagtunog ng aking telepono. Kasalukuyan na akong nagdadrive papunta sa airport at hindi ko na mabilang kung ilang sasakyan na ang na over take ko. Damn, overspeeding na ako. Padabog kong sinagot ang telepono.



"Kuya wait lang please? Nagmamadali na ako, bakit ba walang abiso ang pag uwi mo?" bakit hindi rin nasabi sa akin ni mom at dad na uuwi ang isang ito?



"Biglaan, bilisan mo. Nagugutom na ako" nangunot naman ang noo ko sa narinig ko sa kanya.



"Hindi ka ba pwedeng bumili muna ng kahit ano dyan?" mukhang matatagalan pa ako, malayo layo pa ako sa airport.



"Gusto kong sabay tayong kumain, paliparin mo na ang sasakyan mo" nahihimigan ko na ang pagkairita niya. Kahit ako ay iritado na rin, bakit hindi na lang siya bumiyahe? Bakit inabala pa ako? Haist.



"Yes, pinalilipad ko na kuya. Tumingala ka, kumaway ka ha? Para makita ko agad ang pinakagwapong kuya sa balat ng lupa" pinatay ko na ang telepono at muli kong mas pinag igi ang atensyon ko sa daan.

Hindi na ako nagdalawang isip na paharurutin ang aking sasakyan, hindi naman ako pababayaan ng mga magulang ko kung hulihin man ako sa overspeeding.

Aminado ako na sa nakalipas na tatlong taon, wala pa rin nagbago sa akin. Yes, masasabi ko na may permanente na akong trabaho sa isa sa kilalang kompanya dito sa Pilipinas pero hindi pa rin mawala sa akin ang pagiging dependent sa mga magulang ko. Haist. I am still their princess that can't grow up.



Tumagal siguro ng kalahating oras ang pagdadrive ko bago ako makarating sa airport. Malayo pa lang ay kita ko na ang nakakunot na noo ni kuya na agad namang ngumisi nang makita ako.



"What took you so long baby?" pinitik niya ang noo ko gaya nang ginagawa niya sa akin noon. Damn, isang taon ko din hindi nakita ang kuya kong ito.



"Traffic kasi sa himpapawid" sagot ko na lang sa akin. Mabilis niya na akong inakbayan habang naglalakad na kami pabalik sa aming sasakyan.



"Marami akong kaibigang foreigner, gusto mong makilala?" agad nangunot ang noo ko sa kanya. Tanda ko pa noon na halos araw araw siyang may dalang mga kabarkada niyang lalaki sa bahay na siyang pagpipilian ko daw, muntik pa siyang mapalayas ni mommy at daddy sa kalokohan niyang ito.



"Ibinubugaw mo na naman ba ako?" iritadong tanong ko sa kanya.



"Ipinakikilala lang Lina, bakit naman bugaw? Ibang lahi naman, ayaw mo ba sa mga kano?" inis kong tinanggal ang pagkakaabay niya sa akin.



"Ito na naman ba tayo kuya? Umuwi ka lang ba dito para ipakilala ako sa iba't ibang lalaki?!" ngumuso lang siya sa sinabi ko.



"Tatlong taon na Lina, hindi ka pa ulit nagkakaboyfriend. Kahit mag entertain ay hindi mo magawa, tatandang dalaga ka niyan" umirap na lang ako sa kanya bago ako naunang maglakad sa kanya.



"I don't care" akala ko ay hahayaan na niya akong maunang maglakad nang muli niya akong akbayan.



"Kumain na muna tayo dito, I am damn hungry baby sister" napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya.



"Alam mo kuya na ayaw kong magtagal sa mga airport, ayoko dito" mahinang sabi ko sa kanya na nagpatahimik sa kanya.



"I see, hindi pa rin ba kayo nag uusap? Kahit through chat man lang?" how can I? Siguradong isinusumpa na niya pa rin ako hanggang ngayon.



--Flashback --


Isang malaking balita ang pagkawala ni Tristan Matteo Ferell, hindi lamang sa taong konektado sa kanilang pamilya maging sa buong eskwelahan ng Gyro Nella.

Kung noon, umaga pa lang ay maririnig na ang magagandang bati ni Troy, Owen at Aldus Ferell sa mga kababaihan na nakakasalubong nila ngayon ay kahit ngiti ay hindi na masilayan sa mga ito. Samantalang si Nero ay ilang beses nang nasasangkot sa iba't ibang away at gulo dahilan kung bakit madalas kong nakikita sa Gyro Nella ang kanya ate na siyang humaharap sa mga nakatataas.

Dalawang linggo na rin na hindi pumapasok si Florence at ang malaking balita pa ay hindi na nito ipagpapatuloy ang pag aaral sa eskwelahang ito.



"Anong balita kay Florence?" tanong sa akin ni Ashong na hindi ko masagot.



"Lina, ano nang balita sa bestfriend mo?" muling tanong niya sa akin. Pagod kong tinitigan si Ashong. Wala na akong nalalaman kay Florence pagkatapos nang libing ni Tristan.

Napakagat labi na lang ako nang maalala ko ang mga sinabi ko sa kanya. Ngayong bahagyang humupa ang mga dinadala ko, ngayon pumasok sa isip ko ang mga salitang ibinato ko sa kaibigan ko.

My words were too much. Too much, na hindi ko akalaing nasabi ko sa babaeng itinuring kong nag iisang kaibigan sa eskwelahang ito. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng mapait nang sulyapan ko ang blangkong upuan ni Florence sa tabi ko. Kamakaylan ko lang nalaman na pati pala ang kanyang ama ay hindi na nabubuhay sa mundong ito, magkasama na sila ng lalaking pinakamamahal ko.



Halos isang buwan akong araw araw na dumadalaw sa puntod ni Tristan, halos lahat na yata ng allowance ko ay iginagastos ko na lamang sa mga bulaklak na dinadala ko sa kanya. Ano pa ba ang pagkakagastusan ko sa Gyro Nella? Mas pinipili ko na lang hindi kumain dahil kahit anong pilit ko ay hindi ko na malasahan ang pagkain sa araw araw na pag iisa ko. Itinaboy ko lang naman ang kaisa isang kaibigan na mayroon ako, malamang ito na ang nararapat sa akin. At dahil marami na akong tinakot na kababaihan noon at kilala ako sa pagkakaroon ng maiksing pasensya, wala kahit isang babae ang nagtangkang makipagkaibigan sa akin.

Tanging si Ashong lang may kakayahang kumausap sa akin na napag alaman kong lilipat na rin daw ng eskwelahan dahil sa negosyo nila sa ibang bansa. Minsan ay may nakakasalubong akong mga Ferell, pero mukhang hindi na nila ako nakikilala.



Alam kong pinag uusapan na ako ng karamihan sa mga estudyante ng paaaralang ito. Masyado lang silang maingat na hindi ko marinig ang mga kwento. Ano na nga ba ang magagawa nila kapag nagalit na naman si Hidalgo na masama ang ugali?

Sa mga bakante kong oras ay mas pinipili ko na lamang mag isang magbasa sa sulok ng library kung saan una kong nasilayang natutulog ang lalaking pinakamamahal ko. Magbasa nang mga librong may lumuluhang mga mata.



Tulad nang araw araw kong ginagawa, pagkatapos ko sa klase ay nagdidiretso na ako sa flower shop para kumuha ng mga bulaklak. Kilala na ako ng tindera na siyang inaarrange na nang maaga ang mga bulaklak para hindi na ako maghintay nang matagal.



"Hija, huwag mo namang ipagmasama itong sasabihin ko. Napapansin ko na habang tumatagal ay lalong bumabagsak ang iyong katawan, ingatan mo ang sarili mo hija. Ayokong magkasakit ang pinakamaganda customer ng flower shop na ito" bahagya akong ngumiti sa sinabi ng tindera bago ko kinuha ang mga bulaklak.



"Salamat po" maiksing sabi ko bago lumabas ng tindahan. Agad akong pumara ng sasakyan na siyang magdadala sa akin sa sementeryo.

Nang makarating na ako ay agad kong napansin ang matandang sepulturero na alam kong nakikilala na rin ako. Kapwa kami tumango sa isa't isa.



"May babaeng dumalaw sa binatang may magandang mata kanina hija" sabi sa akin ng matanda na bahagyang nakapagpatigil sa akin. Sino si Nally? Kibit balikat na lang akong nagpatuloy sa paglalakad.



"Salamat po" sagot ko sa matanda. Binatang may magandang mata, ito rin ang impresyon sa kanya ng matanda nang una nitong makita ang litrato ni Tristan malapit sa puntod nito.

Nang makarating ako sa puntod niya ay agad kong nakita ang magagandang tulips na malapit sa kanyang litrato. Itinabi ko na rin dito ang mga puting rosas na isa sa mga lagi kong dinadala sa kanya.

Ilang minuto muna akong natahimik bago ako nagsalitang magsalita.



"Tristan, namamayat na ba talaga ako?" nakatitig ako sa magaganda niyang mga mata.



"Mag iisang buwan na, alam mo ba na miss na miss na kita? 'yong oto mo na kulay orange, 'yong bigla ka na lang magsasalita ng mga nakakalitong bagay, mga pagnanakaw mo ng halik, malambing mong mga salita, mainit mong yakap at ang magaganda mong mga mata" muli na naman akong nagpahid ng luha sa aking mga pisngi. Halos araw araw na lang akong umiiyak.



"Alam mo ba na mas nabibigyan ko na nang pansin na humawak ng baril? Dito ko na lang lahat ibinubuhos Tristan.." hindi na naman tumigil ang pagluha ko. Kailan ko ba ito naturuang tumigil?



"Alam mo ba hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ako makapaniwala? halos gabi gabi akong nagdadasal na sana nasa isang napakahabang panaginip lamang ako na magigising na lang ako na nasa baba ka at naghihintay ka na sa sala para sabay na tayong pumasok" sinimulan ko nang dukutin ang aking panyo dahil hindi na kayang punasan ng mga kamay ko ang aking luha.



"I can't move on Tristan, dahil sa tuwing nag iisa ako, sa tuwing mababalot ako ng katahimikan, ikaw lang ang tumatakbo sa aking isipan. Kung papano tayo unang nagkita, kung papaano ako halikan ng mga labi mo, kung papaano mo ako ngitian, kung paano lumukso ang puso ko sa mga salita mo at kung papano ako matunaw sa mga titig mo.." napakagat labi na lang ako para pigilan ang lalong paglakas ng aking mga hikbi. Nahihiya na ako sa sepulturero na araw araw nang naririnig ang aking pag iyak.



"Ang hirap maiwanan Tristan..ang hirap.." nangangatal kong hinaplos ang kanyang napakagandang litrato.



"Lina!" luhaan akong napalingon sa likuran nang marinig ko ang boses ng aking kuya.



"Paalis na ang kaibigan mo papunta sa ibang bansa. Alam kong gustong gusto mo na siyang kausapin. I can hear you calling her name on your sleep sister. Kausapin mo na si Florence nang mabawasan na ang bigat sa dibdib mo..." humihingal na sabi ni kuya. Hindi na ako nagsalita dahil mabilis na akong naglakad kasama si kuya palabas ng sementeryo.

Mabilis na pinaharurot ni kuya ang sasakyan papunta sa airport. Mukhang kilala ko na kung kanino nanggaling ang bulaklak na nasa puntod ni Tristan. Nang makarating kami sa airport ay lakad takbo na ang ginawa ko, pilit kong inilinga sa buong paligid kung nasaan ang kaibigan ko na ipinagtabuyan at sinaktan ko.

At agad nagliwanag ang aking mukha nang makita siyang hindi pa tuluyang nakakaalis. Kasalukuyan niyang kausap ang isa sa mga pinsan niya at ang dalawang batang pamangkin niya na pinaliliguan niya ng halik. Kahit siya ay makikita kong bumagsak din ang timbang.



Hahakbang na sana ako para makalapit sa kanya nang may biglang may humarang sa aking harapan. Ang tahimik at laging seryosong pinsan ni Florence, si Gio. Bakit hindi ko siya agad napansin?



"I can't let you cross, sorry" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Nanghaba na ang leeg ko habang nakikitang tumalikod na si Florence.



"I need to talk to her, I need to apologize. Marami akong nasabi sa kanyang mali.." nakita kong umismid sa akin ang lalaki.



"You don't need to, nasabi mo na sa kanya. Nasaktan mo na siya, anong magagawa ng 'sorry' mo?" nanlamig ako sa sinabi niya. I did use the same words to Florence. Napatungo na lang ako at pinilit kong hindi papatakin ang namumuo ko na namang mga luha ko.

Siguro ay nararapat kong marinig ang mga salitang ito, yes ako na ang may pinakamasamang ugali. Ako na ang masamang kaibigan, gusto ko lang humingi ng tawad bago siya umalis.



"Hindi mo na siya kailangang kausapin, dahil kapag nakita ka na naman niya mauulit na naman sa mga alaala niya ang mga sinabi mo sa kanya na kailanman ay hindi nakatulong kundi nakasira sa kanya. You're a terrible friend, huwag mo na muling kausapin ang pinsan ko. Pausap na" naramdaman kong tinalikuran na ako ng pinsan ni Florence.

Hindi ko na hinintay pa na sundan ako ni kuya dahil nagmadali na akong bumalik sa aming sasakyan. Agad niya akong sinalubong nang makitang luhaan na naman ako.



"Anong nangyari?" bungad niya sa akin.



"Uwi na tayo kuya, umuwi na tayo. Umuwi na tayo..ang sama sama kong tao, ang sama sama ko.." naramdaman kong niyakap ako ni kuya.



"Hush, anong sabi niya? Hindi ka ba niyang pinatawad? Anong sinabi niya sa'yo? I'm sorry Lina, dapat hindi na lang kita dinala dito. I'm sorry..akala ko maiintindihan ka niya.." ramdam ko ang halik ni kuya sa ibabaw ng aking ulo. Alam kong nagkamali ako sa mga sinabi ko kay Florence. Hindi ko na nasala ang matatalim na salitang nasabi ko, pero dapat intindihin din nila ang sitwasyon ko nang mga oras na 'yon. I am damn miserable that time. At hanggang ngayon ay ganito pa rin.



"Uwi na tayo kuya.."



- - End of Flashback - -



"Kuya, masama ba talaga ang ugali ko? Sa tingin mo ba ay napatawad na niya ako?" narinig ko ang mahinang pagmumura ng kapatid ko nang mapansin niyang lumuluha na naman ako. Kaya ayaw kong pumupunta sa airport.



"Damn, Lina. Tatlong taon na, tatlong taon na ang lumipas Lina.." nanghihinang sabi ni kuya.



"Ito na nga ang problema, tatlong taon na ang lumipas pero sariwang sariwa pa rin. Ang sakit sakit pa rin.."



--

VentreCanard



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro