Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Chapter 33


Alam kong hindi magugustuhan ni Tristan ang gagawin ko ngayon pero lalong hindi ko magugustuhan kung pipiliin kong manatiling nasa loob ng kwartong ito habang nakakarinig ng paulit ulit na pagputok ng baril.

Ano na lang ang maaaring mangyari kay Florence? Sa mga bisita? kay Tristan? Sino ang mga taong ito? Bakit sila gumagawa ng ganito? Anong malaking rason nila?

Ito na ba ang dahilan kung bakit hindi na matapos ang nararamdaman kong kaba? Ito na ba ang sagot sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam na siyang binibinbin ko simula nang tumapak ako sa barkong ito?



"I'm so sorry Tristan" marahas kong inihampas ang fire extinguisher na hawak ko sa doorknob. Tulad nang inaasahan ay matibay ito at hindi basta basta masisira, kaya ubod nang lakas kong muling inihampas ang hawak kong fire extinguisher. Nang mapansin ko na hindi man lang ito natitinag ay sunod sunod ko nang ipinalo ang hawak ko sa kabila nang pangangatal ng aking mga kamay, nagsisimula nang manakit ito.



"Come on, kailangan ko nang makalabas" huminga ako nang malalim bago ko ubod nang lakas inihampas ang fire extinguisher. Dito na tuluyang nasira ang door knob.

Akma na akong lalabas ng kwarto nang agad kong mapansin na may isang armadong lalaki na lumabas mula sa dulong kwarto, kung hindi ako nagkakamali ay isa isa niyang tinitingnan ang mga kwarto kung may mga nakapuslit na mga bisita. Damn.



Agad akong bumalik sa kwarto habang yakap ang fire extinguisher. Mariin kong isinandal ang sarili ko sa pader malapit sa pintuan. Anumang oras ay ang pintuang ito ang bubuksan niya.

I bit my lower lip while tapping my left foot. I'm having my countdown inside my mind. Come on Lina you can do this. The first attacker always has the advantage. Tulad din ito ng lalaking nakaengkwentro ko sa kweba. I should knock him down as quickly as I can.

I can hear his footsteps. Damn. You can do this.



Muli akong huminga nang malalim. Hinigpitan ko na ang hawak sa extinguisher at nang sandaling lumaki ang liwanag ng ilaw mula sa labas at tumambad sa akin ang mukha ng lalaki ay ubod nang lakas kong inihampas sa kanyang ulo ang hawak ko.



"Fuck!" malakas na mura niya nang matumba siya. Kita ko ang pilit niyang pag abot sa kanyang baril na nabitawan niya sa kabila nang dumudugo niyang ulo. Hindi ko na siya hinayaan pa dahil agad akong nang sumakay sa kanya at tatlong beses kong inihampas sa kanyang mukha ang extinguisher, dito na siya tuluyang nawalan ng malay.

Dahil bahagyang nakalabas ang paa niya sa pintuan ay pilit kong hinila ang kanyang katawan. Hanggang maaari ay kailangang hindi magtaka ang kanyang mga kasamahan dahil sa sandaling mapansin nila alam kong katapusan ko na.

Agad kong kinapa ang katawan ng lalaki para makakuha ng baril. Dalawang uri ng pistol ang nakuha ko sa lalaki. Mabilis kong inilagay sa gun holster ko ang isa habang ang isa naman ay ikinasa ko na.



I need to reach the deck. Dahil habang naririnig ko ang putukan mula sa taas lalong lumalakas ang kaba sa aking dibdib. Sinong maaaring makatulong ngayon ni Tristan sa mga oras na ito? Bakit wala pang nadating na tulong? Nasaan ang natoka para sa sekyuridad ng barkong ito? Papaano kami napasok?

Nang humakbang na ako palabas ay alerto na ako. Sinikap kong humakbang nang dahan dahan para hindi ako makagawa ng ingay pero sa hindi ko inaasahan bigla na lamang may lumitaw na magandang babaeng nakapurong itim na kasuotan na nanlalaki rin ang mga mata nang makita ako.

Mabilis naming inangat ang aming mga baril at itinutok sa isa't isa.



"Drop your weapon!" malakas na sigaw niya sa akin.



"You drop your weapon!" kahit nangangatal ang aking mga kamay ay mariin akong nakikipagtutukan ng baril sa kanya. Kapwa na kami nakahawak sa gatilyo ng baril. Damn, I can't die here. Tristan needs me. I can't die here.



"Sino kayo?! Anong kailangan nyo sa mga Almero? Bakit kayo nanggugulo nang ganito?! Madaming inosente ang madadamay!" malakas na sigaw ko sa babaeng nangunot ang noo sa sinabi ko.



"Reen! All clear from the south wi—what the fuck?!" may muling dumating na babae at agad niya rin akong tinutukan ng baril. Mabilis kong kinapa ang isa kong baril sa aking hita at agad ko itong itinutok sa kanya. Damn, dumadami na sila.



"Who is she? May kasamahan ba silang babae?" ako naman ngayon ang nangunot ang noo. Kasamahan?



"Jill! Reen! Let's go, all clear—" may isa pang panibagong babae na dumating na agad din akong tinutukan ng baril.

Fuck. Napapakagat labi na lang ako habang pinagmamasdan ang magagandang mga babae sa harapan ko. Kinaya kong hampasin ng walang awa ang lalaki kanina pero kahit nakatutok sa mga babaeng ito ang mga baril na hawak ko, alam ko sa sarili kong hindi ko ito kayang iputok. Damn. Damn. Anong gagawin ko? Fuck.

Napapikit na lang ako nang bigla akong nakarinig ng tatlong beses na malakas na putok ng baril. Hindi ko na alam kung kaninong baril nanggaling ito. Pinakiramdaman ko ang aking sarili sa anumang kirot na maaari kong maramdaman, saan ako tinamaan? Bakit wala akong maramdaman?



Narinig kong may dumagasa mula sa aking likuran at nang  wala sa sarili kong lingunin ko ito ay tumambad sa akin ang tatlong lalaking kapwa wala nang mga buhay dahil sa tama ng bala sa kanilang dibdib.

They're not aiming for me. Those bullets are for these armed men.



"She's one of the guests, Aylips" nang sabihin ito ng huling babaeng dumaring ay sabay nang ibinaba ng dalawang babae ang kanilang mga baril habang ako ay nananatiling nakataas pa rin. Nagugulat na ako sa mga nangyayari, who are these girls? Bakit nila ako tinutulungan?



"Bakit siya may dalang baril? What the hell?" bahagya akong inirapan ng pangalawang babaeng dumating.



"I don't know but those are real guns" ismid na sagot ng unang babaeng tumutok sa akin ng baril. Agad pumalakpak ang huling babae na kumuha sa atensyon ng dalawa.



"Listen to this, mas importante ito. Madami ang nasa west at east wing. Tanging south at north lang ang madali nating malulusutan dahil naubos na natin ang ilan. We need to balance his men, habang hindi pa napapansin ng mga tauhan mula sa itaas ang presensiya nating tatlo, maaari pa natin silang malinis. Kailangan nating alalahanin ang utos ni mistress, dapat nating ubusin ang mga tauhan ni Samuel hindi tayo maaaring magtira" who the hell is that mistress? Anong kinalaman ng mga ito sa mga Almero? Damn. What the hell is happening? Sino ang mga taong ito?



"Can you tell me, who the hell are you? Bakit kayo kasali sa gulong ito?" nagtataka kong tanong sa kanila. Kapwa lumingon sa akin ang tatlo.



"Because Florence Almero is one of us.." mabilis na sagot nang unang babae na nagpatulala sa akin. Ang kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi ngumiti at magsabi ng mga salitang nakagagaan sa dibdib, ang kaibigan ko na may mala anghel sa kabaitan ay kasamahan ng mga babaeng ito na kayang kumitil ng buhay sa isang kisap mata?



"She's one of the most important aylip..." aylip? Nanatili akong nakatitig sa kanila habang pilit kong iniintindi ang mga naririnig ko. Is this a nightmare? Papaanong ang isang magandang kasiyahan na ito na umuulan ng palakpakan ay isang iglap ay naging pag ulan ng mga bala at walang katapusang rebelasyon?

Hindi na ako muling kinausap ng mga babae dahil nagpatuloy ang mga ito sa kanilang usapan.



"Padating na ang chopper kung saan sakay ang mga kasama natin. Please, we need to survive Jill, Reen. Tayo ang inatasan ni mistess na gumawa ng malaking butas at pilay sa grupo nila. Walang malalagas sa ating tatlo, maliwanag?"



"No problem Bree"



"It is not my time yet Bree, masamang damo ako"



"Let's continue, may mga nakaabang sa hagdan at sa mga elevator. Mas maraming bantay sa elevator kaysa sa hagdanan. Mas maraming bantay sa east wing, kaya dito tayo dadaan" paliwanag ng babaeng may pangalang Bree. Dito ko na tuluyang ibinaba ang baril ko. Magpapakamatay ba sila? Doon sila dadaan sa maraming bantay? What the fuck?



"Alright" sabay na sagot ng dalawang babaeng kausap niya.



"Just cover me, ako na ang uuna kayong dalawa sa likuran para suportahan ako. Pagitnaan na lang natin ang babaeng 'yan dahil hindi natin siya maaaring iwan dito" muling paliwanag ng babaeng si Bree. Sabay lumingon sa akin ang dalawang babae at agad nagsalita ang isa sa kanila.



"Sasama ka ba? Hindi rin magtatagal ay pupunta na dito ang tauhan ng hudas. Gusto mo pa naman sigurong mabuhay?" pinagtaasan ako ng kilay ng babaeng nagngangalang Reen.



"You're quite harsh Reen, maybe it was her instinct for self defense kaya ka niiya tinutukan ng baril. Mukha ka rin kasing kalaban" natatawang sabi ng pangalawang babaeng may pangalang Jill.



"Oh shut up Jill. Gusto mong ikaw ang tutukan ko ng baril?" nakita kong nagkibit balikat lang ang babaeng tinawag niyang Jill.



"Sounds fun Reen, 'yon ay kung makakatama ka" sabay napamura ang dalawang babae ng bahagyang hilahin ng pangatlong babaeng ang kanilang buhok.



"What the hell Bree!" iritadong reklamo nila.



"Nagmamadali tayo. Cover me.." nauna nang maglakad ang babaeng may pangalang Bree.



"What are you waiting for?" umismid muna ako sa kanila bago ako sumunod.



"Sa gitna ka lang nang hindi ka tamaan ng bala" nasa unahan ko ang babaeng may pangalang Bree habang nasa likuran ko ang dalawang babae na muntik nang mag away.

Agad nagpaulan ng putok ng baril ang dalawang babaeng nasa likuran ko nang may lumabas na apat na lalaki sa tagiliran.



"Damn! Go! Go!" nagmamadali kaming tumakbo habang panay ang palitan ng putok ng dalawang babae sa likuran. Damn. I can't shoot yet. Hindi ko pa kayang bumaril ng tao.

Ngayon naman ay pati ang babaeng nasa unahan ko ay panay ang pagbaril. Para akong tangang nakahawak sa tenga ko habang tumakbong sinunsundan siya. I can't shoot yet. I can't shoot yet. Fuck. Fuck.



"Damn! Down!" malakas na sigaw ng babaeng nasa unahan. Naramdaman kong dinambahan ako ng isa sa mga babae sa likuran para makadapa ako agad. Pilit namang sinisipa ng isa ang pintuan malapit sa amin para makapasok kami at hindi tamaan sa walang tigil na pagpapaulan ng bala.



"Fuck! Crawl faster! May tama ako!" sigaw ng babaeng nasa unahan ko. Agad kaming nakapagtago sa loob ng isang kwarto habang abala ang natitirang dalawang babae pakikipagpalitan ng baril.



"Shit! Dukutin mo ang bala!" napanganga na lang ako sa inaabot niyang matulis na parang kutsilyo. Seriously?



"I can't..I can't..." umiiling na sabi ko. Ano na itong nangyayari sa akin?



"You pointed us a goddamn gun! Nasaan ang tapang mo?! Go, tanggalin mo ang bala!" iritadong sabi niya sa akin.



"Bree! We're running out of bullets! Makakalapit na sila dito. We need back up, double ang bilang nila mula sa inaasahan. Mapapatay tayo dito!" pakinig ko ang ilang beses na pagmumura nang babaeng nasa harapan ko dahil sa sinabi ng kasamahan niya.

Huminga ako nang malalim bago ko sinimulan dukutin gamit ang bala sa tagilirang bahagi ng tiyan ang bagay na ibinigay niya sa akin na siyang desinyo para sa mga bumaong bala sa katawan.

Hindi ko maiwasang hindi humanga sa babae nang hindi ko man lang marinig ang kanyang pagdaing nang tuluyan ko nang makuha ang bala.



"Mababaw lang ang tama" siya na mismo ang nagbalot sa kanyang tiyan gamit ang parte ng kurtina na siyang hinila niya. Nang matapos siya sa pagtali sa kanyang sarili ay agad kong aapansin ang pagngisi niya habang nakatitig sa kanyang relo. Nang may pinindot siya dito ay agad akong nakarinig ng malakas na pagsabog.



"Oh fuck Bree! Bakit hindi mo agad sinabi?" masiglang sabi ng isang babae na nagsisimula nang maglakad papalapit sa amin. Agad kinuha ng babaeng ang kamay ng kasama niya para alalayan itong makatayo.



"Thanks Reen"



"Damn, ubos sila!" ngising sabi ng babaeng nasa labas na ng pintuan.



"Now go, umuna ka na sa amin babae. Nasa taas na rin ang mga kasamahan namin" hindi na ako nag aksaya pa ng oras dahil mabilis ko nang tinakbo ang hagdanan kung saan nagkalat ang mga walang buhay na katawan ng mga armadong lalaki.

I need to hurry. Halos lakad takbo ako para lamang makarating ako sa deck, at napasapo na lang ako sa aking bibig nang makitang ang karamihan masasayang mga bisita kanina ay kapwa na mga walang malay, may mga tama na ng bala at bugbog sa katawan.



A deck with full of blood... ano itong nakikita ko? Totoo ba ang mga ito? what the hell is this horrible scene?



Pero tuluyan na akong napaluhod sa panghihinan at nagtuluan na lang ang aking mga lumuha ako nang makitang hindi kasama ang lalaking mahal ko sa mga nakahandusay at dumadaing mula sa mga tama ng mga bala. He's fine, my Tristan is fine.

Lalong lumuwag ang dibdib ko nang makitang maging si Florence na kasalukuyang nasa harap ni Tristan at wala rin iniindang bala sa katawan.

Wala nang ampat ang mga luha sa aking mga mata lalo na nang lumingon sa banda ko si Tristan. My god! He's fine. He's fine, nasa maayos na kalagayan ang lalaking mahal ko.



Nagsimula na akong tumayo para salubungin ang papalapit na Tristan Ferell sa pero agad nanlaki ang aking mga mata nang makitang gumagalaw pa ang lalaking puno't dulo ng lahat.



"Tristan!" napasigaw na lang ako. Si Florence ang puntirya ng lalaki!

Agad kong tinawag ang pangalan ni Florence pero nanatili siyang parang walang naririnig habang nakatitig lamang sa lalaking unti unting nag aangat ng baril sa kanya.



"No! no! no.." agad kong inangat ang baril ko at isang beses akong nagpaputok sa lalaki pero huli na ang lahat...



Tinamaan niya na ang lalaking mahal ko....



Lalaking mahal ko na piniling yakapin ang kamatayan para sa ibang babae...



--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro