Chapter 31
Thanks @MylenMina
Chapter 31
Ilang beses kong sinipat ang aking relo habang nasa biyahe ako papunta sa pantalan ng Leviathan kung saan nakadaong ang cruise ship na siyang pagdadausan ng engrandeng kaarawan ni Florence. Kung hindi ako nagkakamali ay tanging malalapit na tao lamang ang mga imbitado.
Mahigpit na sabi ng mga kaibigan ni Florence na 7:30 pa lang ng gabi ay dapat kumpleto na ang mga bisita. Pero nang tingnan ko ang relo ko ay halos labinlimang minuto na akong huli. Damn, bakit inabot ako ng traffic ngayon?
Wala sa sarili kong muling pinaikot sa aking daliri ang laruang baril na hawak ko. Damn, bakit ba ako kinakabahan ngayon? Birthday ng kaibigan ko, bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil ba late na naman ako? Damn. Nakakahiya na kay Florence. Kung hindi lang sana masyadong nag abala si mommy sa magiging make up ko sana makakarating ako ng tama sa oras. Haist.
"Can't you stop that Lina? Why so nervous? You looked so tense.." itinigil ko ang pagpapaikot sa aking baril dahil sa sinabi ng aking kuya na nasa driver's seat. Kahit siya ay nahahalata na ang kakaibang ikinikilos ko.
"Am I? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kuya" sagot ko na lamang sa kanya. Pinili ko munang itanaw ang aking paningin sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang ilang sasakyan nalalampasan namin na may bukas na bintana. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinapanuod ang isang mag anak sa loob ng kanilang sasakyan. Sinusubuan ng asawang babae ang kanyang asawa na nagmamaneho habang nagtatawanan naman ang mga anak nito sa likuran.
"Alam mo kuya, ipapakilala na daw ako ni Tristan sa mga magulang niya" magaang sabi ko sa kapatid ko. Ano kayang klaseng magulang ang mayroon si Tristan? Istrikto ba sila? Mapangmata? Paano kaya nila ako pakikitunguhan?
"Uhuh? Akala ko nasa ibang bansa ang magulang ng mokong?" tanong sa akin ni kuya.
"Uuwi daw sila ngayong gabi, bukas ko na sila makikilala" kinakabahan ba ako dahil dito?
"Oh, seryoso ka na ba talaga Lina? Meeting his parents is another commitment, kung masisira kayo ng Ferell na 'yon malaki ang magiging epekto nito sa relasyon ng pamilya nila sa ating mga magulang. Isipin mo ang mga gagawin mo, masyado ka pang bata para sa malalim na relasyon Lina. Enjoy your life sister.." halos hindi ako nakakurap habang nakatitig sa aking kuya. Saan niya nakuha ang mga sinabi niyang ito sa akin? Nasaan ang kuya ko?
"Ace? Ikaw ba talaga 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Agad akong napapikit nang pitikin niya ako sa aking noo.
"I am little sis, ayoko lang na magsisi ka sa bandang huli. Ayokong mapagaya ka pa sa akin.." dito na ako tuluyang napanganga. What the hell? Ano itong naririnig ko sa aking kuya?
"Kuya? Sabihin mo nga sa akin? Na inlove ka na ba?" bahagya siyang umiling sa akin habang nakangisi. Agad akong napanguso sa hindi niya pagsagot sa akin.
"Kuya, you're too unfair. Ako sinasabi ko sa'yo ang lahat kahit alam kong ayaw mo kay Tristan. Kuya naman.." nagkunwari akong sumama ang loob sa kanya. Kahit sa totoong buhay hinding hindi ko kayang tiisin ang babaero kong kapatid na ito.
"Lina, hindi pwede.." natatawang sabi niya. Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Ilang beses pa siyang pilit akong kinausap pero pinanindigan ko ang pagkukunwaring galit sa kanya. Come on kuya, ikanta mo na ang babaeng pinagmulan ng lahat.
At dahil lagi naman akong nananalo sa ganitong larangan laban sa kanya, narinig ko na ang gusto kong marinig.
"Alright! Sasabihin ko na, wag mong sasabihin kay mom at dad. Okay?" napangiwi ako sa sinabi ni kuya. Kilala ba ni mommy at daddy ang babaeng naging rason kung bakit sobrang babaero ngayon nitong si kuya?
"Deal kuya.." ngumisi ako nang bahagya siyang napabuntong hininga.
"Who's the girl?" nanatili akong nakatitig kay kuya. Pansin ko rin ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa manibela bago siya lumunok at sabihin ang pangalan nang babaeng talagang nakapagpagulat sa akin.
"Nanally Eleanor Ferell" muntik ko nang maibato ang hawak kong laruang baril. Seriously? What a small world.
"OH MY GOD!" halos hindi ko na maalis ang titig ko sa aking kuya. Kaya ba ayaw niyang maging family lawyer ng mga Ferell si Mom at Dad? Kaya ba napakalaki ng galit niya sa mga Ferell?
This explains everything.
"Paano kayo nagkakilala ng kapatid ni Nero?" napakaganda ng kapatid ni Nero kumpara sa mga babaeng nakapulupot kay kuya na nakikita ko sa iba't ibang araw. Anong nangyari sa kanilang dalawa? Bakit pinakawalan pa niya ang kapatid ni Nero?!
"How?" tanong niya sa sarili. Nakita ko ang saglit na pagngisi niya bago muling naging seryoso ang mukha niya.
"Hindi mo na kailangang malaman Lina. Afterall, tapos na kami ng babaeng 'yon. Just remember that Ferells are damn heart killer, ayokong pati kapatid ko ay mabiktima nila" hindi na lang ako sumagot sa sinabi ni kuya dahil wala naman ako sa posisyon para magbigay ng kumento dahil hindi ko alam ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.
Nakarating na kami sa pantalan at kasalukuyan nang nakadaong ang isa sa pinakamagandang barkong nasilayan ko. Hindi ko akalaing may ganito kagandang barko akong makikita sa bansang ito. Akala ko ay hanggang sa ibang bansa na lamang ako makakakita nito.
Ngayon ko sasabihing ang mga Almero talaga ay isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Binuksan ko ang pinto ng kotse para makalabas pero agad akong napigilan ni kuya.
"Little sis, I think this will do.." hindi na ako nakaangal pa nang mabilis kumindat sa akin si kuya. Bago niya pinaharurot ang kanyang sasakyan pabalik.
Napatitig na lang ako sa hawak ko. Bakit niya ako binigyan ng totoong baril? Saglit lamang nangunot ang aking noo at nagkibit balikat na lang ako. Agad kong isinuksok sa aking gun holster na nasa aking kanang hita ang baril. Hindi naman siguro nila malalaman na totoo ito dahil kasama talaga ito sa custome ko.
Nagsimula na akong humakbang papalapit sa napakaliwanag na cruise ship. May kasiyahan na agad na sasalubong sa mga bisita hindi pa man sila nakakasakay sa barko.
Mga nagsasayawan na may mga makukulay na kasuotan at pintura sa kanilang mga mukha. May bumubuga ng apoy, tambulan at malalakas na musiko na siyang bumabati sa mga bisita.
"Welcome to El Profundo!" masiglang bati sa akin ng isang lalaking nakaamericana na inilalahad ang kanyang sombrero na parang nahingi ng bariya.
I'm starting to enjoy the theme of this party. Dahil may bariya ako sa aking bulsa sa hindi ko maintindihang dahilan ay nakapaglagay na ako sa sombrero nito.
"Muchos gracias senyorita.." ngumisi ako sa lalaki.
"De nada.." sagot ko na lang.
"Bang!" halos mapatalon ako nang may isang bisita na nakaitim din na kagaya ko na pabirong tinusok ang tagiliran ko.
"Nice outfit.." kumindat sa akin ang lalaki na alam kong mas bata sa akin sa kabila nang tangkad nito.
"Bilisan mo Lexus!" narinig kong tawag sa kanya ng mga kasamahan niya. Hindi nalingat sa akin ang supladong pinsan ni Florence na nakapamulsa nang naglalakad papalayo.
Pero hindi rin nagtagal ay natanaw ko na ang mga kaibigan ni Florence na siyang mga punong abala sa kaarawang ito.
"Girl!" agad akong tinakbo ng dalawang babae na nakasuot ng anghel na custome. Mabilis nilang kinilik ang mga braso ko.
"We need to hurry! Padating na si Florence" agad kumunot ang noo ko nang bahagyang pinisil ng isa sa kanila ang hita ko.
"Nice pair of legs, baka hindi lang si Nero ang mangagat ngayong gabi" napairap na lang ako sa sinabi ng mestizang babae. Papaano nila nalaman ang relasyon ko kay Tristan?
Agad kaming nagtungo sa bubog na elevator kung saan makikita ang bawat magagandang palapag ng barko dahil sa hindi kabilisang pagtaas nito. Kung ganoon ay sa deck mangyayari ang selebrasyon. Nang makarating kami ay agad sumalubong sa akin ang iba't ibang taong konektado sa aking kaibigan. Mula sa mga kadugo niya, sa mga Ferell at maging sa iba pa niyang mga kaibigan. Napapangiti na lang ako, masaya akong naging parte ng kasiyahang ito.
Iginala ko ang aking mga mata para makita si Tristan. Napansin ko na ang mga pinsan niya pero hindi pa nakikita ng aking mga mata ang lalaking kauna unahang gustong makitang nakasuot ako ng ganito.
Pinili ko munang tumayo sa dulong parte ng deck kung saan banayad kong dinadama ang hanging pang gabi. Inalala ko ang ika walong taong kaarawan ko, hindi ito kasing garbo katulad nito pero masasabi kong masaya ito. Kung sabagay, Florence deserves the best.
"Miss may nagpapabigay po.." napalingon na lang ako nang may isang waiter na may kung anong ibinibigay sa akin.
"What is this?" tanong ko sa kanya kahit nahuhulaan ko na ito.
"Pinabibigay lang po sa akin, sige po mauna na ako" isang woki toki lang naman ang ibinigay sa akin ng waiter. Agad kong pinindot ang PTT button nito bago ako nagsimulang magsalita.
"Tristan?" ngising panimula ko. Nakailang tawag ako sa kanya pero wala naman akong marinig na sagot. Nang binitawan ko na ang button ay bigla ko na lamang narinig ang boses ni Tristan.
"This is Cap Theo. Requesting for the presence of Lieutenant Isabelle, report to me immediately. By the way your legs are damn sexy from afar" what the fuck? Muli kong inilibot ang mga mata ko. Nasaan ang Tristan Ferell na ito?
"Hello? Tristan, where are you?" pinagloloko ba ako nitong si Tristan?
"4th floor, room 422" nairap na lang ako sa sinabi niya.
"Copy" maiksing sagot ko.
Dahil hindi pa naman dumadating si Florence ay makakarating pa naman ako sa kwartong sinasabi ni Tristan. Ano na naman kayang gustong mangyari ng lalaking minero?
Pinindot ko na ang 4th floor nang makasakay na ako sa elevator. At hindi naman ako pinaghintay nito nang matagal bago ako makababa at sinimulang maglakad habang dinadaanan ang mga nakasarang pintuan. Nang makita ko na ang pintuan ng kwartong sinasabi ni Tristan ay marahan akong huminga ng malalim.
Marahan akong kumatok at dahan dahan kong pinihit ang doorknob. Agad sumalubong sa akin si Tristan na kasalukuyang nagsasalin ng wine sa dalawang wine glass na nakapatong sa isang maliit na lamesa na may nakapatong na nakasinding kandila.
Damn romantic, Cap Theo..
"Mind joining me, miss?" ipinaghila niya ako ng upuan para makaupo ako bago siya bumalik at naupo na rin.
"What is this Tristan?"
"A formal date?" ngising sagot niya sa akin. Bakit ngayon pa niya naisipan ang formal date namin? Haist. Napataas na lang ako ng kilay nang may inabot siya kumpol ng pulang rosas sa akin na nakatago pala sa ilalim ng lamesa.
Nang tanggapin ko ang bulaklak mula sa kanya ay biglang tumunog ang isang instrumental music. Tumayo si Tristan at inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Shall we dance Lieutenant Isabelle?" agad kong inabot sa kanya ang aking mga kamay.
"Yes Cap Theo.." nang makatayo na ako ay agad niyang hinapit ang bewang ako. Ganun din ang mga kamay ko sa kanyang batok.
"I want you to be my first dance" nagpatuloy lang kami sa bahagyang pagsasayaw habang sinusundan ang marahang instrumental music.
"Ayokong magseselos ka mamaya" napangusong muli ako.
"Yes, aminado ako noon na nagseselos ako kay Florence. Pero ngayong matagal na tayo Tristan, na marami na tayong alam sa isa't isa. Na alam nating dalawa na mahal natin ang isa't isa, ni minsan hindi na sumagi sa akin ang salitang 'selos' para sa kaibigan ko" naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko.
"I love you Isabelle.." sasagot pa sana ako nang kapwa kami napatingin sa bintana ng kwarto. Biglang nagkakulay ang madilim na kalangitan.
"Florence" sabay naming nasabi. Agad kong hinila ang kamay ni Tristan para makalabas na kami sa kwarto.
"Kailangan kasama tayo sa sasalubong sa kanya" ngising sabi ko sa kanya habang patakbo kaming papunta sa elevator. Nang makasakay kami dito ay kapwa kami nagtawanan dahil sa ginawa naming pagtakbong dalawa.
"Hindi tayo mahuhuli Lina" naiiling na sabi niya sa akin. Nang mabuksan ang elevator ay agad kung hinagip ang kamay ni Tristan para makalabas kami. Akala ko ay magpapahila na siya sa akin pero mukhang nabaliktad ang pangyayari.
"Let's play the elevator for a while" nanlaki na lang ang mata ko nang makitang pinindot ni Tristan ang groundfloor ng elevator. At tuluyan na kaming hindi nakalabas.
"Tristan!"
"3 minutes.." hindi na ako nakaangal nang lumapat ang likuran ko sa elevator at napapikit na lang ako nang angkinin ni Tristan Ferell ang aking mga labi. Napasinghap na lang ako nang agad kong maramdaman ang isang kamay niya sa aking kanang hita. Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang gawin at malugod kong sinagot ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Damn Cap Theo.
"Tristan.." kapwa mabibigat ang aming paghinga nang maghiwalay ang aming mga labi.
"Your legs are damn tempting Lina, just let me touch it for 3 minutes.." hindi na ako nakasagot nang muli niyang angkinin ang aking mga labi.
Cap Theo and his digging skills...
--
VentreCanard
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro