Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3


Panay ang pagtugon ko sa bawat paggalaw ng kanyang mga labi sa akin. Fuck! What are you doing Lina? You can't just allow this gorgeous monster to savage your lips. Naramdaman ko na lang ang mabilis niyang kamay na iniisa isa nang tinatanggal ang butones ng uniporme ko. What the hell? Kissing is enough. Hindi ko na hahayaang hubaran ako ng lalaking ito. Damn this Lina! Hindi ka pinalaking ganito ng mga abogado mong magulang. Do something!

Itutulak ko na sana siya nang kapwa kami napamulat sa malakas na tili ng aming librarian. Awtomatiko siyang umalis sa pagkakadagaan sa akin at mabilis siyang humarang sa harapan ko para maayos ko ang sarili ko. Dapat ko ba itong ipagpasalamat?


"Anong ginagawa nyo?! Mga kabataan nga naman! Ayusin nyo ang sarili nyo! Madali kayo at mag ayos! Dadalhin ko kayo sa discipline office! Masyadong mapupusok! Dudungisan nyo pa ang library ng paaralan!" sigaw na ng sigaw ang librarian sa amin. Nangangatal na ang mga kamay ko sa pag aayos sa sarili ko, sa nagusot kong uniporme at sa buhok kong nagsabog na.


"Susunod na po kami Ms. Alday" tamad na sabi ni Tristan. Nilingon niya ako at sinipat niya ako nang mabilis.


"Are you done?" maiksing tanong niya sa akin na inirapan ko lang naman.


"Aksidente ang nangyari, wag mong palakihin ang ulo mo" ismid na sagot ko sa kanya.


"What are you talking about?" kunot noong tanong niya sa akin.


"I mean, kalimutan mo na ang nangyari. You're good at seducing, naging pabaya ako" tumayo na ako, ganun din siya na bahagyang nag inat inat na parang walang nangyari at hindi kami nahuli. Siguro sanay na siya sa bagay na ito?


"Where's the discipline office Ms. Alday?" kampateng tanong niya na parang canteen lang ang hinahanap niya.


"Ilang taon ka na dito? Bakit hindi mo pa alam kung nasaan ang discipline office?" anggil niyang sagot kay Tristan.


"Ang layo ng sagot mo Ms. Alday, kami na lang ang maghahanap" mabilis niyang hinagip ang aking mga kamay at basta na lang niya ako hinila palabas. Wala akong nagawa sa kahihila niya sa akin, ayoko rin namang magtagal sa library na 'yon.


"Bitawan mo ko Ferell" agad niya akong binitawan sa sinabi ko.


"Seryoso ang matandang dalagang 'yon. We'll be on hot seat in no time, kung hindi mo sana sinira ang pagtulog ko, walang mangyayaring ganito" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ako pa ang sinisisi niya sa lahat? What the hell?


"Who kissed first?" matapang na sagot ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko ay siya ang unang humalik sa amin dalawa. Nadala lang ako! Fuck.


"Hindi 'yon ang usapan Hidalgo, you crawled and seduced me on my own den. Wag mo akong sisihin kung bakit kita inatake kanina nasa teritoryo kita, inihain mo ang sarili mo sa akin. You expect me to decline a hopeless woman?" what the fuck? Naririnig niya ba ang pinagsasabi niya? Kailan pa niya naging teritoryo ang library? Crawled and seduced? Tang ina?! Hopeless woman? Inihain ang sarili?


"Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? Ang taas ng tingin mo sa sarili mo" galit na sabi ko sa kanya.


"You should be grateful, my lips touches you. Hinayaan kitang gawin ang gusto mo" kung wala lang ako sa loob ng university ay binigyan ko na siya ng malakas na suntok sa likuran niya.


"Fuck you Ferell" tanging pagmumura na lang ang naisagot ko. Ang tataas ng tingin ng mga Ferell na ito sa kanilang mga sarili. Bakit kaya sa GyroNella pa nila naisipang pumasok? Napakalaking salot nila sa university na ito.

Tumigil siya sa paglalakad nang marinig niya ang mura ko at humarap sa akin na may seryosong mga mata.


"Hindi mo kilala ang minumura mo Hidalgo. I'm reminding you, hindi lang ako umaatake sa teritoryo ko" pagbabanta niya sa akin na bahagyang nakapagpahakbang sa akin paatras. Shit!


"What's with this Ferell? Akala ko ba hindi na magkukrus ang mga landas natin?" muli siyang natigilan sa sinabi ko.


"Hindi ko rin alam Hildago" maiksing sagot niya sa akin. Nakarating kami sa discipline's office na wala nang imikan. Sinalubong kami ng mga galit na mata ng mga kilalang tao na talaagang may posisyon sa paaralan. Damn. Ang tanga tanga ko talaga.

Kasalukuyan na akong nakatungo habang panay ang pagpapalitan ng salita ng dalawang discipline officer, ang librarian na nakakita sa amin at ang guidance counselor ng GyroNella tungkol sa nakita nila sa amin ni Tristan Ferell. Hinihintay na din namin ang pagdating ng aming mga magulang.

Muli kong sinulyapan ang Ferell na mukhang hindi naalarma at tamad na tamad na humihikab habang naka cross legs sa harapan ko. Gustong gusto ko nang kalmutin ang mukha niya dahil sa inaasta niya ngayon. Ano ba namang katangahan ang pumasok sa isip ko at nakipaghalikan ako sa lalaking ito ng walang dahilan?

Hindi ko alam! Nang sandaling nagbukas ang kanyang mga mata, para nang hinigop ang tama kong pag iisip at hinayaan ko na lang gumalaw ang aking mga labi at sumunod sa bawat paggalaw ng labi ng lalaking kasalukuyang ngumingisi sa harapan ko ngayon. Fuck this Ferell.

Delikadong makipagtitiga sa kanya. His eyes are goddamn curse for women.


"Miss Gomez, mali po ang iniisip nyo. Wala pong nangyayari sa amin, it was just an accident. Nadulas ako at nagkataong nandoon siya, he just helped me. We're not doing anything, maniwala po kayo sa akin" halos magmakaawa ako sa mga taong nag uusap ngayon. Alam kong hindi ko makukumbinsi ang librarian dahil nakita niya ang lahat pero nagbabakasali akong maaawa sa akin ang mga discipline officer at guidance counselor. Nahihiya ako sa mga magulang ko, halos ipagtabuyan ko ang lalaking ito tapos malalamang gumagawa kami ng milagro sa library? Damn.


"Kitang kita ng mga mata ko ang nangyari, wag ka ng magsinungaling Ms. Hidalgo" madiing sabi sa akin ng librarian. Nanatiling nagmamakaawa ang aking mga mata sa guidance counselor. Please, maaawa po kayo sa akin hindi ito pwedeng malaman ng mga magulang ko.


"Tristan Ferell!" tinawag ko na ang atensyon niya. Siguro naman ay ayaw niya rin na makarating ito sa lolo niya. He needs to cooperate. Kumunot ang noo niya sa akin at bumuntong hininga pa siya. What does it mean?


"Pinalaki po ako ng tama ng lolo ko. Hindi po ako sinungaling, we were actually exchanging salivas a while ago. We were kissing Isabella, umamin na tayo" napanganga na lang ako sa mabilis niya sagot na halos magpausok sa mga ilong ng matatandang counselor at officer.


"Fuck! Ano ba ang problema mo sa akin?!" napatayo na ako, hindi pwedeng ganito. Ano na lang ang sasabihin ko sa mga magulang ko? I don't like this damn Ferell. At sisiguraduhin nilang mapapatali ako sa lalaking ito, dahil sa insidenteng ito. Fuck! Bakit hindi ko ba naisip ito nang naghahalikan kami?


"No comment, let's just wait our parents" tamad na sagot niya sa akin. Damn.


"Maniwala po kayo sa akin, may galit po sa akin ang lalaking 'yan. Pinadugo ko po ang ilong niya. Nagagawa gawaan lang po siya, wala po kaming ginagawang milagro" naniningkit na ang mga mata sa akin ng mga discipline officer na parang hindi na makukumbinsi sa mga sinasabi ko. Panay din ang ismid sa akin ng librarian sa mga sinasabi ko.


"Hintayin mo na lang ang magulang mo Ms. Hidalgo, kailangang nandito ang mga magulang nyo kapag ipinaliwanag namin sa inyo ang parusa para sa inyong dalawa. Paaralan ito mga anak hindi motel.." mahinang sagot sa akin ng guidance counselor. Naiiyak na ako sa sinasabi niya sa akin, damn. Wala na.

Nanlumo akong muling napaupo sa sinabi ng guidance counselor. Hindi nakalampas sa aking mga mata ang pagtaas ng kilay ng walang hiyang Ferell sa akin. Fuck you. Hindi ito maaari. Damn.


"Please po, kahit ibang kasalanan na lang po ang sabihin nyo sa parents ko. Gagawin ko po ang kahit anong parusa na gusto nyo, wag nyo lang pong iparating sa magulang ko ang bagay na ito. Magdodonate po kami dito buwan buwan, please po" naiiling na sa akin ang mga discipline officer maging ang guidance counselor.


"Enough Isabella, alam nating dalawa na muntik na tayong makabuo kung hindi lang tayo nahuli ng librarian" halos himatayin ako sa sinabi ng walang hiyang Ferell. Pinapalala lang ng bibig niya ang sitwasyon! Fuck.


"Fuck you! Stop calling me Isabel—"


"Lina!" nangatal ako sa boses ng daddy ko. Dahan dahan kong inilingon ang paningin ko sa pintuan at halos manlambot ang tuhod ko sa talim ng mata ng aking mga magulang.


"Mommy, daddy" agad nakipagkamayan ang mga magulang ko sa mga discipline officers, guidance counsellor at librarian na nakahuli sa amin.


"Pasensya na kung naabala namin kayo attorney" naupo na si Daddy at Mommy sa tabi ko na may nagtatanong ng mga mata sa akin.


"Mr. Ferell, anong ginagawa mo dito?" tanong ni daddy kay Tristan nang mapansin niya ito. Sasagot na sana ang magaling na Ferell nang marinig namin ang pamilyar na boses ng matanda.


"Ikaw naman ngayon Tristan?! Isang beses sa isang linggo na ako sa opisinang ito dahil sa inyo!" bungad ng matandang halatang stress na stress na. Ikaw ba naman ang magkaroon ng limang apo? Ang balita ko ay kakagaling lang dito ni Troy Ferell.

Hindi siya sumagot sa lolo niya, nang sandaling napalingon sa gawi namin si Don Ferell ay bahagya rin siyang nagulat sa mga magulang ko.


"Atty. Hidalgo? Anong ginagawa nyo rito?" naupo na rin ang Don Ferell. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang tumikhim na ang guidance counselor bilang panimula.


"Pinatawag po namin kayo dahil sa mga kasalanang nagawa ng mga bata. Alam ko namang hindi na bago ang kapusukan sa mga kabataan ngayon pero sana naman po ay ilugar natin" pinagpapawisan na ako ng malapot sa sinasabi ng guidance counselor.


"Bakit hindi nyo na kami diretsuhin Mrs. Gomez?" pormal na sabi ng aking daddy. Fuck this Ferell. Siya ang may kasalanan ng lahat nang ito.


"Nahuli po ng aming librarian na gumagawa ng kapusukan ang anak nyo at ang Ferell na nasa harap niya sa pinakadulong parte ng aming library" napapikit na lang ako sa katahimikang bumalot sa kabuuan ng silid. Damn.


"Nararapat lang ng parusahan ang mga batang ito. Pinapatalsik na ba ng paaralang ito ang aking apo?" pormal na tanong ni Don Ferell na mukhang hindi na nagulat sa sinabi ng guidance counselor. Immune na ba siya sa mga ganitong kaso ng mga apo niya?


"Hindi naman po, apat na araw po silang nakasuspendeng umattend ng mga klase. May tatlong araw din po silang community service. Sana po ay mapagsabihan nyo ang mga bata. Mag aral muna kayo mga hijo, hija. Pahalagahan nyo ang pag aaral at hindi puro kapusukan ang inaatupag nyo" nakatungo na lang ako hanggang sa matapos ang usapan ng mga matatanda.

Nanatiling mahinahon ang aking mga magulang hindi katulad ng tipikal na mga magulang na sununtok na ang lalaki at pinuno na ng pagbabanta sa buhay. Lumabas na kami ng opisina ng guidance counselor at kasalukuyan nang magkaharapan ang aking mga magulang at si Don Ferell. Mas lalo akong kinakabahan.


"Atty. Hidalgo, pwede ba naming hiramin ng aking apo ang ilang oras nyo?" sa halip na sagutin siya ni daddy ay humarap ito kay Tristan Ferell na kanina pang walang imik.


"Hahayaan mo ba na ang lolo mo ang gumawa ng solusyon sa lahat hijo?" hindi ko alam kung bakit bigla akong kinilabutan nang sandaling magtama muli ang aming mga mata. Ano ba ang meron sa mata ng lalaking ito?


"I'm not good on talking attorney at aminado po akong bihira lang ako magsalita, may tiwala po ako sa mga desisyon ng lolo ko. I'll follow him kung anuman ang magpag usapan nyo. I know the consequences of my actions. Paninindigan ko po ang anak nyo" dumiin ang pagkakahawak sa akin ni mommy sa sinabi ni Tristan Ferell. Bakit parang buntis ako sa paraan ng pagsasalita niya?

Maging si Daddy ay hindi agad nakabawi sa sinabi niya.


"And yes attorney, I kissed your daughter. We kissed. At hindi ko po maipapangakong hindi ko ito uulitin" nanlaki ang mata ko sa harapang sinabi niya sa aking ama. Hindi niya ba kilala ang kaharap niya? Nararamdaman ko rin ang kurot ni mommy sa tagiliran ko.


"Tristan!" sinigawan na siya ni Don Ferell.


"You are really something hijo" napakunot na ang noo namin ni mommy sa sagot sa kanya ni Daddy. Akala ko ay magagalit na siya sa sinabi ng Ferell na ito.


"Alam kong naiintindihan nyo ako attorney. That feeling was exquisite at alam kong naramdaman nyo rin ito sa unang halik nyo ni Attorney Lean. I am a Ferell and I have my one word. I am responsible for your daughter's corrupted lips and I am willing to do everything just to win her" napanganga na lang ako sa sinasabi ng Ferell na ito. Bakit may ganito na? Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

I don't understand! Bakit biglaan? Ilang buwan na kaming walang pansinan bakit bigla niyang sinasabing ang mga ito?


"I am expecting you tomorrow hijo" matigas na sabi ni daddy kay Tristan.


"I will attorney. I will" tumango na lang sa kanya si Daddy bago kami tumalikod sa maglolo. Bakit parang sila na lang ni daddy ang nagkakaintindihan?

Nalilito akong lumalakad papalayo kasama ni mommy at daddy. What's wrong with that Ferell? Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Nalilito na ako, akala ko ba ay ayaw niya sa akin? What's with this fucking mess? Wala sa mga ikinikilos niya kanina na gagawin at sasabihin niya ang mga bagay na ito. Nasa loob na ba ako ng laro ng isang Ferell?


"Isabella!" nanginig ang tuhod ko nang tawagin niya na naman ako. Damn, hindi ba siya natatakot sa mga magulang ko? Ang lakas ng loob niya. Akala ko ay ako lang ang lilingon sa kanya, pero maging ang mga magulang ko ay napalingon dahil sa pagtawag niya sa akin.


"I won't say sorry for kissing you. Never"


--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro